Pumunta sa nilalaman

O-Zone

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
O-Zone
Kabatiran
PinagmulanMoldova
GenreElectronica, Eurodance
Taong aktibo1999-2005
LabelUniversal Music, Avex Trax
Dating miyembroDan Bălan
Radu Sîrbu
Arsenie Todiraş
Petru Jelihovschi
Para sa singaw, tignan ang Osona (singaw).

Ang O-Zone ay isang pangkat-musikal na nabuo sa Moldova. Sumikat ang grupo sa buong mundo dahil sa kantang sinulat ni Dan Bălan na pinamagatan Dragostea din tei.

Paggkuha ng Pangalan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sabi ni Dan Bălan ang panggalang O-Zone ay hango sa kapaligiran, Sabi niya "O-Zone, like the air after the rain... so fresh" (O-Zone, katulad ng hangin pagkatapos ng ulan... sariwang sariwa).

Pinangunahan at binuo ni Dan Bălan at Petru Jelihovschi ang orihinal na O-Zone noong 1999. Sumikat sila sa kantang "Dar, unde eşti...". Di nagtagal naghiwalay ang dalawa at si Dan Bălan ay nagbahagi ng bagong myembro ng O-Zone.

O-Zone ngayon at kasalukuyan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Si Dan Bălan, Radu Sîrbu, at Arsenie Todiraş ang naging panibagong O-Zone. Unang sumikat sa Numai Tu at sumunod na ang Dragostea Din Tei na nagpasikat sa kanila sa buong mundo. Noong 2005, naghiwalay ang grupo at di na gumawa ng mga kanta na mag-kasama. Nag umisa na silang gumawa ng sarili nilang mga negosyo.