Linggwistika - Part 1

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 16

SUCCEED REVIEW CENTER

LICENSURE EXAMINATION FOR TEACHERS

ANO ANG MAAASAHAN DITO


MAJORSHIP: FILIPINO
AREA: LINGGWISTIKA (PART 1)
LET Kompetensis:
1.
2.
3.
4.
5.

Natatalakay ang paglinang ng Wikang pambansa at pag-unlad nito


Natutukoy ang ebolusyon ng Surian ng Wikang Pambansa
Nailalahad ang pagbabagong naganap sa alpabetong Filipino
Natitiyak ang mga batas pangwikang kaugnay sa pagsulong ng wikang Filipino
Nagagamit ang batayang kaalaman sa Linggwistika sa mabisang pamamahayag sa pagsusuri
ng mga pangungusap/sugnay/parirala/pantig/titik
6. Nagagamit ng wasto ang mga salita, parirala sa pangungusap
7. Mabisang nagagamit ang mga matalinghagang pananalita/tayutay sa pakikipagtalastasan o
komunikasyon

BAHAGI I: Mga Batayang Kaalaman. Teorya at Simulain sa Paghahanda ng Pagsusulit

A. TALA NG IMPORMASYON PARA SA KOMPETENSI


MGA BATAS,KAUTUSAN,MEMORANDUM AT SIRKULAR NA MAY KINALAMAN SA
WIKANG PAMBANSA.
Proklama Blg.12(1954)
-

Nilagdaan ng Pangulong Ramon Magsaysay na nagpapahayag ng pagdiriwang ng Linggo


ng Wika simula sa Marso 29 hanggang Abril 4 ayon sa mungkahi ng Surian ng Wikang
Pambansa.

Proklama Blg.186(1955)
-

Nilagdaan ng Pangulong Magsaysay at sinususugan ang Proklamang Blg. 12, s.1954.


Itinakda ang pagdiriwang ng Linggo ng Wika simula sa ika-13 hanggang 19 ng Agosto
taun-taon.

Kautusang Tagapagpaganap Blg.60, s. 1963


-

Nilagdaan ng Pangulong Diosdado Macapagal na nag-uutos na awitin ang Pambansang


Awit sa titik nitong Filipino.

Kautusang Tagapagpaganap Blg.96, s. 1967


-

Nilagdaan ng Pangulong Ferdinand Marcos at nagtatadhana na ang lahat ng edispisyo,


gusali at tanggapan ng pamahalaan ay pangalanan sa Filipino.

Memorandum Sirkular Blg.199 (1968)


-

Nilagdaan ni Kalihim Tagapagpaganap Rafael Salas at ipinag-uutos na ang mga


letterheads ng mga tanggapan ng pamahalaan ay isulat sa Filipino, kalakip ang kaukulang
teksto sa Ingles. Ipinag-utos din na ang pormularyo sa panunumpa sa tungkulin ng mga
pinuno at kawani ng Pamahalaan ay sa Filipino gagawin.

Memorandum Sirkular Blg. 199 (1968)


-

Itinatagubilin ang pagdalo sa seminar sa Filipino ng mga kawani ng pamahalaan. Ang


seminar ay idaraos ng Surian ng Wikang Pambansa sa ibat ibang rehiyong linggwistika ng
kapuluan.

Kautusang Tagapagpaganap Blg.187 (1969)


-

Nilagdaan ng Pangulong Marcos at nag-uutos sa lahat ng kagawaran, kawanihan,


tanggapan at iba pang sangay ng pamahalaan na gamitin ang wikang Filipino hanggat
maaari sa Linggo ng Wikang Pambansa at pagkaraan man nito sa lahat ng opisyal na
komunikasyon at transaksyon.

Memorandum Sirkular Blg.384 (1970)


-

Pinalabas ni Kalihim Tagapagpaganap Alejandro Melchor na nagtatalaga ng mga may


kakayahang tauhan upang mamahala ng lahat ng komunikasyon sa Filipino sa lahat ng
kagawaran, kawanihan, tanggapan at iba pang sangay ng pamahalaan kabilang ang mga
korporasyong ari o kontrolado ng pamahalaan.

Kautusang Tagapagpaganap Blg.304 (1971)


-

Nilagdaan ng Pangulong Marcos na nagpapanatili sa dating kayarian ng Surian ng Wikang


Pambansa at nililiwanag ang mga kapangyarihan at tungkulin nito.

