Filipino Introduction

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 15

Kurikulum ng Edukasyong Sekondari ng 2010 Filipino I

KAGAWARAN NG EDUKASYON
Kawanihan ng Edukasyong Sekondari Sangay ng Pagpapaunlad ng Kurikulum

KURIKULUM NG EDUKASYONG SEKONDARI NG 2010


(2010 SECONDARY EDUCATION CURRICULUM)

GABAY PANGKURIKULUM

FILIPINO I

Kurikulum ng Edukasyong Sekondari ng 2010 Filipino I

TALAAN NG MGA NILALAMAN


Panimula I. II. III. IV. Batayang Konseptwal ng Filipino Talahanayan ng mga Konsepto (Filipino I-IV) Pamantayan sa Programa at sa Bawat Taon Gabay Pangkurikulum - Filipino I

Mga Dagdag-pahina A. Resulta at mga Rekomendasyon mula sa Isinagawang Pagmomonitor at Pagtataya (M & E) ng Kurikulum ng Batayang Edukasyon ng 2002 (2002 BEC) B. Mga Gabay na Tanong sa Pagsasaayos ng Kurikulum ng Edukasyong Sekondari ng 2010 (2010 Secondary Education Curriculum) C. Mga Kalakip na Babasahin

Kurikulum ng Edukasyong Sekondari ng 2010 Filipino I

PANIMULA Ang Konteksto/Kaligiran Kalimitan, ang pagpapalit o pagbabago ng kurikulum sa Pilipinas ay isinasagawa tuwing ikasampung taon. Ngunit bunga ng mabilis na pagbabago sa larangan ng edukasyon at patuloy na paglaganap ng mga makabagong kaalaman at impormasyon, naniniwala ang Kawanihan ng Edukasyong Sekondari na dapat nang isaayos ang kasalukuyang kurikulum upang sa gayoy makaagapay at matugunan nito ang mga pangangailangan ng ating lipunan at ng mga mag-aaral ng kasalukuyang panahon. Naging batayan sa pagsasaayos ng kurikulum ang mithiin ng Edukasyon para sa Lahat 2015 (Education For All 2015) - ang magkaroon ng Kapakipakinabang na Literasi ang Lahat (Functional Literacy For All). Tiniyak na ang mga binuong pamantayan, kakailanganing pagunawa at nilalaman ng bawat asignatura ay makapag-aambag sa pagtatamo ng nasabing mithiin. Isinaalang-alang din ang resulta ng ginawang ebalwasyon ng implementasyon ng Kurikulum ng Batayang Edukasyon ng 2002 (2002 Basic Education Curriculum) sa pagsasaayos at pagdisenyo ng bagong kurikulum, gayundin sa ginawang pagsasanay ng mga guro at pagpapaunlad ng kakayahan ng mga punong-guro ng 23 pilot schools upang mahusay nilang mapamahalaan ang panimulang pagsubok (pilot testing) ng binagong kurikulum.

Kurikulum ng Edukasyong Sekondari ng 2010 Filipino I

Ang Proseso Sa pagsasaayos ng kurikulum, inilapat ang Understanding By Design (UBD) na modelo nina Jay McTighe at Grant Wiggins. Narito ang mga elemento ng Kurikulum ng Edukasyong Sekondari ng 2010
Mga Layunin/ Kaalaman/ Kakayahan Mahahalagang Tanong

