Unibersidad ng Maribor
Ang Unibersidad ng Maribor (Slovene: Univerza v Mariboru) ay ang pangalawang pinakamalaking unibersidad ng Slovenia, na itinatag noong 1975 sa Maribor, Slovenia. Kasalukuyan itong mayroong 17 fakultad.
Maiuugat ang unibersidad sa taong 1859, nang maitatag ang isang teolohikong seminaryo. Marami pang mga fakultad ang itinatag noong mga huling bahagi ng 1950s at unang bahagi ng 1960; ang mga fakultad na ito ay ekonomika, negosyo, at teknolohiya noong 1959, agronomiya at batas noong 1960, at pedagohiya noong 1961. Ang pagbubukas na seremonya ng unibersidad ay naganap noong ika-19 ng Setyembre 1975. Ang 1970 ay dekada kung kailan mabilis ang pagdami ng mga mas mataas na institusyong pang-edukasyon sa dating Yugoslavia gaya ng sa Osijek, Rijeka, Split, Mostar, Podgorica, Bitola, Banja Luka, Kragujevac at Tuzla.
46°33′34″N 15°38′40″E / 46.5594°N 15.6444°E Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.