Pumunta sa nilalaman

Pitaya

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Pitaya na ibinenta sa isang palengke sa Chiayi, Taiwan

Ang pitaya o pitahaya ay bunga ng iba't ibang uri ng kakto na katutubo sa rehiyon ng timog Mehiko at sa mga baybaying Pasipiko ng Guwatemala, Kosta Rika, at El Salbador.[1] Itinatanim ang pitaya sa Silangang Asya, Timog Asya, Timog-silangang Asya, Estados Unidos, Karibe, Australya, Brasil, at sa mga tropikal at subtropikal na rehiyon ng mundo.[2]

Karaniwang tumukoy ang pitaya sa prutas mula sa saring Stenocereus, habang tumutukoy ang pitahaya o dragon fruit sa prutas mula sa saring Selenicereus (dating Hylocereus), na kapwa nasa pamilyang Cactaceae. Ang karaniwang pangalan nito, mula sa Ingles – dragon fruit – ay hango sa malakatad na balat at makaliskis na tulis-tulis sa labas ng prutas.[3] Depende sa baryante, maaaring matamis o maalat ang laman ng prutas, at maaaring pula, puti, o dilaw ang kulay nito.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Hylocereus undatus (dragon fruit)" [Hylocereus undatus (pitaya)]. Invasive Species Compendium (sa wikang Ingles). CABI (Centre for Agriculture and Bioscience International). 3 Enero 2018. Nakuha noong 19 Abril 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Morton, J.F. (1987). Fruits of warm climates [Mga prutas ng klimang maalinsangan] (sa wikang Ingles). West Lafayette, Indiana, USA: Center for New Crops & Plant Products, Department of Horticulture and Landscape Architecture, Purdue University. pp. 347–348. Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-05-05. Nakuha noong 8 Abril 2016.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Dragon fruit" [Pitaya] (sa wikang Ingles). Merriam-Webster Dictionary. 2019. Nakuha noong 25 Marso 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)