Mga Pamantayang Pangnilalaman/ Pagganap Resulta/Inaasahang Bunga

Mga Kakailanganing Pag-unawa

Mga Produkto/ Pagganap Pagtataya

Kraytirya/ Kagamitan

Plano sa Pagkatuto

Mga Gawaing Instruksyunal

Mga Kagamitan

Kurikulum ng Edukasyong Sekondari ng 2010 Filipino I

Antas 1: Resulta/Inaasahang Bunga Tinitiyak kung ano ang dapat matutuhan at maisagawa ng mag-aaral sa loob ng isang markahan, yunit o kurso; makikita sa bahaging ito ng Gabay Pangkurikulum ang mga pamantayang pangnilalaman, pamantayan sa pagganap, mga kakailanganing pag-unawa at mahahalagang tanong. A.1. Ang Pamantayang Pangnilalaman ay ang mahahalagang paksa o konsepto na dapat maunawaan ng mag-aaral sa bawat asignatura. Sinasagot ng bahaging ito ang tanong na, Ano ang nais nating matutuhan at maisagawa ng mag-aaral pagkatapos ng isang markahan o yunit? 2. Ang Pamantayan sa Pagganap ay ang tiyak na produkto o pagganap at ang antas o lebel na inaasahang maisasagawa ng magaaral pagkatapos ng isang markahan o yunit. Sinasagot ng bahaging ito ang tanong na: Paano isasagawa ng mag-aaral ang inaasahang produkto o pagganap? Anong antas o lebel ng pagganap ang dapat magawa ng mag-aaral upang makapasa siya sa pamantayan? B. Ang Mga Kakailanganing Pag-unawa ay ang mahahalagang konsepto na dapat matutuhan ng mag-aaral sa bawat asignatura. Mga konseptong hindi makakalimutan at magagamit ng mag-aaral sa kanyang pamumuhay. C. Ang Mahahalagang Tanong ay mga tanong na nasa mataas na lebel at inaasahang masasagot ng mag-aaral pagkatapos ng isang markahan o yunit. Kinakailangang ang mga ito ay nasasagot ng Mga Kakailanganing Pag-unawa.

Kurikulum ng Edukasyong Sekondari ng 2010 Filipino I

Antas 2: Pagtataya Ito ang mga inaasahang produkto o pagganap; inaasahang antas ng pag-unawa at pagganap ng mag-aaral; at mga kraytirya o panukat na gagamitin sa pagtataya ng inaasahang produkto o pagganap. A. Ang Produkto o Pagganap ay ang inaasahang maisasagawa ng mag-aaral pagkatapos ng isang paksa o markahan. Ito ang magpapatunay na natutuhan niya ang mahahalagang konseptong nakapaloob sa isang markahan/asignatura. B. Ang Antas ng Pag-unawa ang susukat sa ibat ibang aspekto ng pag-unawa ng mag-aaral sa mahalagang konseptong dapat niyang matutuhan.Masasabing may pag-unawa na ang mag-aaral kung siyay may kakayahan nang magpaliwanag, magbigay ng sariling kahulugan, makabuo ng sariling pananaw, makadama at makaunawa sa damdamin ng iba, makapaglapat, at makilala ang kanyang sarili. C. Ang Antas ng Pagganap ay ang inaasahang produkto o pagganap na maisasagawa ng mag-aaral. Makikita rin sa bahaging ito ang kraytirya sa pagtataya ng nasabing produkto o pagganap. Antas 3: Mga Plano ng Pagkatuto Mga gawaing instruksyunal at mga kagamitan na gagamitin ng guro at mag-aaral sa loob ng klasrum na makatutulong upang matamo ang mga pamantayan. Inaasahan ang pagiging malikhain ng guro sa pagpapatupad ng antas na ito dahil dito nakasalalay ang ikapagtatagumpay ng pagtuturo-pagkatuto. A. Ang Mga Gawaing Instruksyunal ay binubuo ng mga gawaing isasagawa ng guro at mag-aaral sa loob ng klasrum upang matamo ang mga pamantayan, matutuhan ang mga kakailanganing pag-unawa at masagot ang mahahalagang tanong. B. Ang Mga Kagamitan ay gamit ng mga guro at mag-aaral upang maisakatuparan ang mga gawaing instruksyunal. (Ang mga gabay na tanong sa pagbuo ng Antas 1-3 ay makikita sa Annex B.)

Kurikulum ng Edukasyong Sekondari ng 2010 Filipino I

Nagkaroon ng mga writeshop at konsultasyon sa mga stakeholder: mga guro, mag-aaral, punong-guro, superbisor, propesor ng ibat ibang kolehiyo/pamantasan , kawani ng pamahalaang lokal, kinatawan ng piling sektor ng lipunan, at iba pa upang matiyak na akma at makatutugon sa pangangailangan ng mag-aaral sa kasalukuyang panahon ang mga elemento ng isinaayos na kurikulum. Sinanay ang mga guro, puno ng kagawaran at punong-guro ng 23 pilot schools upang maihanda sila kung paano pamamahalaan ang unang pagsubok na implementasyon ng kurikulum. Ang mga pilot school ay pinili batay sa sumusunod: lokasyon (Luzon, Visayas, at Mindanao), at sa uri ng programang pinatutupad ng paaralan (halimbawa:regular na hayskul, espesyal na programa,at iba pa.) Ang pakikipagpulong sa mga punong-guro tuwing isang kwarter at pagmomonitor ng mga pilot teachers ng 23 pilot schools ay regular na isinagawa. Ang mga feedback mula sa kanila ang naging batayan sa patuloy na pagsasaayos ng mga elemento ng mga dokumento ng Kurikulum ng Edukasyong Sekondari ng 2010. Isinunod na sinanay ang mga superbisor ng lahat ng asignatura upang mabigyan ng suportang pang-instruksyunal ang mga guro. May mga kasunod na pagsasasanay na isinagawa batay sa pangangailangan ng mga taong kabilang sa unang pagsubok ng kurikulum upang matiyak na magiging maayos at matagumpay ang implementasyon nito sa 2010. Ang Resulta Ang mga feedback mula sa mga pilot teacher ay nakatulong nang malaki sa patuloy na pagsasaayos ng kurikulum. Mula sa mga ito ay nabuo ang Kurikulum ng Edukasyong Sekondari ng 2010. Nanatili pa rin ang prinsipyo ng Kurikulum ng Batayang Edukasyon ng 2002 (tulad ng Teorya ng Konstruktibismo, Pagtuturong Integratibo, at iba pa). Isinanib at pinagyaman ang iba pang programa ng edukasyong sekondari tulad ng Special Program for the Arts (SPA), Special Program for Sports (SPS), Engineering and Science Education Program (ESEP), Special Program for Journalism (SPJ), Technical-Vocational Program (TECH-VOC), at Special Program for Foreign Language (SPFL).

