Unang Talumpati Sa Bansa Ni Pangulong Joseph Ejercito Estrada

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Unang Talumpati sa Bansa ni Pangulong Joseph Ejercito Estrada Quirino Grandstand, Rizal Park, Manila Hunyo 30, 1996

Magandang hapon sa inyong lahat. PAPALUBOG na ang liwanag, at malapit nang kumagat ang dilim. Gayumpaman, ngayong hapon ay nagsisimula na ang isang bagong araw. Ang araw na lahing Pilipino. Ang araw ng masang Pilipino. Sa wakas, mamumuno na sa ating masa ang isang gaya nila. Isang kaibigan at kapatid. Isang kapwa--na alam kung ano ang ibig sabihin ng maging maka-masa. Nooong huling tumindig ako dito sa Quirino Grandstand, Kasama ko sina dating Pangulong Cory Aquino at Cardinal Sin, at napakarami ng nanindigan para sa demokrasya.Nakapining ko rin kayo, at tayong lahat ay napabilang sa mga tunay na kaibigan ng demokrasya. Kaya papaano masasabi na ako raw ay mala-diktatdor? Noong huli akong tumindig doon sa lumang gusali ng Senado, labindalawa lamang kami. Ngunit-Labindalawa na lumaban sa mala-higante at makapangyarihang bansa. Labindalawa na lumaban sa pamahalaang patuloy na nagpa-alila sa banyagang kapangyarihan: Labindalawa na lumaban sa public opinion; Subalit labindalawa na nanindigan para sa kalayaan at dangal ng ating bansa. Pero mayroon pa ring nangahas na pagdudahan ang ating prinsipyo; Marahil ninais kong tapusin sa lalong madaling panahon, ang ilang isyu na matagal nang bumubulabog sa bayan. Bakit? Upang wakasan na ang lahat ng bagay na dapat nating ilibing sa limot ng kasaysayan. Sa aking pagmamadali, maaaring hindi ko na inisip, na kailangan pang lumipas ang mahaba-habang panahon upang maghilom ang sugat ng ilan, at ang sugat ng bayan. Tanong ko ngayon: Mayroon nga kayang sinaktan at nilait nang higit pa sa aking? Mayroon pa ba kayang nagustos sa peryodiko o sa radyo o sa

telebisyon ng higit? Huwag na lang ako. Kahit ang aking ina at lubhang nasaktan dahil sa mga insultong ipinukol sa kanyang anak. Ako ay tao lamang, at hindi ko madaling magsabi--forgive and forget. Kalimutan na lang. Ngunit kailanga kong tapusin an tyugtong ito. At sa akin ay tapos na. Nasa likod na natin, at hindi na dapat pag-usapan. 'Pagakat dapat lamang na ako ay makisama sa lahat ng ating mamamayan. Kasangga man o katunggali, kaibigan o kalaban. Bakit? sapagkat iisa lamang ang ating bayan, iisa lang ang ating landas, at kung hindi tayo magsasama-sama sa isang tunay na bukluran, kanino pa kaya, at kailan pa, kundi ngayon? Ngayon na--sapagkat ang hinaharap ng bansang Pilipino ay lubhang mabigat, lubhang malalim. Ang regional currency crisis ay paghamon hindi lang sa ating mga bangko o mg anegosyante, kundi sa bawat pangkaraniwang mamamayan. Kaya sasabihin ko sainyo ngayon, at sa buong mundo: hindo tayo nag-aalinlangan, at hindi tayo nakakalimot. If I have seemed impatient, it was because you and I wanted peace, and only peace. We must put yesterday behind us, so that we can work for a better tomorrow. I do not say: Let us forget the past. No, I don't, but I ask that we should not let the past get in the way of a future that requires cooperation to achieve peace and prosperity for the least of us. Matagal nang naghihintay ang lahat para sa isang bagong umaga. heto na, ngayon na, ang panahon ng masang Pilipino. Panahon na upang mapabilis ang pag-angat sa kabuhayan ng masang Pilipino. Panahon na upang magkaroon ng lalong malaking bahagi. Sa yaman ng ating bansa, ang masang Pilipino. Panahon na upang sabihin: isang daang taon pagkatapos ng Kwait. Limampung taon pagkatapos na kilalanin ang ating kasarinlan sa panahon ni Presidente Roxas. Pitong taon pagkatapos tayong tumalikod sa Foreign bases. Eto na, narito na, araw na natin ngayon. Ala nating hindi ito madaling gawin. Malubha ang lagay ng ekonomiya. Dapat lamang pagtuunan ng matagalang pansin ang pagsasaayos sa Pambansang kabuhayan. May mga nagsasabi: Hidni raw maaaring madaliin ang mga gawaing ito. Unahin daw muna ang ekonomiya. Wala akong reklamo diayan. Pero ang tanong ko: mayroon pa bang ibang paraan upang mai-angat ang kabuhayan ng

