Pumunta sa nilalaman

Bob Kane

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Bob Kane
Pumuwesto si Kane sa isang pinta ng Batmobile noong 1966
Ipinanganak noongRobert Kahn
24 Oktubre 1915(1915-10-24)
Lungsod ng New York, New York, Estados Unidos
Namatay noong3 Nobyembre 1998(1998-11-03) (edad 83)
Los Angeles, California, Estados Unidos
PagkamamamayanAmerikano
(Mga) LaranganManunulat, Naglalapis
Mga kilalang gawaBatman
Detective Comics
AsawaBeverly (k. noong dekada 1940; diniborsyo noong 1957)
Elizabeth Sanders (1987-1998; sa kanyang kamatayan)

Si Robert Kane (ipinanganak Robert Kahn /kɑːn/; 24 Oktubre 1915 – 3 Nobyembre 1998) ay isang manunulat at tagaguhit ng komiks na nilikha kasama si Bill Finger, ang karakter na Batman ng DC Comics. Niluklok siya ng industriya ng komiks sa Jack Kirby Hall of Fame (Bulwagan ng Kabantuganan ni Jack Kirby) noong 1994 at sa Will Eisner Comic Book Hall of Fame (Bulwagan ng Kabantuganan sa Komiks ni Will Eisner) noong 1996.

Unang buhay at gawa

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ipinanganak si Robert Kahn sa Lungsod ng New York, New York.[1] Sina Augusta at Herman Kahn, isang mang-uukit, ang kanyang mga magulang,[2] na may lahing Hudyo na taga-Silanganing Europa.[3][4] Kaibigan niya sa mataas na paaralan ang kasamang mangguguhit ng kartun at ang hinaharap na lumikha kay Spirit na si Will Eisner.[5] Nagtapos si Robert Kahn sa Mataas na Paaralan ng DeWitt Clinton at pagkatapos, legal na pinalitan niya ang kanyang pangalan sa Robert Kane.[6] Nag-aral siya ng sining sa Cooper Union bago sumama sa istudiyo ni Max Fleischer bilang isang nagsasanay na tagaguhit noong 1934.[7]

Pumasok siya sa larangan ng komiks pagkatapos ng dalawang taon, noong 1936, bilang isang malayang trabahador na gumagawa ng orihinal na materyal para sa patnugot na si Jerry Iger sa kanyang komiks na Wow, What A Magazine!, kabilang ang una niyang gawa sa lapis at tinta sa seryeng Hiram Hick.[8] Noong sumunod na taon, nagsimulang magtrabaho si Kane sa sumunod na istudiyo ni Iger na Eisner & Iger, na isa sa unang komiks na "nagpa-package" na lumilikha ng mga komiks sa pangangailangan para sa mga tagapaglathala na pumapasok sa bagong medyum sa panahon ng huling bahagi ng dekada 1930 at dekada 1940 ng Golden Age o Ginintuang Panahon ng Komiks. Isa sa mga gawa niya roon ay ang nakakatawang hayop na si "Peter Pupp" — na pinabulaanan ang itsura na may konotasyon ng "hiwaga at panganib"[8] — na nailathala sa magasin sa Reino Unido na Wags at muling nilathala ng Jumbo Comics. Nagtrabaho din si Kane sa Eisner & Iger para sa dalawa ng mga kompanyang na magsasanib sa kalaunan bilang DC Comics, kabilang ang tinanghal na katatawanan na "Ginger Snap" sa More Fun Comics, "Oscar the Gumshoe" para sa Detective Comics, at "Professor Doolittle" para sa Adventure Comics. Para sa huling titulo, nagpatuloy siya upang gawin unang istrip ng pakikipagsapalaran na "Rusty and his Pals."

Noong unang bahagi ng 1939, ang tagumpay na natamo ng DC sa superhero nitong si Superman sa Action Comics ay nag-udyok sa mga patnugot na mag-agawan para sa marami pang mga bayani o hero. Bilang tugon, inisip ni Kane ang "the Bat-Man."[9] Sinabi ni Kane na ang kanyang impluwensiya para sa paglikha ng karakter ay kinabibilangan ng pagganap sa pelikula ng artistang si Douglas Fairbanks na binigyan buhay ang taong mapangahas na si Zorro; ang banghay ni Leonardo da Vinci ng ornithopter, isang lumilipad ng makina na may malaking pakpak na parang paniki; at ang pelikula noong 1930 na The Bat Whispers, batay sa nobelang misteryo ni Mary Rinehart na The Circular Staircase (1908).[10]

Sumama si Bill Finger sa kabubukas pa lamang na istudiyo ni Bob Kane noong 1938. Isang naghahangad na manunulat at di-permanenteng tindero ng sapatos, nakilala niya si Kane sa isang piging, at sa kalunan, inalok siya ni Kane ng trabaho para maging lihim na tagapagsulat (o ghostwriter) para sa mga istrip na Rusty at Clip Carson.[11][12]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Boxer, Sarah (7 Nobyembre 1998). "Bob Kane, 83, the Cartoonist Who Created 'Batman,' Is Dead". The New York Times (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 29 Setyembre 2015.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Mondello, Salvatore; Carnes, Mark C. (2005). American National Biography: Supplement 2 (sa wikang Ingles). Oxford University Press. ISBN 978-0195222029. Nakuha noong 30 Disyembre 2012.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Holy sunflowers! How Batman drove Van Gogh out of town". Irish Independent (sa wikang Ingles). 20 Marso 2010.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Bloom, Nate (18 Hulyo 2008). "Jewish Stars" (sa wikang Ingles). Cleveland Jewish News.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Weinstein, Simcha (2006). Up, Up, and Oy Vey! (sa wikang Ingles) (ika-1st (na) edisyon). Leviathan Press. ISBN 978-1-881927-32-7.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Kane, Bob; Tom Andrae (1989). Batman & Me (sa wikang Ingles). Forestville, California: Eclipse Books. p. 44. ISBN 1-56060-017-9.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Chris Ryall, Scott Tipton, Comic Books 101: The History, Methods and Madness (Impact Books, 2009). ISBN 978-1-60061-187-2 (sa Ingles)
  8. 8.0 8.1 Desris, Joe (1994). "Biography". Batman Archives, Volume 3 (sa wikang Ingles). DC Comics. p. 223. ISBN 1-56389-099-2.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Daniels, Les (1999). Batman: The Complete History (sa wikang Ingles). San Francisco, California: Chronicle Books. p. 18. ISBN 0-8118-4232-0.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. Daniels, pahina 20 (sa Ingles)
  11. Walker, Brian (2004). The Comics Since 1945 (sa wikang Ingles). Lungsod ng New York: Abrams Books. pp. 10-12. ISBN 978-0810992603.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. Steranko, Jim (1970). The Steranko History of Comics (sa wikang Ingles). Reading, Pennsylvania: Supergraphics. p. 44. ISBN 0-517-50188-0.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)