Howard Hughes
Howard Hughes | |
---|---|
Kapanganakan | Howard Robard Hughes, Jr. 24 Disyembre 1905 Humble, Texas, US |
Kamatayan | 7 Abril 1976 Houston, Texas, US | (edad 70)
Nagtapos | Rice University (dropped out in 1924) |
Trabaho | Chairman of Hughes Aircraft, businessman, investor, aviator, engineer, film producer, director, philanthropist |
Aktibong taon | 1926–1976 |
Asawa | Ella Rice (k. 1925–29) Terry Moore (k. 1949–76) (alleged) Jean Peters (k. 1957–71) |
Padron:Infobox aviator | |
Pirma | |
Si Howard Robard Hughes, Jr. (24 Disyembre 1905 – 7 Abril 1976) ay isang Amerikanong magnate ng negosyo, inbestor, abiator (manlilipad), inhinyero, prodyuser ng pelikula, direktor at pilantropo. Siya ang isa sa pinakamayamang tao sa buong mundo. Siya'y tumanyag noong huli nang 1920s bilang independiyenteng prodyuser ng pelikula at gumawa ng malalaking badyet at kontrobersiyal na mga pelikula gaya ng like The Racket (1928), Hell's Angels (1930), Scarface (1932), at The Outlaw (1943). Si Hughes ay isa sa pinakamaimpluwensiya (most influential) na abiator (manlilipad) sa kasaysayan. Siya ay nagkaroon ng maraming pandaigdigan bilis na hangin na mga rekord. Kanyang nilikha ang Hughes H-1 Racer at H-4 "Hercules" (na kilala sa kasaysayan bilang "Spruce Goose") aircraft at nakamit at pinalawig ang Trans World Airlines na kalaunan ay nakipag-isa sa American Airlines. Si Hughes ay kilala rin sa kanyang pag-uugaling eksentriko at reklusibo (mapag-isang) pamumuhay sa huli ng kanyang buhay. Ito ay sanhi ng papalalang diperensiyang obsesibo-kompulsibo at/o kronikong sakit. Ang kanyang legasiya ay napapanatili sa pamamagitan ng Howard Hughes Medical Institute.
Biograpiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang lugar ng kapanganakan ni Hughes ay naitala sa Humble o Houston, Texas. Ang petsa ay hindi rin tiyak bagaman inangkin ni Hughes na ang kanyang kaarawan ay sa bisperas ng Pasko. Ang isang 1941 apidabit na sertipiko ng kapanganakan ay nilagdaan ng kanyang tiyahing si Annette Gano Lummis at isinaad ni Estelle Boughton Sharp na si Hughes ay ipinanganak noong 24 Disyembre 1905 sa Harris County, Texas. Gayunpaman, ang rekord ng kanyang pagbibinyag noong 7 Oktubre 1906 sa redyister ng parokyang St. John's Episcopal Church sa Keokuk, Iowa ay nagtala ng kanyang kaarawan bilang 24 Setyembre 1905 na walang sanggunian sa lugar ng kanyang kapanganakan.
Ang kanyang mga magulang ay sina Allene Stone Gano (na inapo ni Owen Tudor na ikalawang asawa ni Catherine of Valois, reynang Dowager ng Inglatera) at si Howard R. Hughes, Sr. na nag-patento ng dalawang konong roller bit na nagbibigay ng kakayahang papaikot sa pag-barena para sa petrolyum sa mga nakaraang hindi mapupuntahang mga lugar. Si Howard R. Hughes, Sr. ay gumawa ng matalino at lukratibong pagpapasya na i-negosyo ang inbensiyon kesa sa ibenta ito at itinatag ang Kompanyang Hughes Tool Company noong 1909.
Sa maagalang gulang pa lang ay kinakitaan na ng dakilang kahusayan sa inhinyerya si Hughes. Siya ay gumawa ng unang transmitter ng radyo sa Houston noong siya ay 11 taong gulang. Sa edad 12, siya ay nalitratuhan sa isang lokal na diyaryo bilang unang bata sa Houston na isina-motor ang bisikleta na kanyang ginawa mula sa mga bahagi ng makinang singaw (steam engine) ng kanyang ama. Siya ay isang walang bahalang estudyante na may pagkahilig sa matematika, paglipad at mga bagay na mekanikal. Kanyang kinuha ang unang araling pagpapalipad sa edad na 14 at kalaunan ay kumuha ng mga subhektong matematika at inhinyerang aeronotikal sa Caltech.
