Panunuri Finals

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

I.

Pagbibigay Kahulugan

A. Sining
Lahat ng bagay na nakapalagid sa atin ay maituturing natin na isang
sining.Sa kabilang ng pagbabago na nagaganap sa ating mundo, hnsi maitatatwa
ang isang katotohanang na anumang bagay na likhang- tao na hindi maibibilang
sa mga tinatawag na kababalaghang pangkalikasan ay anyo ng sining.Tulad ng
eskultura, pagpipinta, arkitektura , pagpaplano ng siyudad at paligid; potograpiya
at dulaan ay maituturing ding anyo ng mga sining. Ang pagiging sining ng mga
nabanggit ay mapatutunayan lamang sa kaugnayan at bisang nalilikha ng mga
ito sa damdamin ng tao. Sa iba’t ibang anyo ng sining , nadarama ng tao na siya
ay kaisa ng isang Kalakhang nakapaligid at nakapaloob sa kanya – ang kahima
himalang Lakas na pinagmumulan ng lahat. Sa kabuuan tayo ang pinaka obra
maestra at di –mapapantayang likhang –sining ng Lumikha.

B. Panitikan
Ayon sa sinabi ni Salazar sa aklat ni Villafuerte ( 2000), ang panitikan ang
siyang lakas na nagpapakilos sa alinmang uri ng lipunan. Iba- iba ang kasiyahang
dulot ng panitikan. Sa maraming pagkakataon ang kasiyahang ito ay nagiging
dahilan ng ng mga popular na pagpapalagay na ang panitikan ay humihikayat ng
matataas at mararangal na kaisipan at damdamin, kasama ng iba pang pahiwatig
ukol sa higit na kainaman ng panitikan kaysa iba pang anyo ng sining sa tungkulin
ng pag –aangat at kalagayang pangkalinangan ng tao at lipunan.
Sa malalim na pagpapakahulugan ang kahulugan ng panitikan ay iba sa
kabuluhan nito.Ang kahulugan ay tiyakang makukuha sa pamamagitan ng pag –
alam sa nilalaman ng panitikan at pag-unawa rito. Samantala , ang kabuluhan ay
matatamo lamang sa pamamagitan ng pag –uugnay ng panitikan sa buhay.

C. Panunuring Pampanitikan

Bilang bahagi ng panitikan, ito ay maituturing na hindi lamang nagsusuri


o nagbibigay kahulugan sa mga nagaganap sa daigdig , kundi ito ay isang
pagsusuri sa kabuuan ng tao. Ang kanyang anyo , ugali kilos ,paraan ng
pagsasalita at maging ang kanyang pakikipag –ugnayan sa kanyang kapwa at sa
lipunang kinabibilangan niya. Kaugnay nito, ito ay isang masusing pag –aaral na
may layuning mabuo at maitaas ang uri ng panitikan para sa kapakanan ng
mambabasa ng manunulat at ng sining.
D. Klasikong Pamantayan

Ang pananaw klasiko ay nagsisimula sa pianakamataas patungo sa pinakamababang


uri na ang ibig sabihin ay sa itaas matatagpuan ang kapangyarihan at ito ay lundayan ng
katotohanan , kabutihan at kagandahan.Aristokrata ang pamantayan dito. Sa paggamit ng
wika, matipid ang pananalita at maingat ang pagpapahayag ng damdamin.Ilan sa mga
katangian ay pagkamalinaw , pagkamarangal , pagkapayak,pagkatimpi,pagka obhetibo,
pagkakasunod –sunod at pagkakaroon ng hangganan.

E.Neo – Klasismo

Nagpahayag ng kabatiran ukol sa bisa at impluwensiya ng mga dokumentong may


kaugnayan sa mga dakilang pilosopo.Tuwirang matutukoy na ang Poetics ang nagtindig ng
pundasyon ukol sa pag-unawa at pagbibigay halaga sa panitikan lalo na ang panitikan ng mga
mamamayang lumikha na ngayo’y nakilala natin bilang sibilisasyong Kanluran.

E. Romantisismo

Nahahati ang romantisismo sa dalawang bahagi , ang romantisismong


tradisyunal at rebolusyunaryo. Ang romantisismong tradisyunal ay hindi dumarakila sa
halagang pantao. Samantalang ang huli ‘y lumulutang ang pagkamasariling karakter ng isang
tauhan. Inspirasyon ang tanging kasangkapan ng romantiko.

Binibigyang-tuon ng akda ay ang pagtakas sa katotohanan. Karaniwan ang mga akda sa


wika, kapaligiran at tauhan. Pinahahalagahan din sa akda ang kalikasan, nakaraang institusyong
panlipunan at damdaming nakapaloob dito. Ito ay nagpapakita ng pagmamahal ng tao sa
kanyang kapwa, bayan at iba pa.

F. Naturalismo

Ang teoryang Naturalismo ay nagtataglay ng mga pinasidhing katangian ng teoryang


Realismo. Sa teoryang Naturalismo, itinuturing na mabangis na gubat ang buhay sa mga
walang kalaban-labang mga tao. Mas detalyado ang paglalarawan ng mga kasuklam-suklam
na pangyayari sa buhay ng tao. Tinitignan ang tao na parang hayop na pinag-
eeksperementuhan sa isang laboratoryo. Natural sa teoryang ito ang pagkakahati ng
lipunan: mayaman at mahirap, babae at lalaki, mabait at masama.

