Pumunta sa nilalaman

Laksa

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Laksa
Isang tipikal na paghain ng laksa ng mga Peranakan, na nakababad sa gata
UriPansit
KursoAlmusal, tanghalian, o hapunan
LugarMaritimong Timog-silangang Asya
Kaugnay na lutuinIndonesya, Malasya, Singapura
GumawaMga Peranakan
Ihain nangMainit
Pangunahing Sangkap
  • Pansit
  • yerba
  • gata
  • sampalok
  • sarsang espesya

Ang laksa ay maanghang na pansit na sikat sa Timog-silangang Asya.[1][2] Binubuo ang laksa ng iba't ibang uri ng pansit; parang pansit Malabon ang pinakakaraniwan. Sinasahugan ito ng manok, hipon o isda. Ibinababad ang halos lahat ng uri ng laksa sa malinamnam at maanghang na gata na tinitimplahan ng maasim na asam (sampalok o gelugur).

Nagmula ito sa lutuing Peranakan, at kaniwang inihahain ang ganitong pagkain sa Indonesya,[3] Malaysia,[4] at Singapura.[5]

Ang laksa ay isa sa mga pinakasikat na pagkain mula sa mga Peranakan, na may samu't saring mga sahog at paraan ng paghanda na nag-iiba ayon sa rehiyon. Dahil dito, mahirap matiyak kung saan nanggaling ang ganitong pagkain. Gayunpaman, maraming resipi ng laksa ang nabuo sa mga dagat-kipot ng Timog-silangang Asya—kung saan ang mga daungan ng Penang, Medan, Malacca, Singapura, Palembang, at Batavia (Jakarta sa kasalukuyan) ay naging mga pangunahing hintuhan sa makasaysayang ruta ng espesya. Ang mga masinsinang ugnayan ng kalakalan sa mga daungang lungsod na ito ay nagbigay-daan sa pagpapalitan ng mga idea, at kasama ang pagbabahagi ng mga resipi.[6]

Mayroong maraming teorya ukol sa pinagmulan ng laksa. Ipinapalagay ng isang teorya na nanggaling ang salitang laksa mula sa salita sa sinaunang Persa para sa "pansit".[7] Ayon kay Denys Lombard sa librong Le carrefour Javanais. Essai d'histoire globale II (Ang Habanes na Sangang-daan: Patungo sa Global na Kasaysayan, 2005), nasumpungan ang isa sa mga pinakaunang rekord ng salitang laksa para ilarawan ang pansit sa inskripsiyong Biluluk ng mga Habanes mula 1391 ng panahong Majapahit. Nabanggit ang salitang hanglaksa, na may kahulugang "vermicelli maker" sa wikang Kawi.[8] Sa wikang Sanskrito, ang kahulugan ng laksa ay "isang daang libo", na tumutukoy sa mga hibla ng pansit. Pinaniniwalaan na nanggaling ang salitang laksa o lakhshah mula sa Persa o Hindi na tumutukoy sa isang uri ng misua.[8]

Matutunton ang isa pang teorya tungkol sa pinagmulan ng ulam sa ika-15 siglo, noong mga ekspedisyon sa dagat ng Ming Tsina na pinamumunuan ni Zheng He. Naglayag ang kanyang armada sa Maritimong Timog-Silangang Asya.[7] Nanirahan ang mga migranteng Tsino sa mga iba't ibang bahagi ng Maritimong Timog-silangang Asya matagal pa bago ang ekspedisyon ni Zheng He. Gayunpaman, dumami ang mga Tsinong migrante at mangangalakal pagkatapos nito. Nakipag-asawa ang mga kalalakihang Tsino sa mga lokal na populasyon, at nakabuo sila ng mga mga komunidad ng haluang lahi na tinatawag na Peranakan.[7] Sa Malaysia, pinaniniwalaan na ang pinakaunang laksa ay ipinakilala ng mga Tsinong Peranakan sa Malacca.[4]

Sa Singapura, ipinapalagay na nalikha ang ulam matapos makipag-ugnayan ng mga Peranakan at mga lokal na Singgapurenseng Malay.[9][6]

