Alamat NG Lanzones

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

ALAMAT NG SELEBRASYON NG LANZONES FESTIVAL SA CAMIGUIN

Pinaniniwalaan na ang selebrasyon ay nagsimula sa isang lokal na alamat tungkol sa mag-asawa na humiling na magkaroon ng anak mula sa diwata ng puno ng lanzones. Ipinagkaloob ng diwata ang hiling ng mag-asawa at binigyan sila ng isang malusog na batang lalaki, ngunit nakalimutang magpasalamat ng dalawa. Isang araw, isang babae ang lumapit sa bata habang siya ay naglalaro. Biglang tumumba ang bata at nawalan ng malay. Naisip ng mga magulang na ang diwata ang gumawa nito sa bata. Kaya naman nag-alay ng ritwal ang mag-asawa upang makipag-ayos sa diwata, at hindi nagtagal ay gumaling na ang bata. Sa sumunod na taon, inimbitahan ang mag-asawa sa kabilang baryo para sa isang ritwal ng pasasalamat. Mula noon, ang ritwal ay naging isang taunang pista na sa Camiguin. Ito ay ginagawa upang alalahanin ang mga seremonya na ginawa ng kanilang mga ninuno sa isla para sa mga diyos na nagbibigay ng magandang panahon at masaganang ani.

PILONGO,KIMBERLY G.

You might also like