Saplad ng Aswan
Ang Saplad ng Aswan, Prinsa ng Aswan, o Kantarilya ng Aswan ay isang prinsa sa Ilog Nilo. Kung wala ang saplad na ito, ang ilog ay babaha tuwing tag-init (tag-araw). Binuo ito upang isanggalang o prutektahan ang mga kabukiran, gumawa ng kuryente o enerhiya, at makapag-imbak ng tubig. Nakakatulong din ito sa pangingisda sa paligid ng Lawa ng Nasser.
Kasayaysan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Itinayo ang saplad noong pagitan ng 1899 at 1902. Dinisenyo ito ni William Willcocks. Noong una itong ginawa, mayroon itong habang 1900 mga metro (6,234 mga talampakan) at taas na 54 mga metro (177 mga talampakan). Napakaiksi nito, kaya't pinataas pa ito ng dalaawang ulit: noong 1912 at noong 1933. Napakaiksi pa rin ng saplad. Sa halip na pataasin pa ito sa ikatlong pagkakataon, isa pang prinsa (ang Mataas na Saplad ng Aswan o Mataas na Prinsa ng Aswan) ang ginawa na may 6 kilometro magpahanggang sa ilog noong 1952. Maraming mga tao kinailangang lumikas o lumipat dahil sa ginagawang prinsa.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Arkitektura at Inhenyeriya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.