mga mamamayan? Hindi ba puwedeng sabay-sabay? Bakit ang masa ang laging huli at laging nalalamangan. Kapag ang pag-uusapan ay ang kaunlaran ng ekonomiya? Noong tinatalakay ang mga reporma na ikabubuti ng mga negosyante. Halos wala tayon narinig na nagreklamo sa kanila, na masyadong mabilis at malupit ang mga pagbabago. Gayunpaman, hindi ba pawang katotohanan lamang na ang pangkaraniwang mamamayan ang pumasan sa malulupit na epekto ng liberalization at globalization? Gustuhin natin o dili ang hamon ng kompetisyon ay kailangan nating tugunan. Ituturing natin itong pagkakataon, ngunit kailangan palakasin ang pambansang ekonomiya at palawakin ang pakinabang ng nakararami. Sa anim na taon ng pamamahala ni pangulong Cory Aquino. Naitatag ang pundasyon upang muling lumakas ang ating ekonomiya. Sa pangangasiwa ni pangulong Ramos. Nagsimulang magluwal ng dibidendo ang ekonomiya para sa malalaking negosyante. Ngayon naman. ang maliliit ay dapat makinabang sa ating pagsisikap sana sila rin. Sana, sila naman ay maka-bahagi. Progress must not be measured by the number of golf course of the rich. Huwag naman sanang masamain ng ilan sa ating mga mayayaman ang mensaheng ito. Mulat sapul sila ang nakinabang - at hanggang sa ngayon ay makikinabang pa rin, sapagkat gagawin natin ang lahat upang maibalik ang katahimikan sa ating bayan ang katahimikan na kailangan upang umunlad ang ating kalakalan. Kaya sa ating mga maliliit, at mahihirap. Narito ang pangako ni Erap: Kayo ang unang makikibahagi sa biyaya mula sa ekonomiya at mula sa pamahalaan. Sa abot ng aking makakaya, bibigyan natin ang masa ng disenteng tahanan. Sapat na pagkain at pag-asa sa hinahanap. Pag-aaralin natin ang kanilang mga anak, at aalagaan natin ang kanilang kalusugan. Sa kanilang mga pamilya. Ihahandog natin ang katahimikan, hanapbuhay at dangal sa araw-araw. Sa kasawiang palad, dumating ang panahon ng masang Pilipino habang ang ekonomiya ng buong Asya ay bumabagsak. Wala tayong magagawa, kailangan nating maghigpit ng sinturon, at ipaglaban muna ang sapat at maagang gantimpala sa ating pagsisikap. Sa aking mga kababayan. Ito ang aking masasabi: Sa inyong pagsasakripisyo. Ako ang mau-una. At ako ang inyong kasama at sa paglasap sa mga gantimpala ng ating pagsisikap, hindi kayo mahuhuli.

While! Ask yo to share these sacrifices with me. I will not impose any more on you when it comes to meeting my duties and responsibilities as President. It is my job now. and I will do it. Walang dahilan upang lumaganap ang krimen sa ating lipunan: Mangyayari lang ito kung ang gobyerno mismo ay kumukupkop sa mga kriminal. Walang organisasyon o gawaing kriminal na kayang lumaban sa pamahalaan, kung ang pamahalaan ay tapat sa pagnanasang durugin ang kriminalidad. We know that the major crimes in this country ar committed by hoodlums in uniforms. We know they are protected by hoodlums in Barong Tagalog. And acquitted by hoodlums in robes. We know that the most damaging crimes against society are not those of petty thieves in rags. But those of economic saboteurs in business suits. The dishonest stockbrokers. The wheeling-dealing businessmen. Influence-Peddlers. Price-Padders and other crooks in government. Ipinangangako ko ngayon: Gagamitin natin ang buong kapangayarihan ng pamahalaan upang labanan ang krimen - maliit man o malaki. Walang makalulusot. Walang itatangi. I will use all the powers of government to stamp out crime. Big and small armani or no money. There will be no excuses, and there will be no exceptions. I have sent friends to jail before. And can send them again. No government is so powerless that it cannot protect its citiznes especially when they are victimized by government agents. No government is os helpless that it cannot prosecute criminals. Especially when the officials are criminals operating in the open. Hindi makatarungan na sa isang bansang karamihan ay nagugutom at walang hanapbuhay. Ang kaban ng bayan ay winawaldas at ninanakaw. Ang likas-yaman ay pinaghahati-hatian ng malalakas sa gobyerno. So let me tell you today. There are things that a real government. Even in the worst Economic conditions, can do. This government will do it. Kaya nating sugpuin ang lumalaganap na krimen. Ginawa po ang magagawa ko noong ako ang tagapangulo ng PACC. Gagawin ko ngayon ang lahat. Ngayong Pangulo na ako. At walang sinumang makapipigil sa akin. What I did in PACC. I will now do. and more as president of the Philippines. And when I succeed this time, nobody can clip my powers. Kaya pa rin ng pamahalaan ang magbigay ng mahahalagang serbisyo mga lansangan, mga Paaralan, mga Health Centers. Sapat na bilang ng mga Pulis at sandatahang lakas na sadyang katahimikan ang likha at alaga.