Sa Indonesya, ipinapalagay na nabuo ang ulam sa paghahalo ng mga kultura at gawain sa pagluluto ng mga katutubo at mga Tsinong imigrante.[10] Pinaniniwalaan ng mga mananalaysay na nalikha ang laksa dahil sa pag-aasawa ng magkaibang lahi.[6] Sa may mga baybayin ng pecinan (tirahan ng mga Tsino) sa maritimong Timog-silangang Asya, ang mga kalalakihang Tsino lang ang naglayag mula sa Tsina papunta sa ibang bansa para mangalakal. Noong tumitira sa bagong bayan, ang mga Tsinong mangangalakal at marino ay naghanap ng lokal na asawa, at ang mga kababaihang ito ay nagsimulang maglagay ng lokal na espesya at gata sa Tsinong sinabawang pansit na ipinakain sa kanilang mga asawa. Ito ang naglikha sa hibridong kultura na Tsino-lokal (Malay o Habanes) na tinatawag na kulturang Peranakan.[6][11] Dahil hinalo ng mga komunidad ng Tsinong Peranakan ang kultura ng kanilang ninuno sa lokal na kultura, nagpapakita ngayon ang mga komunidad ng Peranakan ng dibsersidad ayon sa lokal na lasa.[12]

May maraming uri ng laksa sa Timog-silang Asya, at nag-iiba ito ayon sa rehiyon at sa nagtitinda. Maaaring ikategorya ang laksa ayon sa dalawang pangunahing sangkap nito: pansit at sabaw. Kadalasan, sinasahugan ang laksa ng mga yerba. Dalawa sa pinakaginagamit na yerba ang menta at kulantrong Biyetnames, na tinatawag na daun kesum sa wikang Malay o daun laksa ("dahon ng laksa"). Ang isa pang sikat na sahog sa mga resipi ng laksa ang usbong ng Philippine wax flower, na hiniwa o hinibla.

Kapansin-pansin ang Laksa Johor sa paggamit nito ng nilutong ispageti.

"Pansit laksa", isang makapal na pansit na gawa sa bigas, ang pinakaginagamit para sa pagkaing ito ngunit karaniwan din ang paggamit ng bihon (米粉). Gumagamit naman ang ilang klase ng laksa ng pansit bigas na gawang-kamay. Ang mga iba pang uri ng pansit. Halimbawa, gumagamit ang laksa Johor ng ispageti na gawa sa trigo,[13] habang inihahain ang laksam ng Kelantan kasabay ng malalapad na rice noodle roll na may kahwig na texture sa shahe fen.

Ikinaklasipika ang uri ng laksa ayon sa sabaw na ginagamit sa resipi nito; malinamnam na gata, sariwa at maasim na asam (sampalok, asam gelugur), o kombinasyon nitong dalawa.

Nagdaragdag ang gata ng kakaibang linamnam o lemak sa sabaw ng laksa.

Sa Malaysia at Singapura, Laksa Lemak o Laksa Nyonya ang tawag sa laksa na may malinamnam na sarsang gata na pinaanghang nang todo. Sa lutuing Malay, tumutukoy ang salitang lemak sa pagkakaroon ng gata na nagdaragdag ng kakaibang linamnam sa isang ulam, habang ipinapahiwatig ng Nyonya ang pinagmulan nito sa mga Peranakan at ang papel ng mga kababaihan sa lutuing Peranakan. Alternatibong pangalan din ang "laksa" para sa curry mee, isang kahawig na pansit na sinabawan ng gata na sikat sa rehiyon. Kilala rin ito bilang curry laksa.[1] Kabilang sa mga pinakakaraniwang sahog para sa mga samu't saring uri ng laksang sinabawan ng gata ang itlog, pinritong tokwa, toge, at yerba. Sinasabayan ito ng kutsara ng sambal (sarsang sili) bilang kondimento.

Tumutukoy ang salitang asam sa wikang Malay sa anumang sangkap na nagpapaasim sa pagkain (hal. sampalok (Malay: Asam Jawa) o tamarind slice (Malay: Asam Gelugor)). Kabilang sa mga pangunahing sangkap para sa sinampalukang laksa ang hinimay na isda, malimit alumahan (ikan kembung), at mga sumusunod na gulay na hiniwa nang manipis: pipino, sibuyas, sili, pinya, dahon ng menta, dahon ng laksa, at hiniblang Philippine wax flower. Nakakabuo ang paghahanda ng sinampalukang laksa ng masigid, maanghang, at maasim na lasa. Inihahain ang ganitong uri ng laksa kasama ng makapal na pansit ("laksa") o manipis na pansit ("mee hoon") at sinasahugan ng otak udang o hae ko (蝦膏), isang makapal at matamis na bagoong.[1]

