Capricorn
Ang Capricorn ang pangsampung signos ng sodyak at pinamumunuan ng buntalang Saturn. Maraming astrologo na itinuturing na pinakamalakas na na signos ito sa sodyak.
Ang mga taong ito ay matipid, masipag, at nakatuon para maabot ang kanilang mga pangarap. Kung tatahakin nila ang matuwid na landas, maabot nila ang pinakarurok ng tagumpay. Kung kasamaan naman ang kanilang pinili, maaabot din nila ang rurok ng tagumpay, pero sigurong napakalakas ng kanilang paglagpak at pagkasira ng kanilang mga pinaghirapan. Halimbawa nito ang dating Presidente ng Estados Unidos na si Richard Nixon, isang Capricorn na napababa sa pagkakaluklok bilang Presidente dahil sa kakulangan ng integridad. Ito ay sa kadahilanang ang namumunong buntalang si Saturn ay parating nagbibigay ng matuwid na hustisya... kung anong itinanim ay siyang aanihin. Magtanim ng mabuting binhi, aani ng sagana. Magtanim ng pangit na binhi, aani din ng masama.
Praktikal ang mga Capricorn. Wala silang inuurungan. Mabuti at tapat na kaibigan pero masamang kaaway kasi di sila papatalo. Malinis silang trumabaho at metikuloso. Kung boss mo sila, pwepwersahin ka talaga nila magtrabaho na akala mo ay alipin ka.
Hindi natatagalan ng mga Capricorn ang mga pusisyong hindi sila ang pinuno. Gusto nilang nasusunod sila kahit na sa mga maliliit na bagay. Karaniwan, mahahaba talaga ang buhay ng mga Capricorn. Kapag bata pa ang mga ito, para silang matanda na kung mag-isip, pero kung tumanda naman sila akala mo mga bata pa.
Maliban sa pagiging seryoso ng mga Capricorn, sila din ay matipid, ambisyoso, praktikal, hindi pabigla-bigla kung kumilos, maasahan, parating nababahala, at napakasipag.
Interes ng mga Capricorn ay negosyo, materyal na tagumpay, at parating namumuno.
- Namumunong Buntala: Saturn
- Pinamumunuan: Ikasampung Bahay ng sodyak
- Kalidad: Cardinal
- Elemento: Lupa
- Pagsasalarawan: Ambisyon
- Katanyagan: Pagkamagalangin
- Depekto: Mapangmata
Kung ang Capricorn ay nasa cusp (bakuran) ng isang Bahay ng sodyak, o kung alin mang buntala ang nasa Capricorn, ang suliranin ng buntalang iyon, o ng Bahay na iyon, ay naiimpluwensiyahan ng disiplina sa sarili, ambisyon, walang pakialam, pagseseryoso, hangarin na maabot ang tagumpay, minsan pagkakandidato o pagiging isang kilala tao sa lipunan, pagtitipid minsan sobrang pagiging kuripot, kasipagan, at responsibilidad [1]
Galeriya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Hewitt, William, Astrology for Beginners, 2002, B. Jain Publishers, New Delhi, pp.288, ISBN: 81-7021-1180-1