Pumunta sa nilalaman

Gasolina

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Gasolina sa loob ng isang mason jar

Ang gasolina[1], o petrolyo, ay ang pinakamahalagang gatong na pangmakina ng mga motor, na ginagamit para sa pagpapaandar at pagpapatakbo ng mga sasakyan tulad ng kotse, trak, bus, bangka, eroplano, traktora, at motorsiklo. Ang gasolina ang pangunahing sanhi ng enerhiya at pwersa sa buong mundo sa pagpapatakbo ng ibat ibang sasakyang panlupa, pandagat at pang himpapapawid. Ito ang isa sa mga deribatibo of produktong bunga ng langis, isang yamang lupa na naggagaling sa ilalim ng mundo. Sa kasalukuyan ito pa rin ang primerong ginagamit sa ibat ibang bansa bilang pangunahing nagpapatakbo ng mga sasakyan.

Isang halo ng mga hidrokarbon - mga sustanyang may idroheno at atomong karbon. Sa temperaturang 70 degring Fahrenheit, agad na nagiging singaw ang likidong gasolina.[1]

Karamihan sa mga regular na gasolina ang may antas 90 sa pagbasa ng antas ng octane: nangangahulugang katumbas sila ng isang halo ng 90 bahagdang iso-oktano na may 10 bahagdang N-heptano.[1]

Bago dumaan sa prosesong ng pagpipino para magamit sa mga sasakyan, mukhang tubig muna ang gasolina, subalit isa itong kakaibang uri ng likido sapagkat nasusunog kaagad at may natatanging amoy.[1]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 "Gasoline". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Kimika Ang lathalaing ito na tungkol sa Kimika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.