Kurikulum ng Edukasyong Sekondari ng 2010 Filipino I

Narito ang mga Katangian ng Kurikulum ng Edukasyong Sekondari ng 2010 nakatuon sa mahahalagang konsepto at kakailanganing pag-unawa mataas ang inaasahan (batay sa mga pamantayan)- tinitiyak kung ano ang dapat matutuhan at ang antas ng pagganap ng mag-aaral mapanghamon- gumagamit ng mga angkop na istratehiya upang malinang ang kaalaman at kakayahan ng mag-aaral inihahanda ang mag-aaral tungo sa paghahanapbuhay kung di man makapagpapatuloy sa kolehiyo tinitiyak na ang matututuhan ng mag-aaral ay magagamit sa buhay

SPA SPFL Tech-Voc SPS Core Curr.

S&T

SPED

Kurikulum ng Edukasyong Sekondari ng 2010 Filipino I

Batayang Konseptwal ng Filipino


Kapakipakinabang na Literasi para sa Lahat

Kakayahang K om un i k a ti b o

KPW PBN PGRT

Kahusayan at P agpapahal agang Literari Mga Tekstong Literari

Pagpapahalaga

Mga Teorya sa Pagkatuto ng Wika

Mga Teorya sa Paggamit ng Wika

Mga Teorya sa Pagsusuring Literari

Kurikulum ng Edukasyong Sekondari ng 2010 Filipino I

BATAYANG KONSEPTWAL NG FILIPINO ( Deskripsyon ) Tunguhin ng Kurikulum ng Edukasyong Sekondari ng 2010 (Secondary Education Curriculum) ang Kapakipakinabang na Literasi para sa Lahat (Functional Literacy For All ) na ibinatay sa mithiing Edukasyon para sa Lahat 2015 (Education For All 2015). Kaugnay nito, layunin ng pagtuturo ng Filipino na malinang ang (1) kakayahang komunikatibo, at (2) kahusayan sa pag-unawa at pagpapahalagang literari ng mga mag-aaral sa lebel sekondari. Lilinangin ang limang makrong kasanayan - pakikinig, pagbasa, panonood, pagsasalita at pagsulat sa tulong ng ibat ibang dulog at pamamaraan tulad ng Komunikatibong Pagtuturo ng Wika (KPW), Pagtuturong Batay sa Nilalaman (PBN) ng ibat ibang tekstong literari(rehiyunal, pambansa, saling-tekstong Asyano at pandaigdig), at Pagsasanib ng Gramatika at Retorika sa Tulong ng Ibat ibang Teksto (PGRT). Isinasaalang-alang din ang pagsasanib ng mga pagpapahalagang pangkatauhan (Values Integration) sa pag-aaral at pagsusuri ng ibat ibang tekstong literari. Sa pamamagitan nito at matapos mapag-aralan, masuri at magamit ang ibat ibang teorya sa pagkatuto at paggamit ng wika, at pagsusuring literari, inaasahang matatamo ng mga guro ng Filipino ang mga layuning nabanggit batay sa inilarawan sa batayang konseptwal.

