Mark Sanchez
Ang artikulong ito ay nangangailangan pa ng mga link sa ibang mga artikulo upang makatulong isama ito sa ensiklopedya. (Hunyo 2017) |
Si Mark Sanchez (ipinanganak noong 11 Nobyembre 1986, sa Long Beach, CA) ay isang college football quarterback para sa University of Southern California.
Karera noong high school
[baguhin | baguhin ang wikitext]Si Sanchez ay pumasok ng dalawang taon sa Santa Margarita Catholic High School bago lumipat sa Mission Viejo High School upang maglaro sa ilalim ni Bob JOhnson. Si Johnson ay ang ama ng dating USC at NFL quarterback na si Rob Johnson, at private coach ng USC Heisman trophy winner na si Carson Palmer.[1][2]
Sa Mission Viejo, nagtala siya ng 2,600 passing yards para sa 29 touchdowns at apat na interception bilang isang junior. SA kanyang 75% completion rate, nagtala din siya ng 90 rushing yards at isang touchdown mula sa isang reverse throwback. Napangalan si Sanchez first team all-league, county, at CIF. Mayroon siyang 3.7 GPA, at dating presidente ng student government at kapitan ng basketball team.[1] As a senior, Sanchez was 114-186 for 1746 yards, 16 touchdowns and 2 interceptions, leading his team to a champsionship.[1] Noong 2004, napangalanan siya bilang high school "Player of the Year" ng ilang kilalang college recruiting services.
Karera noong kolehiyo
[baguhin | baguhin ang wikitext]2005
[baguhin | baguhin ang wikitext]Na-redshirt si Sanchez sa kanyang unang taon sa USC. Napanagalanan siya bilag "Service Team Offensive Player if the Year."
2006
[baguhin | baguhin ang wikitext]Noong 2006, naging mainit ang kompetensiya para sa starting position, at ang junior na si John David BOoty ay sumailalim sa back surgery sa unang araw ng spring practice, si Sanchez ang nagpatakbo ng first-team offense noong spring habang nagpapalakas si Booty. Ayon kay COach Klein, si Booty ang magiging starting quarterback sa kanyang pagbabalik para sa fall training camo.[2]
Bilang isang freshman redshirt, si Sanchez ay nagsilbi bilang back-up kay Booty, kung saan nakapaglaro siya sa tatlong laban.
2007
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sa fall practice ng 2007 season, na-injure ni Sanchez ang kanyang hinlalaki sa kanyang throwing hand, na naging dahilan para hindi siya makapaglaro sa kanyang unang laro laban sa University of Idaho. Bumalik siya sa sumunod na linggo at muli siyang nagsilbi bilang backup ni Booty. Sa gitna ng season, napangalanan siya bilang starting quarterback laban sa Arizona WIldcats matapos ma-injure ang daliri ni Booty sa isang 24-23 upset loss laban sa Stanford.[2]
Noong 13 Oktubre, pinamunuan ni Sanches ang USC sa isang 20-13 panalo laban sa Arizona. SA second half ng naturang laban, nagtala siya ng 11 complete passes out of 15 para sa 74 yards at isang touchdown at isang 10-yard first down pass, at sa katapusan ay nagtala ng 19 for 31 passes para sa 130 yards na may average ng 4.2 yards per play para sa isang touchdown, two interceptions, at na-sack ng tatlong beses. Dahil nagpapagaling pa si Booty, muling naging starter si Sanchez sa sumunod na linggo laban sa Notre Dame, kung saan nagtala siya ng 21 complete passes (out of 38) para sa 235 yards at 4 TDs at 0 interceptions.[3] Naging starter uli siya sumunod na linggo laban sa Oregon, subalit natalo ang USC, 24-17 dahil sa dalawang importanteng interceptions na tumapos sa laban.[4]
Sa sumunod na linggo, nagbalik bilang starting quarterback si Booty at backup si Sanchez.[5]
Personal
[baguhin | baguhin ang wikitext]Si Sanchez ay isang Latinong Mexicano. Ang kanyang amang si Nich ay isang bumbero sa Orange County, California.[6] Ang kanyang mga kapatid na sina Nicj (Yale, 1992-94) at Brandon (DePauw, 1997) ay parehong naglaro ng college football.
Sa simula ng 2007 Notre Dame game, sinimulan ni Sanchez na magsuot ng custom-made mouthpice na nagtataglay ng mga kulay ng bandila ng Mexico.[7]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 1.2 Steward Mandel, Next in line? Sanchez could be the next great Trojan QB Naka-arkibo 2012-01-11 sa Wayback Machine., Sports Illustrated, 19 Enero 2005.
- ↑ 2.0 2.1 2.2 Gary Klein, USC goes to backup plan, Los Angeles Times, 12 Oktubre 2007.
- ↑ Gary Klein, Heroes and zeros for Trojans[patay na link], Los Angeles Times, 21 Oktubre 2007.
- ↑ Gary Klein, Trojans' hopes get downsized, Los Angeles Times, 28 Oktubre 2007.
- ↑ Gary Klein, Through it all, Booty focuses on winning, Los Angeles Times, 2 Nobyembre 2007.
- ↑ Gary Klein, USC's Mark Sanchez appears likely to get start, Los Angeles Times, 10 Oktubre 2007.
- ↑ Gary Klein, Sanchez is prepared for Oregon noise, Los Angeles Times, 23 Oktubre 2007.
Mga panlabas na link
[baguhin | baguhin ang wikitext]- USC Athletic Department Bio: Mark Sanchez Naka-arkibo 2008-10-10 sa Wayback Machine.