Panahon NG Pananakop NG United States
Panahon NG Pananakop NG United States
Panahon NG Pananakop NG United States
Aralin 1
Ang Digmaang Pilipino-Amerikano
Noong Agosto 12, 1898, sang-ayon sa protocol ay magpupulong ang mga
kinatawan ng Spain at United States sa Paris, France upang solusyonan ang mga
suliraning namamagitan sa dalawang bansa, isa na rito ang hinggil sa Pilipinas.
Nagsimula ang pulong ng kinatawan ng dalawang bansa mula noong Oktubre
hanggang Disyembre 1898. Matapos ang napakahabang pagtatalo ng dalawang panig
ay pumayag ang Spain sa mga kahilingan ng United States at noong Disyembre 10,
1898 naganap ang kasunduan na ibibigay ng Spain ang Pilipinas sa United States sa
halagang $20,000,000. Ito ang tinatawag na Treaty of Paris. Ang kasunduang ito ang
naging dahilan ng pagtatapos ng Digmaang Espanyol-Amerikano.
Makaraan ang ilang araw, ang pangulo ng United States na si William McKinley ay
naglabas ng opisyal na patakaran noong Disyembere 21, 1898. Ito tinatawag na
patakarang Benevolent Assimilation, isang hayag at opisyal na deklarasyon ng mithiin
ng United States sa Pilipinas. Ayon ditto, layon nitong sanayin ang mga Pilipino sa
landas ng pagsasarili at gabayan ito sa pamamahalang demokratiko.
Makalipas ang ilang buwan, itinatag ng mga Amerikano sa Pilipinas ang isang
pamahalaang militar noong Agosto 14, 1898. Ang unang gobernador militar na hinirang
sa bansa ay si Heneral Wesley Meritt. Ang lahat ng kapangyarihan niya ay nagmula sa
pangulo ng United States. Ang gobernador militar rin ang siyang tumatayong punong
opisyal o kumander ng sandatahang lakas panlupa at pandagat ng United States sa
Pilipinas.
Ang United States noong panahong ito ay nagsisimula na ring magpalawak ng
kanyang kolonya. Para maisakatuparan ang layunin nitong magkaroon ng isang
kolonya. Narito ang mga sumusunod na dahilan ng pananakop ng United States sa
Pilipinas:
1. Mapagkukunan ng mga hilaw na sangkap;
2. Mapagdadalhan ng sobrang produkto at kapital; at
3. Magsisilbing base sa pagpapalawak ng kanyang kapangyarihan sa Asia Pacific.
Ang Simula ng Digmaang Pilipino-Amerikano
Kabi-kabila at ibat ibang istorya ng mga mananalaysay kung paano nagsimula ang
digmaan sa pagitan ng mga Pilipino at Amerikano.
Noong Pebrero 1, isang pangkat ng mga inhinyerong Amerikano ang inaresto ng
mga kawal na Pilipino. Kinabukasan, nagsampa ng reklamo si Heneral Elwell Otis kay
Emilio Aguinaldo tungkol sa pagkakaaresto at pagkabilanggo ng limang Amerikano.
Ikinatwiran ni Aguinaldo na ang mga Amerikano ay nahuling nasa lupang sakop ng mga
Pilipino. Iniutos ni Emilio Aguinaldo na palayain ang mga ito. Ayon sa dekreto ng
Oktubre 20, 1898, mahigpit na ipinagbabawal sa mga dayuhan na lumapit sa sonang
binabantayan ng mga kawal Pilipino.
Sa kabilang dako nagsampa ng reklamo si Heneral Arthur MacArthur, Jr., laban sa
mga sundalong hawak ni Koronel Luciano San Miguel. Ayon kay MacArthur, nahuling
tumuntong sa sona ng mga Amerikano ang mga ito kaya iniutos ni San Miguel sa
kanyang tropa na iwasan ang sona na hawak ng mga Amerikano upang maiwasan ang
sigalot sa pagitan ng Amerikano at Pilipino.