Si Allene Hughes ay namatay noong Marso 1922 mula sa komplikasyon ng ektopikong pagbubuntis. Noong Enero 1924, ang kanyang amang si Howard Hughes Sr. ay namatay sa atake sa puso. Ang kamatayan ng kanyang mga magulang ang maliwanag na pumukaw sa pagsama ng pagkakalikha ng isang laboratoryong medikal ng pagsasaliksik sa kanyang kahilingan (will) na kanyang nilagdaan noong 1925 sa edad na 19. Dahil ang kahilingan (will) ni Howard Sr. ay hindi nabago simula nang mamatay si Allene, si Hughes ay nagmana ng 75 porsiyento ng kayamanan ng kanyang pamilya. Sa kanyang ika-19 na kaarawan, si Hughes ay ideneklarang pinalayang menor de edad na nagbigay sa kanya ng buong kontrol sa kanyang legasiya.
Si Hughes ay isang mahusay at entusiyastikong golper mula pa sa maagang gulang na kalimitang nakaka-iskor ng malapit sa mga pigurang par at humawak ng handicap ng tatlo nang siya ay nasa mga edad na 20. Siya ay kalimitang nakikipaglaro sa mga nangungunang mga manlalaro kabilang si Gene Sarazen. Gayunpaman, si Hughes ay bihirang naglaro sa mga kompetisyon at unti unti ay tinalikdan ang larong ito.
Si Hughes ay huminto sa pag-aaral sa Rice University sa maikling sandali pagkatapos mamatay ang kanyang ama. Noong 1 Hunyo 1925, kanyang pinakasalan si Ella Botts Rice (1925–1929). Sila ay lumipat sa Los Angeles kung saan siya'y umasa na makilala sa paggawa ng mga pelikula.
Mga taon sa Hollywood
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang kanyang unang mga pelikulang Everybody's Acting (1927) at Two Arabian Knights (1928) ay pumatok sa takilya at ang huli ay nagwagi ng unang Academy Award para sa mahusay na direktor ng pelikulang komedya. Ang The Racket (1928) at The Front Page (1931) ay pareho ring hinirang (nominated) para sa Academy awards. Bukod dito si Hughes ay gumugol ng US$3.8 milyong upang gumawa ng pelikulang lumilipad na Hell's Angels (1930). Siya ay nagprodyus ng isang pang patok sa takilyang na Scarface (1932) na naantala dahil sa pagkabahala ng mga censor sa karahasan na makikita dito. Ang The Outlaw (1943) na nakumpleto noong 1941 na nagtatampok kay Jane Russell ay nagkamit rin ng labis na atensiyon sa mga censor ng pelikula dahil sa masyadong malantad na kasuutan ni Russell. Si Hughes ay nagdisenyo ng espesyal na bra para sa kay Russell bagaman si Russel ay nagpasya laban sa pagsusuot nito dahil sa ordinaryong kalidad nito.
