Ang Mga Subanon
Ang Mga Subanon
Ang Mga Subanon
Zamboanga del Norte at Zamboanga del Sur, at sa siyudad ng Zamboanga sa isla ng Mindanao sa
Pilipinas at sa ilang bahagi Ng Misamis Occidental.
Video: https://youtu.be/LqGkqx0haCA
Ang istrukturang politikal ng mga Subanen ay patriarkal, kung saan ang pamilya ang pinakasimpleng
yunit ng gobyerno. Timuay ang tawag sa kanilang nakatatandang lider ng kani-kanipang pamayanan.
Habang, Gukom naman ang tawag nila sa pinakamataas na posisyon sa kanilang komunidad o tribu. Ang
katawagang ito ay hindi iginagawad sa kahit sino lamang, ngunit hindi rin ito pinagbobotohan.
Ang paniniwala ng mga Subanen sa kalikasan ay makapangyarihan at banal, kung kaya’t mataas rin ang
posisyon sa kanila ng mga tinatawag na baylan o pinunong relihiyoso at ispiritwal. Pwedeng magritwal
ang mga gukom kapag marunong siya o kaya’y may kapasidad siya, ngunit hindi lahat ng gukom ay
baylan, at hindi lahat ng baylan ay may kapasidad maging gukom.
Ang mga kasuotan naman nila ay kadalasang may mga kulay na itim, pula at puti. Ang mga kababaihan
ay madalas magsuot ng pulang hikaw at mga kwintas. Tulad ng ibang mga tribo, maraming mga kanta
tulad ng Ginarang
o Migboat,
Basimba,
Gatagan, at Sirdel
o Sumumigaling,
na nilikha ang
mga Subanen
para sa iba’t
ibang okasyon.
Sinasabayan nila
ito ng pagtugtog
ng mga
instrumento tulad
ng kulintang
(gongs), kutapi,
sigitan, lantoy,
kulaying, at
tambubok sa mga kanta at sayaw para sa mga kasal at iba pang mahahalagang okasyon.
Video: https://youtu.be/kT___o5iv5Q
Ang kanilang pinakahanapbuhay ay ang pagsasaka subalit ang kasalukuyang ikinakaharap ng mga
Subanen ay nakakonekta sa pagmamay-ari ng lupa na ibinahagi sa kanila ng kanilang mga ninuno.
Video:
https://youtu.be/jscBgfm6PsY