PSN - Palaro | Philstar.com
A portal of daily newspapers covering Philippine news headlines, business, lifestyle, advertisement, sports and entertainment. Also delivers Manila and Cebu news.

Tinulungan nina Angel Anne Canino at Shevana Maria Nicola Laput ang De La Salle University na gumapang upang gilitan ang University of Sto. Tomas, 23-25, 25-20, 30-28, 29-27 sa playoff game ng UAAP Season 87 women’s volleyball tournament na nilaro sa Araneta Coliseum, kahapon.
Inakbayan ni Katherine Santos ang San Sebastian College-Recoletos matapos magliyab ito sa opensa at kalusin ang Jose Rizal University, 25-23, 25-23, 22-25, 23-25, 16-14 sa NCAA Season 100 women’s volleyball tournament na nilaro sa FilOil-EcoOil Arena sa San Juan kahapon.
Bagama’t may mahapding sugat sa kanang binti bukod sa matinding sikat ng araw ay nagwagi pa rin si Muhammad Zahin Wahhi ng Malaysia Pro Cycling.
Isang koponan lang ang mapapalawig ang kanilang maalab na winning streak sa pagtutuos ng Rain or Shine at Converge sa umiinit na 2025 PBA Philippine Cup ngayon sa PhilSports Arena sa Pasig.
Kumamada si Donovan Mitchell ng 22 points at may 19 markers si De’Andre Hunter sa 138-83 pagmasaker ng Cleveland Cavaliers sa Heat sa Game Four at walisin ang kanilang Eastern Conference first-round series sa 4-0.