Pumunta sa nilalaman

Pagpapadulas sa yelo

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Isang batang babae na naglilibang sa pamamagitan ng paglalayag sa yelo na sa loob ng isang gusali.
Pagpapadulas sa yelo, Québec
Paglalayag sa yelo habang nasa kalikasan sa Austria.

Ang Pagpapadulas sa yelo (Ingles: ice skating), na tinatawag ding paglalayag sa yelo, pagbabalanse sa yelo, o pagpapatina sa yelo, ay ang paggalaw o paglalayag sa ibabaw ng yelo sa pamamagitan ng mga sapatos na panlayag sa yelo. Maaari itong gawin para sa sari-saring mga dahilan, kabilang na ang mga kainamang pangkalusugan, kaaliwan, paglalakbay, at samu’t saring mga isports. Nagaganap ang pag-iiskeyting sa yelo sa ibabaw ng natatanging inihandang mga panlabas at panloob na layagang rink ng yelo, pati na sa ibabaw ng likas na namumuong mga katawan ng tubig na tumigas dahil sa lamig, katulad ng mga lawa at mga ilog.

Isang pag-aaral ni Federico Formenti ng Unibersidad ng Oxford ang nagmungkahi na ang pinakamaagang paglalayag sa yelo ay naganap sa timog ng Pinlandiya noong banding 4,000 mga taon na ang nakalipas.[1] Sa orihinal na pagkakagawa, ang mga iskeyt o panglayag (pambalanse) ay tanging mga butong pinatalim at pinasapad na itinali sa ilalim ng paa. Ang mga naglalayag (nagbabalanse o nag-iiskeyting) ay hindi talaga naglayag sa ibabaw ng yelo, sa halip ay nagpapadulas (gliding sa Ingles) sa ibabaw nito. Ang totoong pag-iiskeyting ay naganap nang gamitin ang isang talim na bakal (steel) na may pinatalim na mga gilid. Ang mga iskeyt sa ngayon ay tumataga o humihiwa sa yelo sa halip na dumudulas lamang sa ibabaw nito. Ang pagdadagdag ng matalim na gilid sa mga iskeyt na pangyelo ay inimbento ng mga taga-Nederlandiya noong ika-13 o ika-14 na daantaon. Ang mga iskeyt na pangyelong ito ay gawa sa bakal (steel), na may pinatalim na mga gilid sa ilalim upang makatulong sa paggalaw. Ang konstruksiyon ng makabagong mga iskeyt na pangyelo ay nananatiling halos katulad ng dati mula noon hanggang sa magpahanggang sa ngayon.

Sa Nederlandiya, ang paglalayag (iskeyting) sa yelo ay itinuturing na akma para sa lahat ng mga klase ng tao, katulad ng ipinapakita sa maraming mga litrato ng mga Matatandang Maestro. Nang mapalayas sa sarili niyang bansa si James II ng Inglatera, nagpunta siya sa Nederlandiya, at nahumaling siya sa pag-iiskeyting. Pagdaka, uminom siya ng mainit na tsokolate at nagsayaw sa paligid ng silid, na inaawit ang kanyang pag-ibig para sa paglalayag sa yelo. Nang makabalik na siya sa Inglatera, ang “bagong” isports na ito ay ipinakilala sa aristokrasya ng Britanya, at lumaong kinasiyahan ng lahat ng uri ng mga tao. Sinasabing higit na nakilala ni Reyna Victoria ang kanyang mapapangasawang lalaki na si Prinsipe Albert sa pamamagitan ng sunud-sunod na mga pagbibiyahe na para sa pag-iiskeyting sa ibabaw ng yelo. Samantala ang mga Fen ng Fenlandya ay nagging mga maestro sa tinatawag na iskeyting ng mga Fen (matuling pag-iiskeyting o speed skating sa Ingles). Subalit, sa ibang mga lugar, ang pakikilahok sa pag-iiskeyting sa yelo ay limitado lamang sa mga kasapi ng taong nasa mataas na antas ng lipunan. Dahil sa kasiyahan ni Emperador Rudolf II ng Banal na Romanong Imperyo sa pag-iiskeyting sa yelo, nagpatayo siya ng isang malaking karnibal na yelo sa sarili niyang korte upang patanyagin ang isports. Noong panahon ng kanyang pamumuno, dinala sa Paris ni Haring Louis XVI ng Pransiya pag-iiskeyting sa yelo. Kabilang sina Madame de Pompadour, Napoleon I, Napoleon III, at ang Angkang Stuart, na kasama ng iba pa, sa mga tagapagtangkilik ng pag-iiskeyting na pangyelo na taong maharlika (royal) at mga taong nasa mataas na antas ng lipunan.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Federico Formenti, Alberto E. Minett. "The first humans traveling on ice: an energy-saving strategy?".