Atas ng Pangulo Blg.73 (1972)


-

Nilagdaan ng Pangulong Marcos at nag-aatas sa Surian ng Wikang Pambansa na ngayon


ay kilala bilang Komisyon sa Wikang Filipino na isalin ang teksto ng Saligang Batas sa
mga wikang sinasalita ng mga limampung libong (50,000) mamamayan alinsunod sa
Probisyon ng Saligang Batas Artikulo XV Seksyon 3.

Memorandum Pangkagawaran Blg.25 s. 1974


-

Nilagdaan ni Kalihim Juan Manuel na itinatagubilin sa mga guro ang mga bagong tuntunin
sa ortograpiyang Filipino.

Memorandum ng MECS Blg.203, s. 1978


-

Accelerating the Attainment of the Goals of Bilingual Education

Kautusang Pangkagawaran Blg.22, s.1987


-

Paggamit ng Katagang Filipino sa Pagtukoy sa Wikang Pambansa ng Pilipinas.


Nilagdaan ni Kalihim Lourdes R. Quisumbing ng Kagawaran ng Edukasyon, Kultura at
Isports.

B. Dagdag na Tala ng Impormasyon para sa Kompetensi 4


Ang wikang pambansa ay nalinang at patuloy na pinauunlad at isinusulong ayon na rin sa
itinakda ng Saligang Batas sa probisyong pangwika nito. Basahing mabuti at paghambingin ang
mga ito.
Artikulo XIV, Seksyon 3 ng Saligang Batas (1935) Ang kongreso ay gagawa ng mga hakbang
tungo sa pagkakaroon ng isang wikang pambansa na ibabatay sa isa sa umiiral na katutubong
wika. Hanggat itinatadhana ng batas, ang Ingles at Kastila ay patuloy na magiging wikang
opisyal.
Artikulo XIV, Seksyon 3 (1973):1) Ang Pambansang Asembleya ay gagawa ng mga hakbang
tungo sa paglinang at pormal na adopsyon ng isang pambansang wika na tatawaging Filipino.
Hanggat walang ibang itinatadhana ang batas, patuloy na wikang opisyal ang Ingles at Pilipino.

C. Dagdag Impormasyon sa Kompetensi 5


1. Ponolohiya(PALATUNUGAN) Ponema- makahulugang tunog
1.1 Ang Filipino, tulad ng alinmang wika sa daigdig ay binubuo ng mga tunog. Ang Filipino
ay may 21 ponema 16 katinig / p, t, k, b, d, g, m, n, ng, s, h, l, r, w, y, o / at 5 patinig / I, e,
a, o, u, / .Ang bawat makabuluhang tunog ay tinatawag na ponemang segmental o ponema.
1.1.1 Ang bawat ponema ay inererepresenta sa pagsulat ng isang letra maliban sa / o / ng
digrapo ng at sa /o / ng gitling (-)magalis vs. mag-alis at ng tuldik sa / ba; ta/ bata, / pasa / - pasa. Gayundin, ang /h/ kapag nasa posisyong pinal ay maaaring
irepresenta ng tuldik na (/) / sa:yah / vs. / sayah / saya vs. say .
1.1.2 Diptonggo. Alinmang patinig na sinusundan ng / w / o / y / sa loob ng isang pantig:
sa-liw: si-piy, rey-na.
1.1.3 Klaster. Magkakabit na dalawang magkaibang katinig sa isang pantig. Parami nag
parami ang mga klaster dahil sa panghihiram sa Ingles at Kastila.
Klase, nars, plan-tsa, kard, ab-sent, re-laks, shorts
1.2 Ponemang suprasegmental. Pantulong sa ponemang segmental upang higit na maging
mabisa ang paggamit ng 21 ponemang segmental sa pakikipagtalastsan.
1.2.1 Tono. Taas baba sa pagbigkas ng pantig ng isang salita upang higit na maging
mabisa ang komunikasyon sa kapwa.
3
2 kaha pon
2 ka hapon 3
1
1
Kahapon.Kahapon?
1.2.2 Haba at diin. Haba haba o ikli ng bigkas sa patinig ng pantig ng salita. Diin lakas
o hina ng bigkas sa pantig ng salita. / pi: toh / -whistle /pitoh/-seven

