Katipunan
Daglat | KKK[a] |
---|---|
Motto | Tingnan ang Kartilya ng Katipunan |
Humalili sa | La Liga Filipina |
Pagkakabuo | July 7, 1892 |
Tagapagtatags | Deodato Arellano, Andrés Bonifacio, Valentín Díaz, Ladislao Diwa, José Dizon and Teodoro Plata. |
Itinatag sa | 72 Calle Azcárraga, San Nicolas, Manila |
Binuwag | March 22, 1897[kailangan ng sanggunian] |
Uri | Lihim na lipunan ng militar |
Katayuang legal | Defunct |
Layunin | Tingnan ang Katipunan aims |
Kasapihip | Masonic |
Wikang opisyal | Tagalog, regional languages |
Presidente Supremeo (Kataastaasang Pangulo) | Deodato Arellano (1892–1893) Román Basa (1893–1895) Andrés Bonifacio (1895–1897) |
Main organ | Kalayaan (napetsahan noong Enerp 1896, pinublisa nong Marso 1896)[kailangan ng sanggunian] |
Ang Kataas-taasang, Kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan[1] o mas kilala bilang Katipunan at KKK ay isang lihim na samahan na itinatag sa Pilipinas ni Andres Bonifacio na may layuning palayain ang bansa sa ilalim na ng mga mananakop na Espanyol.
Naitatag ang Katipunan noong Hulyo 7, 1892, matapos na mahuli at maipatapon si Jose Rizal na isa sa mga pinuno ng Kilusang Propaganda at siya ding tagatatag ng La Liga Filipina, na kung saan miyembro rin si Andres Bonifacio. Ang La Liga ay binubuo ng mga panggitnang uri na intelektual o mga ilustrado na nagtataguyod ng mapayapang reporma. Ang paghahadlang ng rehimeng Espanyol sa La Liga ang nagpatunay kay Andres Bonifacio na walang saysay ang mapayapang reporma sa ilalim ng pamamahala ng Espanyol. Ito ay binuo sa isang bahay sa Kalye Azcarraga (ngayon ay Abenida Claro M. Recto) sa Tondo, Maynila.
Dahil sa isang pagiging lihim na samahan, isinailalim ang mga kasapi nito sa lubusang paglilihim at inaasahan sila na tumalima sa mga patakarang ipinapairal ng samahan.[2] Ang mga nais sumapi sa samahan ay pinadadaan sa seremonya ng pagbunsod upang maging ganap na kasapi. Noong una, ang mga kalalakihang Pilipino lamang ang tinatanggap, ngunit noong lumaon ay nagpapasapi na rin sila ng mga kababaihan. May sariling pahayagan ang Katipunan, na tinatawag na Kalayaan na nagkaroon ng una at huling paglimbag noong Marso 1896. Umusbong ang mga kaisipan at gawaing rebolusyonaryo sa samahan, at pinayaman ng ilang mga tanyag na kasapi nito ang literatura ng Pilipinas.
Sa pagpaplano sa rebolusyon, nakipagtalastasan si Bonifacio kay Rizal para sa kaniyang lubos na pagsuporta sa Katipunan kapalit ng pangako ng pagsagip kay Rizal mula sa pagkapiit. Noong Mayo 1896, isang delegasyon ang pinadala sa Emperador ng Hapon para makalikom ng pondo at mga sandata. Nabunyag ang Katipunan sa pamahalaang Kastila noong umamin ang isang kasapi na si Teodoro Patiño sa kaniyang kapatid na babae ukol sa mga ilegal na gawain ng Katipunan, at kinalaunan sa madreng pinuno ng Ampunang Mandaluyong. Pitong taon matapos ang pagkakatuklas ng mga Kastila sa Katipunan, pinunit ni Bonifacio at ang kaniyang mga tauhan ang kanilang mga cedula sa Sigaw sa Pugadlawin, na nagpasimula ng Rebolusyong Pilipino.
Pangalan ng Samahan
Ang opisyal na pangalan ng samahang ito ay "Kataas-taasang, Kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan"[1]. Kilala rin ang samahang ito sa mga bansag na Katipunan o KKK. Wala itong kinalaman sa isang samahang rasista na kilala bilang Ku Klux Klan na kilala din sa daglat na "KKK".
Kasaysayan
Dahil sa isang pagiging lihim na samahan, isinailalim ang mga kasapi nito sa lubusang paglilihim at inaasahan sila na tumalima sa mga patakarang ipinapairal ng samahan.[2] Ang mga nais sumapi sa samahan ay pinadadaan sa seremonya ng pagbunsod upang maging ganap na kasapi. Noong una, ang mga kalalakihang Pilipino lamang ang tinatanggap, ngunit noong lumaon ay nagpapasapi na rin sila ng mga kababaihan. May sariling pahayagan ang Katipunan, na tinatawag na Kalayaan na nagkaroon ng una at huling paglimbag noong Marso 1896. Umusbong ang mga kaisipan at gawaing rebolusyonaryo sa samahan, at pinayaman ng ilang mga tanyag na kasapi nito ang literatura ng Pilipinas.
Sa pagpaplano sa rebolusyon, nakipagtalastasan si Bonifacio kay Rizal para sa kaniyang lubos na pagsuporta sa Katipunan kapalit ng pangako ng pagsagip kay Rizal mula sa pagkapiit. Noong Mayo 1896, isang delegasyon ang pinadala sa Emperador ng Hapon para makalikom ng pondo at mga sandata. Nabunyag ang Katipunan sa pamahalaang Kastila noong umamin ang isang kasapi na si Teodoro Patiño sa kaniyang kapatid na babae ukol sa mga ilegal na gawain ng Katipunan, at kinalaunan sa madreng pinuno ng Ampunang Mandaluyong. Pitong taon matapos ang pagkakatuklas ng mga Kastila sa Katipunan, pinunit ni Bonifacio at ang kaniyang mga tauhan ang kanilang mga cedula sa Sigaw sa Pugadlawin, na nagpasimula ng Rebolusyong Pilipino.
Pagtatatag
Impluwensya ng Kilusang Propaganda
Ang Katipunan at ang Cuerpo de Compromisarios ay ang humaliling organisasyon sa samahang La Liga Filipina, na tinatag mismo ni Jose Rizal, na nagkaroon ng inspirasyon mula sa pagkamartir ng mga paring si Mariano Gomez, Jose Burgos at Jacinto Zamora na kilala bilang Gomburza. Ang samahang ito ay bahagi ng Kilusang Propaganda sa Pilipinas noong huling bahagi ng ika-19 siglo. Naging kasapi ng La Liga ang mga pundador ng Katipunan na sina Andres Bonifacio, Ladislao Diwa at Teodoro Plata at naimpluwensiyahan sila ng mga kaisipang makabayan ng Kilusang Propaganda sa Espanya.[3]
Nagbigay din ng inspirasyon sa pagbuo ng Katipunan si Marcelo H. del Pilar, na isa rin sa mga pinuno ng Kilusang Propaganda sa Espanya. Naniniwala ang mga kasalukuyang historyador na mayroon siyang direktang koneksyon sa organisasyon dahil sa kaniyang ginampanan sa Kilusang Propaganda at sa kaniyang tanyag na posisyon sa Masonerya ng Pilipinas, at karamihan sa mga pundador ng Katipunan ay mga mason. Ang mga seremonya ng pagbunsod ng Katipunan ay hinalaw mula sa mga seremonya ng mga mason. Mayroon din itong pagkakahanay ng mga ranggo na katulad sa masonerya. Nakita ng Espanyol na mananalambuhay ni Rizal na si Wenceslao Retana at ng Pilipinong mananalambuhay na si Juan Raymundo Lumawag ang pagkakatatag ng Katipunan bilang tagumpay ni Del Pilar kay Rizal.
Pagtatag ng Katipunan
Naibunyag sa mga otoridad na Kastila ng mga nahuling kasapi ng Katipunan, na tinatawag na Katipunero, na sila ding kasapi ng La Liga, na mayroong pagkakaiba-iba ng opinyon sa mga kasapi ng La Liga. Iginiit ng isang grupo na ang layunin ng La Liga ay isang mapayapang repormasyon samantala ang iba ay nagnanasa ng armadong rebolusyon.[4]
Noong gabi ng 7 Hulyo 1892, matapos na ipatapon si Jose Rizal sa Dapitan sa Mindanao, itinatag ni Andres Bonifacio, na kasapi ng La Liga Filipina, ang Katipunan sa isang tahanan sa Tondo, Maynila.[5] Itinatag ni Bonifacio ang Katipunan noong kinukutuban na ng mga Pilipinong kontra-Kastila na susupilin ng mga mananakop ang mga samahang tulad ng La Liga Filipina.[6] Sinamahan siya ng dalawa niyang kaibigan na sina Teodoro Plata (bayaw) at Ladislao Diwa, at kasama din sina Valentin Diaz at Deodato Arellano.[7] Itinatag ang Katipunan sa may Kalye Azcarraga (kasalukuyang Abenida Claro M. Recto) malapit sa Kalye Elcano sa Tondo.[8] Sa kabila ng kanilang reserbasyon ukol sa mapayapang rebolusyon na ninanasa ni Rizal, pinangalan nila si Rizal bilang pandangal na pangulo ng hindi niya nalalaman. Itinatag ang Katipunan bilang isang lihim na samahang kapatiran, sa ilalim ng pangalang Kataas-taasang, Kagalang-galangang Katipunan ng̃ mg̃á Anak ng̃ Bayan.
May apat na layunin ang Katipunan:
- Upang makapagbuo ng matatag na alyansa sa bawat Katipunero;
- Upang mapagkaisa ang mga Pilipino sa pagiging isang matatag na bansa;
- Upang makamtan ang kasarinlan ng Pilipinas sa pamamagitan ng isang armadong pakikipaglaban (o rebolusyon);[9]
- Upang makapagtatag ng isang republika matapos ang kasarinlan.[10]
Ang paglago ng Katipunan ay naging hudyat ng pagtatapos ng krusada para sa reporma mula sa Kastila sa pamamagitan ng mapayapang pamamaran. Nabigong makamit ng Kilusang Propaganda na pinamumunuan nina Rizal, del Pilar, Jaena at iba pa ang kanilang layunin, kaya sinimulan ni Bonifacio ang isang militanteng kilusan para sa kasarinlan.