Gagawin natin ito. Magagawa ng gobyerno ang lahat ng ito, huwag lamang saksakan ng nakawan at Pork Barrel. Hindi mapapakain ng pamunuan ang lahat ng mga nagugutom sa ating bansa. Pero uusigin natin ang sinumang kukupit sa pondo na nakalaan sa pagbili ng pagkain. Hindi kaya ng gobyerno na pagbigyan ang lahat ng mga lugar na nangangailangan ng kalsadang konkretong at aspaltado. Pero hindi natin palalampasin ang sinumang magnanakaw ng perang nakalaan sa paglikha ng mga tulay at kalsada. Hindi kaya ng pamahalaan na agad pabalikin ang milyun-milyong overseas contract workers. At bigyan sila ng hanapbuhay sa ating bayan. Ramdam antin ang kalungkutan at pighating dala ng paghihiwalay. Subalit pangako natin sa kanila na di pababayaan ang pamilya at mga anak nila rito. At lalong di natin kaliligtaan ang kapakanan nila sa ibang bansa. Hindi kayang bigyan ng sapat na edukasyon ang lahat ng mga kabataang pilipino. Tulad nang itinadhana ng Saligang-Batas. Pero hindi natin palalampasin ang sinumang magwawaldas sa pondong nakalaan para sa mga libro at paaralan. I appeal to the coming Congress to search its conscience for a way to stand behind me, rather than against me, on the Pork Barrel issue. I appeal to every legislator: Let us find a way to covert pork into tuition subsidies in both public and private schools. Let us use it to better the lives of our people, rather than to improve our chances of re-election. There are crimes that I will make it my personal appostolate to punish: l Low crimes in the streets, by rich and poor alike; l High crimes on Ayala Avenue and Binondo; l Graft and corruption throughout the government, whether in the executive. The legislative or the judiciary. Ngayon pa lamang, ang mga kamag-anak ko ay nilalapitan na ng kung sinu-sino, kung anu-anong deal at kickback ang ipinangangako. Binabalaan ko sila. Ang kanilang inilalapit ay ebidensiyang gagamitin ko sa pag-usig sa kanila, kapag itinuloy nila ang kanilang maruming balakin. Tandaan nila ito, lalung mabuti, maghanda sila. Hindi naman napakabigat ng mga ipinangako ko, simple lang ang aking minimithi. At simple rin ang hinahangad ng masang Pilipino, subalit pagkatagal-tagal nang hindi natutupad.

Nais kong maihatid ang kapayapaan sa ating buhay, at katiwasayan sa ating lipunan...nais kong isa-ayos ang gulo sa ating mga lansangan, at itatag ang katarungan sa ating mga institusyon. Nais kong bigyan ng bagong lakas ang ating ekonomiya at patas na pagsasabahagi ng mga bunga nito. Nais kong isipin ng bawat Pilipino, mahirap man o mayaman, na ang pinakaligtas na lugar sa buong mundo, ay ang kanyang lupang tinubuan. I want every Filipino, rich or poor to feel that the safest place in the world for him is his own country. At sa dakong huli, umaasa akong mapagsasama-sama ko ang lahat ng mga Pilipino, upang matamo nila ang kapangyarihan na buhat sa nagkakaisang hangarin, sa ganitong pagkakaisa, maiiwasan natin ang krisis sa ating rehiyon, at makakamit natin ang pangarap ng ating sentenyal. Kalayaan. Kalayaan sa isang mapang-aping kahirapan. Isang bayang ligtas sa takot, at ang lahat at pantay-pantay sa pagkakataon. Nasa diwa at puso ng bawat Pilipino ang kalayaan, sa bansang ito, isang daang taon na ang nakararaan, nasulyapan sa Asiya ang unang liwanag ng kalayaan. Samahan ninyo si Erap, upang bigyan natin ng kakaibang ningning ang kalayaan sa buhay ng Masang Pilipino. Nitong huling labindalawang taon, malimit tayong nanawagan sa kapangyarihan ng sambayanan, sa people power alang-alang sa demokrasya at sa kaunlaran, at sa iba't-ibang bagay. SA tulong ng poong maykapal, at sa pamamagitan ng ating pagkakaisa, gamitin natin ang kapangyarihan ng sambayanan upang tiyakin ang tagumpay ng Masang Pilipino. Tandaan natin na walang tutulong sa Pilipino kundi kapwa Pilipino. Maraming salamat po.

You might also like