Kurikulum ng Edukasyong Sekondari ng 2010 Filipino I

Talahanayan ng mga Konsepto sa Bawat Taon at sa Bawat Markahan FILIPINO I-IV (Conceptual Matrix )

Unang Taon Mga Tekstong Literaring Rehyunal Unang Markahan Pabula Ikalawang Markahan

Ikalawang Taon Mga Tekstong Literaring Pambansa

Ikatlong Taon Mga Saling- Tekstong Literaring Asyano

Ikaapat na Taon Mga Saling- Tekstong Literaring Pandaigdig

Tula

Maikling Kuwento

Parabula

Dula ( Pantelebisyon/Pampelikula) Alamat Ikatlong Markahan Epiko Ikaapat na Markahan ( Korido ) Ibong Adarna ( Awit ) Florante at Laura ( Nobela ) Noli Me Tangere Dula ( Pantanghalan ) Nobela Balagtasan

Mitolohiya

Sanaysay

( Nobela ) El Filibusterismo

Kurikulum ng Edukasyong Sekondari ng 2010 Filipino I

Pamantayan sa Programa (Program Standard) : Naipamamalas ng mag-aaral ang kakayahang komunikatibo at kahusayan sa pag-unawa at pagpapahalagang literari gamit ang mga tekstong literaring rehiyunal, pambansa, saling-tekstong Asyano at pandaigdig tungo sa pagtatamo ng kultural na literasi Pamantayan para sa Unang Taon (General Standard for First Year) Naipamamalas ng mag-aaral sa una (sariling wika sa rehiyon) at pangalawang wika (Filipino) ang kakayahang komunikatibo at kahusayan sa pag-unawa at pagpapahalagang literari gamit ang mga tekstong literaring rehiyunal upang maipagmalaki ang sariling kultura, gayundin ang ibat ibang kulturang panrehiyon Pamantayan para sa Ikalawang Taon (General Standard for Second Year) Naipamamalas ng mag-aaral ang kakayahang komunikatibo at kahusayan sa pag-unawa at pagpapahalagang literari gamit ang mga piling tekstong literaring pambansa upang maipagmalaki ang kulturang Pilipino Pamantayan para sa Ikatlong Taon (General Standard for Third Year) Naipamamalas ng mag-aaral ang kakayahang komunikatibo at kahusayan sa pag-unawa at pagpapahalagang literari gamit ang mga saling tekstong literaring Asyano, upang mapatibay ang pagkakakilanlang Asyano Pamantayan para sa Ikaapat na Taon (General Standard for Fourth Year) Naipamamalas ng mag-aaral ang kakayahang komunikatibo at kahusayan sa pag-unawa at pagpapahalagang literari gamit ang mga saling tekstong literaring pandaigdig tungo sa pagkakaroon ng kamalayang global

Kurikulum ng Edukasyong Sekondari ng 2010 Filipino I

Pangkalahatang Pamantayan para sa Unang Taon: Naipamamalas ng mag-aaral sa una (sariling wika sa rehiyon) at pangalawang wika (Filipino) ang kakayahang komunikatibo at kahusayan sa pag-unawa at pagpapahalagang literari gamit ang mga tekstong literaring rehiyunal upang maipagmalaki ang sariling kultura, gayundin ang ibat ibang kulturang panrehiyon UNANG MARKAHAN (PABULA) Antas 1: Resulta/Inaasahang bunga ( Stage 1: Results/Outcomes ) MGA PAMANTAYAN STANDARDS Nilalaman Pagganap ( Content ) ( Performance ) Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa pabula gamit ang angkop na gramatika/ retorika A. Panitikan: 1. Kaligirang Pangkasaysayan ng Pabula 2. Mga Elemento ng Pabula a. Tauhan a.1. Mga uri ng Tauhan: bilog (round) o lapad (flat) b. Tagpuan c. Banghay d. Mahahalagang Kaisipan B.Gramatika/Retorika 1. Ibat ibang Paraan ng Pagtatanong Ang mag-aaral ay nakasusulat ng sariling pabula na naglalarawan ng kultura ng sariling lugar/rehiyon gamit ang sariling wika sa rehiyon o Filipino nang may angkop na gramatika/retorika Produkto/ Pagganap ( Product/ Performance ) Pagsulat ng sariling pabula na naglala-rawan ng kultura ng sariling lugar/rehiyon gamit ang sariling wika sa rehiyon o Filipino nang may angkop na gramatika/retorika Antas 2: Pagtataya ( Stage 2: Assessment ) Sa antas ng: ( At the level of:) Pag-unawa Understanding Pagpapaliwanag: Pangatwiranan na masasalamin sa pabula ang kultura ng isang rehiyon. Kraytirya: kaangkupan ng mga ideya; naglalahad ng mga patunay; naglalahad ng sariling kongklusyon Pagbuo ng sariling pananaw Ilahad ang sariling pananaw kung makatwiran o hindi makatwiran ang paggamit ng hayop bilang mga tauhan sa pabula na kumikilos at nagsasalitang parang tao. Kraytirya: naglalahad ng pananaw ng ibat ibang tao; may batayan ang nabuong sariling pananaw; napaninindigan ang sariling pananaw Pagdama at pag-unawa sa damdamin ng iba Ilarawan at unawain ang damdamin at saloobin ng mga tao sa sariling rehiyon sa isusulat na pabula.