Organisasyon
Administrasyon
Pinamumunuan ang Katipunan ng Kataastaasang Sanggunian.[11] Ang unang Kataastaasang Sanggunian ng Katipunan ay binuo noong Agosto 1892, isang buwan matapos ang pagkakatatag ng samahan. Ang Kataastaasang Sanggunian ay pinamumunuan ng isang halal na Pangulo, na sinundan ng mga Kalihim, ng Tagaingat-yaman at ng Tagausig.[12] Ang Kataastaasang Sanggunian ay mayroon ding mga Kasangguni, na ang bilang ay iba-iba sa iba't ibang mga pagkapangulo.[12] Upang maitangi mula sa mga pangulo ng mga mas nakakababang sanggunian, ang pangulo ng Kataastaasang Sanggunian ay tinatawag na Kataastaasang Pangulo, o Presidente Supremo sa Wikang Kastila.[13]
POSISYON | PANGALAN | TERMINO |
Kataastaasang Pangulo | Deodato Arellano | 1892 - Pebrero 1893 |
Roman Basa | Pebrero 1893 - Enero 1895 | |
Andrés Bonifacio | Enero 1895 - 1896 | |
Tagasiyasat/Tagapamagitan | Andrés Bonifacio | 1892 - August 1893 |
Tagausig | Ladislao Diwa | 1892 - Pebrero 1893 |
Andrés Bonifacio | Pebrero 1893 - 1895 | |
Emilio Jacinto | 1895 | |
Pio Valenzuela | Disyembre 1895 | |
Kalihim (ng Estado) | Teodoro Plata | 1892 - Pebrero 1893 |
Jose Turiano Santiago | Pebrero 1893 - Disyembre 1895 | |
Emilio Jacinto | Disyembre 1895 - 1896 | |
Kalihim ng Digmaan | Teodoro Plata | 1896 |
Kalihim ng Hukuman | Briccio Pantas | 1896 |
Kalihim ng Interyor | Aguedo del Rosario | 1896 |
Kalihim ng Pananalapi | Enrique Pacheco | 1896 |
Tagaingat-yaman | Valentin Diaz | 1892 - Pebrero 1893 |
Vicente Molina | Pebrero 1893 - Disyembre 1895 |
Sa pagsiklab ng Rebolusyon ng 1896, inayos muli ang Sanggunian sa pagiging 'gabinete' kung saan pinalagay ang Katipunan bilang isang tunay na pamahalaang rebolusyonaryo, de facto at de jure.[14]
Sa bawat probinsya na mayroong kasapi ng Katipunan ay itinatag ang isang sangguniang probinsya na tinatawag na Sangguniang Bayan, at sa bawat bayan ay may itinatag na sangguniang pangbayan na tinatawag na Sangguniang Balangay. Ang bawat Bayan at Balangay ay mayroong sariling mga halal na opisyal: ang Pangulo, Kalihim, Tagausig, Tagaingat-yaman, Pangalawang Pangulo, Pangalawang Kalihim, mga Kasanguni, Mabalasig, Taliba, Maniningil, Tagapamahala ng Basahan ng Bayan, Tagapangasiwa, Manunulat, Tagatulong sa PAgsulat, Tagalaan, at Tagalibot.[12] Binigyan ng pagkakataon ang bawat Balangay upang palawigin ang kanilang impluwensya sa pamamagitan ng sistemang triyanggulo upang maitaas ang kanilang mga katayuan sa pagiging Sangguniang Bayan[12] Ang mga bawat Balangay na hindi nakamit ang katayuang Sangguniang Bayan ay binubuwag at sinasanib sa ibang mas malaking sangguniang probinsya o pangbayan.[12]
Ang mga bayan at lungsod na sumusuporta sa layunin ng Katipunan ay binibigyan ng makahulugang pangalan, tulad ng Magdiwang para sa Noveleta, Cavite; Magdalo para sa Kawit; Magwagi para sa Naic; Magtagumpay para sa Maragondon; Walangtinag para sa Indang; at Haligue para sa Imus -lahat ng ito ay nasa probinsya ng Cavite.[15]
Sa loob din ng samahan ay mayroong isang lihim na kamara, na tinatawag na Camara Reina,[16] na pinamumunuan ni Bonifacio, Jacinto, at Pio Valenzuela. Ang kamarang ito ay naglilitis sa sinumang nagtaksil sa kanilang mga sinumpaan at sa mga inaakusahan ng ilang mga paglabag sa mga alituntunin ng Katipunan. Ang bawat katipunero ay mayroong pagkahangang pagkatakot sa kamarang ito. Ayon kay Jose P. Santos, sa buong panahon ng pag-iral ng kamarang ito, mayroong limang mga Katipunero ang nahatulan at nasintensyahan ng kamatayan. Ang sintensyang kamatayan ay ibinababa sa pamamagitan ng isang tasa na may serpyente na nakapalibot dito.[17]
Kasaysayan ng Pamunuan
Noong 1892, matapos na maitatag ang Katipunan, ang mga bumubuo ng Kataastaasang Sanggunian ay sina Arellano bilang pangulo, Bonifacio bilang tagasiyasat, Diwa bilang taga-usig, Plata bilag kalihim at Diaz bilang tagaingat-yaman.[18]
Noong 1893, ang mga bumubuo ng Kataastaasang Sanggunian ay sina Ramon Basa bilang pangulo, Bonifacio bilang tagausig, Jose Turiano Santiago bilang kalihim, VIcente Molina bilang tagaingat-yaman at sina Restituto Javier, Briccio Pantas, at Teodoro Gonzales. Sina Gonzales, Plata at Diwa ay mga kasangguni.[18] Sa ilalim ng pamumuno ni Basa nagkaroon ng Katipunan ng isang pangkat para sa mga kababaihan. Ang mga naging unang kasapi nito ay sina Gregoria de Jesus, na siyang kakakasal lang kay Bonifacio, at Marina Dizon, anak ni Jose Dizon. Noong 1893 ay naitatag nina Basa at Diwa ang sangguniang probinsya ng Cavite, na siyang magiging pinakamatagumpay na sanggunian ng Katipunan.
Naiulat ng iskolar na Pilipino na si Maximo Kalaw na isinuko ni Basa ang pagkapangulo kay Bonifacio noong 1984 dahil sa alitan ukol sa pagiging pakinabang ng mga ritwal pangbunsod at sa pamamalakad ni Bonifacio sa samahan. Tinutulan pa ni Basa ang gawain ni Bonifacio na pautangin ang mga nangangailangang mga kasapi gamit ang pondo ng samahan, na ginagamitan pa ng liham pangako.[19][20] Ang isa pa nito, hindi rin pinasali ni Basa ang kaniyang anak sa samahan.
Sa taon din ng 1894 sumapi sa Katipunan si Emilio Jacinto, pamangkin ni Dizon na nag-aaral ng abogasya sa Pamantasan ng Santo Tomas. Siya ang bumuo sa mga prinsipyo ng samahan at isinulat niya ito sa isang aklat na tinatawag na Kartilla. Isinulat ito sa wikang Tagalog at kinakailangan ang mga gustong sumapi na manumpa dito ng buong puso bago pa man sila isalang sa ritwal pambunsod. Dahil dito kinilala si Jacinto bilang Utak ng Katipunan.
Sa panahon ding iyon, naging patnugot si Jacinto ng Kalayaan, ang opisyal na pahayagan ng Katipunan. Ngunit isang isyu lang nailathala, dahil noong inihahanda ang pangalawang isyu ay natuklasan ang Katipunan. Inilimbag ang Kalayaan gamit ang palimbagan ng Diario de Manila na isang pahayagang Kastila. Ang palimbagang ito at ang mga manggagawa dito ay magkakaroon ng malaking papel sa pagsiklab ng rebolusyon.
Noong 1895 ay pinatalsik sa samahan si Jose Turiano Santiago, na isang malapit na kaibigan ni Bonifacio, dahil nahulog ang isang kinodigong mensahe ng Katipunan sa kamay ng isang Kastilang pari na nagtuturo sa Pamantasan ng Santo Tomas. Dahil kaibigan ng pari ang kapatid ni Santiago, inakusahan siya at maging ang kaniyang kapatid sa labas na si Restituto Javier ng pagtataksil. Sa kabila nito mananatiling tapat ang dalawa sa Katipunan, at kinalaunan ay sasapi rin si Santiago sa hukbong rebolusyonaryong Pilipino sa Digmaang Pilipino-Amerikano. Si Jacinto ang pumalit kay Santiago bilang kalihim.
