Pumunta sa nilalaman

Juan Diego

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
San Juan Diego
Juan Diego ni Miguel Cabrera
Ipinanganakc. 12 Hulyo 1474(1474-07-12)[1]
Calpulli ng Tlayacac, Cuauhtitlan, Mehiko
Namatay30 Mayo 1548(1548-05-30) (edad 73)
Tenochtitlan, Lungsod ng Mehiko, Mehiko
Benerasyon saSimbahang Katoliko Romano
BeatipikasyonAbril 9, 1990, Lungsod ng Batikano, Roma ni Papa Juan Pablo II
KanonisasyonHulyo 31, 2002, Basilika ng Guadalupe, Lungsod ng Mehiko, Mehiko ni Papa Juan Pablo II
Pangunahing dambanaBasilika ng Guadalupe, Lungsod ng Mehiko, Mehiko
KapistahanDisyembre 9
Katangiantilma

Si Juan Diego Cuauhtlatoatzin o Juan Diego (1474–Mayo 30, 1548) ay, ayon sa tradisyon ng Katolikong Mehikano, isang katutubong Mehikano na nag-ulat ng isang aparisyon ni Santa Mariang Ina ng Guadalupe, noong 1531. Ang pagpapakita o pangitain ay nagkaroon ng mahalagang epekto sa paglaganap ng pananampalatayang Katoliko sa loob ng Mehiko. Ikinanonisa siya ng Simbahang Katoliko Romano noong 2002, bilang unang santong katutubong Amerikano.

Ang katotohanan ng pag-iral ni Juan Diego ay pinag-alinlanganan ng ilang mga dalubhasa sa maagang pampananampalatayang kasaysayan ng Bagong Espanya kabilang na sina Bernardino de Sahagun, Joaquin Garcia Icazbalceta, Stafford Poole, Louise Burkhart at David Brading, na nangatwirang buo ang kawalan ng mga mapagkukunan hinggil sa pag-iral ni Juan Deigo bago ang paglalathala ng Nican Mopohua makaraan ang isang daantaon noong 1649 (hindi nila tinatanggap ang pagkatotoo ng Codex Escalada bilang katibayang pangkasaysayan).[2] Sa kabila ng mga pagdududang ito, ang mga pagkakatuklas ng isang pag-aaral na interdisiplinaryo, ng halos dalawang dosenang mga dalubhasa na kinasasangkutan ng isang bantog na pamantasang Mehikano at ng isang dalubhasa mula sa Estados Unidos na malam sa lingguwistika at antropolohiyang Mesoamerikano bago ang kapanahunan ni Christopher Columbus sa Kaamerikahan, ang nagpapahimatong ng pagiging tunay ng dokumento at pinagmulang petsa na nasa ika-16 na daantaon.[3][4]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Leyendas Mexicanas," ni D. Marco Luna, 1939
  2. tingnan halimbawa ang Poole 2006 & 2002, Burkhart 2001, Brading 2001
  3. L'Osservatore Romano, Lingguhang Edisyon sa Ingles, 23 Enero 2002, pahina 8.
  4. Poole 2006, pp. 132-133

SantoKatolisismo Ang lathalaing ito na tungkol sa Santo at Katolisismo ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.