Ang asawa ni Hughes ay bumalik sa Houston noong 1929 at nagsampa ng diborsiyo. Si Hughes ay nakipag tipanan (dated) sa maraming mga kilalang babae kabilang sina Billie Dove, Bette Davis, Ava Gardner, Olivia de Havilland, Katharine Hepburn, Ginger Rogers at Gene Tierney. Siya ay nagmungkahi ng kasal kay Joan Fontaine ayon sa kanyang autobiograpiyang No Bed of Roses. Si Bessie Love ang kabit ni Hughes nang siya ay unang ikinasal. Sinamahan ni Jean Harlow si Hughes sa premiere ng Hell's Angels ngunit ayon kay Noah Dietrich, ang relasyong ito ay striktong propesyonal dahil personal na ayaw ni Hughes kay Harlow. Ayon kay Dietrich, totoong nagustuhan ni Hughes si Jane Russell ngunit hindi naghangad ng romantikong pakikisama sa kanya. Ayon sa autobiograiya ni Russell, sinubukan ni Hughes na makipagsiping kay Russel pagkatapos ng isang kasiyahan ngunit tinanggihan ni Russel si Hughes at nangako naman si Hughes na ito ay hindi na mangyayari pa. Ang dalawang ito ay nagpanatili ng isang propesyonal at pribadong pagkakaibigan sa loob ng maraming taon. Si Hughes ay nanatiling mabuting kaibigan kay Tierney na nagsalita pagkatapos ng bigong pagtatangka ni Hughes na akitin siya na "Sa tingin ko hindi maiibig ni Howard ang anumang bagay na hindi naglalaman ng motor". Kalaunan, nang ang anak ni Tierney ay ipinanganak na bingi, bulag at may matinding retardasyon dahil sa pagkakalantad sa rubella sa kanyang pagbubuntis, ninais ni Hughes na si Daria ay makatanggap ng pinakamahusay na pag-iingat medikal at kanya ring binayaran ang lahat ng gastusin.
Noong 11 Hulyo 1936, si Hughes ay nakasagasa at nakapatay ng isang pedestriyan na nagngangalang si Gabriel S. Meyer sa sulok ng 3rd Street at Lorraine sa Los Angeles. Bagaman si Hughes ay napatunayang hindi lasing sa hospital kung siya dinala pagkatapos ng aksidente, ang nag-aasikasong doktor ay gumawa ng sulat na si Hughes ay umiinom ng alak ng mga oras na ito. Ang isang saksi sa aksidente ay nagpahayag sa pulis na si Hughes ay nagmamaneho ng padalos dalos at sobrang bilis at si Mayer ay nakatayo sa isang sonang ligtas ng tigil (stop) ng streetcar. Si Hughes ay kinasuhan ng suspisyong kapabayaang homisidyo at ibinilanggo hanggang sa ang kanyang abogadong si Neil MaCarthy ay nakakuha ng writ ng habeas corpus para sa kanyang paglaya habang isinasagawa ang pagiimbestiga. Gayunpaman, sa panahong ng pagsusuri ng koroner, ang saksi ay nagbago ng kanyang kuwento at inangking si Meyer ay lumipat ng diretso sa harap ng sasakyan ni Hughes. Si Nancy Bayly (Watts) na kasama ni Hughes sa sasakyan nang ito ay mangyari ay umaayon sa bersiyong ito. Noong 16 Hulyo 1936, si Hughes ay napagpasyahang ng hurado (jury) ng koroner na walang kasalanan sa pagsusuri sa kamatayan ni Meyer. Sinabi ni Hughes sa mga reporter na ang isang lalake ay "humakbang mula sa isang madilim na lugar patungo sa aking harapan".
Noong 12 Enero 1957, nagpakasal si Hughes sa aktres na si Jean Peters. Ang magkasintahan ay nagkakilala noong mga 1940 bagong naging isang artista ng pelikula sa Peters. Ang kanilang pagmamahalan ay naging labis na publiko noong 1947 at may usapan ng pagpapakasal ngunit sinabi ni Peters na hindi niya maaaring pagsamahin ito sa kanyang karera. Kalaunan ay inangkin na si Peters lang an tanging babaeng inibig ni Hughes at iniulat na inutusan ni Hughes ang kanyang mga opiser panseguridad na sundan si Peters saan man ito magpunta kung sila ay hindi magkasama. Ito ay nakumpirma ng aktor na si Max Showalter na naging matalik na kaibigan ni Peters noong kinukunan ang pelikulang Niagara (1953). Sinabi ni Showalter sa isang panayam na dahil palagi niyang nakakasama si Peters, si Hughes ay nagbanta na wawasakin nito ang kanyang karera kung hindi niya lulubayan si Peters.
Sakit sa pag-iisip at pagbagsak ng kalusugan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sa simula nang mga 1930, si Hughes ay nagpakita ng mga tanda ng sakit sa pag-iisip na pangunahin ay diperensiyang obsesibo kompulsibo. Ang malalapit na mga kaibigan ay nag-ulat na siya ay may obsesyon sa sukat ng mga gisantes (peas) na isa sa kanyang pinakapaboritong pagkain at gumamit ng isang espesyal na tinidor upang isa-ayos ang mga ito ayon sa sukat.
