Flip Top

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

EI: FlipTop ng Ating Panahon

In Issues| Isyu, Opinion | Opinyon on March 22, 2011 at 4:27 am

Magandang araw po. Ako po si Marcel Angelo C. Balabbo, isang estudyante sa UP Manila. Ako po ay kasalukuyang gumagawa ng pagsasaliksik tungkol sa FlipTop bilang makabago at modernong anyo ng Balagtasan para sa aking asignaturang Komunikasyon 2. Ako po ay estudyante ni Prof. Rose Roque at nasabi po niya na naging guro daw po niya kayo at maaari ko raw po kayong ma-interview online. Bago po ang mga tanong, narito po ang isang link ng sampol ng FlipTop na maaari ninyong mapanood. http://www.youtube.com/watch?v=2Bp7TcNO-CY Ito po ang ilan sa mga tanong. 1. Ano ang karakteristiks ng Balagtasan ang makikita sa FlipTop? a. elemento b. pamamaraan c. proseso 2. Maituturing ba ang FlipTop bilang isang makabagong sining pampanitikan? 3. Bilang eksperto at propesor sa Filipino, ano ang inyong opinyon sa FlipTop? 4. Malayo ba ang mararating ng FlipTop? 5. Paano ito mapapalago at mapapaunlad? Maraming salamat po. **** hi marcel! pasensiya na sa huling reply. sana makahabol pa ang mga sagot ko sa mga tanong mo para sa iyong papel. heto na

1. Ano ang karakteristiks ng Balagtasan ang makikita sa FlipTop? a. elemento b. pamamaraan c. proseso Kumpara sa pormal na Balagtasan, itong FlipTop ay walang malinaw na topic o subject. Sa Balagtasan kasi, pormal na inihahapag ang isang paksa, na siyang pag-iisipan ng dalawang panig at pagdedebatehan. Yung Balagtasan, hindi lang yan sa anyong oral o pasalita, kasi maging sa printed form sa mga diyaryo dati ay nagsasagutan ng Balagtasan. Sa FlipTop, magto-toss coin lang para malaman kung sino ang unang babanat o hihirit ng kaniyang rap. Parehong may time constraint, bagamat sa Balagtasan ay mas sa bilang ng mga taludtod o saknong ang basehan. Kung ano ang simulang paksa ng nasabing FlipTop participant, ito ang sasagutin o titiradahin ng kaniyang kakumpetensiya.