Noong mga unang araw ng 1895, nagpatawag ng pagpupulong si Bonifacio. Ihinalal sina Bonifacio bilang pangulo, Jacinto bilang tagausig, Santiago bilang kalihim, Molina bilang kalihim, Pio Valenzuela at Pantaleon Torres bilang manggagamot, at Aguedo del Rosario at Doroteo Trinidad bilang kasangguni.[21]
Noong 31 Disyembre 1895, isang halalan ang muling ginanap, at nahalal sina Bonifacio bilang pangulo, Jacinto bilang tagausig, Santiago bilang kalihim, Molina bilang kalihim, Pio Valenzuela at Pantaleon Torres bilang manggagamot, at Aguedo del Rosario at Doroteo Trinidad bilang kasangguni.[22]
Ang mga naging kasapi ng Kataastaasang Sanggunian noong 1895 ay sina Bonifacio bilang pangulo, Valenzuela bilang tagausig at manggagamot, Jacinto bilang kalihim, at Molina bilang tagaingat-yaman. Sina Enrico Pacheo, Pantaleon Torres, Balbino Florentino, Francisco Carreon at Hermenegildo Reyes ang naging mga kasangguni.[22]
Matapos ang walong buwan, noong Agosto 1896, nagkaroon ng halalan para sa ikalima at kahulihulihang Kataastaasang Sanggunian sa mga posisyong binago ang pangalan. Ihinalal sina Bonifacio bilang Supremo, Jacinto bilang Kalihim ng Estado, Plata bilang Kalihim ng Digmaan, Brico Pantas bilang Kalihim ng Hukuman, Aguedo del Rosario bilang Kalihim ng Panloob at Enrice Pacheco bilang Kalihim ng Pananalapi.[22]
Mga Kasapi
Patuloy na nag-aakay ng mga bagong kasapi ang Katipunan sa mga sumunod na apat na taon. Noong panahon na natuklasan ang Katipunan, itinaya ng manunulat ng Amerikano na si James Le Roy na ang dami ng mga Katipunero ay umaabot sa 100,000 hanggang 400,000 mga kasapi. Itinaya ng historyador na si Teodoro Agoncillo na ang mga kasapi ay lumago hanggang 30,000 noong 1896.[23] Itinaya ng manunulat na Ilokano na si Isabelo de los Reyes na ang mga naging kasapi ay nasa 15,000 hanggang 50,000.
Maliban sa Maynila, nagkaroon din ang Katipunan ng mga malagong sangay sa Batangas, Laguna, Cavite, Rizal, Bulacan, Pampanga, Tarlac, at Nueva Ecija. Mayroon ding mga mas maliit na sangay sa Ilocos Sur, Ilocos Norte, Pangasian at sa Kabikulan. Iginugol ng mga tagapagtatag ng Katipunan ang kanilang libreng oras sa pag-aakay ng mga kasapi. Halimbawa, si Diwa na isang kawani ng isang korteng hukuman, ay itinalaga sa isang hukuman pangkapayapaan sa Pampanga. Nag-akay siya ng mga kasapi sa probinsyang iyon at maging sa karatig-probinsya ng Bulacan, Tarlac, at Nueva Ecija. Karamihan sa mga Katipunero ay mga karaniwang tao ngunit mayroon ding mga mayayamang mga makabayan na sumapi sa Katipunan at kinilala ang pamumuno ni Bonifacio.
Sistemang Patatsulok at mga Antas
Kasama na sa orihinal na balak ni Bonifacio ang pagpapalawak ng kasapian ng Katipunan sa pamamagitan ng sistemang patatsulok. Nabuo niya ang kauna-unahang tatsulok kasama ang kaniyang dalawang mga kasamang sina Teodoro Plata at Ladislaw Diwa. Tinuro ng bawat isa ang kaisipang Katipunan sa dalawa pang mga bagong kasapi. Alam ng nagbuo ng tatsulok ang dalawang mga bagong kasapi, ngunit hindi alam ng huli ang isa't isa. Ngunit binuwag ang sistemang ito noong Disyembre 1892 dahil sa pagiging kumplikado ng prosesong ito,[24] at pinalitan ito ng bagong sistema ng pagsasapi na hango sa Masonerya.[25]
Noong umabot na sa higit sandaang kasapi ang Katipunan, hinati ni Bonifacio ang mga kasapi sa tatlong antas: ang Katipon na pinakamababang antas; ang Kawal, at ang Bayani. Sa pagpupulong ng samahan, nagsusuot ang mga Katipion ng itim na talukbong na may tatsulok ng puting laso na may mga titik na "Z. Ll. B", na kumakatawan sa romanong "A. N. B." na nangangahulugang Anak ng Bayan. Nakasuot naman ang mga Kawal ng lunting talukbong na may medalya na may mga titik "ka" sa sulat na Baybayin sa itaas ng imahe ng naka-krus na mga espada at watawat. Ang kontrasenyas ay Gom-Bur-Za, na hinango sa tatlong martir na sina Mariano Gomez, Jose Burgos at Jacinto Zamora. Nakasuot naman ang mga Bayani ng pulang maskara na may sintas, na may lunting gilid, na sumisimbolo sa katapangan at pag-asa. Ang harapan ng maskara ay may puting linya na bumubuo sa tatsulok na may tatlong titik K na nakahanay sa bawat panloob na sulok ng tatsulok, at may mga titik na "Z. Ll. B." sa ibaba. Ang kontrasenyas ay Rizal. Ginagamit ang mga kontrasenyas para makilala nila ang iba nilang kasapi sa lansangan. Kapag nagkikita ang isang kasapi sa isa pang kasapi, nilalagay niya ang kaniyang kanang palad sa dibdib, at habang padaan siya sa kasaping iyon ay isinasara niya ang kaniyang mga kamay upang maidikit ang kaniyang hinlalaki at hintuturo sa kanang kamay.[26]
Mga nakatalagang kulay:
- Katipon. Mga kasapi sa unang antas: Iba pang mga simbolo: Itim na talukbong, rebolber at/o bolo.
- Kawal. Mga kasapi sa ikalawang antas. Iba pang mga simbolo: medalyon na may lasong lunti at may nakasulat na K.
- Bayani. Kasapi sa ikatlong antas. Iba pang mga simbolo: Pulang talukbong at laso, na may lunting gilid.
Maaaring maging Kawal ang Katipon kapag nakapagdala siya ng mga bagong kasapi sa kilusan. Maaaring maging Bayani ang Kawal kapag nahalal siya bilang isang opisyal ng samahan.[27]
Pagsasapi
Anumang tao na nais sumapi sa Katipunan ay dumadaan sa mga ritwal na halintulad sa mga ritwal ng Masonerya upang subukin ang kaniyang katapangan, pagka-makabansa at katapatan.[28] Tatlong bagong kasapi ang dumadaan sa mga panimulang ritwal kada pagkakataon, upang sa ganoon ay walang kasapi ang makaalam sa higit na dalawang iba pang mga kasapi sa samahan. Tinatakluban ang mata ng baguhan at dinadala siya sa isang madilim na silid na pinapailawan ng iisang kandila at may itim na kurtina, at inaalis ang kaniyang taklob sa mata niya. Dalawang mga paalala ang nakapaskil papasok ng silid:
Kung may lakás at tapang, ìkaw'y makatutuloy![29]
Kung ang pag-uusisa ang nagdalá sa iyó dito'y umurong ka.[29]
Kung di ka marunong pumigil ng̃ iyong masasamang hilig, umurong ka; kailan man ang pintuan ng̃
May-kapangyarihan at Kagalanggalang Katipunan ng̃ mg̃á Anak ng̃ Baya'y hindi bubuksan nang dahil sa iyó.[29]
Sa loob ng silid ay idadala sila sa isang hapag na mayroong bungo at bolo. Doon ay isusumpa nila ang mga pang-aabuso ng pamahalaang Kastila at mamamanatang lalabanin ang panggigipit ng mga dayuhan:[30][31]
1. ¿Anó ang kalagayan nitóng Katagalugan[32] nang unang panahun?
- (Inaasahang sagot) "Noong dumating ang mga Katila sa baybayi ng Pilipinas noong Marso 16, 1521, mayroon nang sibilisadong estado ang Pilipinas. Mayroon silang malayang pamahalaan; mayroon silang mga artilerya; mayroon silang mga sedang damit; mayroon silang kalakalan sa Asya; mayroon silang sariling relihiyon at panulat. Sa madaling salita, mayroon silang kalayaan at kasarinlan."
2. ¿Anó ang kalagayan sa ngayón?
- (Inaasahang sagot) "Hindi dinala ng mga prayle ang mga Pilipino sa kabihasnan, dahil salungat sa mga interes nila ang pagmulat. Ang mga Pilipino (na tinatawag na mga Tagalog ng mga Katipunan) ay tinuruan lamang ng mga pormula ng Katekismo kung saan nagbabayad sila ng mararaming mga magagastos na pista para sa kapakanan ng mga prayle."
3. ¿Anó ang magiging kalagayan sa darating na panahun?
- (Inaasahang sagot) "Sa pamamagitan ng pananampalataya, giting at tiyaga, malulunasan ang mga kasamaang ito."
Noong panahon ni Bonifacio, lahat ng mga Pilipino ay tinatawag ng Katipunan bilang mga Tagalog, at ang Pilipinas bilang Katagalugan.[31]
Ang sumunod na hakbang sa panimulang ritwal ay ang pagtuturo na pinamumunuan ng tagapamahala ng seremonya na tinatawag na Mabalasig/Mabalasik, na siyang nagpapayo sa baguhan na umatras kung wala siyang tapang dahil wala siyang kalulugaran sa lipunang makabayan. Kung nais magpatuloy ng baguhan, ay pinapakilala siya sa asamblea ng mga magkakapatid, kung saan sinasabak siya sa iba't ibang mga pagsubok tulad ng pagtataklob sa kanyang mga mata at ipapabaril sa kaniya kunwari ang isang tao gamit ang rebolber, o ipapatalon siya sa kunwaring mainit na apoy. Pagkatapos ng mga pagsusubok ay ang huling ritwal: ang pacto de sangre o ang pagsasandugo, kung saan nilalagdaan ng baguhan ang isang sumpa gamit ang dugo na galing sa kaniyang braso. Pagkatapos ay tatanggapin siya bilang isang ganap na kasapi, na may simbolikong pangalan kung saan siya makikilala sa loob ng Katipunan. Ang simbolikong pangalan ni Bonifacio ay Maypagasa, si Jacinto bilang Pingkian at si Artemio Ricarte bilang Vibora.
