Pumunta sa nilalaman

Genaro Gojo Cruz

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Genaro Gojo Cruz
Kapanganakan (1976-12-16) 16 Disyembre 1976 (edad 47)
Balut, Tondo, Maynila, Pilipinas[1]
TrabahoGuro
WikaWikang Filipino
NasyonalidadPilipino
Alma materPamantasang Normal ng Pilipinas
(Mga) kilalang gawaAng Dyip ni Mang Tomas at iba pa
(Mga) parangalMarami

Si Genaro R. Gojo Cruz ay isang guro, makata at manunulat ng mga akdang pambata. Kasalukuyan siyang nagtuturo sa Pamantasang De La Salle Maynila[2] at sa Pamantasang Normal ng Pilipinas.

Ipinanganak si Genaro Gojo Cruz sa Balut, Tondo, Maynila ngunit lumaki siya sa Pastol, Muzon, Lungsod ng San Jose del Monte, Bulacan[3]. Nagtapos siya ng elementarya sa Mababang Paaralan ng Muzon (Mababang Paaralan ng Benito Nieto ngayon) noong 1990 at ng sekondarya sa Bulacan Standard Academy noong 1994. Ang kaniyang mga magulang ay sina Tomas Rodriguez Gojo Cruz at Dominga Ocampo Ruiz. Bunso siya sa siyam na magkakapatid.

Kinuha niya ang Bachelor of Arts in Secondary Education (BSE) major Social Sciences sa Pamantasang Normal ng Pilipinas sa taong 1995. Anim na taon siyang nag-aral sa kolehiyo. Habang siya ay nag-aaral, nagtrabaho rin siya sa ilang clothing company sa Glorieta, Ayala, Makati. Siya ay naging working student sa panahon ng kaniyang pag-aaral sa kolehiyo. Noong 2008, nagtapos siya ng M.A. Araling Filipino (M.A. major in Philippine Studies) sa Pamantasang De La Salle Maynila bilang isang iskolar.

Naging kontribyutor din siya ng mga artikulo noong 2002 sa diyaryong Kabayan.[4]

Una siyang nagturo sa Colegio Sta. Isabel of Laguna sa Siniloan, Laguna. Dalawang taon din siyang nagturo sa CSIL mulang taong 2000 hanggang 2002 [5][6]. Nagturo rin siya sa Center for Teaching & Learning (CTL) ng Philippine Normal University noong 2003 hanggang 2008.

Nakapagturo rin siya ng wika at kulturang Pilipino sa mga banyaga sa Advanced Filipino Abroad Program (AFAP) noong 2004 at 2007. Naging Associate for Poetry at Writing Fellow rin siya ng Bienvenido N. Santos Creative Writing Center ng De La Salle University. Kasalukuyan niyang tinatapos ang kaniyang PhD in Philippines Studies. Sa kaniyang libreng oras, nagtuturo siya sa mga batang lansangan ng Binondo at nagbibigay ng mga workshop ukol sa pagtuturo, pagsulat, paghahanda ng mga kagamitang pampagtuturo at iba pa sa mga guro sa maraming bahagi ng bansa.

Nagwagi si Gojo Cruz ng mga gantimpala sa pagsulat tulad ng Pambansang Gawad Ka Amado, 100 Years of Filipino Migration to Hawaii Literary Contest 2006, Gawad Collantes-Surian sa Pagsulat ng Sanaysay, Talaang Ginto: Gawad KWF sa Tula-Gantimpalang Collantes, Ninoy Poetry Writing Contest at iba pa. Dalawang ulit din siyang naging "Makata ng Taon" noong 2004 at 2007 na ipinagkaloob ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF). Ilan sa kanyang mga kuwentong-pambata ay binigyang-parangal ng Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature, PBBY-Salanga Writers Prize, Romeo Forbes Children's Story Writing Competition, Gig Book Storywriting Contest at Gawad Panitikang Pangkalusugan. Nailathala ang kanyang mga tula at kuwentong pambata sa Junior Inquirer Magazine, Liwayway, Pambata Magazine, at mga libro sa elementarya.