Habang dinederekta ang pelikulang The Outlaw, si Hughes ay naging matutok sa maliit na pagkakamali sa isa sa mga blusa ni Jane Russell at nagsabing ang tela ay sumabit sa kahabaan ng pinagtahian at nagbigay ng histura ng dalawang utong sa bawat suso. Si Hughes ay iniulat na sobrang nabalisa sa bagay na ito na siya ay sumulat ng isang detalyadong memorandum sa mga tauhan kung paano aayusin ang problema. Si Richard Fleischer na nagdirekta ng His Kind of Woman kasama si Hughes bilang ehekutibong prodyuser ay sumulat ng mahaba sa kanyang autobiograpiya tungkol sa kahirapan ng pakikisalamuha kay Hughes. Sa kanyang aklat na Just Tell Me When to Cry, ipinaliwanag ni Fleischer na si Hughes ay nakatutok sa mga maliliit na detalye at paiba iba ng desisyon at matigas ang ulo. Kanya rin inihayag ang mga sumpong sa damdamin (mood swings) ni Hughes ay nagpaisip sa kanya kung ang pelikula ay matatapos pa.
Noong Disyembre 1957, sinabi ni Hughes sa kanyang mga katulong na nais niyang panoorin ang ilang mga pelikula sa studyo na malapit sa kanyang bahay. Si Hughes ay nanatili sa madilim na kwartong pang-screen ng studyo sa loob ng higit na apat na buwan na hindi umaalis sa lugar na ito. Sa panahong ito, siya ay nanatili sa pagkain lamang ng mga bar ng tsokolate, manok, at gatas at dumudumi sa pamamagitan ng mga walang lamang bote at mga lalagyan. Siya ay napapaligiran ng isang dosenang mga kahong ng Kleenex na kanyang patuloy na pinagpapatong-patong at isinaayos na paulit ulit. Siya ay sumulat ng mga detalyadong memo sa kanyang mga katulong sa mga papel de legal na dilaw na nagbibigay ng mga hayagang instruksiyon na huwag nila siyang tingnan at dapat tumugon kung kinakausap niya sila ngunit huwag magsalita sa kanya. Sa panahong ding ito, siya ay nakaupo lang sa kanyang silya na kalimitan ay nakahubad at patuloy na nanonood ng mga pelikula ng tuloy tuloy sa sunod sunod na reel araw araw. Nang sa wakas na umahon siya noong tagsibol nang 1958, ang kanyang kalinisan sa katawan ay terible dahil hindi siya kailanman naligo o naggupit ng kanyang buhok at mga kuko sa loob ng mga linggo.
Pagkatapos ng insidenteng ito, si Hughes ay lumipat sa isang bungalow sa Beverly Hills Hotel. Siya ay umupa rin ng ilang mga kwarto para sa kanyang mga katulong, asawa at maraming mga siyota. Gayunpaman, ang kanyang eratikong pag-uugali ay nagpatuloy. Ang isa sa mga ito ang kanyang pag-upo sa kwartong tulugan na may pink na hotel napkin sa ibabaw ng kanyang henital habang nanonood ng mga pelikula. Sa isang taon, siya ay gumugol ng $11 milyon sa hotel.
Sa kanyang obsesyon sa kanyang tahanang estado, nagsimulang bilhin ni Hughes ang lahat ng mga magkakadugtong na restorant gayundin ang mga apat na bituing mga hotel na matatagpuan sa hangganan ng Texas. Kabilang din sa isang maikling panahon ang maraming mga hindi kilalang prankisa na niligpit ng negosyo. Ang pag-aari ng mga restorant ay inilagay sa mga kamay ng Howard Hughes Medical Institute at ang lahat ng lisensiya ay muling ibinenta sa loob ng maikling panahon.
Sa isang pagkakataon, si Hughes ay na-obses sa 1968 na pelikulang Ice Station Zebra at inutos na ipalabas ito ng paulit ulit sa kanyang tahanan. Ayon sa kanyang mga katulong, ito ay pinanood niya ng 150 ulit.