Pagtanggap ng mga kababaihan sa lipunan
Noong una ay mga kalalakihan lamang ang tinatanggap sa Katipunan. Dahil sa pag-aalala sa mga pag-uusisa sa mga kababaihan ukol sa mga gabi-gabing pagkawala ng kanilang mga asawa, sa pagbawas ng kanilang kita at "mahabang oras ng paggawa", pinasya ni Bonifacio na dalhin sila sa loob ng KKK. Isang pangkat ng mga kababaihan sa Katipunan ang binuo: at upang makasapi ay kailangan niyang maging asawa, anak o kapatid ng lalaking katipunero. Tinatayang mga 20 hanggang 50 kababaihan ang naging kasapi ng lipunan.[33]
Ang unang kababaihan na naging kasapi ng Katipunan ay si Gregoria de Jesus, maybahay ni Bonifacio.[33] Tinawag siyang Lakambini ng Katipunan.[34] Noong una ay mga 29 kababaihan ang pinasapi sa Katipunan: sina Gregoria de Jesus, Maria Dizon, pangulo ng pangkat ng mga kababaihan; sina Josefa at Trinidad Rizal, mga kapatid ni Dr. Jose Rizal; Angelica Lopez at Delfina Herbosa Natividad, malapit na kamag-anak ni Dr. RIzal; Carmen Rodriguez; Marina Hizon; Benita Rodriguez; Semiona de Remigio; Gregoria Montoya; Agueda Kabahagan, Teresa Magbanua, Trinidad Tecson, na tinatawag na "Ina ng Biak-na-Bato";[35] Nazaria Lagos; Patronica Gamboa; Marcela Agoncillo; Melchora Aquino, ang "Dakilang Matandang Babae ng Balintawak"[35]; Marta Saldaña at Macaria Pangilinan.[36]
Mahalaga ang papel na ginampanan ng mga kababaihan sa Katipunan.[37] Iningatan nila ang mga lihim na papeles at dokumento ng lipunan. Kapag may nagaganap na pagpupulong ang Katipunan sa isang bahay, masasaya silang nag-aawitan at nagsasayawan kasama ang ilang mga kalalakihan sa sala upang walang makitaan ang mga guwardya sibil liban sa isang inosenteng piging sosyal.[33]
Bagaman sinasabing mga kasapi ng Katipunan ang mga kababaihan, iilan lang ang mga nakalap na impormasyon ukol sa pangkat ng mga kababaihan, at ang ilan pa sa kanila ay magkakasalungat.[12] Halimbawa, inalis ni Teodora Agoncillo si Marina Dizon at sinabing si Josefa Rizal lamang ang naging Pangulo ng nasabing pangkat.[38] Ngunit binanggit ni Gregorio Zaide ang tungkol sa pagkapangulo ni Dizon sa kaniyang aklat na History of the Katipunan (Kasaysayan ng Katipunan) noong 1939[39], ngunit binago niya ito noong inangkin niya ang kuro-kuro ni Dr. Pio Valenzuela na hindi naghahalal ng mga opisyal ang mga babaeng kasapi, kaya walang maaaring puwesto para sa pangulo.[40]
Mga panitikan ng lipunan
Sa buong panahon ng Katipunan ay umusbong ang panitikan sa pamamagitan ng mga prominenteng manunulat tulad ni Andres Bonifacio, Emilio Jacinto, at Dr. Pio Valenzuela. Ang bawat mga katha nila ay ukol sa makabayang damdamin at naglalayon na palawigin ang kaisipang rebolusyonaryo at saloobin ng lipunan.[41]
- Mga gawa ni Bonifacio. Marahil ang ilan sa mga pinakamabuting mga katha ng Katipunan ay sinulat ni Andres Bonifacio, ang Pag-ibig sa Tinubuang Lupa [42], isang tula na naglalaman ng masidhing damdaming makabayan. Inilathala ang tulang ito sa kaisa-isang palathala ng Kalayaan noong Enero 1896, gamit ang pangalang-panulat Agapito Bagumbayan. Ayon kay Manuel Artigas y Cuerva, ang pangalang Agapito Bagumbayan ay hango sa kombinasyon na agap-ito, bagum-bayan, na nangangahulugan na narito na ang bagong bayan, at handa na..[43][44] Walang nakakalaam sa orihinal na pinagmulan ng Pag-ibig, dahil walang natirang kopya ng Kalayaan sa kasalukuyan. Ang dalawang nanatiling mga teksto ay nilimbag sa mga aklat ni Jose P. Santos noong 1935. Mayroong isa pang kopya na nasa pangangalaga ng aklatang militar ng Madrid, na naglalaman ng kaunti at kilalang pagkakaiba sa mga limbag ni Santos.[43]
- Matapos barilin si Rizal sa Bagumbayan noong 30 Disyembre 1896, isinulat ni Bonifacio ang unang salin sa Tagalog ng Mi Ultimo Adios o Huling Paalam, na sinulat ni Rizal, at binigyan ng pamagat bilang Pahimakas. Sinulat din niya ang prosa na Katungkulang Gagawin ng mga Z. Ll. B. na hindi nailimbag dahil sa paniniwala niyang mas mataas ang Kartilya ni Jacinto kaysa sa kaniya.[45] Isinulat din ni Bonifacio ang Ang Dapat Mabatid ng mga Tagalog na isang sanaysay politiko-makasaysayan.
- Mga gawa ni Jacinto. Kinikilala si Emilio Jacinto bilang Utak ng Katipunan. Ang kaniyang obrang tula na sinulat sa Laguna noong 8 Oktubre 1897 ay ang A la Patria (Sa aking Amang-bayan), na nabigyan ng inspirasyon mula sa Mi Ultimo Adios ni Rizal.[41] Sinulat din niya ang isa pang tula na pinamagatang A mi Madre (Sa Aking Ina). Ang kaniyang obra sa prosa ay ang Kartilla na nagsilbing Biblia ng Katipunan.[41] Ang iba pa niyang lathalain ay ang Liwanag at Dilim, isang serye ng mga artikulo ukol sa karapatang pantao, kalayaan, pagkakapantay-pantay, paggawa, pamahalaan at pagmamahal sa bayan. Ang kaniyang pangalang-panulat ay Dimas-Ilaw.
- Mga gawa ni Valenzuela. Manggagamot bilang propesyon si Dr. Pio Valenzuela. Noong 1896, sa unang isyu ng Kalayaan, tinulungan ni Valenzuela si Bonifacio at Jacinto sa pamamatnugot ng pahayagan. Isinulat din niya ang Catuiran? (Makatuwiran ba?) na nagpapaliwanag ng pagmamalupit ng mga prayleng Kastila at gwardya sibil ng San Francisco del Monte (ngayo'y nasa Lungsod Quezon) sa isang kawawang tenyente ng bayan.[46] Nakipagtulungan din siya kay Bonifacio sa pagsuuslat ng artikulong Sa Mga Kababayan, isang sanaysay para sa inang-bayan. Ang kaniyang pangalang-panulat ay Madlang-Away.[41]
- Noong sumiklab ang Sigaw sa Balintawak, naging Pangkalahatang Manggagamot ng Katipunan si Valenzuela.[47]
Kalayaan
Kalayaan ang opisyal na pahayagan ng Katipunan. Una itong inilimbag noong Marso 1896 (bagaman nakapetsa ito sa Enero 1896).[48] Hindi na nasundan ang isyu na ito.
Noong 1895, nakabili ang Katipunan ng isang lumang manu-manong imprentahan gamit ang salaping pinagkaloob ng dalawang makabayang Bisaya, sina Francisco del Castillo at Candido Iban, na bumalik sa bansa matapos magtrabaho sa Australia bilang tagasisid ng perlas at kabibi, at nakakuha ng salapi mula sa panalo sa loterya.[48][49] Kasama sa biniling imprentahan ang kaunting piraso ng mga typeface mula sa "Bazar el Cisne" ni Antonio Salazar sa Kalye Carriedo, at dinala ni Del Castillio ang mga ito sa bahay ni Andres Bonifacio sa Santa Cruz, Maynila.[48] Noong 1 Enero, 1896, tinanggap ni Valenzuela ang posisyon bilang "piskal" ng Katipunan kapalit ang pahintulot ni Bonifacio na ilagay ang imprentahan sa kaniyang bahay sa Kalye de Lavezares, San Nicolas, Maynila, "upang masubaybay at mapatnugot ang buwan-buwang paglilimbag ng magiging pangunahing pahayagan ng Katipunan".[48] Pumayag si Bonifacio, at sa kalagitnaan ng Enero ay idinala ang imprentahan sa San Nicolas.
Si Dr. Valenzuela ang nagmungkahi ng pangalang Kalayaan, na siya namang sinang-ayunan ni Bonifacio at ni Jacinto.[46] Bagaman napili si Valenzuela bilang patnugot ng pahayagan, pinagpasya nilang lahat na gamitin ang pangalan ni Marcelo H. del Pilar bilang patnugot. Para malito ang rehimeng Kastila, ipinahayag ng Kalayaan na nililimbag ito sa Yokohama, Hapon.[50]
Sa buwan ding iyon nagsimula ang paglilimbag ng Kalayaan. Inasahan ni Valenzuela na matatapos ito sa katapusan ng buwan, kaya pinetsa nila ito sa Enero.[48] Pinanatili nilang lihim ang pagkakaroon ng palimbagan. Sa pangangasiwa ni Valenzuela, dalawang taga-imprenta, sina Faustino Duque, mag-aaral ng Colegio de San Juan de Letran, at si Ulpiano Fernandez, na nagtatrabaho din sa El Comercio bilang taga-imprenta, ang nag-imprenta ng mga panitikang rebolusyonaryo ng lipunan at ng Kalayaan.
