Kadyos
Kadyos | |
---|---|
Klasipikasyong pang-agham | |
Kaharian: | Plantae |
Klado: | Tracheophytes |
Klado: | Angiosperms |
Klado: | Eudicots |
Klado: | Rosids |
Orden: | Fabales |
Pamilya: | Fabaceae |
Sari: | Cajanus |
Espesye: | C. cajan
|
Pangalang binomial | |
Cajanus cajan (L.) Millsp.
|
Ang kadyos (Ingles: Pigeon pea, red gram o kaya Congo peas) ay isang uri ng gulay.[2] Kilala rin sa tawag kagyos, kagyas, kaldis, kalios, kardis, kidis at tabios.
Ang uri na matatagpuan sa Pilipinas ay maliit na maitim na buto. Kung minsan ay tinatawag ito sa salitang Ingles na black-eyed peas.
Mga Lutong ginagamitan ng Kadyos
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Kadyos ay sikat sa lutong Ilonggo lalo na sa pagkaing may sabaw na kilala sa tawag na KBL na ang kahulugan ay:[3]
- K = kadios
- B = baboy
- L = langka
Ang pangunahing dahilan kaya ito tinawag na KBL ay dahil sa partidong pampolitika na KILUSANG BAGONG LIPUNAN ni dating pangulong Marcos noong 1980.
Ang isa pa sa lutong Ilonggo na ipinangalan sa isang partido pampolitika ay ang KMU (KILUSANG MAYO UNO) na ang kahulugan ay:[3]
- K = kadios
- M = manok
- U = ubod
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ http://iloveiloilo.files.wordpress.com/2007/11/kadyos.jpg
- ↑ Leo James English, Diksiyunaryong Tagalog-Ingles, Kongregasyon ng Kabanalbanalang Tagapag-ligtas, Maynila, ipinamamahagi ng National Book Store, may 1583 na mga dahon, ISBN 971910550X
- ↑ 3.0 3.1 http://tagaloglang.com/Tagalog-English-Dictionary/English-Translation-of-Tagalog-Word/kadios-or-kadyos.html
Ang lathalaing ito na tungkol sa Gulay ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.