Pumunta sa nilalaman

Robert Falcon Scott

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Robert Falcon Scott
Lalaking nakakalbo na ang buhok sa ulo, na nakatingin sa kaliwa, at nakasuot ng uniporme na panghukbong-dagat na mayroong nakasabit na mga medalya, makikintab na mga butones at malalaking mga epaulette.
Kapanganakan6 Hunyo 1868(1868-06-06)
Plymouth, Inglatera
Kamatayan29 Marso 1912(1912-03-29) (edad 43)
EdukasyonPrograma ng kadete ng hukbong pandagat, HMS Britannia
TrabahoOpisyal ng Royal na Hukbong-Dagat at eksplorador ng Antarktiko
AsawaKathleen Bruce
AnakPeter Markham Scott
MagulangJohn Edward Scott
Hannah Scott

Si Robert Falcon Scott, CVO (6 Hunyo 1868 – c. 29 Marso 1912) ay isang opisyal ng Maharlikang Hukbong Pandagat at eksplorador na namuno ng dalawang mga ekspedisyon sa mga rehiyon ng Antarktika: ang Ekspedisyon ng Discovery mula 1901 hanggang 1904, at ang sinawing-palad na Ekspedisyon ng Terra Nova mula 1910 hanggang 1913. Sa loob ng ikalawang paglalakbay, pinamunuan ni Scott ang isang partidong binubuo ng limang mga tao na nakarating sa Polo ng Timog noong 17 Enero 1912, kung saan natagpuan nila na naunahan na sila ng ekspedisyong Noruwego ni Roald Amundsen. Sa kanilang paglalakbay na pabalik sa pinanggalingan, namatay sina Scott ang apat sa kaniyang mga kasamahan dahil sa pinagsama-samang kapaguran, kagutuman, at labis na kalamigan.

Bago ang kaniyang pagkakatalaga upang pamunuan ang Ekspedisyon ng Discovery, sinunod ni Scott ang mga yapak ng isang karerang nakaugalian o larangang kumbensiyonal na para sa isang opisyal ng hukbong-dagat noong panahon ng kapayapaan sa Britanyang Victoriana, kung kailan ang mga pagkakataon para sa pagsulong ng karera niya ay kapwa limitado at masigasig na hinahangad ng mga opisyal na mayroong mga ambisyon. Ang tiyansa sa pagiging namumukod-tangi ang nagpahantong kay Scott na iharap ang sarili para sa pagkakomandante ng barkong Discovery, sa halip na anumang predileksiyon para sa eksplorasyong pampolo.[1] Subalit, sa paghakbang na ito, ang pangalan niya ay naging hindi na maihihiwalay pa mula sa Antarktika, ang larangang panggawain kung saan nanatili ang kaniyang pagtuon habang nasa panghuling labindalawang mga taon ng kaniyang buhay.

Kasunod ng pagkakabalita ng kaniyang kamatayan, si Scott ay naging isang bantog na bayani ng Britanya, isang katayuan na nanatili sa loob ng 50 mga taon ay ipinamamalas ng maraming mga memoryal o moog na pang-alaalang permanente na itinayo sa buong bansa. Sa pagsasara ng mga dekada ng ika-20 daantaon, at alamat ay muling sinuri dahil sa ang pagtuon ay napunta sa mga sanhi ng kapahamakan kumitil ng buhay niya at ng kaniyang mga kasama, at ang abot ng mga pagkakamaling personal nagawa ni Scott. Magmula sa dating mahirap dapitan na posisyon, si Scott ay naging isang pigura ng kontrobersiya, dahil sa mga katanungang lumitaw hinggil sa kaniyang matalab na kakayahan at katangian. Ang mga mamumuna noong ika-21 daantaon ay itinuturing si Scott na mas positibo, na nagbibigay ng diin sa kaniyang personal na katapangan at pagiging matiisin habang inaamin naman ang kaniyang mga pagkakamali, subalit itinatalaga ang kinahantungan ng kaniyang ekspedisyon pangunahin na sa kamalasan.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Crane, p. 84.