Castrocaro Terme e Terra del Sole
Castrocaro Terme e Terra del Sole | |
---|---|
Comune di Castrocaro Terme e Terra del Sole | |
Mga koordinado: 44°11′N 11°56′E / 44.183°N 11.933°E | |
Bansa | Italya |
Rehiyon | Emilia-Romaña |
Lalawigan | Forlì-Cesena (FC) |
Mga frazione | Castrocaro Terme (luklukang munisipal), Terra del Sole, Pieve Salutare |
Pamahalaan | |
• Mayor | Marianna Tonellato |
Lawak | |
• Kabuuan | 38.95 km2 (15.04 milya kuwadrado) |
Taas | 68 m (223 tal) |
Populasyon (2018-01-01)[2] | |
• Kabuuan | 6,350 |
• Kapal | 160/km2 (420/milya kuwadrado) |
Demonym | Castrocaresi at Terrasolani |
Sona ng oras | UTC+1 (CET) |
• Tag-init (DST) | UTC+2 (CEST) |
Kodigong Postal | 47011 (Castrocaro at Pieve Salutare), 47010 (Terra del Sole) |
Kodigo sa pagpihit | 0543 |
Websayt | Opisyal na website |
Ang Castrocaro Terme at Terra del Sole (Romañol: Castruchèira o Castruchêra e Tèra de Sòlis ) ay isang comune (komuna o munisipalidad) sa lalawigan ng Forlì-Cesena, rehiyon ng Emilia-Romaña, Italya, na matatagpuan mga 60 kilometro (37 mi) timog-silangan ng Bolonia at mga 10 kilometro (6 mi) timog-kanluran ng Forlì.
Ang comune ay binubuo ng tatlong maliliit na bayan: Castrocaro, Terra del Sole, at Pieve Salutare. Ang Terra del Sole, na itinatag bilang kuta noong ika-16 na siglo ni Cosimo I de' Medici, ay pinaniniwalaang sumasakop sa lugar ng sinaunang lungsod ng Solona, na ipinahiram ang pangalan nito sa bayan na Terra del Sole.[4]
Ang Castrocaro Terme e Terra del Sole ay may hangganan sa mga sumusunod na munisipalidad: Brisighella, Dovadola, Forlì, Modigliana, at Predappio.
Ang Castrocaro ay tahanan ng isang spa. Ito rin ang pinangyayarihan ng Castrocaro Music Festival, na nagtatampok ng mga bagong mang-aawit.
Ang munisipalidad, na bahagi ng makasaysayang rehiyon na tinatawag na Toscanang Romaña, ay kabilang sa lalawigan ng Florencia hanggang 1923.
Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Superficie di Comuni Province e Regioni italiane al 9 ottobre 2011". Istat. Nakuha noong 16 Marso 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Popolazione Residente al 1° Gennaio 2018". Istat. Nakuha noong 16 Marso 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ All demographics and other statistics: Italian statistical institute Istat.
- ↑ Smith, Dictionary of Greek and Roman Geography