Ang Unang Kongreso ng Pilipinas ay ang pagpupulong ng lehislatura ng Republika ng Pilipinas na binubuo ng Senado at Kapulungan ng mga Kinatawan mula Mayo 25, 1946 hanggang Disyembre 13, 1949. Unang tinipon ang naturang asemblea bilang Ikalawang Kongreso ng Komonwelt ng Pilipinas.
Naging mayorya sa Kapulungan ang Partido Liberal ni Pangulong Manuel Roxas nang masungkit nito ang 68 sa 98 puwesto sa Kapulungan sa halalan ng 1946.[1] Naipanalo naman ng magkasanib na Democratic Alliance at Partido Nacionalista ang mga kandidato nito sa Gitnang Luzon. Nagwagi sina Luis Taruc (2D Pampanga), Jesus Lava (1D Bulacan), Constancio Padilla (2D Nueva Ecija), Jose Cando (1D Nueva Ecija), Alejandro Simpao (2D Tarlac) at Amando Yuson (1D Pampanga) lahat ng Democratic Alliance ng dating Partido Komunista ng Pilipinas;[2] at si Alejo Santos (2D Bulacan) ng Partido Nacionalista.
Labing-anim ang hinalal na senador noong Abril 23, 1946. Walo ang manunungkulan hanggang Disyembre 30, 1949, habang ang natitirang walo ay manunungkulan hanggang Disyembre 30, 1951.