Mga Kakailanganing Pag-unawa ( Essential Understandings ) Masasalamin sa mga pabula ang kultura ng isang rehiyon na dapat ipagmalaki at pahalagahan.

Mahahalagang Tanong ( Essential Questions ) Bakit kailangang alamin ang pabula ng mga rehiyon sa bansa? Paano mauunawaan at mapahahalagahan ang mga pabula ng sariling rehiyon? Bakit mahalaga ang paggamit ng wastong gramatika/ retorika sa proseso ng komunikasyon?

Pagganap Performance Pagtataya sa isinulat na pabula batay sa sumusunod na kraytirya: batay sa pananaliksik ang paglalarawan ng kultura ng sariling rehiyon kaangkupan sa sariling lugar/ rehiyon pagtataglay ng mga elemento ng pabula wastong paggamit ng una o ikalawang wika wastong paggamit ng gramatika/ retorika (Tingnan ang kalakip)

Higit na mauunawaan at mapahahalagahan ang pabula ng sariling rehiyon kung pag-aaralan ito sa orihinal nitong wika. Sa proseso ng komunikasyon, pasalita man o pasulat, mahalaga ang paggamit.ng wastong gramatika/ retorika upang maiwasan ang hindi pagkakaunawaan.

KurikulumSekondari ng Edukasyong Sekondari ng Kurikulum ng Edukasyong ng 2010 2010 Filipino I

Pamantayang Pangnilalaman a. Mga limitadong tanong na may alternatibong sagot mula sa isa sa mga alternatibo b. Mga tanong na masasagot ng mayroon, wala, oo, hindi, ayaw ko/ayoko, ewan/ aywan, marahil, at iba pa na may tonong naiinis, naiinip, natutuwa, walang gana at iba pa c. Mga tanong na binubuo ng pangungusap na sinusundan ng hindi/di ba upang matiyak ang katotohanan (o kamalian) ng sinasabi ng pangungusap 3. Mga Paraan sa Pagpapahayag ng Emosyon o Damdamin a. Padamdam na pangungusap na may natatanging gamit

Pamantayan sa Pagganap

Kakailanganing Pag-unawa

Kakailanganing Tanong

Produkto/ Pagganap

Sa Antas ng Pag-unawa Kraytirya: makatototohanan; naglalarawan ng ibat ibang damdamin; naglalahad ng pag-unawa sa damdamin ng mga tao sa sariling rehiyon Interpretasyon Bigyang-kahulugan ang mahahalagang kaisipan sa pabula batay sa mga naging karanasan o karanasan ng iba. Kratirya: makatotohanan; napapanahon; may kaugnayan sa mahalagang kaisipan ng pabula; malikhain Paglalapat Iugnay sa kasalukuyan ang mga pangyayari sa pabula. Kraytirya: makatotohanan; napapanahon; may kaugnayan sa pangyayari sa pabula Pagkilala sa sarili Ibahagi ang sariling kahinaan at kalakasan batay sa pagkaunawa sa pabula. Kraytirya: may katapatan; makatotohanan; naglalahad ng sariling kahinaan at kalakasan, nagmumungkahi kung paano magiging kalakasan ang kahinaan

Sa Antas ng Pagganap

Kurikulum ng Edukasyong Sekondari ng 2010 Filipino I

Pamantayang Pangnilalaman b.Pangungusap na tiyakang nagpapadama ng damdamin at/o saloobin ng nagsasalita c. Pangungusap na nagpapahayag ng gusto at ayaw sa paraang nagpapahiwatig o hindi tuwirang inihahayag ang damdamin o gustong mangyari 4. Pang-uri 5. Mga Bahagi ng Pangungusap 6. Mga Ekspresyon sa Pagbibigay ng Payo o Mungkahi tulad ng mga katagang mabuti pay, bakit hindi pa, kung ako ikaw, maaari rin naman, mas, at iba pa

Pamantayan sa Pagganap

Kakailanganing Pag-unawa

Kakailanganing Tanong

Produkto/ Pagganap

Sa antas ng Pag-unawa

Sa antas ng Pagganap

You might also like