Perkwunos
Ang pangalan ng isang Indo-Europeong diyos ng kulog at/o ng owk ay maaaring buuing muli bilang *perkwunos o *perkunos.
Ang isa pang pangalan ng diyos ng kulog ay naglalaman ng onomatopoeikong ugat na *tar-, na ipinagpatuloy sa pang-Gaul na Taranis at pang-Hitita na Tarhunt.
Ang Hermanikong *Þunraz (Þórr) ay nagmula sa tangkay na *(s)tene- "kulog".[1]
Mga paghango
[baguhin | baguhin ang wikitext]Magmula sa Indo-Europeong *perkṷu- "puno ng owk":
- Wikang Litwanyano: Perkūnas, Latbiyano: Pērkons, Lumang wikang Prusyano: Perkūns, ang diyos ng kulog[2]
- Wikang Pinlandes: Perkele, Mordbiniko: Pur'gine-paz, mga paghiram mula sa mga wikang Baltiko
- Maaaring kaugnay ang Sanskrit na Parjanya, ang diyos ng ulan at unos at kulog
- Wikang Trasyano Περκων/Περκος, (Perkon/Perkos)[1]
- Ang hulaping -k- ay inihulog sa pamamagitan ng IE *perō(ṷ)nos "kulog, Tagapagpakulog", maaaring magmula sa pagkakaugnay sa *perūn(V) "bundok, bato":
- Islabiko: Perun (Lumang Ruso Перунъ, Belaruso: Пярун, Polako: Piorun, Pangkanlurang Islabiko: Parom, Wikang Serbiyano: Перун, Wikang Bulgaryano: Перун), ang diyos ng kulog
- maaaring Wikang Albanyano: Perëndi, ang diyos ng kulog at ng mga bagyo
- maaaring Hitita: Pirwa, "ang diyos na nakasakay sa kabayo", na iniuugnay sa isang bato
- maaaring Griyego: keraunós "kidlat at kulog"[2]
Ang asawa ni Perkūnas ay pinangalanang Perkūnija/Perkūnė/Perperuna/Przeginia.[3] Ihambing sa Islandikong Fjörgyn (Hermaniko: p → f pagbago ng tunog), ang ina ni Thor, ang Nordikong diyos ng kulog.
Etimolohiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang *perk(w)unos muling binuo ayon sa Perkūnas. Ang Parjanya ay mayroong hindi buong pagkakaugnay.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Simek (2007:332).
- ↑ http://books.google.se/books?id=b-QfhYxtKScC&pg=PA221
Ang lathalaing ito na tungkol sa Pananampalataya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.