1.2.3. Antala. Saglit na pagtigil sa pagsasalita upang higit na malinaw N mensaheng ibig
ipabatid.
Hindi puti! Its not white! Hindi siya ang kumuha
Hindi, puti! Its white! Hindi, siya ang kumuha.
2. Morpolohiya (PALABUUAN) Morpema- pinakamaliit nay unit ng isang salita na nagtataglay ng
kahulugan. Maganda = ma- + ganda; kagandahan= ka--an+ganda
2.1. May tatlong anyo ang morpema- ponema, panlapi, salitang-ugat.
Propesor- propesora; ma- + galang; umpisa, sampalok
2.2. Pagbabagong morpoponemiko. Pagbabago sa karaniwang anyo ng isang morpema sa
salita.
2.2.1. Asimilasyon. pambansa=pang-+ bansa pambansa
2.2.2. Pagpapalit ng ponema. Marapat=ma-+dapat
2.2.3. Metatesis .aptan=atip+-an; niluto= luto +- in
2.2.4. Paglilipat-diin. Basa- basahin; laro-laruan
2.2.5. Pagkakaltas. Sakayan-sakyan;takipan-takpan
2.2.6. Gradasyon. Tiket +-an=tikitan; regalo+-an=>regaluhan
2.2.7. Reduksyon. Tapsilog tapa +sinangag+ itlog
2.3 Sa tambalang salita , may gitling kung mananatili ang kahulugan ng 2 salitang pinagtambal o may
nawawalang kataga lamang: asal hayop, ingat-yaman, urong-sulong. Subalit walang gitling kapag
nawawala ang kahulugan na basagulo, hampaslupa, dalagambukid, bahagari.
2.4 Wastong pag-uugnay ng mga pangngalan.
2.4.1 Nakita kosila ni Juan. Lilinisin natin nina Maria ang bahay.
2.4.2 Nagbabasa ng dyaryo ang babae= babaeng nagbabasa ng dyaryo

Amerikanong may pera si Bob=May perang Amerikano si Bob.


2.4.3 Matrix 1. Mahal ang damit

2.Mahal ito

Constituent: Ito ang damit

Damit ito

Resultant: Mahal ang damit na ito

Mahal itong damit.

2.4.4 Si Pedro, ang mangingisda, ay dumating kahapon.


Si Pedrong mangigisda ay dumating kahapon.
2.4.5Siya bilang panandang pangkontrast.
Hindi, Si Rosa ang siyang nakita niya.
Ang mga libro ang siyang nakita niya.
2.4.6 Gamit ngnang- mga nakatakda nang lumisan.
Tumawa nang malakas
Humingi ng tinapay

takda ng paglisan
nakasulat ngtulanang mahusay

2.4.7 Kapag nasa unahan ang pang-abay na panuring nagbi-bigay ito ng diin o empasis. Alas
nuwebe gagawin ang handaan. Sa lunes idaraos ng samahan ang handaan. Sa bahay
ko napagkaisang gawin ang handaan.
2.4.8 taga-Maynila taga-Rizal ika-1:00 ng hapon
Tagalunsod makatao

ikaisa ng hapon

2.4.9kata=ikaw at ako; nita=ko at mo; kanila=akin at iyo; kita=ko at ikaw


Kata ay maglalaro.Ikukuha kita ng tubig.
Laruan nita ito.

Kanita ang tubig na ito.

3. Sintaksis (PALAUGNAYAN) Pag-uugnay-ugnay ng mga salita upang makabuo ng


pangungusap at pag-uugnay-ugnay ng mga pangungusap sa pagbuo ng diskurso.
3.1 Ang pangungusap ay isang sambitlang may patapos na himig sa dulo na nagpapahayag
ng isang diwa.
Cora! Aruy! May tao! Halika. Magandang gabi po Opo.
3.2 Ayos ng pangungusap karaniwan. Nag-aaral siya.
Baligtad na ayos. Siya ay nag-aaral.
3.3 Pandamdam (Interjections) pagpapahayag ng saloobin at emosyon.
Pagsang-ayon- Bweno, oo nga.
Kasiyahan- sapak!
Dismaya- Ay! Sayang!
Pagkagulat- Aha!
Bantulot- Este.
Walang katiyakan- bahala na!
Disgusto- A, ganoon!
Pagbibigay-babala- hep! Kordon
Sakit- Aray!
Ibang pang-uri-Terible! Tama!
3.4 Ingklitik o paningit bilang pampalawak.
Bakit ka nga ba hindi dumating?
Saan nga po ba ang punta niyo?
C. Dagdag Impormasyon sa Kompetensi 6
3.5.1Oras na, sa sandaling. Nagpapahayag ng matinding emosyon.
Magpapakamatay ako; oras na maging di-matapat ka sa akin.
Darating ako; sa sandaling kailanganin mo ako.
3.5.2Bago+ batayang anyo. Bago magsimula ang miting, nandoon na ako. Bago matapos ang
lahat, ibig ko nang magpasalamat.

