Pumunta sa nilalaman

Walter Bauer

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Walter Bauer

Si Walter Bauer (Agosto 8, 1877 – Nobyembre 17, 1960) ay isang Alemang teologo at skolar sa pagkakabuo ng sinaunang Kristiyanismo.

Si Bauer ay ipinanganak sa Königsberg, East Prussia, at lumaki sa Marburg,[1] kung saan ang kanyang ama ay isang propesor. Siya ay nag-aral ng teolohiya sa mga unibersidad ng Marburg, Strassburg, at Berlin. Si Bauer ay nagturo sa Breslau at Göttingen kung saan siya kalaunang namatay.

Sa kanyang akdang Rechtgläubigkeit und Ketzerei im ältesten Christentum (Tübingen 1934; ang isang ikalawang edisyon na inedit ni Georg Strecker, Tübingen 1964, ay isinalin bilang Orthodoxy and Heresy in Earliest Christianity o Ortodoksiya at Heresiya sa Sinaunang Kristiyanismo noong 1971), Binuo ni Bauer ang kanyang tesis na sa sinaunang Kristiyanismo, ang ortodoksiya at heresiya ay nakatayo sa kaugnayan sa bawat isa bilang pangunahin o ikalawa ngunit sa maraming mga rehiyon, ang heresiya ang orihinal na manipestasyon ng Kristiyanismo. Muling sinuri ni Bauer bilang historyan ang labis na nananaig na pananaw[2] na sa yugto ng mga pinagmulan ng Kristiyano, ang doktrinang eklesiastikal ay kumakatawan na sa nangungunang sekta samantalang ang mga heresiya sa kabilang dako ay kahit papano itinuturing na isang paglihis mula sa totoo.(Bauer, "Introduction"). Sa pamamagitan ng kanyang mga pag-aaral ng mga rekord na historikal, nagbigay konklusyon si Bauer na ang nakilala bilang ortodoksiya ay isa lang sa napakaraming mga anyo ng Kristiyano sa mga simulang siglo nito. Ang anyo ng Kristiyanismo na sinanay sa Roma ang nagkaroon ng walang katulad na nananaig na impluwensiya sa pagkakabuo ng ortodoksiya[3] at nagkamit ng maraming mga akay sa paglipas ng panahon. Ito ay malaking sanhi ng mga pinagkukunang makukuha ng mga Kristiyano sa Roma at sanhi ng konbersiyon sa Kristiyanismo ng Emperador na si Constantine I. Ang mga nagsasanay ng naging ortodoksiya ay nagsulat naman ng kasaysayan ng alitan sa Kristiyanismo na pinalabas na ang pananaw na ortodoksiya ang palaging mayoridad o karamihan. Ang mga kasulatan na sumusuporta sa ibang mga pananaw Kristiyano ay sistematikong winasak ng ortodoksiya. Ang mga konklusyon ni Bauer ay sumalungat sa halos 1600 taong kasulatan sa kasaysayan ng iglesia o simbahan at kaya ay nakatagpo ng skeptisismo[4] sa mga akademikong Kristiyano gaya ni Walther Völker. Ang isolasyong kultural ng Alemanyang Nazi ay pumigil sa malawak pagkalat ng mga ideya ni Bauer hanggang pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Sa international na larangan ng skolarsyip ng Bibliya, si Bauer ay patuloy na nakilala bilang tanging tagatipon ng monumental na Wörterbuch zu den Schriften des Neuen Testaments(sa Ingles ay A Greek-English Lexicon of the New Testament and Other Early Christian Literature o simpleng Bauer lexicon), na naging pamantayan. Ang Rechtgläubigkeit und Ketzerei ay naisalin sa Ingles noong 1970 at nailimbag noong 1971.[5]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Boring, M. Eugene (2007). "Bauer, Walter". Sa McKim, Donald K. (pat.). Dictionary of major biblical interpreters (ika-2nd (na) edisyon). Downers Grove, Ill.: IVP Academic. p. 172. ISBN 978-0-8308-2927-9.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Bauer (1964:3f) instanced Origen, Commentarius II in Cant., and Sel. in Proverb. and Tertullian, De praescript. haer. 36 as espousing the traditional theory of the relation of heresy.
  3. See Bauer's concise epitome of Rechtgläubigkeit in Bauer, Aufsätze und Kleine Schriften, Georg Strecker, ed. Tübingen, 1967, pp 229-33.
  4. Reviews and responses to Bauer are cited in Georg Strecker, "Die Aufnahme des Buches" in Rechtgläubigkeit, 1964, pp 288-306; a "completely revised and expanded version of Strecker's essay by Robert A. Kraft appears in the English translation, 1971, pp 286-316; see also Daniel J. Harrington, "The Reception of Walter Bauer's "Orthodoxy and Heresy in Earliest Christianity" during the Last Decade", The Harvard Theological Review 73.1/2 (January - April 1980), pp. 289-298.
  5. Helmut Koester, "Häretiker im Urchristentum" RGG, 3rd ed. III pp 17-21, gives a bibliography of works influenced by Bauer.