Pero tulad ng Balagtasan, malinaw na mayroong ideyal na konsepto ng paraan ng pagsagot o rebuttal sa FlipTop. Kung tutuusin, ang Balagtasan at FlipTop ay parehong dicho o dichohan, o oral na debate, at nangangahulugan ito na kailangang sumunod sa batas ng katuwiran. Ano ang ibig sabihin ng batas ng katuwiran? Maaari mong gawing reference materials para sa Balagtasan ang librong Balagtasan: Kasaysayan at Antolohiyani Galileo Zafra. Sa librong Balagtasan ni Zafra, binigyan niya ng katangian at buod kung ano ang lohika at pilosopiya ng pagtulang Balagtasan. Sinabi niya roon na nakasandig sa nosyon ng katuwiran ang pagkikipagbalagtasan. Ibig sabihin, ang pagsagot sa balagtasan ay pagsagot nang tiyak at nasa punto. Kapag ang punto ng isang kalahok, halimbawa, ay kaniyang ipinatawid sa pamamagitan ng alusyon sa hayop, dapat ang rebuttal ay tapatan ang nasabing punto sa pamamagitan rin ng alusyon sa hayop, o di kayay ang pagbaligtad sa katuwiran ng alusyon sa hayop. Kailangan ay sinasagot ng rebuttal ang pangunahing punto, at mas maganda na bukod sa tatapatan ito ay lalagpasan ito. Ang mga Balagtasan noon ay kalakhan tungkol sa sosyo-politikal na klima ng bansa, bagamat mayroong mga balagtasan na di naman kontrolado ng simbahan o gobyerno. Pero ang kalakhan ng mga pinag-aralan ni Zafra na Balagtasan ay nagpapatalos ng sosyo-politikal na klima, noong panahon ng kolonyalismo / imperyalismong Amerikano, halimbawa. Sa kaso naman ng mga FlipTop sa kasalukuyan, ibang-iba ang mga pinapaksa rito, sapagkat di naman regulated yung paksa. Freestyle nga, kumbaga. Kaya kadalasan, ang mauunang mag-rapdebate ang siyang titirada, at madalas, sa mga FlipTop ay pataasan ng ihi o paguwapuhan ang nagiging sistema. Nauuwi ito madalas sa pisikal na patutsadahan lamang; paglait sa pisikal na hitsura ng kapuwa. Bagamat mayroong pagkakataon sa FlipTop na bukod sa pisikal na insultuhan ay nagiging punto rin ng pang-iinsulto ang social class o panlipunang uri na pinagmulan ng mga kalahok. Halimbawa, sa isang FlipTop sa pagitan nina Batas at Delio, tinawag na iskwater ni Batas si Delio. Kung tutuusin, wala na sa lohika ng katuwiran ang pinagbababato ni Batas, sapagkat kung tirahin siya ni Delio ay sa pamamagitan ng pisikal o di kayay intelektwal na patutsada, ay ang isinasagot ni Batas ay panglalait sa uring panlipunan ni Delio. Samakatuwid, walang istriktong batas o lohika sa FlipTop. Basta makapang-insulto lamang. Bagamat, siyempre, hindi naman ito lagi. Ibig sabihin, mayroon ring mga FlipTop na matino at matuwid at mayroon itong potensiyal na tumalakay ng mas malalim at mas malawak na mga isyung pambansa at panlipunan, tulad nang naisagawa noon sa Balagtasan. Para sa reference tungkol sa sining ng pang-iinsulto, magandang mabasa mo ang sanaysay na The Art of the Insult ni Resil Mojares na matatagpuan sa kaniyang librong House of Memory. 2. Maituturing ba ang FlipTop bilang isang makabagong sining pampanitikan? Oo, maituturing itong makabagong sining pampanitikan. Pero magandang tingnan na nag-evolve ito mula sa Beat Poetry, Spoken Poetry, at lalo na sa Freestyle na dumating sa Pilipinas. Ang rap kasi ay isang sikat na porma ng panitikan laluna sa mga urban poor na komunidad, at maging sa mga lumpen proletaryado. Mayabong na itong pamamaraang pampanitikan para sa pagpapaabot ng mga isyung personal hanggang politikal.

3. Bilang eksperto at propesor sa Filipino, ano ang inyong opinyon sa FlipTop?;4. Malayo ba ang mararating ng FlipTop? at 5. Paano ito mapapalago at mapapaunlad? Para sa akin ay malaki ang potensiyal ng FlipTop para sa kalagayan ng sining at panitikan. Kung sikat ito sa masa, maaari itong maging alternatibo sa pagpapatalos ng mga diwang makabayan at mapagpalaya. Sana ay magkaroon ng kilusan o movement, o di kayay i-empleyo ng mga aktibista at progresibo ang sining ng FlipTop para sa mga transgresibong proyekto nito. Tingin koy tulad ng sa tradisyong protesta at rebolusyonaryo na nakita natin sa mga oral na panitikan ng Pilipinas, mula dasal tungong FlipTop, ay maaaring magkaroon ng subversion. Kung ang mga dasal ay ginamit ni Marcelo H. del Pilar para i-kritika ang kolonyalismo at frailokrasiya, maaari ring ang FlipTop ay magsilbing porma upang i-kritika ang tiwaling mga sistemang nagpapatakbo ng ating bansa at mundo. Bakit hindi natin gawan ng FlipTop ang isyu ng Porsche ni Noynoy sa Matuwid na Daan? http://mykelandrada.wordpress.com/2011/03/22/ei-fliptop/

You might also like