3.5.3 ay-imbersyon. Istilong pormal. Kayo ay mabait. Ang mga anak ay


kayamanan ng mga magulang.
Pagbibigay-diin.NoongLunes ay ipinagbili niya ang baby ko.
Madalas ay pumupunta siya rito.
3.5.4Emphatic vs. non-emphatic. Dito nagtatayo ng bahay si Juan. Magtatayo
ng bahay dito si Juan.
Dahil sa iyo, akoy lumigaya. Akoy lumigaya nang dahil sa iyo.
3.5.5 Ayaw, aywan, dili at ni (negasyon)
Ayaw niyang sumama.
Magsalita dili siya sa akin.
Aywan ko kung nasan siya.
Hindi siya nagdala ni lapis.
3.5.6 Huwag-negasyon. Huwag kayong umalis.
Pero: Huwag na hindi kayo umalis. (apirmatibo)
3.5.7 Tiyak vs. di-tiyak sa paggamit ng ang.
Amerikana ang titser.Ang Amerikana ang titser.
Naroon ang gusto ko.
Ang naroon ang gusto ko.
3.5.8 Pangungusap na may dalawang kahulugan.
Pinatay niya ang puno kahapon.
Pula at puti ang mga baso.
3.5.9 Wastong posisyon ng mga bahagi ng pangungusap.
Inilagay ang aklat sa mesa ng titser (Malabo)
Inilagay ng titser sa mesa ang aklat (Malinaw)
Itinago ng guro ang basahang pampunas sa aparador.
Itinago ng guro sa aparador ang basahang pampunas.

3.6 Ang pokus ay ang semantikong pagkakaugnayan ng paksa (simuno) at ng pandiwa na


ipinahahayag sa tulong ng mga panlapi. Kapag nagbago ang pokus ay nagbabago rin ang
panlapi ng pandiwa.Ang ganitong semantikong pagkakaugnay ng paksa at ng pandiwa ay
dapat pagsanayan sapagkat dito malimit mabago o lumabo ang diwa.Hal.
Binigyan ang kuya ng pera ni nanay.
Binigyan ng kuya ng pera ang nanay.
Nagtanim ng halaman ang tatay.
Tumingin sa halaman ang tatay.
Tiningnan ng tatay ang halaman.

D. Dagdag na Impormasyon sa Kompetensi 7


Ang wikang Filipino ay mayaman sa mga sawikain at salitang patambis. Kung ginagamit ang
mga ito, ang pahayag ay nagkakaroon ng higit na bisa na kung minsan ay hindi tuwirang
masabi ang mga ito.
Ang sawikain (idioms) ay mga salita o pagpapahayag na karaniwang ginagamit sa araw-araw.
Ang mga pahayag na itoy nagbibigay, hindi ng tiyakang kahulugan ng bawat salita, hindi ng
ibang kahulugan.
Ang ating lahi, bilang bahagi ng mga taga-Silangan, ay mahilig sa pagsasalita at pagsulat
nang patalinghaga. Ang ating wika, gayon din ang ating Panitikan, ay mayamang-mayaman sa
mga salitang ginagamit na patalinghaga na tinatawag nating mga tayutay.
Ang mga karaniwang tayutay ay:
1. Pagtutulad (Simile)
2. Paghahalintulad (Analogy)
3. Pagwawangis (Metaphor)
4. Pagmamalabis (Hyperbole)
5. Pagbibigay-tauhan (Personification)

6. Pagpapalit-tawag (Metonymy)
7. Pagpapalit-saklaw (Synecdoche)
Narito ang ilang halimbawa ng mga tayutay:

Pagtutulad
- Ang pagmamahal ng Diyos sa tao ay para ng walang katapusang araw at gabi.
Paghahalintulad
- Ang panghalina ni Anita kay Ben ay katulad ng pang-akit ng bulaklak sa paru-paro.
Pagwawangis
- Ang Panginoon ay aking pastol ngayon at kailanman.
Pagmamalabis
- Pinawi ng nagdaang bagyo ang buong nayon ng Malanday.
Pagbibigay-tauhan
- Kamatayan, nasaan ang bangis mo?
Pagpapalit-tawag
- Bininyagan ng mga Kastila ang buong Kapuluan.
(Ang Kapuluan ay ipinapalit sa mga Pilipino)
Pagpapalit-saklaw
- Hiningi ng binata ang kamay ng dalaga.
(Ang kamay ang sumasaklaw sa kabuuan ng dalaga)
BAHAGI II- Mga Teknik sa Pagsagot ng mga Tanong