Sa Indonesa, ginagata ang karamihan sa mga uri ng laksa. Kabilang sa mga karaniwang uri ng espesya ang luyang-dilaw, unsoy, lumbang, tanglad, bawang, lasona, at paminta na ginagata. Karaniwang ginagamit ang daun kemangi (dahon ng sangig) na madaling makukuha kaysa sa daun kesum na ginagamit sa Malaysia at Singapura. Pinakakaraniwang ginagamit ang manipis na bihon sa halip ng makapal na pansit ("laksa"). Sa ilang resipi, dinaragdagan nga ito ng mga hiniwang ketupat o kakanin na lontong.[14]

Mga baryasyon ayon sa rehiyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Laksa Banjar, isang espesyalidad ng Banjarmasin
Laksa Betawi na inihain kasabay ng emping na kraker
Lakso, isang espesyalidad ng Palembang
  • Laksa Banjar: isang baryante ng laksa mula sa Banjarmasin, isang lungsod sa Indonesya, na may snakehead (ikan haruan) bilang isa sa mga sangkap nito. Katulad ng Palembang Lakso, sa halip ng bihon, gumagamit ang Laksa Banjar ng mga pinasingaw at malapansit na bola na gawa sa masa ng galapong, na inihain sa malapot at dilaw na sabaw na gawa sa gata, giniling na espesya, at sabaw ng isdang snakehead. Maaari itong sahugan ng pinritong lasona (bawang goreng) at nilagang itlog ng pato.[15]
  • Laksa Bogor: marahil ang pinakasikat na baryante ng laksa sa Indonesya mula sa Bogor, Kanlurang Java. Ang malapot, manilaw-nilaw, at salig-gata na sabaw ay kombinasyon ng lasona, bawang, lumbang, luyang-dilaw, kulantro, tanglad at asin. Mayroon itong kakaibang lasa na makadaigdig at malanuwes na nanggagaling sa oncom (kulay kahel na keyk na gawa sa pinaburong balatong, kahawig sa tempe ngunit gawa sa ibang uri ng fungi na hinalo sa sapal ng utaw) at inihahain kasama ng bugnoy (ketupat) pati na rin sambal cuka (giniling na sili sa suka).[16][17]
  • Laksa Betawi: isang baryante mula sa Jakarta, Indonesya,[18] na magkahawig sa Laksa Bogor. Subalit sinasabayan ang Laksa Betawi ng dahon ng balanoy, perero, bihon, at perkedel. May hibi ang makapal, manilaw-nilaw, salig-gatang sabaw nito na nagbibigay ng kakaibang lasa.[19]
  • Laksa Cibinong: mula sa Cibinong, isang bayan sa gitna ng Bogor at Jakarta. Kahawig nito ang Laksa Bogor, ngunit hindi ito dinadaragdagan ng oncom. Pinaghalong espesya sa gata ang sabaw, at inihahain ito kasama ng toge, bihon, nilagang itlog, niluto't hiniblang manok, pinritong lasona, at Indones na dahon ng sangig.[20]
  • Lakse Kuah: isa itong espesyalidad ng pulo ng Natuna. Kahawig nito ang Laksa Terengganu Kuah Merah. Binubuo itong ulam ng mga pansit na gawa sa sago at niligis na balat ng tongkol na inihain sa maanghang na sarsang gata. Sinasabayan ito ng sambal terasi at daun salam.[21]
  • Laksa Medan: mula sa Medan, Hilagang Sumatra, ay kahawig sa Asam Laksa ng Hilagang Malaysia batay sa sangkap na ginagamit.[22]
  • Laksa Tambelan: mula sa kapuluan ng Tambelan sa Indonesya na gumamit ng tinapyas at ginisang ikan tongkol asap sa halip ng sariwang isda. Binubuo itong ulam ng pansit sagoo na inihahain sa maanghang na sabaw na gawa sa kerisik (ginisa't ginayat na niyog, dinidikdik o hinahalo hanggang maging sarsa).[23]
  • Laksa Tangerang: isang baryante mula sa Tangerang, Indonesya. Sabaw ng manok, munggo, patatas at perero ang mga pangunahing sangkap nito.[12] Binubuo ang Laksa Tangerang ng mga gawang-kamay na pansit mula sa harina ng pinakuluang puting bigas at makapal at dilaw na sarsa katulad ng Laksa Bogor. Dinaragdagan din nito ng ginayat na niyog at Baguio beans para tumamis ito.[24] Pinahahalagahan ang Laksa Tangerang sa pagiging balanse ng ginataang sabaw nito, na hindi masyadong malapot o malabnaw.[12]