G.Pormalismo

Pinagtutuunan ng pansin sa teoryang ito ay ang mga istruktura o pagkabuo nito. Isa sa mga
tinitignan ay ang kabisaan ng pagkakagamit ng matatalinghagang pahayag. Kabilang din dito ang sukat sa
tula na nagpapakita ng bilang ng pantig sa bawat taludtod. Maaring itong lalabindalawahin, lalabing-
anim at iba pa. Ang tugmaan naman ay ang pagkakahawig ng mga tunog ng mga huling salita sa bawat
taludtod. Kariktan naman kapag gumagamit ng maririkit na salita upang mapukaw ang damdamin at
kawilihan ng mambabasa dahil may adhikaing gawing obhektibo ang pagsusuri , wala rin lugar ang
opinyon at interpretasyon ng mambabasa. Ito’y namayani sa panahon ng Amerikano at kasalukuyan.

II. Tatlong Aspekto ng Panunuring Pampanitikan

Tatlong makakaugnay na aspekto /salik ang itinagubilin ni T. M. Greene bilang isang paraan ng
makaagham na pagsusuri sa panitikan.Ito ay binubuo ng a. Pangkasaysayan b. Muling paglikha
c.pagbibigay - halaga

Ang pangkasaysayang pagsusuri , dito ay nilalayon ng manunuri na alamin ang oryentasyon at


katangiang pagkasaysayan ng akda. Kabilang sa gawaing ito ang pag –alam sa kalikasan at layunin ng
pagkakalikha sa akda ayon sa liwanag ng kaalamang pangkaligiran.

Ang muling paglikha ay nauugnay naman sa madamdaming pag –unawa ng kung ano ang
napagtagumpayang ipahayag ng manunulat sa kanyang akda sa pamamagitan ng mga guni guni ,
sensitibo at masining na pagtugon ng manunuri.

Ang huling aspekto ay pagbibigay –halaga , ito ay gawaing kinapapalooban ng pagtaya sa


kahalagahan ng akda kaugnay ng iba pang akda at ng iba pang mga pagpapahalagang pangkatauhan.
Ang pagtiyak sa kahalagahan ng sining ay kinasasangkutan naman ng pagtugon sa pamantayang
binubuo ng tatlo pang magkakaibang sukatan. Una-isang ganap na estetikong sukatan ng pormal na
kahusayang pansining. Ikalawa- Ang sukatan ng kaalaman o kabatiran sa katotohanan.Ikatlo – Ang
sukatan ng higit na malawak na kabuluhan , kadakilaan at kalaliman.
III. Katangiang Dapat Taglayin ng Isang Mabuting Kritiko

Ang kritiko ay matapat sa sariling itinuturing ang panunuri ng mga akdang pampanitikan bilang
isang sining. Handang kilalanin ang sarili bilang manunuri ng akdang pampanitikan at hindi manunuri ng
lipunan , manunulat , mamababasa o ideolohiya. Laging bukas ang pananaw sa mga pagbabagong
nagaganap sa panitikan.Iginagalang ang desisiyon ng ibang mga kritiko na patuloy na sumasandig sa
ibang disiplina gaya ng linggwistika , kasaysayan at sikolohiya.Gayundin sila ay matapat na kumikilala
sa akda bilang isang akdang sumsailalim sa paraan ng pagbuo o konstruksyon batay sa sinusunod na
alituntunin at batas.Higit sa lahat , kailangan ng isang kritiko ang tigas ng damdaming naninindigan
upang maging tiyak na kapakinabangan ng panitikan ang kanyang pagmamalasakit, ay ipinakikilala ng
mga pangyayari nang mga unang taon ng kanyang pamimili.

IV.Paglalahad Ukol sa Pangangailangang Linangin ang Kakayahang Makapagsuri at


Makapuna

Napakalawak ng saklaw ng panitikan kung kaya’t isang pangangailangan ang paglinang ng


kakayahan sa pagsusuri at pamumuna sa iba’t ibang akda. Ang gawain ng pagsusuri ay ay humihiling din
na ang kritiko ay maging perseptibo o mapagpuna upang ganap niyang madama ang kabuuan ng
kanyang akdang pinag –aaralan. Kinakailangang pakalimiing mabuti ng kritiko ang bawat akdang
sinusuri; ganap itong makilatis bago makapagbitiw ng pahayag ukol sa akda. Sapagkat sa bawat
pahayag na binibitawan ay may kanya-kanyang pagpapakahulugan na nakapaloob, kung saan ito ay
maaaring mag- iwan ng bakas sa bawat isipan ng mambabasa. Maging maingat , tiyak at mapanuri sa
bawat pagsusuring gagawin dahil nakasalalay sa bawat salitang gagamitin ang ikatatagumpay ng bawat
akdang susuriin at katauhan ng manunulat.
PANUNURING PAMPANITIKAN

Isinumite ni: Michelle A. Mendoza

MAED-FILIPINO

Isinumite kay:Gng. Araceli Gabuyo

Profesor

You might also like