Kompetensi 1: Natatalakay ang paglinang ng wikang pambansa at pag-unlad nito

Aytem 1.Ang Pilipino ay binubuo ng may 7,107 mga pulo na pinanahanan ng milyun-milyong
mamamayang may humigit-kumulang na 87 ibat ibang wikang sinasalita. Hindi sila nagkaroon noon
ng isang wikang katutubong masasalita sanhi marahil na rin sa pagkakabukod-bukod sa mga pulo.
Ang hakbang tungo sa paglinang ng wikang pambansa ay nagsimula noong ___________.
A.
B.
C.
D.

Panahon ng Kastila
Panahon ng Propaganda at Himagsikan
Panahon ng Amerikano
Panahon ng Malasariling Pamahalaan

Ang wastong sagot ay D.


Sa pagkakatatag ng Malasariling Pamahalaan (Komonwelt) at sa ilalim ng pamumuno ni
Pangulong Manuel L. Quezon nagkaroon ng malaking hakbang tungo sa pagkakaroon
ng Pilipinas ng isang wikang Pambansa.
Ang opsyon A ay hindi tama, dahil noong Panahon ng Kastila, kahit ipinag-utos ng
hari ng Espanya na turuan ng Kastila ang mga Pilipino, hindi ito sinunod ng mga prayle
at sa halip sila ang nag-aral ng ibat ibang wika sa Pilipinas.
Ang opsyon B ay di rin tama dahil noong panahong ito ay marami-rami na ring
Pilipino na nakapag-aral at nagsisulat sa kani-kanilang wika at Kastila.
Ang opsyon Cay mali din dahil noong Panahon ng Amerikano, naniwala ang mga
Kawal-Amerikano na mahalagang mapalaganap agad sa kapuluan ang wikang Ingles
para sa mabuting pakikipagtalastasan ng mga Amerikano sa mga Pilipino.
Aytem 2. Ang wikang pambansa ay ang wikang pinagtibay ng batas na gagamitin ng pamahalaan sa
pakikipagtalastasan sa kanyang mga mamamayang nasasakupan sa larangan ng edukasyon,
pamamahala at pangangalakal. Alin ang nakatakda sa paglinang ng isang wikang pambansa?
A. Batas Komonwelt Blg.184

B. Batas Komonwelt Blg.570


C. Artikulo IV,Pangkat 3 ng Saligang Batas 1935
D. Kautusang Tagapagpaganap Blg.263
Ang wastong sagot ay C.
Isinasaad sa probisyong pangwika sa Artikulo IV,Pangkat 3 ng Saligang Batas
(1935)na, ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagkakaroon ng isang
wikang pambansa na ibabatay sa isa sa umiiral na katutubong wika.
Ang opsyon Aay nagtakda na lumikha ng isang lupon at binigyang kapangyarihan na
piliin ang katutubong wikang pagbabatayan ng wikang pambansa.
Ang opsyon Bay nagpatibay na gawin ding wikang opisyal ang pambansang wika,
kasama ng Ingles at Kastila.
Ang opsyon Day nagbibigay-pahintulot sa paglilimbag ng isang disyunaryo at balarila
ng wikang pambansa.

Aytem 3.Ang unang lupon na itinatag upang pag-aralan kung aling wikang katutubo ang
pagbabatayan ng wikang pambansa ay gumamit ng mga panukatan. Alin ang hindikasama sa
panukatang ginamit?
A.
B.
C.
D.

Pangunahing wikang sinasalita at nauunawaan ng higit na nakakarami.


Ang wikang sinasalita ng maraming kasapi sa lupong nag-aaral sa mga wika.
Wikang may mayamang panitikang nasusulat.
Wikang sinasalita at ginagamit sa sentro ng pamahalaan, komersyo at edukasyon.

Ang wastong sagot ay B.


