Buod NG Ibong Adarna

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Buod ng Ibong Adarna

Nooy may isang kahariang tinatawag na Berbanya. Itoy pinamumunuan nila Haring Fernando at
Reyna Valeriana kasama ng kanilang tatlong anak na sina Don Pedro, ang panganay, Don Diego, ang
pangalawa at Don Juan, ang bunso na pawang mga prinsipe ng nasabing kaharian. Isang gabiy nanaginip
si Haring Fernando. Napanaginipan niyang may nagtapon daw kay Don Juan sa isang malalim na balon.
Nang magising ang hari, siyay nagsimulang magkasakit. Ipinayo ng mga manggagamot na ang tanging
kanta lamang ng Ibong Adarna na matatagpuan sa Bundok Tabor ang siyang makapagpapagaling sa sakit
ng hari. Unang nagtangka si Don Pedro ngunit siyay nabigo. Nang marating niya ang Piedras Platas, ang
punong tinitirhan ng Ibong Adarna, ay nahimbing siya sa awitin ng naturang ibon. Di sinasadyang
naiputan siya ng ibon at nanigas at naging bato. Sunod na nagtangka si Don Diego ngunit sinapit din niya
ang nangyari kay Don Pedro. Noon na tumulak sa paglalakbay si Don Juan na siya na lamang tanging
pag-asa ng Kahariang Berbanya,bago umalis si Don Juan ay humingi muna siya ng basbas sa hari.
Sinapit ni Don Juan ang landas patungong Bundok Tabor. Nasalubong niya sa daan ang isang
Matandang Leproso na nagpayo sa kanya na mag-ingat sa nakakahalinang ganda ng punong Piedras
Platas. Dahil si Don Juan ay may magandang kalooban, ibinigay niya ang kanyang kahuli-hulihang baon
na tinapay sa matandang lalaki na ketongin. Dahil dito, tinulungan siya ng ketongin kung papaano
matatagpuan ang Ibong Adarna. Iniwasan nga niya ang pagtigil sa nasabing puno at natanaw niya ang
isang bahay kung saan may matandang Ermitanyong nakatira. Ito ang tumulong sa kanya upang makuha
ang Ibong Adarna at mapabalik sa dati mula sa pagiging bato sina Don Pedro at Don Diego. Kapwa
tinahak ng tatlong prinsipe ang daan pabalik ngunit gumawa ng lalang sina Don Pedro at Don Diego.
Silang dalaway kapwa bumalik sa Kahariang Berbanya at iniwan si Don Juan na nakalupasay sa gitna ng
daan bunga ng tinamong bugbog. May naparaang isang Matandang Ermitanyo. Samantalang sa Kahariang
Berbanya ay hindi napaawit nina Don Pedro at Don Diego ang Ibong Adarna. Siya namang pagdating ni
Don Juan na nooy nanumbalik na ang dating lakas. Noon umawit ang Ibong Adarna at isinalaysay ang
kataksilang ginawa nina Don Pedro at Don Diego kay Don Juan. Nawala ang sakit ni Haring Fernando at
iniutos na parusahan and dalawang nagkasala. Sa pakiusap naman ni Don Juan ay pinatawad ng hari ang
dalawa.
Ang Ibong Adarna ay inalagaan sa loob ng palasyo ng tatlong magkakapatid ngunit muling
gumawa ng lalang sina Don Pedro at Don Diego. Pinakawalan nila ang ibon sa hawla nito nang minsang
mahimbing si Don Juan na nooy siyang nakatoka sa kasi pagbabantay bunga ng pagkakapuyat niya noong
mga nakaraang gabi. Nang maratnan ni Don Juan na wala na ang Ibong Adarna, naglayas siya sa kaharian
upang hanapin ang ibon. Nalaman ni Haring Fernando ang nangyari at iniutos kina Don Pedro at Don
Diego na hanapin si Don Juan. Natagpuan nga ng dalawa si Don Juan at sumumpa ang tatlo na silay
maglalagalag na lamang sa kagubatan ng Armenia. Sa kanilang paglalagalag ay nakatuklas sila ng balon
na kung saan sa ilalim nito ay may kaharian. Tanging si Don Juan ang nakapasok sa kaharian sa balon
samantalang matiyaga namang naghintay sa taas sina Don Pedro at Don Diego. Ngunit sa kabila ng mga
ito, naiingit si Don Pedro kay Don Juan at sinabi nya kay Don Diego ang kanyang masamang balak kay
Don Juan para sila ay mabigyan ng posisyon sa kaharian. Sumang-ayon si Don Diego sa masamang balak
ng kanyang kapatid. Kanilang sinaktan si Don Juan hanggang sya ay mawalan ng malay. Samantala,
nagdasal si Don Juan dahil sa hindi siya halos makagapang sa bugbog na tinanggap mula sa dalawang
kapatid. Natagpuan ni Don Juan si Donya Juana na nooy bihag ng isang higante. Nang mailigtas si