Noong 5 Pebrero 2011, naipalabas sa Art Angel ng GMA 7 ang Ang Kamisetang Dilaw bilang isa sa mga itinatampok na libro.

Nakasama ang kaniyang aklat-pambatang "Mahabang-mahabang-mahaba" sa Unang Patimpalak sa Pinili ng mga Mambabasang Pilipino.

Habang siya ay nagtuturo sa dalawang paaralan, nakagawa siya ng mga libro. Nakatanggap ng mga gantimpala at parangal ang ilang libro niya sa Timpalak Palanca at iba pa. Ang mga sumusunod ay ang talaan ng mga librong kaniyang nagawa.

Taon Pamagat ng Libro Tagalimbag Paalala
2004 Ang Lumang Aparador ni Lola Lampara Publishing House ISBN 971-5180-55-8[7]
2005 Ang Mga Paborito Kong Meryenda Vibal Publishing House, LG&M Corporation ISBN 971-0314-29-7[8]
2005 Si Nanay Mining at ang Tatlong Kuting Vibal Publishing House, LG&M Corporation ISBN 971-0314-28-9[9]
2006 Ang Aking Pamilya Vibal Publishing House, LG&M Corporation ISBN 971-0314-32-7[10]
2006 Ang Bahaghari Vibal Publishing House, LG&M Corporation ISBN 971-0422-24-3[11]
2007 Mga Laruang Papel Vibal Publishing House, LG&M Corporation ISBN 9789710422579[12]
2008 Ang Sulatan Vibal Publishing House, LG&M Corporation ISBN 971-0422-80-4, 978-9710-42-2[13]
2009 Ang Dyip ni Mang Tomas UST Publishing House Nagkamit ng gantimpala. Nakalimbag sa dalawang wika
2009 Malaking-Malaking Bahay Vibal Publishing House, LG&M Corporation ISBN 971-0314-32-7
2010 Mahabang-Mahabang-Mahaba Adarna House Nagkamit ng gantimpala. May Ingles na pagsasalin.
2010 Ang Kamisetang Dilaw Chikiting Books Pambatang babasahin
2010 Tolits Vibal Publishing House, LG&M Corporation Pambatang babasahin
2011 Ang Huling Parol Vibal Publishing House, LG&M Corporation Pambatang babasahin
2011 Ang Batang May Maraming-Maraming Bahay Vibal Publishing House, LG&M Corporation Pambatang babasahin
2011 Saling-pusa Vibal Foundation Pambatang babasahin
2011 Bunsoy Vibal Foundation Pambatang babasahin
2011 Anluwagi Vibal Foundation Pambatang babasahin
  1. Pinagmulan ni Genaro Gojo Cruz Naka-arkibo 2012-11-01 sa Wayback Machine. (sa Tagalog)
  2. Impormasyon Naka-arkibo 2016-03-04 sa Wayback Machine. sa Pamantasang De La Salle Maynila.
  3. Impormasyon Naka-arkibo 2012-11-01 sa Wayback Machine. ni Gojo Cruz sa Adarna House
  4. Larawan ng kanyang unang artikulo sa Kabayan.
  5. Facebook Pahina ni gojo Cruz
  6. Larawan ng mga estudyante niya sa paaralan.
  7. "Ang Lumang Aparador ni Lola". Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-03-05. Nakuha noong 2012-07-28.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Impormasyon ukol sa Ang Mga Paborito Kong Meryenda na kinuha sa Vibal Publishing House
  9. Impormasyon ukol sa Si Nanay Mining at ang Tatlong Kuting na kinuha sa Vibal Publishing House
  10. Impormasyon ukol sa Ang Aking Pamilya na kinuha sa Vibal Publishing House
  11. Impormasyon ukol sa Ang Bahaghari na kinuha sa Vibal Publishing House
  12. Impormasyon[patay na link] ukol sa Mga Laruang Papel
  13. Impormasyon ukol sa Ang Sulatan na kinuha sa Vibal Publishing House

Mga kawing panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]