Ang mga kasapi ng lupon ay mga kinatawan ng mga pangunahing wikang sinasalita
sa bansa.
Ang lupon ay binubuo nina:Jamie de Veyra-Bisaya(Tagapangulo), Santiago
Fonacier-Ilokano (Kagawad), Casimiro Perfecto (Bikol), Felix Salas Rodriguez (Bisaya),
Felimon Sotto (Bisaya), Hadji Butu (Maguindanao), Cecilio Lopez-Tagalog (Tagatala), at
nakasama rin ang iba pang kinatawan ng pangunahing wika, Lope K. Santos.Tagalog,
Zoilo Hilario- Pampango, Jose Zulueta, Pangasinense at Isidro Abad. Bisaya.
Ang mga opsyon A, C at D ang tatlong panukatang pinagbatayan sa pagpili ng
Tagalog bilang batayan ng wikang pambansa na sa bisa ng Kautusang Tagapagpaganap
Blg.134 ng Pangulong Quezon.
Aytem 4.Nang malinang ang wikang pambansa batay sa tagalong, ibat ibang pangyayari ang
naganap upang patuloy itong paunlarin. Aling pangyayari nang magkaroon ng daluyong ang langitlangitan ng wikang pambansa?
A. Nang binunuo ng mga delegado ng Kumbensyong Konstitusyonal 1972 ang bagong Saligang
Batas.
B. Nang masakop ng Hapon ang kapuluan na di pa natatalagang ipinatuturo ang wikang
pambansa.
C. Nang panahon ng Bagong Lipunan na pinatupad ang Batas Militar.
D. Nang pairalin ang Patakarang Edukasyong Bilinggwal noong 1974 sa mga paaralan.

Ang wastong sagot ay A


May ilang kinatawan na nagmungkahi na gawing wikang pambansa ang Ingles dahil
sinasalita ito ng maraming Pilipino. May nagmungkahi rin na kumuha ng kaunting salita ng
Ilokano, kaunting Bikol, kaunting Hiligaynon, at kaunti ng iba-ibang wika, pagsasamahin
ang mga ito upang siyang maging wikang pambansa, amalgamadong wikana hindi
imposibleng mangyari.
Sa mga pangyayari sa opsyong B,C at D ang wikang pambansa ay nagkaroon ng
malaking pagkakataon na sumulong at umunlad.
Aytem 5. Ang wikang pambansa ay patuloy na nalilinang upang patuloy na umunlad sa edukasyon.
Aling Kautusang Pangkagawaran ang nakapagbigay ng pinakamalaking pagkakataon upang
sumulong ang wikang Filpino?
A.
B.
C.
D.

Kautusang Pangkagawaran Blg. 7, s. 1959


Kautusang Pangkagawaran Blg. 24, s. 1962
Kautusang Pangkagawaran Blg.81, s. 1987
Kautusang Pangkagawaran Blg.25, s. 1974
Ang wastong sagot ay D.
Ang kautusang ito ay nagtakda ng mga panuntunan sa pagpapatupad ng
Patakarang Edukasyong Bilinggwal. Sinundan pa ito ng Kautusang Pangkagawaran
Blg.52, at Blg.54, s. 1987.
Ang opsyon A ay nagpapabatid na kailanman at tinutukoy ang wikang pambansa,
Pilipino ang tawag dito dahil mahigit nang 21 taong nalinang ang wikang pambansa,
ang tinawag lang dito ay wikang pambansa at di pa nga wikang pambansa batay sa
Tagalog.
Ang kautusan sa opsyon C ay nauukol sa alpabeto at patnubay sa ispeling ng
wikang Filipino.

Kompetensi 2:Natutukoy ang ebolusyon ng Surian ng Wikang Pambansa


Aytem 6. Ang Batas Komonwelt Blg.184 (1936) ay lumikha ng isang lupon at itinakda na siyang pipili
ng isang katutubong wika na pagbabatayan ng wikang pambansa.nagpatuloy ito sa tungkulin ng
pagpapaunlad ng wikang pambansa at nakilala sa ibat ibang pangalan ang tanggapang ito. Alin ang
wastong pagkakasunod-sunod na pagbabago sa pangalan nito hanggang sa kasalukuyan?
A. Lupon Surian ng Wikang Pambansa Linangan ng mga Wika sa Pilipinas Komisyon sa
Wikang Filpino
B. Surian ng Wikang Pambansa LInangan ng mga Wika sa Pilipinas Komisyon sa Wikang
Filpino
C. Linangan ng mga Wika sa Pilipinas Surian ng Wikang Pambansa Komisyon sa Wikang
Pambansa
D. Komisyon sa Wikang Filipino Surian ng Wikang Pambansa Linangan ng mga Wika sa
Pilipinas
Ang wastong sagot ay B.
Ang KWF ang pumalit sa Linangan ng mga Wika sa Pilipinas (LWP) na pumalit naman
sa Surian ng Wikang Pambansa (SWP) sa bisa ng Kautusang Tagapagpaganap
Blg.117 na nilagdaan ng Pangulong Aquino noong Enero 1987.
Ang opsyon A ay mali dahil ang lupon ay nasabi na sa tanong.
Ang opsyon C at D ay hindi nagpakita ng tamang ayos.