Ipinilit din ni Hughes ang paggamit ng mga tisyu sa pagpulot ng mga bagay upang maprotektahan ang kanyang sarili sa mga mikrobyo. Kanya ring napansin ang mga alikabok, mga mantsa at iba pang imperpeksiyon sa mga damit ng ibang tao at kanyang hiniling na ayusin nila ito.
Bilang isa sa pinaka-nakikitang lalake sa buong Amerika, si Hughes ay sa huli naglaho sa paningin ng publiko bagaman ang mga tabloid ay patuloy na sumunod sa kanyang mga kinikilos at kinarorooanan. Siya ay naiulat na may taning ang buhay, baliw o patay na.
Bilang resulta ng kanyang natamong maraming mga pagbagsak (crashes) ng eroplano, nagugol ang buhay ni Hughes sa kirot bago lubusang naging labis na adik sa codeine na kanyang tinutusok sa kanyang masel. Isang beses lang sa isang taon ipinapagupit ni Hughes ang kanyang buhok at mga kuko. Maaring siya ay nagdurusa ng labis na kronikang kirot mula sa mga labis na pinsalang kanyang natamo kaya kahit ang pagsisipilyo ay kanyang iniiwasan.
Ang retrospektibong kasong pag-aaral kay Hughes ay nagmungkahing ang adiksiyon ni Hughes sa droga ay isang "pseudoaddiction" kesa sa tunay na adiksiyon. Kanyang ginamit ang gamot narkotiko upang makontrol ang kanyang sakit. Hindi lamang niya ito itinutusok sa mga ugat kundi mismong sa mga masel na nagkaroon ng maraming epekto ng kirot. Gayunpaman, ang codeine na itinusok sa ugat ay maaaring magdulot ng nakapapanganib sa buhay na mga sintomas at hindi isang ligtas na ruta sa pagpasok ng gamot sa anumang sirkunstansiya. Si Hughes ay hindi gumamit ng tabako o iba pang mga droga at bihira lamang uminom ng alak.
Sa huli ng kanyang buhay, ang pinakamamalapit na mga taong pinakikipag-ugnayan ni Hughes ay binubuo ng malaki ng mga Mormon dahil ito lamang ang mga taong kanyang tinuturing na katiwa-tiwala bagaman si Hughes ay hindi kasapi ng simbahang Mormon.
Las Vegas baron at isolasyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang mayama at may edad nang si Howard Hughes ay sinasamahan ng kanyang mga katulong at nagsimulang lumipat mula sa isang hotel sa iba pang hotel at palaging kinukuhang tirahan ang pinakamataas na palapag na penthouse. Sa huli ng 10 taon ng kanyang buhay mula 1966 hanggang 1976, si Hughes ay tumira sa Beverly Hills, Boston, Las Vegas, Nassau, Freeport, Vancouver, London, Managua, Acapulco, at iba pa.
Noong 24 Nobyembre 1966(Thanksgiving Day), si Hughes ay dumating sa Las Vegas sa pamamagitan ng kotse at lumipat sa Desert Inn. Dahil siya ay tumangging umalis sa hotel na ito at upang maiwasan ang karagdagang alitan sa mga may-ari ng hotel, binili ni Hughes ang buong hotel na Desert Inn noong simula nang 1967. Ang ika-8 palapag ng hotel ang naging pangkontrol na sentro ng kanyang imperyo at ang ika-9 na palapag ang kanyang naging sariling tahanan. Sa pagitan ng 1966 at 1968, binili ni Hughes ang ilang mga hotel/casino gaya ng Castaways, New Frontier, The Landmark Hotel and Casino, at Sands. Kanyang binili ang maliit na kasinong Silver Slipper casino na ang layunin ay upang ilipat sa ibang lugar ang trademark na neon silver slipper (neon na pilak na tsinelas) na nakikita mula sa kwarto ni Hughes na maliwanag na nagpapagising sa kanya sa gabi. Ang isang hindi karaniwang insidente ang nagmarka ng koneksiyon ni Hughes sa Las Vegas. Nang siya ay may gagawing pakikipag-ugnayan sa Last Frontier hotel sa Las Vegas noong 1954, ang maningning na pianistang si Liberace ay napagkamalan si Hughes na kanyang direktor ng liwanag at biglang iniutos kay Hughes na ipakita ang asul na liwanag kung siya ay magsisimula nang magpatugtog ng Clair de lune. Si Hughes ay um-oo bilang pagsunod. Pagkatapos nito ay dumating direkto ng libangan ng hotel at ipinakilala kay Hughes si Liberace.