  • Laksan Palembang: isang espesyalidad ng lungsod ng Palembang, Indonesya. Binubuo ito ng hiniwang fishcake na inihain sa sabaw na gawa sa gata at hipon, at sinasahugan ng pinritong lasona.[25]
  • Celimpungan Palembang: isa ring espesyalidad ng Palembang. Binubuo ang ulam ng sarsa kahawig sa Laksan na may mga hugis-bola o hugis-itlog na fishcake.[26]
  • Burgo Palembang: isang baryante ng laksa mula sa Palembang. Tumutukoy ang burgo sa palaman nito, na gawa sa galapong at harina ng sago na pinoproseso para magmukhang manipis na torta. Mapusyaw na puti ang sabaw nito na gawa sa gata at samu't saring espesya. Kadalasang sinasabayan ito ng patis, nilagang itlog, at pinritong sibuyas.[26]
  • Lakso Palembang: isang baryante ng laksa mula sa Palembang. Hindi kagaya sa Laksan, binubuo ang Lakso ng malapansit na sarsang sago na pinasingaw ngunit inihahain sa mala-Burgo na gata na may dinagdag na luyang-dilaw at sinahugan ng pinritong lasona.[27]
Isang mangkok ng Penang Laksa mula sa lugar ng Air Itam.
Isang tipikal na mangkok ng curry laksa sa Kuala Lumpur
Laksa Sarawak, isang espesyalidad ng Kuching
Laksa Kelantan, isang espesyalidad ng lutuing Kelantanesa
  • Laksa Pulau Pinang o Penang Laksa: kilala rin bilang Asam Laksa, isang espesyalidad ng Penang, isang pulo sa Malaysia. Gawa sa alumahan ang sabaw nito, at ang pangunahing tampok na natatangi sa kanya ay ang asam o sampalok na nagpapaasim at nagpapasarap sa sabaw. Sinusuam ang isda at tinatapyas. Kabilang sa mga ibang sangkap na nagbibigay ng kakaibang lasa sa Penang Laksa ang menta, hiniwang pinya at otak udang (bagoong alamang).
  • Laksa Kedah: kahawig sa Penang Laksa. Kadalasan, gawa sa igat ang sabaw sa halip ng alumahan at nag-iiba rin sa paggamit ng asam Gelugur sa halip ng asam Jawa na karaniwang ginagamit sa Penang Laksa. Bilang pangunahing lalawigan sa produksiyon ng bigas sa Malaysia, gumagamit ang Laksa Kedah ng harinang bigas para gumawa ng pansit laksa. Madalas na dinaragdagan ang ulam ng hiniwang nilagang itlog.[28]
  • Laksa Teluk Kechai: may parehong batayan sa Laksa Kedah pero dinaragdagan ito ng sandok ng sambal ng niyog.[29]
  • Laksa Perlis: magkahawig sa Laksa Kedah. Medyo puspos ang sarsa ng Laksa Perlis dahil pinaghalo ang bawat sangkap katulad ng alumahan, isdang selayang, torch ginger, at dahong panglaksa. Mas marami rin ang ginagamit na isda kumpara sa mga ibang lalawigan. Mas matingkad at hindi mapula (i.e. pula ng sili) kagaya ng Laksa Kedah.[30]
  • Laksa Ipoh: isang espesyalidad ng lungsod ng Ipoh sa Malaysia, magkahawig sa Penang Laksa ngunit mas maasim ito sa halip na matamis, at mayroon itong bagoong. Maaaring mag-iba nang kaunti ang palamuti na ginagamit sa Laksa Ipoh kumpara sa Penang Laksa.
  • Laksa Kuala Kangsar: kilala rin bilang Laksa Perak, na binubuo ng gawang-kamay na pansit trigo at magaan na sabaw. Mas magaan ang sabaw kaysa sa Penang laksa at Laksa Kedah, at napakaiba ito sa Laksa Ipoh batay sa pagtatanghal, lasa, at amoy.[31]
  • Laksa Sarang Burung: may parehong batayan ito sa Laksa Kuala Kangsar ngunit inihahain na may kasamang 'pugad' na gawa sa mga pinritong itlog na inilagay sa ibabaw ng laksa.[32]
  • Laksa Mi Pangkor: isang espesyalidad ng isla ng Pangkor sa Malaysia at sa pumapagitang kalupaan ng Perak. Binubuo ito ng espesyal na puting pansit na binubuhusan ng malinaw na sabaw na gawa sa isda, alimango, pusit o hipon na pinakulo kasabay ng sampalok at asin. Dinaragdagan din ang laksa ng sambal at ginisang gulay katulad ng sitaw at karot. Kailangan itong kainin tuwing mga panahon ng kapistahan.[33][34][35]
