Presentation 2

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 22

NOLI ME

TANGERE
KABANATA 5

ANG TALA SA
KARIMLAN
I. MGA TALASALITAAN
Mga piling salita at kahulugangan na may halimbawa na matatagpuan sa
pangyayari sa kabanata.
II. MGA TAUHAN
Mga pangunahing tauhan na may papel na ginagampanan sa kabanata.
III. MAHALAGANG PANGYAYARI
Ang wastong pagkasunod-sunod ng mga mahahalagang pangyayari sa
kabanata(BUOD NG KABANATA).
IV. MGA ARAL MULA SA KABANATA
Mga aral na matatagpuan sa kabanata.
V. MGA GABAY NA TANONG
Mga sagot sa gabay na tanong upang higit na maunawaan ang nilalaman ng
kabanata.
TALASALITAAN
•Gumiginitaw- mula sa salitang ugat na gitaw
ibig sabihin ay
silang,sulpot,litaw

Hal.Biglang Gumigitaw sa isipan ni Crisostomo


ang pangyayari.
•Nakakaririmarim- kakilakilabot, nakapopoot

Hal. Sa gunita ni ibarra ay nasa isang sulok ng


Nakaririmarim na pilitan ang kanyang
ama na
Nakabaluktot sa pagkakahiga.
•Piitan – kulungan, bilangguan

Hal. Nakakaawa ang kalagayan ni


Don Rafael sa loob ng piitan.
•Nauulinig- naririnig

Hal. Nauulinig pa ni Crisostomo ang mga tinig ng


ama, ang mga daing nito at pagmamakaawa.
•Malamlam- tumutukoy sa sinag ng ilaw na
mapungay o malabo.

Hal. Maririnig sana ni ibarra ang malamyos na


awitin ng orkestra at mamamalas ang
malamlam na ilaw sa kabilang ibayo.
MGA TAUHAN
•Crisostomo Ibarra- nagmuni-muni tungkol sa
kanyang ama.
•Maria Clara- anak ni kapitan tiyago,sentro ng
pansin sa pag titipon.
•Doña Victorina- abala sa pag-aayos kay maria clara.
•Kapitan Tiyago- ama ni maria clara at nag-organisa
ng pagtitipon
•Padre Damaso at padre sibyla-ang dalawang pari.
BUOD
•Bumaba sa kalesa si ibarra at nagtungo sa fonda de lala. Ito ang tinutuluyan niya tuwing
pupunta ng maynila. Balisang dumiretso si ibarra sa nirentahang silid at inisip ang kaluno-
lunos na sinapit ng kaniyang ama.

•Tumanaw ito sa bintana at nakita ang isang maliwanag na tahanan sa kabilang bahagi ng
ilog. mula sa kinaroroonan ay rinig niya ang mga kubyertos at ang tugtugin ng orkestra,
nagmasid-masid ang binata at pinanood ang mga nagtatanghal.

•Nakita niya ang ilang binibini na may mamahaling suot at mga diyamante at ginto.
May mga anghel na nag-aalay ng bulaklak at mga pastol na nakikiisa sa programa.
Kita rin niya sa umpukan ng mga tao at ang mga pilipino,kastila,intsik at mga prayle.

•Ngunit ang mas pumukaw ng kaniyang atensiyon ay ang binibining si Maria Clara.
Nabighani si Ibarra sa angking ganda nito at hindi maiwaglit ang tingin sa dalaga.
BUOD
•Abala naman noon si padre sibyla na makipag-usap sa mga dalaga habang si Donya Victorina
naman ay abala sa pag-aayos ng buhok ng napakarikit na si Maria Clara.

•Saglit lamang ang kaligayahan ng pagmuni-muning iyon ng binata dahil ang kanyang
magandang gunita’y napalitan ng isang madilim na eksena. Nakita niya ang isang madilim
Na silid na napapaligiran ng pader. May isang gulagulanit na banig na nakalatag at nakahiga
ang isang lalaking gusgusin.

•Ang lalaki ay walang iba kundi ang kanyang amang si Don Rafael. Nakikita niya na kaawa-
awa ang sinapit nito. Naririnig pa ni Crisostomo ang sigaw ng ama,sinisigaw ang pangalan
niya, mga daing at kapos na paghinga, ito ang bumabalot ng diwa ni Crisostomo.

•Dahil pagod sa maghapon, madaling nakatulog si Ibarra at nagising kinabukasan.


ARAL MULA SA KABANATA
5
Sa kabila ng mga pinagdaraanan sa buhay,laging
mayroong isang bituin na sumisimbolo sa bagong pag-
asa mayroon namang mga rason para mahanap ang
kagandahan ng buhay.

•Maging matatag sa dagok ng buhay.


•Huwag susuko sa mga problema.
MGA GABAY NA
TANONG:
Ano ang dahilan ng
pagkabalisa ni
Crisostomo?
SAGOT
Ang dahilan ng pagkabalisa ni crisostomo ay
ang pagkatuklas niya sa buong katutuhanan
kung paano namatay ang kanyang ama.
Anong uri ng
alalahanin ang nasa
isip niya?
SAGOT
Tinutuligsya siya ng kanyang kunsensya
nakikita niya ang mga paghihirap na
dinanas ng kanyang ama habang siya ay
nasa ibang bayan.
Anong pangyayari ang
nakaligtaan niyang
panoorin dahil sa kanyang
pagmumuni?
SAGOT
Ang pag dating ni maria clara at ang
kasiyahang nagaganap sa pagtitipon sa
tahanan ni kapitan tiago.
Sa paanong paraan
naglaro sa diwa ni
Crisostomo ang sinapit ng
ama?
SAGOT
nakita niya sa loob ng kulungan ang
kanyang ama na hirap na hirap ang
kalagayan humihingi ito ng tulong habang
sinisigaw ang kanyang pangalan.
Bakit tila sinusurot ang
budhi ni Crisostomo sa
naging kamatayan ng ama
sa loob ng bilangguan?
SAGOT
Sapagkat hindi niya nagawang ipagtanggol ang
kanyang ama, hindi man lang niya ito
natulungan habang nag-iisa nalulungkot
nangungulila ang kanyang ama.

You might also like