Arkidiyosesis ng Baltimore
Arkidiyosesis ng Baltimore Archidioecesis Baltimorensis | |
---|---|
Kinaroroonan | |
Bansa | Estados Unidos |
Nasasakupan | Lungsod Baltimore at mga county ng Allegany, Anne Arundel, Baltimore, Carroll, Frederick, Garrett, Harford, Howard, at Washington |
Lalawigang Eklesyastiko | Baltimore |
Estadistika | |
Lawak | 4,801 km² |
Populasyon - Kabuuan - Katoliko | (noong 2015) 3,216,626 509,491 (15.8%) |
Parokya | 144 |
Kabatiran | |
Denominasyon | Katoliko |
Ritu | Ritung Romano |
Itinatag na - Diyosesis | 6 Nobyembre 1789 (235 years) |
Katedral | Katedral ng Mary Our Queen |
Ko-katedral | Basilika ng Pambansang Dambana ng Assumption of the Blessed Virgin Mary |
Patron | Inmaculada Concepcion Ignacio ng Loyola[1] |
Kasalukuyang Pamunuan | |
Papa | Francisco |
Kalakhang Arsobispo | William E. Lori |
Katulong na Obispo | Mark E. Brennan Adam J. Parker |
Obispong Emerito | Denis J. Madden |
Mapa | |
Website | |
archbalt.org |
Ang Kalakhang Arkidiyosesis ng Baltimore (Latin: Archidioecesis Baltimorensis, Ingles: Archdiocese of Baltimore) ay ang nangungunang sede ng Simbahang Katolika sa Estados Unidos. Saklaw ng arkidiyosesis ang lungsod ng Baltimore at 9 sa 23 county ng Maryland sa gitna at kanlurang bahagi ng estado: Allegany, Anne Arundel, Baltimore, Carroll, Frederick, Garrett, Harford, Howard, at Washington. Ang naturang arkidiyosesis ang siyang kalakhang sede ng higit na malawak na Eklesyastikong Lalawigan ng Baltimore. Dating bahagi ng Arkidiyosesis ng Baltimore ang ngayo'y Arkidiyosesis of Washington.
Ang Arkidiyosesis ng Baltimore ang pinakamatandang diyosesis sa Estados Unidos na nasa loob ng hangganan ng bansa nang magpahayag ng kasarinlan ang Estados Unidos noong 1776. Pinagkalooban ng Santa Sede ang Arsobispo ng Baltimore na manguna sa liturhiya, pagpupulong, at mga konsilyo plenaryo noong 15 Agosto 1859.[2] Bagaman walang katayuang primado ang Arkidiyosesis ng Baltimore, ito pa rin ang nangungunang sede ng Simbahang Katolika sa Estados Unidos bilang "prerogative of place".
Sakop ng arkidiyoses ang 518,000 Katoliko, 145 parokya, limang ospital, 28 home for the aged, pitóng pamparokya/pandiyosesis na mataas na paaralan, 13 pribadong mataas na paaralan, at apat na Katolikong kolehiyo/pamantasan.
May dalawang malaking seminaryo ang Arkidiyosesis ng Baltimore: ang St. Mary's Seminary and University sa Baltimore at Mount St. Mary's University sa Emmitsburg.[3][4]
Itinampok ang arkidiyosesis sa isang dokumentaryo ng Netflix The Keepers na nagbunyag ng mga nangyaring pang-aabusong seksuwal sa Archbishop Keough High School at ang pagpatay sa madreng si Sister Catherine Cesnik noong 1969. Ibinunyag nito noong 2016, na mula 2011 nakipag-ayós at binayaran ng Arkidiyosesis ng Baltimore ang maraming biktima ng pang-aabuso.[5]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "St. Ignatius Feast Day – The Archdiocese of Baltimore". Inarkibo mula sa orihinal noong 10 Agosto 2016. Nakuha noong 6 Oktubre 2014.
{{cite web}}
: Unknown parameter|Language=
ignored (|language=
suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Precedence". Catholic Encyclopedia (sa wikang Ingles). New York City: Robert Appleton Company. 1911. Nakuha noong 26 Pebrero 2016.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Kay, Liz F. (14 Hulyo 2007). "New home for a new archbishop". The Baltimore Sun (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 6 Marso 2016. Nakuha noong 26 Pebrero 2016.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Corrigan, G.M. (4 Agosto 2007). "Archbishop O'Brien to begin stewardship with listening tour". The Washington Examiner (sa wikang Ingles). Nakuha noong 18 Abril 2019.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Knezevich, Alison (15 Nobyembre 15, 2016). "Baltimore archdiocese pays settlements to a dozen people alleging abuse by late priest". The Baltimore Sun (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 10 Agosto 2017. Nakuha noong 5 Agosto 2017.
{{cite news}}
: Check date values in:|date=
(tulong)