  • Curry Laksa: sa Selangor at Kuala Lumpur, o ang rehiyon ng Lambak Klang, na may pinritong tokwa, sigay, sitaw at menta bilang mga tatak na sangkap. Karniwan itong inihahain na may "mee" (pansit itlog na dilaw at alkanisadong) at/o "bee hoon" (bihon).[36][1]
  • Laksa Sarawak: mula sa estado ng Sarawak sa Malaysia. Nasa halo ng espesya ang bukud-tangi nito na hindi mahahanap sa mga laksa sa ibang estado. Bukod pa sa mga espesya, kabilang sa mga pangunahing sangkap ng Laksa Sarawak ang bihon, manok, pinritong tokwa, torta, toge, itim na kabute, hipon, nilagang itlog at musk. Ang sabaw ay gawa sa pinaghalong sambal belacan, gata, katas ng sampalok, bawang, galangal at tanglad. Binansagan ni Anthony Bourdain, isang sikat na kusinero, ang Laksa Sarawak bilang 'Almusal ng mga Diyos'.[37]
  • Laksam: kilala rin sa Taylandia bilang Lasae (Thai: ละแซ),[38] gawa ito sa makapal at patag na pansit na gawa sa galapong na inihain sa malasang puting sarsa na gawa sa pinakuluang isda at gata. Isang espesyalidad ng mga hilaga-silangang estado ng Kelantan and Terengganu sa Malaysia, kinugaliang kamayin ang Laksam sa halip na gumamit ng kubyertos dahil sa lapot ng sarsa.[39]
  • Laksa Siam: magkahawig sa Penang Laksa. May parehong sangkap ngunit mas makrema at di ganoon kasigid dahil dinagdagan ito ng gata at mga iba't ibang yerba.Tulad ng karamihan sa mga ibang Curry Laksa, kailangang igisa ang sarsang espesya nito para mailabas ang bango nito. Isa itong hakbang na wala sa paghahanda ng Penang Laksa.[40][41]
  • Laksa Johor: mula sa estado ng Johor sa timugang Malaysia. Nahahawig ito sa Penang Laksa, ngunit nag-iiba rin dahil kinakain ito kasama ng ispageti at gawa sa wolf herring (parang), konsentradong gata, sibuyas at mga espesya. Nakasalig ang pagkakaiba ng Laksa Johor sa paggamit nito ng ispageti at sa lapot ng sarsa nito. Kadalasan, inihahain ang Laksa Johor sa mga masayang panahon at espesyal na okasyon. Dati-rati, kinakamay ang pagkaing ito ng mga taga-Johor dahil nagiging mas masarap daw ito.[1][13]
  • Laksa Kelantan: mula sa estado ng Kelantan sa hilagang-silangang Malaysia, kahawig sa Laksam, ngunit sa halip ng makapal na pansit Laksam, ginagamit ng Laksa Kelantan ang parehong pansit na ginagamit sa Penang Laksa. Inihahain ito kasabay ng ulam (sariwang gulay), belacan, at isang karampot ng asin, at medyo mas matamis ito dahil mayroon itong asukal sa palma.[42]
  • Laksa Terengganu Kuah Putih: ang pinakamadaling resipi ng laksa na sikat sa mga taga-Terengganu, isang estado ng Malaysia. Hinango ang pangalang Laksa Kuah Putih mula sa sarsang gata na makapal, maputi, at makrema. Alumahan ang pangunahing sangkap ng Laksa Kuah Putih, na pinakuluan at tinadtad. Nabubuo ang sarsa sa paghahalo ng gata at mainit na tubig, at karaniwan, hindi ito niluluto. Hinahaluan ang sabaw ng paminta, sibuyas, at tinadtad na isda at inihahain kasabay ng ulam (sariwang gulay) at pinaghalong sili.[43]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 Siobhan Hegarty (Pebrero 6, 2017). "Think you know laksa? Think again" [Sa tingin mo alam mo ang laksa? Pag-isipan muli.]. SBS (sa wikang Ingles).{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Laksa Lemak Recipe – Malaysia (Gordon's Great Escape)" [e] (sa wikang Resipi ng Laksa Lemak – Malaysia (Gordon's Great Escape)). Mayo 23, 2011.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: unrecognized language (link)