Aytem 7.Ano ang pangkalahatanglayunin ng Komisyon sa Wikang Filipino upang mapaunlad,


mapalaganap, at mapanatili ang Filipino at iba pang wika?
A.
B.
C.
D.

Magsagawa, mag-ugnay at magtaguyod ng mga pananaliksik


Magsagawa ng mga seminar at palihan
Makipag-ugnayan sa ibat ibang ahensya
Maglimbag ng mga aklat at diksyunaryo

Ang wastong sagot ay A.


Kompetensi 3: Nailalahad ang pagbabagong naganap sa alpabetong Filipino

Aytem 8.Bilang pagtugon sa mabilis na pagbabago, pag-unlad at paglaganap sa wikang pambansa


ang alpabeto ng wikang Filipino ay umagapay rin sa pagbabago. Alin ang nagpapakita ng wastong
pagbabagong naganap sa alpabetong Filipino?
A.
B.
C.
D.

Alifbata abakada alpabetong Filipino


Alifbata abakada abecedario alpabeto
Alifbata alpabeto abakadang Tagalog
Alifbata abecedario abakada alpabeto

Ang wastong sagot ay D.


Ang alifbata o alibataang matandang sistema ng wikang Tagalog na may 14 na katinig at 3
patinig (a, i, u). Napalitan ito ng abecedarioo Romanong alpabeto ng Kastila na tinawag na
abecedarioayon na rin sa tawag sa mga unang letra: a, be, ce, de, e .Nang malinang ang
wikang pambansang batay sa Tagalog, ginamit ang abakadang Tagalogna may 20 titik 15
ang katinig at 5 patinig at tinawag na ang mga a, ba, ka, da, e, gaNang baguhin ang
Saligang Batas noong 1972,nabago na rin ang abakada at tinawag na Alpabetong Filipino
1973na may 31 letra (20 abakada = 11 letrang hiram c, ch, f, j, ll, , q, rr, v, x, at z). At nang
baguhin uli ang Konstitusyon noong 1987, ang alpabeto ay nagging alpabetong Filipino 1987
na may 28 letra (20 letra ng abakada at 8 hiram na letra c, f, j, , q, v, x, at z) at nanatili
hanggang 2001 nang baguhin ang ortograpiya hanggang sa kasalukuyan.
Ang mga opsyon A,B at C ay hindi nagpapakita ng ganitong pagkakasunod-sunod.
Aytem 9.Ang Kautusang Pangkagawaran Blg.81, s. 1987 na may pamagat na Ang Alpabeto at
Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino ay nagsagawa ng reporma sa alapabeto at sa mga tuntunin
ng ortograpiyang Filipino. Alin sa sumusunod ang hindi kaugnay sa gawaing ortograpiya ng isang
wika?
A.
B.
C.
D.

Kung paano ang pagbasa at pagsulat sa wikang ito.


Kung ilan ang mga letrang binubuo sa alpabeto nito
Kung paano tatawagin o ngangalananang mga letrang ito
Kung ano ang mga tuntunin dapat sundin sa ispeling gamit ang mga letra ng alpabeto

Ang wastong sagot ay A.


Ang ortograpiya ng isang wika ay tumutukoy sa sistema ng pagsulat ng wikang ito at hindi
kasama kung paano ka magbabasa sa wikang ito.
Ang opsyong B, C at D ay kaugnay lahat sa gawaing ortograpiya ng wikang Filipino.