Donya Juana buhat sa kuko ng higante ay iniligtas naman ni Don Juan si Donya Leonora, ang kapatid nito
na bihag ng isang serpyenteng may pitong ulo. Nagawa ni Don Juan na matalo ang serpyente at silang
dalawa ni Donya Leonora ay naging magkasintahan. Muling umakyat si Don Juan kasama na ang
dalawang donya palabas ng balon. Ngunit may naiwanang singsing si Donya Leonora na pinamana sa
kanya ng kanyang mga magulang kayat kinailangan muli ni Don Juan na bumalik pababa. Nang siyay
malapit ng makaahon ay gumawa na naman ng lalang sina Don Pedro at Don Diego na may sampung
dipang lalim ang balon. Kanilang pinutol ang lubid na siyang kinakapitan ni Don Juan. Bumagsak si Don
Juan at siyay nagtamo ng matinding sugat samantalang sapilitan namang isinama ng dalawang prinsipe
and dalawang donya patungong Berbanya. Ikinasal sina Don Diego at Donya Juana ngunit nanaghoy si
Donya Leonora sa pagkakahiwalay nila ni Don Juan.
Samantalang isang lobo na alaga ni Donya Leonora ang gumamot kay Don Juan. Tinulungan siya
nitong makaahon sa balon. Noon muli niyang nakita ang Ibong Adarna na nagpayo sa kanya na limutin na
si Donya Leonora sapagkat makakakilala siya ng bagong mamahalin sa Kahariang tinatawag na Reino
Delos Cristales. Kapagkadakay nalimot nga niya si Donya Leonorangunit patuloy niyang hinanap ang
berbanya niyang mahal. Tinulungan siya ng tatlong ermitanyong nasalubong niya ang isa ay 100 taong
gulang na athindi siya ito natulungan ngunit nagpayo na pumunta sa kanyang kapatid na 500 taon gulang
na ngunit sa tanda niyang iyon, hindi niya malaman kungsaan ang Reyno Delos crystales kayat pinapunta
niya ito sa kanyang kapatid na 800 taong gulang na at siyay pinasakay sa isang malaking agila patungong
Reino Delos Cristales at sinabi na sa kahariang iyon, may makikilala siyang dilag na laging naliligo
tuwing 4 ng madaling araw, kungkayat kailangan niyang magmadali doon niya makikita sa kaharian ang
daan patungong Berbanya. Nakikilala niya si Donya Maria Blanca, anak ni Haring Salermo. Hiningi ni
Don Juan kay Haring Salermo ang kamay ni Donya Maria Blanca na nooy naging magkasintahan na
subalit kung magagawa nito ang mga pagsubok na iaatas sa kanya ng hari.
Pitong pagsubok ang pinagdaanan ni Don Juan at itoy pawang matagumpay sa pamamagitan ng
mahika ni Donya Maria Blanca. Subalit napag-alaman ni Donya Maria Blanca na ibig ipakasal sa isang
tiya sa Inglatera ng kanyang ama si Don Juan. Nagkaroon ng labu-labo at nagtanan ang dalawang
magkasintahan subalit isinumpa ni Haring Salermo na malilimot ni Don Juan si Donya Maria Blanca
kapag may ibang babae ang unang tumingin sa mata ni Don Juan. Nangyari nga ang sumpa ni Haring
Salermo kayat si Don Juan ay itinakdangipakasal kay Donya Leonora. Nagalit si Donya Maria Blanca at
sa araw ng kasalan ay dumating itong bihis ang isang magandang kasuotan at sakay sa magarangkarosa.
Sa pamamagitan ng mahika ni Donya Maria Blanca ay naalala ni Don Juan kung sino ang tunay niyang
iniibig at hiniling na niyang silang dalawa ni Maria Blanca ay ipakasal. Mariing tumutol si Donya
Leonora at nagkaroon ng ilang pagpapaliwanag at pagtatalo. Isinangguni sa arsobispo ng Berbanya ang
naturang usapin at iminungkahi nitong dapat pakasal si Don Juan kay DonyaLeonora. Nagalit si Donya
Maria Blanca at pinabaha ang buong palasyo sa tulong ng kanyang mahika. Si Don Juan na ang
nagpasiya. Ibig niyang makasal sila ni Donya Maria Blanca at sina Donya Leonora at Don Pedro naman.
Natuloy nga ang kasalan at hinirang ni Haring Fernando na bagong hari at reyna ng Kahariang Berbanya
sina Don Juan at Donya Maria Blanca. Tumutol ang huli sapagkat babalik daw sila sa Kahariang Reyno
Delos Crystales kayat nauwi ang trono kina Don Pedro at Donya Leonora. Sina Don Juan at Donya Maria
Blanca ay bumalik nga sa Kahariang Reyno Delos Crystales at silang dalawa ang namuno roon.

You might also like