Meme
Ang isang meme ( /ˈmiːm/; meem)[1] ay isang ideya, pag-aasal o istilo na kumakalat mula isang tao tungo sa isa pang tao sa loob ng isang kultura.[2] Ang isang meme ay umaasal bilang unit sa pagdadala ng mga ideya, mga simbolo o mga kasanayang kultural na maaaring maipasa mula sa isang isipan tungo sa isa pa sa pamamagitan ng pagsulat, pananalita, mga kilos, mga ritwal o ibang mga magagayang phenomena. Ang mga tagapagtaguyod ng konseptong ito ay tumuturing sa mga meme bilang mga katulad na pangkultura sa mga gene na nagrereplika sa sarili nito, nagmu-mutate at tumutugon sa mga pressure na selektibo. [3]
Ang salitang meme ay pagpapaikli(minodelo sa gene) ng mimeme (mula sa Sinaunang Griyego na μίμημα Pagbigkas sa Griyego: [míːmɛːma] mīmēma, "ginayang bagay", mula sa μιμεῖσθαι mimeisthai, "gayahin", from μῖμος mimos "mime")[4] at inimbento ng biologong ebolusyonaryo na si Richard Dawkins sa The Selfish Gene (1976)[1][5] bilang isang konsepto para sa pagtalakay ng mga prinsipyong ebolusyonaryo sa pagpapaliwanag ng pagkalat ng mga ideya at mga phenomena na kultural. Ang mga halimbawang ibinigay sa aklat na ito ay kinabibilangan ng mga himig, mga catch phrase, fashion, at teknolohiya ng pagtatayo ng mga arko.[6]
Iminungkahi ng mga tagapagtaguyod nito na ang mga meme ay maaaring mag-ebolb sa pamamagitan ng natural na seleksiyon sa paraang katulad sa ebolusyong biyolohikal. Ito ay ginagawa ng mga meme sa pamamagitan ng mga proseso ng bariasyon, mutasyon, tunggalian, at pagmamana ng katangian na nakakaimpluwensiya sa tagumpay ng pagpaparami ng meme. Ang mga meme ay kumakalat sa pamamagitan ng pag-aasal na nalilikha sa kanilang mga host. Ang mga meme na lumaganap ng kaunti sa supling ay maaaring maging ekstinto samantalang ang iba ay maaaring makapagpatuloy, kumalat o mag-mutate. Ang mga meme na pinakaepektibong dumadami ay nagtatamasa ng mas maraming tagumpay at maaaring mareplika nang epektibo kapit na napatunayang mapanganib sa kapakanan ng kanilang mga host.[7]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 Dawkins, Richard (1989), The Selfish Gene (ika-2 (na) edisyon), Oxford University Press, p. 192, ISBN 0-19-286092-5,
We need a name for the new replicator, a noun that conveys the idea of a unit of cultural transmission, or a unit of imitation. 'Mimeme' comes from a suitable Greek root, but I want a monosyllable that sounds a bit like 'gene'. I hope my classicist friends will forgive me if I abbreviate mimeme to meme. If it is any consolation, it could alternatively be thought of as being related to 'memory', or to the French word même. It should be pronounced to rhyme with 'cream'.
{{citation}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Meme. Merriam-Webster Dictionary
- ↑ Graham 2002
- ↑ The American Heritage Dictionary of the English Language: Fourth Edition, 2000
- ↑ Millikan 2004, p. 16 ; Varieties of meaning "Richard Dawkins invented the term 'memes' to stand for items that are reproduced by imitation rather than reproduced genetically."
- ↑ Dawkins 1989, p. 352
- ↑ Kelly, 1994 & p.360 :"But if we consider culture as its own self-organizing system — a system with its own agenda and pressure to survive — then the history of humanity gets even more interesting. As Richard Dawkins has shown, systems of self-replicating ideas or memes can quickly accumulate their own agenda and behaviours. I assign no higher motive to a cultural entity than the primitive drive to reproduce itself and modify its environment to aid its spread. One way the self organizing system can do this is by consuming human biological resources."