Pumunta sa nilalaman

David Hume

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
David Hume
Ipinanganak7 Mayo 1711(1711-05-07)
Edinburgh, Scotland
Namatay25 Agosto 1776(1776-08-25) (edad 65)
Edinburgh, Scotland
NasyonalidadScottish
Panahon18th-century philosophy
RehiyonWestern philosophy
Eskwela ng pilosopiyaScottish Enlightenment, Naturalism, Scepticism, Empiricism, Utilitarianism, Classical liberalism
Mga pangunahing interesEpistemology, metaphysics, philosophy of mind, ethics, political philosophy, aesthetics, philosophy of religion, classical economics
Mga kilalang ideyaProblem of causation, bundle theory, induction, association of ideas, is–ought problem, utility, science of man

Si David Hume ( /ˈhjuːm/; 7 Mayo [Lumang Estilo 26 Abril] 1711 – 25 Agosto 1776) ay isang Scottish na pilosopo, historyan, ekonomista, at manunulat ng sanaysay na kilala sa kanyang pilosopikal na empirisismo at skeptisismo. Siya ay isa sa pinakamahalagang mga tauhan sa kasaysayan ng Pilosopiyang Kanluranin at Kaliwanagang Scottish.[1]

Sinikap ni Hume na lumikha ng isang buong naturalistikong agham ng tao na sumisiyasat sa basehang sikolohikal ng kalikasan ng tao. Taliwas sa mga rasyonalistang nauna sa kanya, kanyang isinaad na ang pagnanasa sa halip na katwiran ang namamahala sa pag-aasal ng tao.[2] Siya ay isang kilalang tauhan sa tradisyonal skeptikal na pang pilosopiya at isang malakas na empirisista at nangatwiran laban sa pag-iral ng mga likas na ideya at sa halip ay nagsaad na ang mga tao ay may kaalaman lamang sa mga bagay na kanilang tuwirang nararanasan. Kanyang hinati ang mga persepsiyon sa pagitan ng malakas at buhay na mga impresyon o mga direktang sensasyon at mas malabong mga ideya na kinokpya mula sa mga impresyon. Kanyang binuo ang posisyon na ang pag-aasal ng isipan ay pinamamahalaan ng kustombre na isang kakayahang nakakamit. Halimbawa, ang ating paggamit ng induksiyon ay pinangangatwiran lamang ng ating ideya ng patuloy na pag-uugnay ng mga sanhi at epekto. Kung walang mga direktang impresyon ng isang metapisikal na sarili, kanyang isinaad na ang mga tao ay walang aktuwal na konsepsiyon ng kanyang sarili at isa lamang kalipunan ng mga sensasyon na nauugnay sa sarili. Itinaguyod ni Hume ang isang teoriyang kompatibilista ng malayang kalooban na napatunayang sukdulang maimpluwensiya (influential) sa kalaunang pilosopiyang moral. Siya ay isa ring sentimentalista na naniniwalang ang etika ay nakabatay sa mga saloobin sa halip na mga abstraktong prinsipsyong moral. Kanya ring siniyasat ang normatibong problemang is-ought. Kanyang hinamon ang argumentong teleohikal sa kanyang Dialogues Concerning Natural Religion (1777). Kinilala ni Immanuel Kant si Hume sa paggising sa kanya mula sa kanyang mga dogmatikong pagkakatulog. Si Hume ay sukdulang maimpluwensiya (influential) sa mga kalaunang pilosopiya lalo na tungkol sa utilitarianismo, positibismong lohikal, William James, pilosopiya ng agham, maagang pilosopiyang analitiko at ibang mga kilusang at mga tagapag-isip. Inihayag ni Jerry Fodor ang Treatise ni Hume na "tagapagtatag na dokumento ng kognitibong agham".[3] Also famous as a prose stylist,[4] Pinasimulan ni Hume ang sanaysay bilang isang genreng panitikan at lumahok sa mga kontemporaryong intelektuwal na mga luminaryo gaya nina Jean-Jacques Rousseau, Adam Smith, James Boswell, Joseph Butler, at Thomas Reid.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Great Thinkers of the Scottish Enlightenment".
  2. "A Treatise of Human Nature, by David Hume (B2.3.3)". Inarkibo mula sa orihinal noong 26 Mayo 2013. Nakuha noong 22 Mayo 2012. {{cite web}}: |archive-date= / |archive-url= timestamp mismatch (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Fodor, Jerry. Hume Variations. New York: Oxford University Press, 2003, p. 134.
  4. Saintsbury, George, ed. Specimens of English Prose Style: From Malory to Macaulay. London: Macmillan & Co., 1907, p. 196.