Noong tinalaga si Valenzuela bilang pangkalahatang manggagamot ng Katipunan, ipinasa niya ang responsibilidad sa paglilimbag kay Emilio Jacinto. Tinanggap ni Jacinto ang trabaho, at pinapatnugot niya ang mga artikulo matapos ang kaniyang klase sa Pamantasan ng Santo Tomas. Dahil nasa lumang ortograpiya ang palimbagan at hindi sa kung tawagin ng mga Kastila ay mga alpabetong "sina-Aleman", wala itong mga titik sa Tagalog gaya ng "k", "w", "h" at "y". Upang matugunan ang suliraning ito, pinakiusapan ni Jacinto ang kaniyang inang si Josefa Dizon na bumili ng mga typeface na katulad ng mga nabanggit na titik.[48] Binili ang mga type na ito mula sa tagalimbag na si Isabelo de los Reyes, ngunit marami ang lihim na kinupit mula sa palimbagan ng Diario de Manila ng mga Pilipinong manggagawa na kasapi ng Katipunan.[50]
Ayon kay Valenzuela, sadyang matrabaho ang proseso ng pag-imprenta, kaya ang pagbuo sa walong pahina ng typeset ay inaabot ng dalawang buwan.[48] Nagsalit-salitan sina Jacinto, Duque at Fernandez (at minsan, si Valenzuela) sa pagbuo sa mga pahina ng Kalayaan, na tinatayang may sukat na siyam na pulgada ang lapad at labindalawang pulgada ang taas.[46] Noong Marso 1896, inilabas ang unang mga kopya (nakapetsa bilang Enero 1896) at mga 2,000 kopya ang lihim na pinalaganap, ayon kay Valenzuela.[46] Ayon kay Epifanio de los Santos, 1,000 kopya lamang ang nailimbag: 700 ang pinalaganap ni Bonifacio, 300 ni Aguinaldo, at 100 ni Valenzuela.[48][51]
Kartilya ng Katipunan
Ang mga katuruan ng Katipunan ay isinulat sa isang dokumento na nagngangalang Kartilya ng Katipunan, isang aklat na inimprenta sa wikang Tagalog. Ipinamahagi ang mga sipi nito sa mga kasapi ng lipunan.
Isinulat ang Kartilya ni Emilio Jacinto, at kinalauna'y bahagyang binago ni Emilio Aguinaldo. Ang binagong bersyon ay naglalaman ng labintatlong mga katuruan (ngunit ayon sa ilang mga sanggunian, tulad ng isang ibinigay ng Komisyong Sentenaryo ng Pilipinas, ay naglista lamang ng labindalawa [29]). Ang salitang kartilya ay hango sa salitang Kastila na cartilla', na tumutukoy sa mga panimulang aklat na ginagamit ng mga mag-aaral bago sila magsimulang pumasok sa paaralan sa mga panahong iyon.[52]
Wika at Alpabeto
Ayon sa Pilipinong manunulat at historyador na si Hermenegildo Flores, ang opisyal na wika ng Katipunan ay Tagalog, at gumagamit ng alpabeto na halos katulad sa Alpabetong Kastila ngunit may ibang kahulugan at ang paraan ng pagbasa dito ay binago. Dinagdagan ang mga kudlit upang idiin ang pagkakaroon ng "ng" at "mga" sa ortograpiyang Tagalog. Ayon sa Kartilyang Makabayan: Mga Tanong at Sagot Ukol Kay Bonifacio at sa KKK ni Flores:[53]
30. Anong wika ang ginagamit ng̃ mg̃á kasapi sa Katipunan?
- Ang tagalog; n͠guni't ang kahulugan ng̃ ilang titik ng̃ abakadang kastilà ay iniba sa kanilang pagsulat ng̃ mg̃á kasulatan at gayon din sa paglagdá ng̃ kanilang mg̃á sagisag. Ang titik na "a" ay ginawang "z", ang "c" at "q" ay ginawang "k", ang "i" ay "n", ang "l" at "ll" ay "j" ang "m" ay "v", ang "n" ay "ll", ang "o" ay "c" at ang "u" ay "x". Ang f, j, v, x at z ng̃ abakadang kastilà ay itinakwil pagka't hindi kailan͠gan. Sa maliwanag na ulat ay ganitó ang Abakadá (alfabeto) ng̃ "Katipunan" kung itutulad sa abakada ng̃ wikang kastilà.
Ang mga sumusunod ay ang alpabeto ng Katipunan, na inihambing sa alpabetong Kastila:
Abakada ng̃ kastilà | |||||||||||||||||||||||||
A | B | C | D | E | F | G | H | I | J | K | LL | M | N | O | P | Q | R | S | T | U | V | W | X | Y | Z |
Abakada ng̃ "Katipunan" | |||||||||||||||||||||||||
Z | B | K | D | Q | H | G | H | N | L | K | J | V | LL | C | P | K | R | S | T | X | M | W | U | Y | - |
Paghahanda sa Himagsikan
Pagtangka sa pagkuha ng suporta ni Rizal
Noong gabing ipinatapon ni Gobernador-Heneral Eulogio Despujol y Dusay si Dr. Jose Rizal sa Dapitan,[54] itinatag ang Katipunan.
Sa isang lihim na pagpupulong ng Katipunan sa may maliit na estero kung tawagin ay Bitukang Manok malapit sa Pasig noong 4 Mayo 1896, pinagpasyahan ni Bonifacio at kaniyang mga tagasangguni na konsultahin si Rizal ukol sa pagpapasya sa himagsikan.[55] Ipinadala ni Bonifacio si Dr. Pio Valenzuela bilang emisaryo ng Katipunan sa Dapitan.[55] Ito ay upang ipaalam kay Rizal ukol sa plano ng Katipunan na maglunsad ng himagsikan, at kung maaari, ng digmaan laban sa Espanya.[54] Noong katapusan ng Mayo 1896, bumisita si Dr. Valenzuela si Rizal sa Dapitan at kaniya itong kinapanayam.[55] Bilang pagtatakip, sinamahan si Dr. Valenzuela ng isang lalaking bulag na nagngangalang Raymundo Mata, dahil sa mga panahong iyon kilala si Rizal bilang isang espesyalista sa mata.[54][55]
Dumating si Valenzuela sa Dapitan noong 21 Hunyo, kung saan sinalubong siya ni Rizal. Pagkatapos ng hapunan, binanggit ni Valenzuela ang kaniyang tunay na pakay kung bakit siya pumunta sa Dapitan at sa pangangailangan ng pagkuha ng suporta ni Rizal.[56] Ayon kay Valenzuela, sumagot lamang si Rizal ng, "Huwag, huwag! Iya'y makakasama sa bayang Pilipino!"
Tumutol si Rizal sa balak ni Bonifacio na ihatid ang bansa tungo sa madugong himagsikan. Naniniwala siya na wala pa sa panahon dahil sa dalawang mga kadahilanan:[54]
- hindi pa handa ang mamamayan sa isang malawakang himagsikan; at
- dapat makalikom ng sapat na sandata at pondo bago maglunsad ng himagsikan.
Dahil sa pahayag nito, nagbigay muli ng isa pang mungkahi si Valenzuela kay Rizal: ang sagipin siya. Hindi rin pumayag si Rizal sa balak na ito, dahil nakapagbigay siya ng pangako sa pamahalaang Kastila, at hindi niya nais itong sirain.[54] Sa halip, pinanukala ni Rizal si Valenzuela na hikayatin ang mga mayayamang mga Pilipino upang makalikom sila ng mga pondo, at inimungkahi din niya ang isang opisyal ng sandatahan na nagngangalang Antonio Luna upang maging kalihim ng digmaan ng Katipunan, kung bakasakaling pumutok ang himagsikan.[57] Ayon sa pahayag ni Valenzuela sa pamahalaang Kastila, halos magsagutan sila dahil sa mga bagay na ito at lumisan si Valenzuela kinabukasan sa halip na manatili ng isang buwan gaya ng naunang napagpasyahan.[58]
Noong makabalik si Valenzuela sa Maynila at ipinaalam sa Katipunan ang kaniyang kabiguan na makuha ang suporta ni Rizal ay nagalit si Bonifacio, at binalaan si Valenzuela na huwag ipaalam kaninoman ang hindi pagsang-ayon ni Rizal sa pagsuporta sa napipintong himagsikan. Ngunit nabanggit na ni Valenzuela ang tungkol dito sa marami, kaya karamihan sa mga pag-alok para sa pondo ng lipunan ay nakansela.[59] Sa kabila ng pagtutol ni Rizal, sinusubukan nang masolusyonan ng Katipunan ang kakulangan sa sandata at gumagawa na ng paraan para makapagpuslit ng mga sandata mula sa ibang bansa.[60]
Noong siya ay inililitis, tinanggi ni Rizal na kilala niya si Valenzuela, at sinabi na sa una pa lang na pagkakataon nagkita sila sa Dapitan at itinuturing niyang mabuti siyang kaibigan dahil sa mga pinakita ni Valenzuela sa kaniya at sa kaniyang pagpapahalaga sa gamit panggamot na ibinigay ni Valenzuela sa kaniya. Idinagdag pa niya na ito rin ang huling pagkakataon na nagkita sila.[61]
Pagtatangka sa pagkuha ng tulong ng Hapon
Sa kabila ng pagtutol ni Rizal sa marahas na himagsikan, itinuloy pa rin ni Bonifacio ang balak sa marahas na pakikipagdigma sa Kastila. Binalak ng Katipunan na humingi ng tulong sa Hapon, na sa noong panahong iyon ay tinitingala bilang kampeon ng paglaya ng Asya laban sa panggigipit ng Kanluran. Noong Mayo 1896, matapos ang pagbisita ni Valenzuela kay Rizal, lumapit ang isang delegasyon ng Katipunan, na pinamumunuan nina Jacinto ang Bonifacio, sa isang opisyal ng hukbong dagat at kapitan ng barkong Hapon na nagngangalang Kongo, na siyang bumibisita sa bansa, at sa isang konsul ng Hapon sa isang tiyanggeng Hapon sa Maynila.[62] Ang nagsilbing tagasalin ng grupo ay isang kaibigan ni Valenzuela na nagngangalang Jose Moritaro Tagawa, na kasal sa isang Filipina mula sa Bocaue, Bulacan.[60]
Matapos makipagpalitan ng kortesiya, ipinadala ni Jacinto ang memorial ng Katipunan para sa Emperador ng Hapon kung saan nagdasal ang mga Pilipino para sa tulong ng mga Hapon sa kanilang nalalapit na himagsikan, "upang ang liwanag ng kalayaan na sumisinag sa Hapon ay siya ding suminag sa Pilipinas."[63]
