Siga
Ang sigâ ay malaki at kontroladong apoy sa labas, na ginagamit sa impormal na pagtatapon ng masusunugin na basura o bilang bahagi ng pagdiriwang.
Mga tradisyon ayon sa rehiyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Alpes at Gitnang Europa
[baguhin | baguhin ang wikitext]Laganap ang mga tradisyon ng siga sa pasimula ng tagsibol, lalo na sa Linggong kasunod ng Miyerkules ng Abo (Funkensonntag, tinatawag din na Linggo ng Quadragesima), sa mga rehiyong nagsasalita ng Alemaniko o Alemannisch sa Europa at sa mga bahagi ng Pransiya. Ang pagsusunog ng "imahen ng taglamig" sa Sechseläuten sa Zürich (nagsimula noong 1902) ay kinasihan nitong tradisyong Alemaniko. Sa Austria, laganap ang kaugalian ng "Osterfeuer" or apoy sa Linggo ng Pagkabuhay, ngunit nire-regulate sa ilang lungsod, distrito at bansa para manatiling mababa ang magiging taunang taluktok ng pagbuga ng PM10-dust. Mayroon ding "Sonnwendfeuer" (apoy ng solstisyo) na sinisindihan sa gabi ng ika-21 ng Hunyo.
Mula noong, sinisindihan ang mga "Feuer in den Alpen" (mga apoy sa Alpes) sa isang araw sa Agosto sa mga bundok para makikita sa malayo bilang panawagan para sa masusuportahang pagpapaunlad ng mga bulubunduking pook.[2]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Largest bonfire [Pinakamalaking siga] (sa wikang Ingles), Guinness World Records. Nakuha noong 22 Abril 2018.
- ↑ Organizers of "Feuer in den Alpen" [Mga organisador ng "Feuer in den Alpen"] (sa wikang Aleman), tingnan: "Hintergründe"