Ninais ni Hughes na baguhin ang imahe ng Las Vegas sa mas glamoroso sa kasalukuyan nitong kondisyon. Gaya ng isinulat ni Hughes sa isang memo sa kanyang katulong, "Gusto kong isipin ang Las Vegas bilang isang mahusay na nabihisang lalake sa isang diyaket pang hapunan at isang magandang nahihiyasang at may balahibong damit na babaeng lumalabas sa isang mamahaling kotse". Binili ni Hughes ang ilang mga lokal na estasyon ng telebisyon kabilang ang KLAS-TV.
Ang sobrang lawak na hinahawakang negosyo ni Hughes ay pinangangasiwaan lamang ng isang maliit na lupon na binigyan ng hindi opisyal na pangalang "Mormon Mafia" dahil karamihan sa mga ito ay kasapi ng simbahang Mormon. Sa karagdagan ng pangangasiwa sa mga operasyon ng negosyo ni Hughes, ang mga ito ay nagsikap ring bigyang kasiyahan ang anumang maisip ni Hughes. Isa sa mga halimbawa nito ang minsang pagkahilig ni Hughes sa Baskin-Robbins' Banana Ripple ice cream kaya ang kanyang mga katulong ay naghangad na makahanap ng bulto bultong paghahatid nito sa kanya ngunit kanilang natuklasang ang lasang ito hindi na ipinagpatuloy pa ng kompanyang Baskin-Robbins. Ang mga ito ay nagpadala ng kahilingan sa Baskin-Robbins kung ito ay makabagbibigay ng espesyal na order na 200 galon o 750 litrong Banana Ripple ice cream at ipinahatid ito mula sa Los Angeles. Pagkatapos ng ilang araw nang dumating ang order, ideneklara ni Hughes na siya ay sawa na sa Banana Ripple at ang kanyang nais naman ay isang Chocolate Marshmallow ice cream. Dahil dito, ang Desert Inn ay namahagi ng libreng Banana Ripple ice cream sa mga kustomer ng kasino sa loob ng isang taon. Ayon sa 1996 panayam sa tagapagpahayag ni Hughes na si Robert Maheu, "may tsismis na meron pang ilang mga Banana Ripple ice cream na natira sa freezer. Malamang ito ay totoo".
Bilang may-ari ng ilang mga malalaking negosyo sa Las Vegas, si Hughes ay humawak ng labis na pampolitika at ekonomikong impluwensiya sa Nevada at sa iba pang lugar. Noong mga 1960 at simula ng 1970, hindi inaprubahan ni Hughes ang isang pang-ilalim na pagsubok nukleyar sa subukang lugar sa Nevada. Si Hughes ay nabahala sa panganib na idudulot ng mga natirang radiasyon nukleyar mula sa mga pagsubok kaya kanyang tinangkang pigilan ang mga pagpapasabog na ito. Nang ang mga pagsubok ay natuloy bagaman sinubukang harangan ni Hughes, ang mga pagsabog ay sobrang lakas na kahit ang buong hotel na tinutuluyan ni Hughes ay nanginig. Sa dalawang magkahiwalay na huling pagtatangka, iniutos ni Hughes ang kanyang mga kinatawan na mag-alay ng milyong dolyar na mga suhol sa parehong mga pangulo ng Estados Unidos na sina Lyndon B. Johnson at Richard Nixon. Gayunpaman, ito ay hindi ginawa ng kanyang mga kinatawan. Imbis nito ay iniulat na lang nila kay Hughes na tumanggi si Johnson sa suhol at nabigo silang maka-ugnayan si Nixon.
