Alamat NG Lindol
Alamat NG Lindol
Alamat NG Lindol
Narrator:Noong unang panahon,may isang higanteng naninirahan sa isang malaking kweba sa lalawigan ng Bulubundukin. Siya ay si
Indol.Mapang-api si Indol kapag may kinaiinisan ay agad nitong bubuhatin at ibabalibag.
Tao:Wag!wag mo akong buhatin, wag mo akong patayin
Narrator:Marami na ang nasasaktan,nababalian ng buto at namatay dahil kay Indol
Indol:Grrrgg.. magiging alipin kita sa ayaw at sa gusto mo.
Tao:o-o, oo, bibigyan ka namin ng mga pagkain
Narrator:Sa takot na mapaaga ang buhay ay pumayag na lang ang mga tao na paalipin sa buhong dambuhala.
Indol:Ako ang makapangyarihan dito! Lahat ng ibig ko ay susundin nyo, wala akong kinatatakutan,babaliin ko ang mga leeg ng
sinumang hindi magdala ng handog sa akin, lahat ng masasarap na pagkain iaalay nyo sa akin, lahat ng masasarap na pagkain iaalay nyo
sa akin ako ang bathala! (Hahahaha! )
Narrator:Nangangalog ang tuhod ng mga tao ng humalakhak ng malakas ang higanteng abusado
Tao:Oo,ihahandog namin sayo
Narrator:Araw-araw ay dinadalhan si Indol ng mga usang napapana,baboy damong nasisibat,mga prutas na nasusungkit at mga gulay
na naani.Binubusog nila ito ng mga handog upang huwag mag alboroto.
Narrator:Isang gabi, ay bumuhos ang malakas na ulan.Matatalim na kidlatang gumuhit sa kalawakan.Sinundan iyon ng nakakatulig na
dagundong ng kulog
Narrator:Noon lamang nakakita ng ganoong katalim na kidlat ang mga mamamayan kahit na nakasara na ang mga bintana ay
nagliliwanag pa rin ang mga kidlat sa mga butas nilang dingding sa bawat kislap ng kidlat ay nagtalukbong sila ng kumot.Kung takot sila
sa higanteng abusado ay higit silang takot sa kislap ng kidlat.Nagsipagdasal sila sa kanilang mga anito upang palayuin ang matatalim na
mga kidlat.
Narrator:Kinabukasan,humupa ang malakas na ulan.Nakarating kay Indol ang labis na pagkatakot ng mamamayan.
Indol:Ako lang ang dapat nilang katakutan!.
Narrator:Galit ang naiinggit na higante sa sobrang inis ay hinintay na muli ni Indol ang malakas na pag-ulan.Matagal siyang
naghintay.lumabas siya sa kweba nang bumuhos ang malakas na ulan.Nang makita niya sa kalawakan ang pagguhit ng matalim na kidlat
ay hinabol niya ang mga ito.Nababali ang mga punong kahoy na kanyang natitisod.Nagkakagiba-giba ang mga bahay na kanyang
nasasagi.Nangamatay ang mga baboy-damong kanyang natatapakan.Takbo rito,takbo roon pero kahit ang bilis ang gawin niya ay wala
ring saysay.Hindi niya mahuli kahit isa man lang sa kumislap na mga kidlat.Sa sobrang galit ay lalong binilisan ni Indol ang paghabol!.
Indol:Grrrrrrgg!! Lalo ko pang bibilisan ang pagtakbo ko.
Narrator:Sa kasamaang palad ay napatid ang paa niya sa isang nakatumbang puno ng manga.Nahulog siya sa isang malalim na hukay.
Indol:Aaaaaahhhh!!
Narrator:Pinilit ni Indol na makaahon sa hukay pero lagi siyang dumudulas sa mga taong tinutungtungan.Sa tuwing magpipilit siyang
sumikad at lumundag ay yumayanig ang lupa na ikinahihilo ng mga tao sa kanilang mga bahay.
Tao:Si Indol iyan! Nagdadamba siguro kaya para tayong idinuduyan!
Narrator:Sinasabing hanngang sa kasalukuyan ay naroon sa malalim na hukay si Indol. Kapag nabasa ito ng ulan ay nagpipilit itong
makaahon.Kapag dumudulas sa mababatong hukay ay nagdadamba ditto.Kapag nararamdaman ng mga taga-bundok ang idinuduyang
kapaligiran ay sasabihin nilang:
Tao:Si Indol,.. Si Indol!
Narrator:Dito nagsimula ang pagtawag ng LINDOL.