Mana (pagkain)
Ang mana (Ebreo: מן, man; Ingles: manna) ay tumutukoy sa mga pagkain ng Israelita na nabanggit sa Tanakh at sa Bibliya. Nagmula ito sa man hu (מן הוא) ng wikang Arameo,[1][2] na ang ibig sabihin ay "Ano ito?"[3] o "Ano siya?"[4] Sa gayon, ang diwang kahulugan ng katawagan ay "kung-ano-man-’to" at inilalahad ang katangi-tangi at kakaibang uri nito sa karanasang Ebreo.[5] Ito ang ginamit na pantawag ng mga Israelita sa natatanging pagkaing ibinigay sa kanila ng Diyos habang naroroon sila sa ilang o disyerto. Kabilang katangian nito ang pagiging isang pagkaing maputi at matamis ang lasa na lumilitaw mula sa lupa tuwing umaga.
Paghahambing kay Hesus
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ayon kay Hesus, sa Bagong Tipan ng Bibliya (matatagpuan sa Juan 6: 30-35 at 57-58), na katulad siya ng isang mana sapagkat siya ang "tinapay ng buhay" na makatutugon o makapag-aalis ng kagutumang espiritwal o pangkaluluwa ng kanyang mga tagasunod.[3]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Mechon-Mamre.org". Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-01-23. Nakuha noong 2009-01-29.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Abriol, Jose C. (2000). "Mana, man hu, Exodo 16:15, ayon sa paliwanag na nasa pahina 110". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 3.0 3.1 The Committee on Bible Translation (1984). "Manna, "What is it?"". The New Testament, God's Word, The Holy Bible, New International Version (NIV). International Bible Society, Colorado, USA.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link), Dictionary/Concordance, pahina B7. - ↑ Komentaryo ni Peake hinggil sa Bibliya
- ↑ Komentaryo (paliwanag), Exodus 16.31. The Jewish Study Bible. OUP: New York.
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.