Noong ikawalo ng gabi ng Pebrero 4, 1899, dalawang Pilipino na wala naming
armas ang tumawid sa linya na nasasakupan ng mga Amerikano malapit sa tulay ng
San Juan. Hindi nila inalintana ang utos ng nagbabantay na tumigil. Nagpatuloy ang
mga ito sa paglalakada hanggang sa mapilita ang nagbabantay na magpaputok.
Tinamaan ang mga ito at kapwa namatay. Sinundan ito ng pagsugod ng mga
sundalong Pilipino at nagkaroon ng mahabang palitan ng putok. Marami sa mga
Pilipino ang nasugatan at ang ilan ay napatay.
Ganito naman ang naging salaysay ni Private Willie Grayson, ang sundalong
Amerikano na nagpatrolya sa lugar nang mangyari ang palitan ng putok:
Sumigaw ako ng, Tigil! Subalit nagpatuloy sila sa pagkilos. Muli ay sumigaw
ako Tigil! Isa sa mga ito ang sumagot ng Halto! Naisip ko na ang
pinakamagandang gawin ay barilin sila. At ito ang ginawa ko. Binaril ko ang mga
armadong Pilipino at sila ay tinamaan at nagsibagsak. Bumalik kami sa aming
himpilan kung saan naroon ang iba pa naming kasama. Sinabihan ko silang
magsipaghanda sapagkat lulusubin kami ng mga kalaban. Ilang sandali pa ay
dumating ang mga Pilipino at sila ay aming pinaputukan.
Hindi sumang-ayon ang mga sundalong Pilipino sa pahayag na ito. Nang araw ring
iyon, ang mga Pilipino sa ilalim ni Koronel Luciano San Miguel na nakadestino sa San
Juan del Monte sa labas ng Maynila ay pumasok sa sona ng mga Amerikano. Inangkin
nila ang ilang bahay sa harap ng himpilan ng mga Amerikano at pinaglalait ang mga ito.
Hindi sila pinatulan ng mga Amerikano kaya walang nangyaring putukan. Subalit
nagsampa ngprotesta si Heneral MacArthur, pinuno ng himpilan sa Pasig, laban kay
San Miguel at nagbabala na kung uulitin nila ito, gagawa siya ng nararapat na aksyon.
Ikinaila ni San Miguel na may pananagutan siya sa pangyayari.
Kinabukasan, Pebrero 5, ipinag-utos ni Heneral MacArthur nang walang ginawang
ano mang pagsisiyasat sa nangyari, na sumalakay at ipagtabuyan ang mga Pilipino. Ito
ang simula ng naglalagablab na Digmaang Pilipino-Amerikano.
Mga Naganap na Paglalaban
Ang labanang Pilipino-Amerikano ay kumalat sa ibat ibang pook ng Maynila. Noong
Pebrero 5, binomba ng mga Amerikano ang mga Pilipino sa San Juan del Monte. Nasakop
nang sumunod na araw ang Marikina, Guadalupe, at Caloocan.
Namuno si Heneral Antonio Luna sa pagsalakay sa mga Amerikano na naninirahan sa
Tondo at Binondo. Subalit malakas ang pwersa ng mga Amerikano kayat napilitan siyang
umurong sa Polo, Bulacan matapos ang dalawang arawa. Hinati ang pwersang Amerikano sa
dalawa: Si Heneral Otis ang namuno sa gawing hilaga ng Lungsod at si Heneral Henry Lawton
naman ang sa gawing timog. Samantala, si Heneral MacArthur ang namuno sa pagsalakay sa
Malolos, ang kabisera ng Republika na bumagsak noong Marso 31, 1900. Subalit hindi na
inabutan ng pangkat ni MacArthur si Aguinaldo dahil nakalipat na siya sa San Fernando,
Pampanga. Sumunod si Koronel Frederick Funston sa San Fernando, Pampanga na
bumagsak noong Mayo 5. Muli hindi na naman inabutan si Aguinaldo sapagkat nakalipat na
siya sa San Isidro, Nueva Ecija.
