Wikipedia:Paanyayang nalilimbag
Magandang araw! Ibig naming ipakilala sa iyo ang Tagalog Wikipedia.
Ang Tagalog Wikipedia ay isang ensiklopedyang nasa Internet na nasusulat sa wikang Tagalog. Katulad ng ibang mga Wikipediang nasa iba pang mga wika, naglalaman ang Tagalog Wikipedia ng mga malayang nilalaman, na maaaring painamin, baguhin at dagdagan pa ninuman. Kung mahilig kang magbasa, magsulat, at mayroon nang payak na kaalaman sa paggamit ng kompyuter, maaari kang tumulong sa patuloy na pagbubuo ng isang ensiklopedyang nasa wikang Tagalog.
Sa pamamagitan ng pagpapatala at pagkakaroon ng patnugutang pang-Tagalog Wikipedia, maituturing mo ang iyong sarili bilang isang Wikipedista.
Maaari mong anyayahan at hikayatin ang iyong mga kaibigan, kamag-aral, kasambahay, at sinuman, para makilahok sa adhikaing makatulong ng Tagalog Wikipedia sa pagpapalaganap ng kaalaman sa pamamagitan ng kaniyang mga malayang lathalain, sa Pilipinas man o sa ibang bansang kinaroroonan ng mga Pilipino, at maging sa mga hindi-Pilipinong ibig matuto at pahusayin pa ang kanilang pagsusulat at pagsasalita ng wikang Tagalog.
Maaari mong ilimbag ang paanyayang ito para sa iyong sarili. At maaari ka ring maglimbag ng iba pang mga kopya upang makahikayat ng iba pang mga mamamayang ibig ding maging mga Wikipedista. Maaari mo ring ipadala sa kanila ang kawing na: https://tl.wikipedia.org sa pamamagitan ng iyong elektronikong liham.
Salamat at mabuhay ka!