Rosa Luxemburg
Si Rosa Luxemburg (Rosalia Luxemburg, Polako: Róża Luksemburg) (5 Marso 1870/71 – 15 Enero 1919), ay isang Hudyong ipinanganak sa Poloniya na Alemang teorikong Marxista, pilosopong sosyalista, at rebolusyunaryo para sa Social Democracy of the Kingdom of Poland and Lithuania (Panlipunang Demokrasiyang Partido ng Kaharian ng Poloniya at Lituaniya), Alemang SPD, Independent Social Democratic Party (Malayang Panlipunang Demokratikong Partido) at Communist Party of Germany (Partido Komunista ng Alemanya).
Noong 1914 pagkatapos suportahan ng SPD ang paglahok ng Alemanya sa Unang Digmaang Pandaigdig, itinatag niya, kasama si Karl Liebknecht, ang rebolusyunaryong Spartakusbund (Ligang Spartacist), na noong 1 Enero 1919 naging Partido Komunista ng Alemanya. Noong Nobyembre 1918, sa panahon ng Rebolusyong Aleman, tinatag niya ang Die Rote Fahne (Ang Pulang Bandila), ang sentral na samahan ng mga maka-kaliwang rebolusyonaryo.
Tinuring niya ang himagsikang Spartacist noong Enero 1919 sa Berlin bilang isang pagkakamali,[1] ngunit sinuportahan ito nang nagsimula. Nang supilin ang pag-aalsa ng mga Freikorps (mga tirang monarkistang hukbo at maka-kanang malayang milisiya kapag pinagsama), sina Luxemburg, Liebknecht at daan-daang mga maka-kaliwang rebolusyunaryo ang binihag, pinahirapan, at pinatay. Simula noong namatay sila, natamo nina Rosa Luxemburg at Karl Liebknecht ang katayuang dakilang simbolo ng mga demokratikong sosyalista at Marxista.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Frederik Hetmann: Rosa Luxemburg. Ein Leben für die Freiheit, p. 308