Florante at Laura - Aralin 20

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Aralin 20: Kamatayan o Pag-ibig Talasalitaan NABATYAG - narinig NAPAHINUHOD - napasunod MAWAKAWAK - mapahamak IGINAGAYAK - inaayusan; inihahanda MATUNTON

- matagpuan SUKAB - taksil NAPULPOL napurol Buod: Anim na taon ng naglilibot-libot sina Florante at Aladin sa gubat. Nang isang araw mayroon silang narinig na mga tinig sa may di kalayuan. Ang hindi alam nila Florante at Aladin ay tinig nila Laura at Flerida ang kanilang narinig. Nagkwento si Flerida kay Laura tungkol sa kanyang kasintahan na si Aladin. Noong nasa bilangguan si Aladin, nalaman ni Flerida na papupugutan ng ulo ang kanyang minamahal na gerero. Nagmakaawa siya sa Haring Ali-Adab na patawarin si Aladin. Nung una ay di pumayag ang hari. Ngunit nung pumayag si Flerida na magpasuyo sa hari, pinakawalan kaagad si Aladin. Nang malapit ng ipakasal si Flerida kay Hari Ali-Adab, inisip ni Flerida na magdamit-gerero at umalis papunta sa real palasyo. Isang hatinggabi, lihim na lumabas ng bintana ng kanyang kwarto si Flerida at umalis para hanapin ang iniirog na gerero.

Ilang taon ng naglalakad si Flerida sa gubat ng makita niya si Laura na sinasaktan ni Adolfo. Iniligtas niya si Laura. Hindi pa tapos magkwento si Ferida ay lumabas sina Aladin at Florante. Nagyakapan ang mga magkasintahan.

You might also like