Isa ding magandang dahilan kung bakit humingi ang Katipunan ng tulong at alyansa ng Hapon. Naging mabuti ang Hapon sa mga Pilipino simula ng kolonisasyon ng Kastila. Maraming mga Pilipino na tumakas mula sa panggigipit ng mga Kastila ang binati at binigyan ng lubos na pagtatanggol ng mga batas ng Hapon. Tinangka ni Bonifacio na bumili ng sandata at mga munisyon mula sa Hapon, ngunit nabigo dahil sa kakulangan ng pondo at sa pagkakatuklas ng Katipunan. Si Jose Dizon ay bahagi ng komite na binuo ng Katipunan upang makakuha ng sandata mula sa Hapon sa pamamagitan ng sabwatan sa kapitan ng barkong Hapon. Tatlong buwan ang lumipas, natuklasan ang Katipunan at isa si Dizon sa mga daan-daang dinakip dahil sa rebelyon.[64]
Pagkakatuklas
Habang abala ang Katipunan sa paghahanda sa himagsikan, may iilang mga ulat patungkol sa lihim na samahang ito ang nakarating sa pamunuan ng mga Kastila. Noong 5 Hulyo, 1896, inulat ni Manuel Sityar, isang Kastilang tinyente ng gwardya sibil na nakahimpil sa Pasig, kay Gobernador-Heneral Ramon Blanco y Erenas ang tungkol sa mahiwagang mga galaw ng iilang mga Pilipino na nag-iipon diumano ng mga sandata at tauhan sa hindi pa malamang layunin.[64] Noong 13 Agosto 1896, sumulat si Padre Agustin Fernandez, isang kura ng Agustino sa San Pedro, Makati, kay Don Maneul Luengo, Gobernador Sibil ng Maynila, ang kanyang pagtuligsa sa mga pagpupulong laban sa Kastila na nagaganap sa kaniyang parokya.[64]
Natuklasan din ng mga Kastila ang Katipunan anim na araw matapos maipadala ang sulat ni Fernandez kay Luengo. Sa mga unang araw ng Agosto 1896, dalawang mga Katipunero, sina Teodoro Patiño at Apolonio de la Cruz, na nagtatrabaho sa imprentahan ng Diario de Manila (pangunahing pahayagan ng mga araw na iyon) ang nagkaroon ng alitan ukol sa sahod.[65] Ang pinagtatalunan ni de la Cruz, na siyang katiwala sa imprentahan, at ni Patiño na isang typesetter, ay ukol sa karagdagang sahod na dalawang piso. Sinisi ni de la Cruz si Patiño ukol sa mga nawawalang mga kagamitan sa imprentahan na ginamit sa Kalayaan. Bilang ganti kay de la Cruz, binunyag ni Patiño ang lihim ng lipunan sa kaniyang kapatid na babae, si Honoria Patiño, na nagmamadre sa Ampunan ng Mandaluyong. Noong hapong iyon ng 19 Agosto 1896, nabigla si Honoria at nabalisa sa himagsikan. Nakita ng madre superiora ng Ampunan, si Sor Teresa de Jesus, si Honoria na umiiyak kaya niya ito kinausap. Ikinwento ni Honoria ang lahat ng mga binunyag ng kaniyang kapatid. Noong 6:15 ng gabi ding iyon, tinawag ni Sor Teresa si Teodoro Patiño at minungkahi na sabihin ang lahat ng kaniyang nalalaman ukol sa Katipunan sa pamamagitan ng pagkumpisal kay Padre Mariano Gil.[66]
Dahil sa kanyang takot sa Impyerno, nilapitan ni Teodoro si Padre Gil, isang Agustinong kura paroko ng kumbento ng Tondo. Bagaman nais niyang ibunyag ang lahat tungkol sa Katipunan, kinumpisal ni Teodoro kay Padre Gil tungkol sa isang batong litograpo na nakatago sa silid-imprentahan ng Diario de Manila na ginagamit ng samahan sa pag-imprenta ng mga resibo sa pag-imprenta. Sinabi din niya na maliban sa mga bato, mayroon ding mga dokumento ng pagsasapi (na ginagamitan ng dugo ng kasapi sa paglagda) na nakatago, kasama dito ang larawan ni Dr. Jose Rizal at ilang mga punyal na ginawa para sa mga trabahador ng pahayagan na kasapi din ng Katipunan.[66]
Dahil sa kaniyang pag-alarma sa katotohanan ng isang lihim na samahan, pumunta si Padre Gil kasama ang mga lokal na otoridad na Kastila ang imprentahan ng Diario de Manila at nila itong hinalughog, at natagpuan nila ang mga ebidensya.[66] Nakita din nila si Apolonio de la Cruz na may dalang punyal na ginagamit sa ritong panimula ng Katipunan at ilang mga listahan ng mga bagong kasapi.[67] Matapos ang pagdakip, dagliang sumugod si Padre Gil kay Gobernador-Heneral Blanco upang tuligsain ang balak na himagsikan ng Katipunan.[68] Agad na kumilos ang mga Kastila, at pinadakip ang iilang mga katao, kabilang na ang hindi mabilang na mga inosente na sapilitang pinapunta sa Fort Santiago.[57]
Ang pagtaksil diumano ni Patiño ay naging karaniwang bersyon kung paano sumabog ang himagsikan noong 1986. Ngunit noong dekada 1920, pinatawag ng Pambansang Aklatan ng Pilipinas ang isang pangkat ng dating mga Katipunero upang kumpirmahin ang katotohanang ito. Tinanggi ni Jose Turiano Santiago, malapit na kaibigan ni Bonifacio at pinatalsik noong 1895, ang kuwentong ito. Giniit niya na si Bonifacio mismo ang nag-utos kay Patiño na ibunyag ang lipunan upang padaliin ang Himagsikang Pilipino at sa ganon ay hindi makatanggi ang mga kasapi.[69]
Ibang bersyon naman ng mga kaganapan ang binigay ng historyador na si Teodoro Agoncillo. Ayon sa kaniya, binunyag ni Patiño ang tungkol sa lihim na samahan sa kaniayng kapatid na si Honoria, matapos ang alitan kay Apolonio de la Cruz, na isa pang kasapi ng lipunan na kasama niyang nagtatrabaho sa Diario de Manila na siyang pinapatakbo ng mga Kastila. Nagulat si Honoria, na nakatira sa kumbento, tungkol sa balitang nito at binunyag kay Sor Teresa, na madre portrera ng ampunan, na siyang nagmungkahi kay Patiño na ibunyag ag lahat kay Padre Mariano Gil. Noong 19 Agosto, binunyag ni Patiño kay Padre Mariano ang kaniyang mga nalalaman ukol sa lihim na lipunan. Pinuntahan at hinalughog ni Padre Mariano at ang may-ari ng Diario de Manila ang imprentahan, at natagpuan nila ang mga batong litograpo na ginamit sa pag-imprenta ng mga resibo ng Katipunan. Matapos ang pagkakatuklas na ito, sapilitang pinabukas ang laker ni Policarpio Turla, na may-ari ng lagda na natagpuan sa mga resibo, at nakita nila ang punyal, mga alituntunin ng samahan, at iba pang mga dokumento. Binigay nila ito sa mga pulis, at dahil dito humigit kumulang 500 katao ang pinadakip at kinasuhan ng ilegal na pagsapi at pagtataksil.[70]
Sa isa pang bersyon, ang pag-iral ng Katipunan ay natuklasan ng mga namamahala sa pamamagitan ni Teodoro Patiño, na siyang nagbunyag nito sa isang Kastila na nagngangalang La Font, pangkalahatang tagapamahala ng imprentahan ng Diario de Manila.[55]:29–31 Nasangkot si Patiño sa isang alitan ukol sa sahod kasama angisa pang katrabaho at Katipunero din na si Apolonio de la Cruz, at binunyag niya ang Katipunan bilang ganti.[55]:30–31 Pinapunta ni La Font ang isang Kastilang tinyente ng kapulisan sa imprentahan at sa pupitre ni Apolonio, kung saan nila "natagpuan ang mga kagamitan ng Katipunan tulad ng pantatak, maliit na aklat, ledger, panunumpa ng mga kasapi na nilagdaan ng dugo, at ang talaan ng mga kasapi ng sangay ng Maghiganti ng Katipunan."[55]:31
Unang Republika ng Pilipinas
Mula noong 24 Agosto 1896, naging bukas na pamahalaang rebolusyonaryo ang Katipunan, at idineklara nila ito bilang isang lehitimong pamahalaan.[14] Bagaman wala pang matibay na istraktura, sariling mga batas at sentralisadong pamamahala ang samahan, natagpuan nila itong gumagana kung kailan pa lamang nagsimula ang himagsikan.[kailangang linawinAno ba talaga ang ibig nitong sabihin?][71]
Himagsikan
Noong nalaman ng pamunuan ng Katipunan ang mga pagdakip, pinatawag ni Bonifacio ang lahat ng mga probinsyang sanggunian upang pagpasiyahan ang armadong himagsikan. Ang pagpupulong ay ginanap sa bahay ni Apolonio Samson sa isang baryo na tinatawag na Kangkong sa Balintawak. Humigit-kumulang 1,000 mga Katipunero ang dumalo sa pagpupulong ngunit bigo silang pagpasyahan ang suliranin.
Nagpulong muli sila sa isa pang baryo sa Balintawak kinabukasan. Sa ngayon ay nagdedebate pa rin ang mga historyador kung naganap ba ang pagpupulong na ito sa bakuran ni Melchora Aquino o sa bahay ng kaniyang anak na si Juan Ramos. Naganap ang pagpupulong noong Agosto 23 o 23.[55]:35 Sinasabi na sa pangalawang pagpupulong na ito napagpasyahan ng mga dumalong Katipunero ang armadong himagsikan at pinunit nila ang kanilang mga sedula bilang tanda ng kanilang kapasiyahan sa himagsikan. Nagkasundo din ang mga Katipunero na lusubin ang Maynila sa Agosto 29.[55]:35
Ngunit nalaman din ng mga Kastilang guwardya sibil ang pagpupulong at naganap ang unang bakbakan sa Labanan sa Pasong Tamo. Noong una ay nakakalamang ang Katipunan, ngunit kinalaunan ay nagapi sila ng mga Kastila. Umatras si Bonifacio at kaniyang mga tauhan patungong Marikina sa pamamagitan ng pagdaan sa Balara na ngayon ay bahagi ng Lungsod Quezon. Pagkatapos ay tumungo sila sa San Mateo (bahagi ng Rizal sa kasalukuyan) at kinubkob ang bayan. Ngunit matapos ng tatlong araw ay nabawi ng mga Kastila ang bayan. Matapos makapagtipon muli, napagpasyahan ng Katipunan na huwag direktang lusubin ang Maynila ngunit napagkasunduan nila na kubkubin ang armeriya at garison sa San Juan.
