Henry Cavendish
Henry Cavendish | |
---|---|
Kapanganakan | 10 Oktubre 1731 |
Kamatayan | 24 Pebrero 1810 | (edad 78)
Nasyonalidad | United Kingdom |
Nagtapos | University of Cambridge |
Kilala sa | Discovery of hydrogen Measured the Earth's density |
Karera sa agham | |
Larangan | Chemistry, physics |
Si Henry Cavendish FRS (10 October 1731 – 24 February 1810) ay isang Briton na siyentipiko na kilala sa kanyang pagkakatuklas sa hidroheno na kanyang tinawag na "inflammable air" (madaling magsiklab na hangin).[1] Kanyang inilarawan ang densidad ng madaling magsiklab na hangin na lumilikha ng tubig sa kombustiyon sa papel na "On Factitious Airs" noong 1766. Kalaunan ay muling isinagawa ni Antoine Lavoisier ang eksperimento ni Cavendish at nagbigay ng pangalan sa elementong hidroheno (hydrogen). Si Cavendish ay tanyag rin sa kanyang eksperimentong Cavendish, pagsukat sa densidad ng mundo at sinaunang pagsasaliksik sa elektrisidad.
Biograpiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Si Henry Cavendish ay ipinanganak noong 10 Oktubre 1731 sa Nice, Pransiya kung saan ang kanyang pamilya ay nakatira sa mga panahong it. Ang kanyang ina ay si Lady Anne Grey na anak ni Henry Grey, Unang Duke ng Kent at ang kanyang ama ay si Lord Charles Cavendish na anak ni William Cavendish, Ikalawang Duke ng Devonshire. Matutunton ang angkan ni Cavendish sa paglipas ng walong siglo sa mga panahon ng Norman at malapit na kaugnay ng mga artistokratang mga pamilya sa Britanya.
Sa edad na 11, si Cavendish ay estudyante sa Peter Newcome's School in Hackney. Sa edad na 18 (24 Nobyembre 1749), siya ay pumasok sa Unibersidad ng Cambridge sa St Peter's College na kilala ngayong bilang Peterhouse ngunit lumisan pagkatapos ng apat na taon noong Pebrero 23, 1753 nang hindi nakapagtapos.[2][3] Ang kanyang unang akdang "Factitious Airs" ay lumabas pagkalipas ng labintatlong taon noong 1766.
Si Cavendish ay isang tahimik at mapag-isang tao at nailarawan na medyo eksentriko ng marami. Siya ay nakikipag-usap lamang sa kanyang mga babaeng katulong sa pamamagitan ng mga sulat (notes) at hindi kailanman lumikha ng malapit na personal na pakikipagugnayan sa labas ng kanyang pamilya. Sa isang salaysay, si Cavendish ay may likurang hagdanan na inilagay sa kanyang bahay upang maiwasan ang pakikisalumaha sa kanyang katulong dahil siya ay sobrang mahiyain sa mga babae. Ang mga kontemporaryong salaysay ng kanyang personalidad ay nagdulot sa mga modernong komentador gaya ni Oliver Sacks na magpalagay na si Cavendish ay may Sindromang Asperger bagaman maaaring si Cavendish ay talaga lang sobrang mahiyain. Ang kanyang tanging paraan ng pakikisalamuha sa tao ang Royal Society Club kung saan ang mga miyembro nito ay nagsasalo-salo bago ang lingguhang pagpupulong. Bihirang laktawan ni Cavendish ang mga pagpupulong na ito at siya ay iginagalang ng kanyang mga kasama. Gayunpaman, ang kanyang pagiging mahiyain ay nagdulot sa mga "naghahangad ng kanyang mga pananaw... na magsalita na parang sa isang kawalan... Kung ang kanilang mga pahayag ay... karapatdapat, sila ay maaaring makatanggap ng pabulong na sagot ngunit sa kalimitan, sila ay makakarinig ng inis na langitngit (squeak o mataas na tinig) at sa pag-harap kay Cavendish ay mahahanap ang isang aktwal na kawalan at ang tanawin ng paglisan ni Cavendish upang humanap ng mas mapayapang sulok". "[4] Kanya ring ikinasisiya ang pangongolekta ng magagarang mga muwebles na nakita sa kanyang mismong pagbili ng isang hanay ng "sampung inukit na silyang kahoy na satin na may kapares na binintian ng cabriole na sofa.[5]
Dahil sa kanyang pag-uugaling hindi mapakasalimuha at masikreto, kalimitang iniiwasan ni Cavendish ang paglilimbag ng kanyang mga akda at ang karamihan sa kanyang mga natuklasan ay hindi niya sinabi sa kanyang kapwa mga siyentipiko. Sa huli ng ika-19 na siglo na mahabang panahon pagkalipas ng kanyang kamatayan, tiningan ni James Clerk Maxwell ang mga papel ni Cavendish at kanyang natagpuan ang mga pagkakatuklas ni Cavendish na iba ang naparangalan. Halimbawa, kabilang sa mga pagkakatuklas o mga nakita ni Cavendish ang Batas ng Resiprokal na mga Proporsiyon ni Jeremias Benjamin Richter, Batas ni Ohm, Batas ni Dalton ng Parsiyal na Presyur, mga prinsipyo elektrikal na konduktibiad (kabilang ang Batas ni Coulomb, at Batas ni Charles ng mga Gaas.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Cavendish, Henry (1766). "Three Papers Containing Experiments on Factitious Air, by the Hon. Henry Cavendish". Philosophical Transactions. The University Press. 56: 141–184. doi:10.1098/rstl.1766.0019. Nakuha noong 6 Nobyembre 2007.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Henry Cavendish sa Venn, J. & J. A., Alumni Cantabrigienses, Imprenta ng Pamantasan ng Cambridge, 10 mga bolyum, 922–1958.
- ↑ Wilson, George (1851). "1". The life of the Hon. Henry Cavendish. Cavendish Society. pp. 17.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Bryson, B. (2003), "The Size of the Earth": A Short History of Nearly Everything, 59 – 62.
- ↑ McCormmach, R and Jungnickel, C (1996), Cavendish, American Philosophical Society, Philadelphia, ISBN 0871692201, p. 242, 337.