Urinary Tract Infection (UTI)

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

Urinary Tract Infection (UTI)

Ano ang UTI?


Ang Urinary Tract Infection o UTI ang tinatawag kung may impeksiyon sa daluyan ng ihi ng isang tao. Isa sa mga impeksiyon na karaniwang nakukuha ng mga kababaihan.

Sanhi ng UTI
Escherichia Coli (E.Coli), ang baktiryang sanhi ng pagkakaroon ng UTI. Karaniwang nasa loob ng tiyan ang E. Coli at nailalabas kapag dumudumi. Ito ay nananatili sa rectal area kung hindi mahuhugasan ng mabuti. Dahil dito ay mabilis na kakapit ang bacteria sa rectal area at aakyat sa loob ng iyong urethra.

Dahil mas maikli ang daluyan ng ihi ng babae, mas mabilis makapasok ang mga mikrobyo para magdulot ng impeksyon sa pantog o bladder at sa daluyan ng ihi o urethra. Pero ang UTI ay maaring sa babae o lalaki.

Sintomas ng UTI
Mahirap at masakit na pag-ihi Sunod-sunod na pag-ihi at hindi mo ito mapigilan Paputol-putol at papatak patak na pag ihi Nananakit ang puson Mabaho at hindi malinaw na ihi Masakit na tagiliran Nilalagnat at nanlalamig Nahihilo at nagsusuka

Paano malalaman kung may UTI?


Malalaman kung may UTI ang isang tao sa pamamagitan ng URINALYSIS, ito ay ang pageexamina ng ihi ng isang tao. Dito sinusuri ang ihi kung may mga mikrobyo, nana, o dugo at iba pang bagay na maaaring magpakita na may impeksyong nagaganap.

Gamot sa UTI
1. Antibiotiks ang pangunahing gamot sa UTI. Kumonsulta na sa doktor. 2. Tubig (8-10 baso/araw) Wala ng ibang mahusay na gamot sa anumang uri ng sakit na dulot ng bacteria kundi ang tubig. Nililinis kasi nito ang buong katawan para mailabas ang anumang toxic waste sa loob nito. 3. Buko Juice- ay nasasabing nakakatulong sa pagpatay ng impeksiyon. 4. Vitamin C- ginagawang acidic ang daluyan ng ihi na nakakapahamak sa mikrobyo.

Mga Paraan Para Maiwasan Ang UTI


Para Sa Mga Babae: 1. Cotton underwears - Mas mainam kung ang ginagamit mong underwear ay cotton dahil mas absorbent ito sa pawis at natitirang ihi kung hindi gumagamit ng panty liner. Huwag gumamit ng underwear na madumi. Labhan ito araw-araw at tiyaking malinis bago isuot muli.

2. Paggamit ng antiseptic - Ayon sa payo ng doctor, hindi mo naman kailangan na gumamit ng tubig na may halong antiseptic araw-araw, ang tubig ay sapat na, basta palagian lang gawin ang paghuhugas. Pinapatay kasi ng antiseptics ang karaniwang bacteria sa balat ng vagina, ngunit kung lagi itong gagawin, posibleng magdulot ito ng allergy sa iyong kaselanan.

3. Ang pakikipagtalik sa ibat ibang partner ay maaaring mag-sanhi ng UTI, pati narin mga STD. Iwasan ang ganitong gawain, o di kayay gumamit ng condom para makabawas sa probabilidad na magkaroon ng impeksyon. 4. Umihi bago at pagtapos ng pakikipagtalik para mailabas ang mikrobyo 5. Iwasan ang kape, alak, at maaanghang na pagkain sapagkat ang mga ito ay maaaring maka-irita sa pantog

Sa mga lalaki, mahalaga na sila ay natuli dahil nakakatulong ito para maiwasan ang UTI, Sexually Transmitted Disease at Cancer. Gayunman, kung magkakaroon ng UTI, hindi naman dapat itong pangambahan dahil nagagamot ito ng antibiotic at kung magagamot ng tama. Kung susundin ang mga nabanggit sa itaas maaari itong maiwasan.

You might also like