Noong Agosto 30, nilusob ng Katipunan ang 100 sundalong Kastila na nagtatanggol sa armeriya sa Labanan ng San Juan del Monte o Labanan sa Pinaglabanan. Humigit-kumulang 153 mga Katipunero ang nasawi sa labanan, ngunit kailangang umatras ang Katipunan noong parating ang mga karagdagang mga kawal na Kastila. Humigit sa 200 ang nabihag. Samantala, nagsimulang mag-alsa ang mga Katipunero sa iba pang mga bayan sa Maynila, tulad ng sa Kalookan, San Pedro de Tunasan (ngayo'y Makti), Pateros at Taguig. Kinahapunan, dineklara ni Gobernador Heneral Camilo de Polavieja ang batas militar sa Maynila at sa mga probinsya ng Cavite, Laguna, Batangas, Bulacan, Pampanga, Tarlac at Nueva Ecija. Ganap nang nagsimula ang himagsikang Pilipino.
Sa Bulacan, inatake ang Kilusang Rebolusyonaryo ng Bulacan ng hukbong artileriya na sa panahong iyon ay pinakamalaking naitipon, sa kabiserang bayan ng Bulacan. Tumungo din ito sa Labanan ng San Rafael, kung saan pinaligiran at nilusob ni Heneral Anacleto Enriquez at kaniyang mga kawal ang Simbahan ng San Rafael.
Labanan sa Kakarong de Sili
Sa kasagsagan ng Himagsikang Pilipino, naging mahalaga ang papel na ginampanan ng bayan ng Pandi sa pakikipaglaban sa kalayaan ng Pilipinas. Kilala ang Pandi dahil sa Dambana ng Real de Kakarong de Sili, kung saan naganap ang pinakamadugong himagsikan sa Bulacan, kung saan mahigit 3,000 mga Katipunero ang nasawi. Dito din sumilang ang Republika ng Real de Kakarong de Sili noong 1896, isa sa unang mga rebolusyonaryong republikang Pilipino na naitatag. Sa Kakarong de Sili tinipon ang mahigit 6,000 mga Katipunero mula sa mga kalapit bayan ng Bulacan ni Brigadyer Heneral Eusebio Roque, na kilala bilang Maestrong Serbio o Dimabungo,[72] at binuo ang Republika ng Kakarong ilang araw matapos ang Sigaw sa Pugadlawin.
Republika ng Kakarong
Ayon sa mga tagasaliksik at sa mga tala ng Pambansang Komisyong Pangkasaysayan, ang Republika ng Kakarong ang kauna-unahan at lubos na organisadong pamahalaang rebolusyonaryo na naitatag sa bansa upang mapatalsik ang mga Kastila, bago pa man nabuo ang iba pang mas kilala pang mga republika tulad ng Republika ng Malolos at Republika ng Biak-na-Bato. Bilang pagkilala, ang mga tatlong "Republikang" ito na tinatag sa Bulacan ay inilagay sa selyo ng probinsya ng Bulacan.
Ayon sa mga umiiral na tala kasama ang talambuhay ni Heneral Gregorio del Pilar na pinamagatang Life and Death of a Boy General (Buhay at Kamatayan ng isang Batang Heneral) ni Teodoro Kalaw, dating tagapamahala ng Pambansang Aklatan ng Pilipinas, isang moog ang tinayo sa 'Kakarong de Sili' tulad ng isang maliit na lungsod. Mayroon itong kalsada, sariling hukbong kapulisan, isang musikong banda, pagawaan ng palkone, bolo at pagawaan ng mga riple. Ang Republika ng Kakatong ay mayroong kumpletong hanay ng opisyal kung saan si Canuto Villanueva ang Kataas-taasang Pinuno at si Eusebio Roque o 'Maestrong Sebio' ang Brigadyer Heneral ng Hukbo. Nilusob at tuluyang nawasak ang moog noong 1 Enero 1897 ng malawak na hukbong Kastila na pinamumunuan ni Komandante Olaguer-Feliu.[73] Si Heneral Gregorio del Pilar ay isa pa lamang tinyente noong mga panahong iyon at ang 'Labanan sa Kakarong de Sili' ang nagsilbi sa kaniya bilang "binyag sa apoy". Dito siya unang nasugatan at tumakas patungo sa kalapit na barangay na 'Manatal'.
Itinayo ng Lohiya blg. 168 ng Kakarong ng 'Legionarios del Trabajo' ang Dambana ng Inang Filipina noong 1924 sa baryo ng Kakarong ng Pandi, Bulacan, bilang paggunita sa 1,200 mga Katipunerong nasawi sa labaann. Ang aktwal na pook ng 'Labanan ng Kakarong de Sili' ay bahagi na ngayon ng barangay 'Real de Kakarong'. Binisita ng isa sa mga pinakadakilang heneral sa kasaysayan ng Pilipinas, si Heneral Emilio Aguinaldo, na siyang naging unang Pangulo ng Pilipinas, ang sagradong pook noong dekada singkuwenta.
Tugon ng mga Kastila
Bago pa man natukasan ang Katipunan, naghain ng aplikasyon si Rizal para maging manggagamot ng Hukbong Kastila sa Cuba upang maipakita sa mga Kastila ang kaniyang katapatan sa Espanya. Tinanggap ang kaniyang aplikasyon at dumating siya sa Maynila upang sumakay sa isang barko patungong Espanya noong Agosto 1896, ilang araw bago natuklasan ang lihim na samahan. Ngunit noong patungo na si Rizal sa Espanya, natuklasan ang Katipunan, at pinadala ang telegrama sa barko noong ito ay sa Port Said, at pinabalik siya sa Pilipinas upang humarap sa kaso sa pagiging utak ng himagsikan. Kinalaunan ay binitay siya sa pamamagitan ng pagbaril noong 30 Disyembre 1896 sa Bagumbayan, kasalukuyang Luneta.
Noong nililitis si Rizal sa isang militareng korte dahil sa pagtataksil, ang mga bilanggo na hinuli sa Labanan sa Pinaglabanan, sina Sancho Valenzuela, Ramon Peralta, Modesto Sarmiento, at Eugenio Silvestre, ay binaril noong 6 Setyembre 1896 sa Bagumbayan.
Anim na araw ang lumipas, binaril ang Labintatlong mga Martir ng Cavite sa Fort San Felipe sa Cavite.
Sinakdal din ng pamahalaang Kastila ang mga nahuli sa pagsalakay sa imprentahan ng Diario de Manila, kung saan nila natagpuan ang mga ebidensya na sumasangkot hindi lang ang mga ordinaryong mamamayan, kundi maging ang mga mayayamang mga Pilipinong pinuno ng samahan.
Ang mga martir sa Bicol ay binaril sa Bagumbayan noong 4 Enero 1897. Sila ay sina Manuel Abella, Domingo Abella, priests Inocencio Herrera, Gabriel Prieto and Severino Díaz, Camio Jacob, Tomas Prieto, Florencio Lerma, Macario Valentin, Cornelio Mercado at Mariano Melgarejo.
Ngunit sa halip na takot, ang mga pagbitay na ito, lalu na ang kay Rizal, ang nagbigay pa ng mas matinding alab sa himagsikan. Sumisigaw ang mga Katipunero ng mga katagang tulad ng "Mabuhay ang Katagalugan!" (ang Katagalugan ay ang tawag ng Katipunan sa buong Pilipinas) at "Mabuhay si Dr. Jose Rizal!". Para sa mga Katipunero, si Jose Rizal ang nagsisilbing Pandangal na Pangulo ng Katipunan.
Pagpapaksyon at Paglipat ng Pamunuan
Sa kasagsagan ng himagsikan laban sa Espanya, nagkaroon ng dalawang paksyon ang Katipunan, ang Magdiwang na pinamumunuan ni Hen. Mariano Alvarez at ang Magdalo na pinamumunuan ni Hen. Baldomero Aguinaldo, pinsan ni Hen. Emilio Aguinaldo. Nakabase sila pareho sa Cavite.
Sa isang pagpupulong na ginanap sa Tejeros, Cavite, nagtipon ang mga rebolusyonaryo upang bumuo ng rebolusyonaryong pamahalaan. Doon natalo sa pagkapangulo ng rebolusyonaryong pamahalaan si Bonifacio kay Emilio Aguinaldo at sa halip ay nahalal siya bilang Kalihim ng Interyor. Ngunit tinutulan ito ng mga kasapi ng paksyong Magdalo dahil umano'y hindi siya nakapag-aral kaya hindi nababagay sa kaniya ang posisyong ito. Nagalit si Bonifacio, at sa pamamagitan ng kaniyang pagiging Supremo ng Katiunan, ipinawalang bisa niya ang naging resulta ng pagpupulong. Sa kabila nito, kinabukasan din ay nanumpa si Aguinaldo bilang Pangulo sa Santa Cruz de Malabon (kasalukuyang Tanza) sa Cavite, kasama ang iba pang mga opisyales, maliban kay Bonifacio.[74] Ipinadakip si Andres Bonifacio at maging ang kaniyang kapatid na si Procopio sa utos ni Aguinaldo at pinatay noong 10 Mayo 1897 sa Bundok Buntis sa Maragondon, Cavite. Inilibing sila sa libingan ng walang tanda. Dito nagtapos ang orihinal na Katipunan. Sa kabila nito ay hinalili ng paksyong Magdiwang ang pamumuno ng Katipunan, at ayon sa mga historyador[sinong nagsabi?], ang Magidwang ang naging karugtong ng Katipunan na siya nitong hinalilihan. [kailangan ng sanggunian]
Ang unang Republika ng Pilipinas
Ang isa sa mga nagawa ng Katipunan-Magdiwang ay ang pagtatatag ng unang Republika ng Pilipinas. Mas kilala bilang Republika ng Malolos, ito ay isang rebolusyonaryong pamahalaan. Pormal itong itinatag sa pamamagitan ng proklamasyon ng Konstitusyon ng Malolos noong 23 Enero 1899 sa Malolos, Bulacan at nanatili hanggang sa pagkaadakip at pagsuko ni Emilio Aguinaldo sa mga puwersang Amerikano noong 23 Marso 1901 sa Palanan, Isabela, na siyang nagbuwag sa Unang Republika.
