Nakaupong Toro
Si Tatanka Iyotake, kilala rin bilang Nakaupong Toro o Sitting Bull sa Ingles (literal na "nakaupong bulugang baka o toro"; Lakota: Tȟatȟaŋka Iyotȟaŋka o Ta-Tanka I-Yotank, at may palayaw ding Slon-he o "Mabagal"; ipinanganak noong humigit-kumulang sa 1831 – namatay noong Disyembre 15, 1890), ay isang Hunkpapa Lakota Sioux na banal na tao, na ipinanganak na malapit sa Grand River sa South Dakota at napatay sa pamamagitan ng mga pagpapareserbang mga pulis sa Standing Rock Indian Reservation (Pagpapareserbang Tumatayong Bato ng mga Indiyano) upang arestuhin siya at maiwasan niyang suportahin ang kilusang Ghost Dance (Sayaw ng Multo).
Tanyag siya sa kasaysayan ng mga Amerikano at ng mga Katutubong Amerikano dahil sa kanyang ginampanan sa pangunahing tagumpay sa Labanan sa Little Bighorn laban sa Tinyente Heneral George Armstrong Custer at ang Ika-7 Kabalyerya Rehimiyento ng Estados Unidos noong Hunyo 25, 1876, kung saan naging makakatotohanan ang salagimsim ni Sitting Bull na matalo ang kabalyerya.
Siya ang pinunong Indiyang Amerikano na naging punong hepe ng buong nasyon ng mga Sioux. Hinikayat niya ang iba pang mga pinuno ng mga Sioux na tanggihan ang mga kahilingan ng pamahalaan ng Estados Unidos na bilhin ang mga lupain na nasa mga reserbasyon ng Black Hills.[1]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Deverell, William at Deborah Gray White. United States History and New York History: Post-Civil War to the Present (Holt McDougal:2010), pahina R116.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Kasaysayan at Estados Unidos ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.