Noong 1971, si Jean Peters ay nagsampa ng diborsiyo. Si Hughes at Peters ay hindi magkasamang namuhay sa loob ng maraming mga taon. Si Peters ay humiling ng habang buhay na kabayaran ng diborsiyo (alimonya) na US$70,000 kada taon at isinuko ang lahat ng pag-aangkin sa mga pag-aari ni Hughes. Si Hughes ay nag-alok ng kasunduan na isang milyong dolyares ngunit ito ay hindi tinanggap ni Peters. Si Hughes ay hindi nagpilit ng kasunduan konpidensiyal mula kay Peters bilang kondisyon ng diborsiyo. Ang mga katulong ni Hughes ay nag-ulat na hindi kailanman nagsalita si Hughes ng masama laban kay Peters. Tumanggi rin si Peters na talakayin ang kanyang naging buhay kay Hughes at tumangging tanggapin ang ilang mga alok mula sa tagalimbag at biograper. Ang tanging sinaad ni Peters ay hindi niya nakita si Hughes ng ilang mga taon bago ang kanilang diborsiyo at nakisalimuha lamang ito kay Hughes sa pamamagitan ng telepono.
Si Hughes ay tumira sa Intercontinental Hotel malapit sa Lake Managua sa Nicaragua at naghangad ng pag-iisa at seguridad nang ang isang 6.5 na magnitudong lindol ay puminsala sa Managua noong Disyembre 1972. Bilang pag-iingat, si Hughes ay lumipat sa Pambansang Palasyo ng Nicaragua at nanatili rito bilang bisita ni Anastasio Somoza Debayle bago lumisan sa Florida sa isang pribadong jet ng sumunod na araw. Kalaunan ay lumipat siya sa Penthouse ng Xanadu Princess Resort sa Grand Bahama Island na kanyang kamakailan lang binili. Siya ay tumira ng eksklusibo sa penthouse ng Xanadu Beach Resort & Marina sa huling apat na taon ng kanyang buhay. Sa kabuuan, si Hughes ay gumugol ng US$300 milyon sa kanyang mga pag-aari sa Las Vegas.
Kamatayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Si Hughes ay iniulat na pumanaw noong 5 Abril 1976 sa loob ng eroplanong pag-aari ni Robert Graf at minaneho ng pilotong si Jeff Abrams mula sa kanyang penthouse na "Acapulco Fairmont Princess Hotel" sa Mexico patungo sa Methodist Hospital sa Houston, Texas. Sa ibang salaysay, si Hughes ay namatay habang naglalakbay sa eroplano mula sa Freeport Grand Bahamas patungo sa Houston. Ang kanyang mapag-isang mga gawain at posibleng paggamit ng droga ay gumawa sa kanyang hitsura na hindi na nakikilala. Ang kanyang buhok, balbas, mga kuko sa kamay at paa ay mahaba at ang kanyang katawang may taas na 6 ft 4 in (193 cm) ay tumimbang lamang na halos 90 libra (41 kg). Ang FBI ay gumamit na lamang ng fingerprint upang matukoy ang kanyang katawan. Ang alyas ni Hughes na "John T. Conover" ay ginamit sa pagdating ng katawan nito sa morge ng Houston sa araw ng kanyang kamatayan. Dito, ang kanyang katawan ay tinanggap ni Dr. Jack Titus.
Ang kalaunang autopsiya ay nagsaad na ang pagbagsak ng kanyang mga bato ang sanhi ng kanyang kamatayan. Bagaman ang kanyang mga bato ay napinsala, ang iba pang mga panloob na organo ay tinatayang malusog. Ang X-ray ay naghayag ng limang naputol na karayom na pang-tusok sa kanyang laman sa braso. Upang itusok ang codein sa kanyang mga masel, si Hughes ay gumamit ng nakalagay sa mga boteng pantusok (syringe) na may mga metal na karayom na madaling naalis. Ang phenactin na kanyang ginamit sa kronikong kirot ang maaaring naging sanhi ng pagbagsak ng kanyang mga bato. Si Hughes ay inilibing sa sementeryong Glenwood sa Houston, Texas na katabi ng kanyang mga magulang.
Sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Klepper and Gunther 1996, p. xiii.