Makabuhay
Makabuhay
Makabuhay
ni Nemesio E. Caravana Lubid kang luntiang sa gubat nanggaling, Sa bakod ng dampay naging salang baging Dahil sa dagta mong may pait na lihim, Hayop man o taoy takot kang sagiin. May dala kang ditang kapait-paitan Na kung lalasahiy kadalamhatian Ngunit ang pait mo ay gamot kung minsan, Sa maling akalay diwang Makabuhay. Sa maraming sakit, ikaw ay panlunas, At sa tagabukid ay gamot sa sugat; Sa bibig ng bata na sakim sa gatas, Madalas kang gawing mabisang pang-awat. Ang ingat mong dagtang simpait ng mira, Pagsayad sa labiy nangangaral tila: Sa tamis, ang bata kapag namihasa, Munting kapaitay mamalakhing dusa. Si Kristo sa Kurus, isang halimbawa, Nang kanyang lagukin ang apdo at suka Ang taong masanay uminom ng luha, Sa sangmundong dusay hindi nalulula. Ang baging na ito, na sukdulan na ng pait, ay hindi siyang tiyak na makabuluhan sa tulang ito, kundi ang bisa ng kaniyang kapaitan. Sanggunian: Zamora, Benigno at Villanueva, P.R. Diwang Ginto - Ikalawang Bahagi. Manila: Philippine Book Company, 1949, p. 41.