Mga banyagang kasapi ng Katipunan
Marami ang namangha sa Kartilya ng Katipunan, kabilang dito ang mga banyaga na hindi katutubong mga Pilipino ngunit sumapi sa Katipunan upang suportahan ang pambansang kalayaan. Kabilang sa mga banyagang Katipunero ay sina Heneral Juan Cailles, isang mestisong Indyano at Pranses,[75] Heneral Jose Ignacio Paua[76] na isang Tsino, at si David Fogen na tenyenteng Aprikano-Amerikano na siyang kumalas sa mga Amerikano upang sumali sa mga Pilipino dahil sa kaniyang pagkamuhi sa rasismo at imperyalismo.
Pagbuwag
Dahil sa pagsakop ng Estados Unidos sa Pilipinas matapos ang Digmaang Pilipino-Amerikano, nilipol ng mga Amerikano ang mga natitirang bakas ng Katipunan.[77][wala sa ibinigay na pagbabanggit]
Mga kawing panlabas
- Kartilya ng Katipunan Naka-arkibo 2008-12-17 sa Wayback Machine. mula sa Filipiniana.net
- Kartilyang Makabayan Naka-arkibo 2009-01-24 sa Wayback Machine. mula sa Filipiniana.net
- Draft of preliminary reading for initiation into the Katipunan (translated from the original Spanish text) Naka-arkibo 2009-01-24 sa Wayback Machine. mula sa Filipiniana.net
- Oaths and form of initiation into the Katipunan society (translated from the original Spanish text) Naka-arkibo 2009-01-25 sa Wayback Machine. mula sa Filipiniana.net
Mga sanggunian
- ↑ 1.0 1.1 Cruz & November 16, 1922 Kapitulo 2, Tanong 12.
Tagalog: "Kailan at saan itinayo ang "Samahang Kataas-taasang, Kagalang-galangang Katipunan ng̃ mg̃á Anak ng̃ Bayan?" - ↑ 2.0 2.1 Woods 2006, p. 43
- ↑ St. Clair 1902, pp. 37–39
- ↑ "The Founding of the Katipunan". Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-07-12. Nakuha noong 2014-10-02.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Diwa & December 24, 1926, p. 3
- ↑ Guererro, Milagros; Encarnacion, Emmanuel; Villegas, Ramon (1996). "Andres Bonifacio and the 1896 Revolution". Sulyap Kultura. National Commission for Culture and the Arts. 1 (2): 3–12. Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-11-15. Nakuha noong 2014-10-02.
{{cite journal}}
: Invalid|ref=harv
(tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Epifanio 1918, p. 38
- ↑ Epifanio 1918, p. 41
- ↑ Fernandez 1926, p. 15
- ↑ Isabelo de los Reyes 1899, p. 27
- ↑ Kalaw 1925, p. 87
- ↑ 12.0 12.1 12.2 12.3 12.4 12.5 Richardson, Jim (Pebrero 2007). "Studies on the Katipunan: Notes on the Katipunan in Manila, 1892-96". Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-02-11. Nakuha noong 2009-08-19.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2017-08-15. Nakuha noong 2014-10-02.
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 14.0 14.1 Ricarte 1926, p. 27
- ↑ Zaide 1984, pp. 158–162
- ↑ Lamberto Gabriel,Ang Pilipinas:Heograpiya,Kasaysayan at Pamahalaan(Isang Pagsusuri) ISBN 971-621-192-9
- ↑ Santos 1930, pp. 17–21
- ↑ 18.0 18.1 Agoncillo 1990, p. 151
- ↑ Kalaw 1926, p. 75
- ↑ Borromeo-Buehler 1998, pp. 169, 171
- ↑ Agoncillo 1990, pp. 151–152
- ↑ 22.0 22.1 22.2 Agoncillo 1990, p. 152
- ↑ Agoncillo 1990, p. 166
- ↑ Artigas y Cuerva 1911, p. 30
- ↑ Artigas y Cuerva 1911, pp. 30–31
- ↑ Agoncillo 1990, pp. 152–153
- ↑ Agoncillo 1990, p. 153
- ↑ Artigas y Cuerva 1911, pp. 32–33
- ↑ 29.0 29.1 29.2 29.3 Kartilyang Makabayan, by Hermenegildo Cruz
- ↑ Artigas y Cuerva 1911, pp. 45–49
- ↑ 31.0 31.1 "Ang Aklat ni Andres Bonifacio". Nakuha noong 13 Nobyembre 2010.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Ipinahayag ni Bonifacio na ang Katagalugan ay kumakatawan sa buong teritoryo ng Pilipinas.
- ↑ 33.0 33.1 33.2 Zaide 1957, p. 157
- ↑ Gregoria de Jesus 1932
- ↑ 35.0 35.1 Rojas, Jean. "Filipino Women Warriors". Nakuha noong 2009-08-19.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Fernandez 1930
- ↑ Zaide & November 26, 1932
- ↑ Agoncillo 1956, p. 55
- ↑ Zaide 1939, p. 21
- ↑ Zaide 1973, p. 44
- ↑ 41.0 41.1 41.2 41.3 Zaide 1957, p. 156
- ↑ o sa ibang mga sanggunian ito ay pinamagatan bilang Pag-ibig sa Tinubuang Bayan
- ↑ 43.0 43.1 "Documents of the Katipunan: Andrés Bonifacio (attrib.) "Pagibig sa Tinubuang Bayan"". Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-08-02. Nakuha noong 2009-08-20.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Artigas y Cuerva 1911, p. 403
- ↑ "Documents of the Katipunan: Andrés Bonifacio: Katungkulang Gagawin ng mga Z. Ll. B." Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-03-03. Nakuha noong 2009-08-20.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 46.0 46.1 46.2 46.3 "Kalayaan: The Katipunan Newspaper". Filipino.biz.ph. Inarkibo mula sa orihinal noong 2020-11-25. Nakuha noong 2009-08-22.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Richardson, Jim (Oktubre 2005). "Roster of Katipuneros at Balintawak, August 1896". Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-01-31. Nakuha noong 2009-08-22.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 48.0 48.1 48.2 48.3 48.4 48.5 48.6 48.7 Rihardson, Jim (Nobyembre 2005). "Notes on Kalayaan, the Katipunan paper". Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-02-02. Nakuha noong 2009-08-22.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Zaide & October 25, 1930
- ↑ 50.0 50.1 Zaide 1957, p. 158
- ↑ Epifanio 1918, p. 79
- ↑ "The Teachings of the Katipunan". Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-02-28. Nakuha noong 2009-10-20.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Cruz 1922 Chapter 6, Question 30.
- ↑ 54.0 54.1 54.2 54.3 54.4 Zaide 1992, p. 203Padron:Cnf
- ↑ 55.0 55.1 55.2 55.3 55.4 55.5 55.6 55.7 55.8 Alvarez, S.V., 1992, Recalling the Revolution, Madison: Center for Southeast Asia Studies, University of Wisconsin-Madison, ISBN 1-881261-05-0
- ↑ Dr. Pío Valenzuela, Memoirs (Mga ala-ala), manuskritong hindi nailimbag.
- ↑ 57.0 57.1 "The Revolution". Nakuha noong 2009-08-22.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ De la Costa 1961, p. 108
- ↑ Alejandro 1971, p. 70Padron:Cnf
- ↑ 60.0 60.1 Zaide 1957, p. 159
- ↑ De la Costa 1961, p. 98
- ↑ Retana 1897, pp. 348–350
- ↑ Retana 1897, p. 351
- ↑ 64.0 64.1 64.2 Zaide 1957, p. 160
- ↑ "Katipunan". Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-04-25. Nakuha noong 2009-08-22.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 66.0 66.1 66.2 Zaide 1957, p. 161
- ↑ "Amice, Ascende Superius!". Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-09-07. Nakuha noong 2009-08-21.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Zaide 1931, pp. 32–58
- ↑ National Historical Institute 1989, p. 476
- ↑ Agoncillo 1990, p. 170
- ↑ Guerrero 1996[pahina kailangan]
- ↑ Halili 2004, p. 145.
- ↑ Halili 2004, p. 145-146.
- ↑ Sagmit 2007, p. 158
- ↑ National Historical Institute; Historical Markers: Regions I-IV and CAR. Manila: National Historical Institute, 1993.
- ↑ Gen. Jose Ignacio Paua: A Chinese General in the Philippine Revolution
- ↑ Worcester 1914, p. 180
Maling banggit (May <ref>
tag na ang grupong "lower-alpha", pero walang nakitang <references group="lower-alpha"/>
tag para rito); $2
- Wikipedia articles needing page number citations (July 2013)
- Mga artikulo ng Wikipedia na kailangang linawin (Hulyo 2013)
- Mga artikulong minarkahang may sabi-sabi
- Mga artikulong may pangungusap na walang sanggunian (April 2014)
- Lahat ng mga artikulong may pangungusap na walang pinagmulan
- Mga artikulong may pangungusap na walang sanggunian (February 2014)
- Kasaysayan ng Pilipinas
- Pages with reference errors that trigger visual diffs