Eksotikong meson
Ang hindi-modelong quark na mga meson ay kinabibilangan ng:
- mga eksotikong meson(Ingles: exotic mesons) na may mga bilang na quantum na hindi posible para sa mga meson sa modelong quark;
- mga glueball o gluonium, na walang balensiyang(valence) mga quark;
- mga tetraquark na may dalawang balensiyang mga pares na quark-antiquark; at
- ma hybrid meson, na naglalaman ng isang balensiyang quark-antiquark na pares at isa o higit pang mga gluon.
Ang lahat ng mga ito ay maaaring uriin bilang mga meson dahil ang mga ito ay mga hadron at nagdadala ng bilang ng baryon. Sa mga ito, ang mga glueball ang dapat na mga lasang singlets na ang ibig sabihin ang mga ito ay may sero na isospin, pagiging kakaiba(strangeness), charm, pagiging ilalim at pagiging ibabaw. Tulad ng lahat ng mga partikulong estado, ang mga ito ay tinutukoy ng mga bilang na quantum na nagtatak ng mga representasyon ng symmetriyang Poincaré, q.e., JPC (kung saan ang J ang angular na momentum, ang P ang likas na paridad(intrinsic parity), at ang C ang kargang konhugasyong paridad) at ng masa. Tinutukoy rin ang isospin na I ng meson.
Sa karaniwan, ang bawat modelong quark na meson ay dumarating sa SU(3) lasang nonet: isang octet at isang lasang singlet. Ang isang glueball ay lumilitaw na bilang isang ekstrang(supernumeraryong) partikulo sa labas ng nonet. Sa kabila ng tila simpleng pagbibilang, ang pagtatakda ng anumang ibinigay na estado bilang isang glueball, tetraquark, o hybrid ay nanantiling tentatibo kahit sa kasalukuyan. Kahit may mga kasunduuan na ang isa sa mga ilang estado ang isa sa mga hindi-modelong quark na mga meson, ang digri ng paghahalo at ang tiyak na pagtatakda ay puno ng mga kawalang katiyakan. Mayroon ding labis na eksperimental na pagtatrabaho sa pagtatakda ng mga bilang na quantum sa bawat estado at paghahambing sa ibang mga eksperimento. Bilang resulta, ang lahat ng mga pagtatakda sa labas ng mga modelong quark ay tentatibo(pansamantala). Ang natitira sa artikulogn ito ay nagbabalangkas ng sitwasyon noong dulo nang 2004.
Mga prediksiyong lattice
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang mga prediksiyong Lattice QCD para sa mga glueball ay sa kasalukuyan kainamang matatag kahit papaano kapag ang mga birtuwal na mga quark ay isinantabi. Ang dalawang pinakamababang mga estado ang
Ang 0−+ at mga eksotikong glueball gaya ng 0−− ay lahat na inaasahang nasa itaas ng 2 GeV/c2. Ang mga glueball ay kinakailangang isoscalar na may isospin naI = 0.
Ang saligang estadong mga hybrid meson na 0−+, 1−+, 1−−, at 2−+ ay lahat nasa medyo ibaba nang 2 GeV/c2. Ang hybrid na may eksotikong mga bilang na quantum na 1−+ ay nasa 1.9±0.2 GeV/c2. Ang pinakamahusay na mga komputasyong lattice sa kasalukuyan ay ginagawa sa sinupil na aproksimasyon(quenched approximation) na nagsasantabi ng mga birtuwal na mga loop na quark. Bilang resulta, ang mga komputasyong ito ay nakakaligta ng mga paghahalo sa mga estadong meson.
Mga estadong 0++
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang mga datos ay nagpapakita ng limang mga resonansiyang isoscalar: f0(600), f0(980), f0(1370), f0(1500), at f0(1710). Sa mga ito, ang f0(600) ay karaniwang tinutukoy ng σ ng mga modelong chiral. Ang mga pagkabulok at produksiyon ng f0(1710) ay nagbibigay ng malakas na ebidensiya na ito ay isa ring meson.
Kandidatong glueball
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang f0(1370) at f0(1500) at hindi maaaring parehong isang modelong quark na meson dahil ang isa ay supernumeraryo. Ang produksiyon ng mas mataas na estadong masa sa dalawang mga reaksiyong photon gaya ng 2γ → 2π o 2γ → 2K ay mataas na sinupil. Ang mga pagkabulok ay nagbibigay rin ng ilang ebidensiya na ang isa sa mga ito ay maaaring isang glueball.
Kandidatong tetraquark
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang f0(980) ay tinukoy ng ilang mga may-akda bilang isang tetraquark meson kasama ng I = 1 mga estadong a0(980) at κ0(800). Ang dalawang may mahabang buhay(narrow sa jargon ng partikulong spektroskopiya) na mga estado: ang skalar (0++) na estadong D*±sJ(2317) at ang bektor (1+) na mesong D*±sJ(2460), na napagmasdan sa CLEO atBaBar ay pansamantala ring natukoy bilang mga estadong tetraquark. Gayunpaman, para sa mga ito, ang ibang mga paliwanag ay posible.
Mga estadong 2++
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang dalawang mga estadong isoscalar ay tiyak na natukoy-ang f2(1270) at ang f′2(1525). Walang mga ibang estado na konsistenteng natukoy na lahat ng mga eksperimento kaya mahirap na magsalita pa ng higit sa mga estadong ito.
Ang mga eksotikong 1−+ at ibang mga estado
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang dalawang mga eksotikong isobektor na π1(1400) at π1(1600) ay tila mahusay na napatunayan sa eksperimento. Ang mga ito ay maliwanag na mga hindi glueball ngunit maaaring isang tetraquark o isang hybrid. Ang ebidensiya para sa gayong mga pagtatakda ay mahina.
Ang π(1800) (0−+), ρ(1900) (1−−) at ang η2(1870) (2−+) ay katamtamang mahusay na natukoy na estado na pansamantalang natukoy ng ilang mga may-akda bilang mga hybrid. Kung ang pagtukoy na ito ay tama, ito ay kahanga hangang kasunduan sa mga komputasyong lattice na naglalagay ng ilang mga hybrid sa saklaw ng mga masang ito.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- W.-M. Yao et al. (Particle Data Group) (2006). "Review of Particle Physics: Non-qq mesons" (PDF). Journal of Physics G. 33: 1. arXiv:astro-ph/0601168. Bibcode:2006JPhG...33....1Y. doi:10.1088/0954-3899/33/1/001.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)