Habang patuloy na sumisiklab ang digmaan, nagkaroon ng di pagkakaunawaan ang liderato
ng mga Pilipino. Ang krisis sa kabinete ni Pangulong Aguinaldo ay sinasabing dulot ng
tunggalian sa Kongreso, na ang isang panig ay ayon sa kagustuha ni Apolinario Mabini na
ipagpatuloy ng mga Pilipino ang pakikipaglaban hanggang makamit ang kalayaan. Ang mga
katunggali naman ni Mabini, kabilang sia Felipe Buencamino at Pedro Paterno ay nagnanais na
tanggapin na ang awtonomiya na inaalok ng United States. Sa huli, ay napilitan si Aguinaldo na
ipalit kay Mabini bilang pangulo ng gabinete si Pedro Paterno.
Ang Pagpaslang kay Antonio Luna
Si Antonio Luna na maituturing na pinakahanda na lumaban sa mga Amerikano. Nakapag-
aral siya nang maikling panahon ng agham pangmilitar at taktika sa pakikidigma sa Europe.
Pinairal ni Luna ang mahigpit na disiplina sa mga sundalo, pinuno ng pamahalaan, at sibilyan
na lumabag sa mga batas ng hukbo.
Sa isang dokumentong isinulat ni Austin Craig, ipinaliwanag ang mga pangyayaring
naganap na humantong sa pagpaslang kay Heneral Antonio Luna. Sinasabi rito na
nakatanggap si Luna ng telegram mula kay Emilio Aguinaldo, Pangulo ng Republika, na nag-
aatas na siya ay pumunta sa Cabanatuan para sa isang pagpupulong. Agad na tumalima si
Luna. Iniwan ang kanyang tanggulan sa San Isidro Nueva Ecija at nagbiyahe, papuntang
Cabanatuan kasama ang kanyang alalay na si Col. Francisco Roman at iba pang sundalo.
Pagdating sa Cabanatuan ay napag-alaman nila na nakaalis na ang pangulo papuntang
Pampanga. Sapat na ito upang magalit si Luna na kilala sa tapang at dagliang, pag-iinit ng ulo.
Sinasabing sinigawan, pinagalitan, at minura niya ang mga sundalong dinatnan sa punong
himpilang ng pangulo. Nagging dahilan ito para siya ay pagtulungang barilin at saksakin ng
mga sundalo hanggang sa mamatay. Si Francisco Roman na nagtangkang sumaklolo ay
napatay rin. Hindi kukulangin sa 40 sugat ang tinamo ni Heneral Luna. Ipinakalat ng isang
pahayag ang pagkamatay ni Luna, subalit walang naganap na imbestigasyon sa insidente.
Hindi rin naparusahan ang mga pumatay sa kanya.
Iba Pang Labanang Pilipino-Amerikano
Lumaganap ang labanan sa timog Luzon at sa rehiyon ng Bicol. Pinamahalaan ni Heneral
Marcus Miller ang kampanya sa Bicol at Sorsogon. sa Albay, lumaban ang mga Pilipino sa
pamumuno nina Vito Belarmino at Jose Pawa ngunit sila ay napasuko nang sumunod na taon.
Ang Bunga ng Labanan
Walang katumbas at hindi mababayaran ng salapi ang ipinamalas na pagpapasakit ng mga
Pilipino sa pagtatanggol sa ating Inang Bayan. Buhay at dugo ang ibinuhos para labanan ang
mga manlulupig. Ang katapangan ng mga bayaning Pilipino ay mananatiling tagapaalala ng
kanilang labis na pagmamahal sa bayan at kalayaan na tinatamasa ng kasalukuyang
henerasyon.
Ang malayang pamumuhay at demokratikong pamahalaan ay mga biyang pamana ng mga
dakilang bayaning Pilipino.