  3. Ricky Halim (Agosto 5, 2015). "6 LAKSA Khas Indonesia Paling ENAK Yang Harus Kamu Coba!". Qraved (sa wikang Indones).{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. 4.0 4.1 Lara Dunston (Oktubre 24, 2012). "Laksa: Discovering Malaysia's signature dish" [Laksa: Pagtutuklas sa signature dish ng Malaysia]. Asian Correspondent (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 15 Hulyo 2014.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Singapore Laksa: A local favourite" [Laksa ng Singapura: Isang lokal na paborito]. STB (sa wikang Ingles). Singapore Tourism Board. Setyembre 19, 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. 6.0 6.1 6.2 6.3 Urvija Banerji (Enero 8, 2016). "How Intermarriage Created One of the World's Most Delicious Foods" [Kung Paano Inilikha ng Pakikipag-asawa Ang Isa sa Mga Pinakamasarap na Pagkain sa Mundo]. Atlas Obscura (sa wikang Ingles).{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. 7.0 7.1 7.2 @NatGeoUK (Pebrero 9, 2019). "Deconstructing laksa, the fusion dish of Malaysia and Singapore" [Pagdedekonstruk sa laksa: ang pagkaing pusyon ng Malaysia at Singapura]. Deconstructing laksa, the fusion dish of Malaysia and Singapore | National Geographic (sa wikang Ingles). Nakuha noong Hunyo 18, 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. 8.0 8.1 Melati Mewangi (Disyembre 1, 2021). "Sluuurps.. Nikmatnya Mi Nusantara". Tutur Visual - Kompas.id (sa wikang Indones). Nakuha noong Disyembre 6, 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "Laksa Origins" [Pinagmulan ng Laksa] (sa wikang Ingles). National Library Board.
  10. Prodita Sabarini quoting Myra Sidharta (Oktubre 24, 2012). "'Dapur Naga': A peek into 'peranakan' cuisine" ['Dapur Naga': Isang sulyap sa lutuing 'peranakan']. The Jakarta Post (sa wikang Ingles).{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. "Sejarah Laksa, Berawal dari Pernikahan Peranakan di Asia Tenggara". kompas (sa wikang Indones). Mayo 23, 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. 12.0 12.1 12.2 Corry Elyda (Pebrero 13, 2015). "Weekly 5: Delicacies of Tangerang 'peranakan'" [Lingguhang 5: Mga Pagkain ng Tangerang 'peranakan']. The Jakarta Post (sa wikang Ingles).{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. 13.0 13.1 Frederica Ermita Indriani (Agosto 9, 2012). "Laksa Johor, a royal treat for every palate" [Laksa Johor, isang pagkain ng maharlika para sa bawat ngalangala]. The Jakarta Post (sa wikang Ingles). Nakuha noong Hunyo 8, 2015.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. "Sebenarnya Laksa Makanan Khas Mana? Singapura, Malaysia, atau Indonesia?" (sa wikang Indones).
  15. Salmah (Nobyembre 18, 2011). "Kuah Haruan Yang Bikin Gurih" (sa wikang Indones). Tribun Kalteng. Nakuha noong Hunyo 8, 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. Muhammad Irzal A (Mayo 26, 2016). "Siraman Kuah Panas Laksa Bogor yang Menggugah Selera". Kompas.com (sa wikang Indones).{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. "Laksa Bogor" (sa wikang Indones). Femina. Nakuha noong Hunyo 7, 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  18. Muhammad Sulhi (Mayo 5, 2014). "Sulitnya Mencari Laksa Betawi, Masakan Paling Kaya Rempah". Tribun News (sa wikang Indones).{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  19. "Kelezatan Langka Laksa Betawi" (sa wikang Indones). Femina. Nakuha noong Hunyo 8, 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  20. "Laksa Cibinong (Jawa Barat)" (sa wikang Indones). Nova. Nobyembre 21, 2013. Inarkibo mula sa orihinal noong Nobyembre 28, 2013. Nakuha noong Hunyo 8, 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  21. natuna (Abril 28, 2020). "Lakse Kuah, Kuliner Khas Natuna Bulan Ramadan". Natuna Adventure (sa wikang Indones). Inarkibo mula sa orihinal noong Agosto 9, 2020. Nakuha noong Abril 28, 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  22. "Laksa Medan" (sa wikang Indones). Femina. Nakuha noong Hunyo 8, 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  23. "Laksa Tambelan" (sa wikang Indones). Femina. Nakuha noong Hunyo 9, 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  24. "Laksa Tangerang" (sa wikang Indones). Femina. Nakuha noong Hunyo 8, 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  25. "Palembang Traditional Food" [Tradisyonal na Pagkain ng Palembang]. Sriwijaya Post (sa wikang Ingles). Nobyembre 21, 2011. Nakuha noong Hunyo 8, 2015.