Pumunta sa nilalaman

Ash-Shura

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Surah Asy-Syura)
Sura 42 ng Quran
الشورى
Ash-Shūrā
Ang Pagsangguni[1]
KlasipikasyonMakkan
PosisyonJuzʼ 25
Blg. ng Ruku5
Blg. ng talata53
Pambungad na muqaṭṭaʻātḤā Mīm; ʿAin Sīn Qāf حم عسق

Ang Ash-Shūrā (Arabe: الشورى‎, al shūrā, "Ang Pagsangguni") ay ang ika-42 kabanata (sūrah) ng Qur'an (Q42) na may 53 talata (āyāt). Hango ang pamagat nito mula sa tanong ng "shūrā" (pagsangguni) na tinutukoy sa Talata 38. Lumilitaw lamang ang katawagan ng isang beses sa Quranikong teksto (sa Q42:38). Wala itong nauna na bago ang Quran.[2]

Tungkol sa pagkakataon at kontekstuwal na pinagmulan ng pahayag (asbāb al-nuzūl), isa itong mas maagang "surah na Makkan," na nangangahulugang hinayag ito sa Mecca, imbis sa Medina nang naglaon.

  • 1-2 Hinayag ng Makapangyarihan ang kanyang kalooban kay Muhammad
  • 3 Namagitan sa taong makasalanan ang mga Anghel sa ngalan ng Diyos
  • 4 Hindi katiwala si Muhammad sa mga sumasamba sa mga diyos-diyosan
  • 5 Inihayag ang Quran sa wikang Arabe upang magbigay babala sa Makkah
  • 6-10 Ang Diyos lamang ang tumutulong, manlilikha, at tagapanatili, ang may alam ng lahat
  • 11-13 Ang Islam ay ang relihiyon ng lahat ng dating propeta
  • 14 Iniutos ni Muhammad na ihayag ang kanyang pananampalataya sa Bibliya
  • 15 Ang nakikipagtalo sa Diyos ay maparasuhan ng matindi
  • 16-17 Diyos lamang ang nakakaalam ng oras ng paghuhukom
  • 18-19 Gagantimpalaan ng Makapangyarihan ang matuwid at ang masama ayon sa kanilang gawa
  • 20 Napapatawad ang mga makasalanan sa pamamagitan lamang ng pagtitiis ng Diyos
  • 21-22 Gantimpala ng makatarungan at hindi makatarungan
  • 23 Sinampahan si Muhammad ng pagpapanggap
  • 24-27 Pinapatawad at pinagpapala ng Diyos kung sinuman ang nais niya
  • 28-33 Nakikita ang kapangyarihan ng Diyos sa kanyang mga gawa
  • 34-41 Napapasyahan ang karakter ng isang totoong naniniwala
  • 42-45 Ang kahabag-habag na kapalaran ng mga pinagkamali ng Diyos
  • 46 Pinayuhan ang mga makasalanan na magsisi sa kanilang kasalanan bago mahuli ang lahat
  • 47 Isang mangangaral lamang si Muhammad
  • 48-49 Kinokontrol ng Diyos ang lahat ng bagay
  • 50-51 Bakit hinayag ng Diyos ang sarili sa pamamagitan ng inspirasyon at sa pamamagitan ng mga apostol
  • 52-53 Walang alam mismo si Muhammad sa Islam hanggang natanggap niya ang pahayag ng Quran [3]

Q42:51 Pahayag ng Islam

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa Islamikong tradisyon, nagsisilbi ang Quran 42:51 bilang batayang ng pagkaunawa ng Pahayag ng Islam (waḥy).

"It is not fitting for a man that Allah should speak to him except by inspiration, or from behind a veil, or by the sending of a messenger to reveal, with Allah's permission, what Allah wills".[4] (Hindi angkop para sa isang tao na makipag-usap si Allah sa kanya maliban sa pamamagitan ng inspirasyon, o mula sa likod ng tabing, o sa pamamagitan ng pagpapadala ng isang sugo upang ihayag, sa permiso ni Allah, kung anuman ang kalooban ni Allah.)

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Quran Tagalog Filipino in PDF Isinalin sa Wikang Tagalog nina Dr. Aboulkhair S. Tarason Ustadh Badi Udzaman S. Saliao at Muhammad M. Rodrigues Sinuri ni Dr. Muhammad Nadheer Ebil. Abril 2010.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. al-Baghdādī, Aḥmad Mubārak and Wheeler, Brannon M.,“Consultation”, sa: Encyclopaedia of the Qurʾān, Pangkalahatang Patnugot: Jane Dammen McAuliffe, Georgetown University, Washington DC. Kinusulta sa online noong 06 Hulyo 2020 (sa Ingles)
  3. Wherry, Elwood Morris (1896). A Complete Index to Sale's Text, Preliminary Discourse, and Notes (sa wikang Ingles). London: Kegan Paul, Trench, Trubner, and Co.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link) Naglalaman ang artikulong ito ng teksto mula sa isang lathalaing na nasa pampublikong dominyo.
  4. Salin ni Abdullah Yusuf Ali 42:51