Hora
Tulungang mapabuti po ito sa pamamagitan ng pagdagdag ng mga pagsipi sa mga sangguniang mapagkakatiwalaan. Tandaan lamang po na maaari pong mapagdudahan at matanggal ang mga hindi beripikadong nilalaman. |
Ang Hora, na nakikilala rin bilang horo, horah, at oro, ay isang uri ng paikot na sayaw na nagmula sa Kabalkanan subalit matatagpuan din sa iba pang mga bansa.
Etimolohiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang pangalan, na binabaybay nang paiba-iba sa ibang mga bansa, ay isang hinlog ng salitang Griyegong χορός: 'sayaw' na hinglog naman ng sinaunang Griyegong uri ng sining na χορεία; tingnan ang Chorea. Ang orihinal na kahulugan ng salitang Griyegong χορός ay maaaring 'bilog'. Gayundin, ang salita ay umiiral sa mga wikang Islabiko at ang "hora" at "oro" ay matatagpuan sa maraming mga wikang Islabiko at mayroong kahulugan na "[sayaw na] paikot" at ang pandiwang 'oriti' ay mayroong kahulugang "magsalita, tunog, umawit" na dating may kahulugang "magdiwang".
Ang Griyegong χορός ay kamag-anakan ng Bulgarong хоро ('horo'), ng Rumanong 'horǎ', ng Serbo/Kroato/Bosniyo/Montenegrin/Islobeno na 'kolo', ng Masedonyo/Montenegrin na 'oro', ng Turkong 'hora', na 'valle' sa Albanyano (Albano), at Hebreong הורה (Hora). Ang pangalan ng sayaw na Khorumi na nagmula sa dalampasigan ng Dagat na Itim ng Georgia ay maaaring may kaugnayan din sa salitang Griyego, pati na ang mga pangalan ng sayaw na Horon na nasa kanugnog na mga rehiyong Turko.
Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Sayaw na paikot
- Khorovod, isang paikot na sayaw sa Silangang Europa
- Kolo, paikot na sayaw sa Serbia, Kroasya, at Bosnia
- Adana, isang oro sa Masedonya
- Tresenica, isang oro sa Masedonya na isinasagawa ng kababaihan
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga kawing na panlabas
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Paano sayawin ang Hora Naka-arkibo 2012-09-05 sa Wayback Machine.