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  26. 26.0 26.1 Rahmawati, Andi Annisa Dwi. "Serba Ikan! Sarapan Laksan hingga Celimpungan yang Gurih di Palembang". detikfood.
  27. "Laksa Palembang" (sa wikang Indones). Femina. Nakuha noong Hunyo 8, 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  28. "JKKN Pemetaan Budaya | LAKSA KEDAH". Inarkibo mula sa orihinal noong 2022-05-21. Nakuha noong 2022-11-20.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  29. "Laksa Zakaria Teluk Kechai memang 'power'". Hulyo 16, 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  30. "JKKN Pemetaan Budaya | LAKSA PERLIS". Inarkibo mula sa orihinal noong 2022-05-21. Nakuha noong 2022-11-21.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  31. "JKKN Pemetaan Budaya | LAKSA KUALA KANGSAR". Inarkibo mula sa orihinal noong 2022-05-21. Nakuha noong 2022-11-21.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  32. "JKKN Pemetaan Budaya | LAKSA SARANG BURUNG". Inarkibo mula sa orihinal noong 2022-05-21. Nakuha noong 2022-11-21.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  33. "Visit not complete without a taste of laksa mi Pangkor" [en] (sa wikang Hindi kumpleto ang pagbisita kung walang tikim ng laksa mi Pangkor). Enero 29, 2020. Nakuha noong Disyembre 30, 2020.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: unrecognized language (link)
  34. "'Laksa Mee Pangkor' island's culinary pride" ['Laksa Mee Pangkor' ang ipinagmamalaki ng pulo sa pagluluto] (sa wikang Ingles). Enero 29, 2020. Nakuha noong Disyembre 30, 2020.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  35. "Laksa mi jadi 'signature' unik Pulau Pangkor". Enero 28, 2020. Nakuha noong Disyembre 30, 2020.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  36. "Spicy Malaysian Tofu Laksa with Udon Noodles" [Maanghang na Laksa Tokwa ng Malasiya na may Pansit Udon] (sa wikang Ingles). haute chef. Inarkibo mula sa orihinal noong Hulyo 14, 2015. Nakuha noong Hunyo 8, 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  37. "Best Sarawak Laksa in Kuching" [Pinakamagandang Laksa Sarawak sa Kuching] (sa wikang Ingles). The Malaysian Insider. Abril 29, 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  38. "เปิบเมนูเด็ด ต้นตำรับความอร่อยทั่วทิศ". Thairath (sa wikang Thai). Hulyo 9, 2014. Nakuha noong Hunyo 24, 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  39. "Terengganu government tourism – Laksam" [Turismo ng gobyerno sa Terengganu – Laksam.] (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Abril 17, 2010.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  40. "Siamese Laksa (Laksa Lemak)". Setyembre 29, 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  41. "BAKE WITH PAWS: Penang Siamese Laksa (Laksa Lemak)".
  42. "Laksa Kelantan". Inarkibo mula sa orihinal noong Agosto 19, 2014. Nakuha noong Agosto 16, 2014.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  43. "The 9 Different Must Try Laksa in Malaysia" [Ang 9 Dapat Subukan na Laksa sa Malaysia] (sa wikang Ingles). Agosto 26, 2017. Inarkibo mula sa orihinal noong Agosto 26, 2017. Nakuha noong Agosto 23, 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
[baguhin | baguhin ang wikitext]