Aytem 10.Alin sa sumusunod anghindikasama sa pagbabagong ipinasok na reporma sa


ortograpiyang Filipino noong 1987?
A. Ang pagbaybay sa Filipino ay di papantig kundi patitik
B. Ang bigkas ng letra ay bigkas Ingles ng mga Filipino maliban sa enye () na bigkas Kastila
C. Ang 8 letrang hiram ay gagamitin sa pagbaybay ng mga karaniwang salita na bago pa lang
ginagamit
D. Ang 8 letrang hiram ay gagamitin sa pantanging ngalan, salitang teknikal at mga salitang may
unikong katangiang kultural mula sa ibat ibang katutubong wika
Ang wastong sagot ay C.
Ang paggamit ng 8 letrang hiram sa pagbaybay na mga karaniwang salita na di pa naaasimila
sa leksikon ng Filipino ay repormang nilinaw sa ortograpiya ng alpabetong Filipino noong
2001.
Kompetensi 4: Natutukoy ang Batas pangwikang kaugnay sa pagsulong ng wikang
Filipino
Aytem 11.Upang mapabilis ang pagsulong ng wikang Filipino, ang pangulo ng bansa ay nag-atas o
nagproklama. Alin ang atas nagpapahayag na ang pagdiriwang ng Linggo ng Wika ay simula sa ika13 hanggang ika-19 ng Agosto taun-taon?
A. Proklama Blg.12 (1954)
B. Proklama Blg.186 (1955)

C. Atas ng Pangulo Blg. 73 (1972)


D. Atas ng Pangulo Blg. 335

Ang wastong sagot ay B.


Ang opsyon A ay nagpapahayag ng pagdiriwang ng Linggo ng Wika simula sa Marso 29
hanggang Abril 4 ayon sa mungkahi ng Surian ng Wikang Pambansa na itinaon sa kaarawan ni
Francisco Balagtas.
Ang opsyon C ay nag-atas sa SWP na isalin ang teksto ng Saligang Batas sa mga wikang
sinasalita ng mga 50,000 mamamayan.
Ang opsyon D ay nag-aatas sa lahat ng ahensya, tanggapan, byuru, dibisyon, departamento,
yunit o instrumentality na gamitin ang Filipino sa kanilang transaksyon opisyal sa pasalita at
pasulat na komunikasyon.
Aytem 12.Ang probisyong pangwika ng Saligang Batas 1987 sa Artikulo XIV Sek.6 ay nagsasaad:
Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nalilinang, ito ay dapat payabungin at
pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika. Bakit kaya naging
ganito ang unang pangungusap ng probisyon.Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino.
A. Sa S.B 1983 ang probisyon ay nagsabing wikang pambansa ay patuloy na lilinangin at
tatawaging Filipino na nagdulot ng kalituhan.
B. Marami kasi ang naniniwala na upang maging malinaw na ang Pilipino ay tawag sa tao at ang
Filipino ay tawag sa wika.
C. ang letrang F ay matatagpuan sa iba pang katutubong wika tulad ng Ilokano, Tiruray, Itawis,
Ivatan kaya, upang ipakita na ang Filipino ay pinauunlad din ng iba pang katutubong wika.
D. Ang wikang pambansa, nang ito ay malinang, ay nakilala sa tawag na Tagalog at nang
malaunan ay ginawang Pilipino at sa patuloy na pag-unlad ay tinawag ng Filipino.
Ang wastong sagot ay A.

Kompetensi 5: Nagagamit ang batayang kaalaman sa linggwistika sa mabisang pamamahayag


at sa pagsusuri ng mga pangungusap/ sugnay/ parirala/ salita/ pantig/ titik
Aytem 13.Maraming mga salita na nagkakaiba ng kahulugan dahil sa isang titik. Aling salita ang
dapat gamitin sa mga patlang sa pangungusap?
Ang __________ ng dating ng mga mamimili dahil sa taas ng bilihin ngunit may araw namang
_________ang dating.
A. baling
B. dalang

C. galang
D.salang

Ang wastong sagot ay B-A.


Ang opsyon C ay respect at ang D ay on deck . Maraming nagkakaiba ng kahulugan dahil sa
isang titik lamang tulad ng:
liyab flame
liyag beloved
liyadprotrusion of the abdomen

Aytem 14.Kapag isinusulat nang patitik ang mga yunit ng praksyon, ginagamit ang _________.
A. kudlit
B. gitling

C.tuldik
D.gatlang

Ang wastong sagot ay B, gitling, tulad ng tatlong-kanim (3/6)


Ang opsyong B ay ginagamit bilang kapalit o kumakatawan sa letrang nawawala tulad
ng tuwa at hapistuwat hapis.
Ang opsyong C ay ginagamit upang mapag-iba-iba ang kahulugan ng mga salitang
aytem
15
magkatulad
sa ispeling ngunit magkakaiba sa diin tulad ng:
pito(bilang)
pito whistle
hamon ham hamon challenge
Ang opsyon D ay sa pag-aalinlangan; pagbuo ng diwa,
pagkatapos ng sunod-sunod na pahayag.
Aytem 15.Sa sumusunod na mga pahayag, alin ang nagpapakita ng tamang kayarian ng
paglalarawan sa katangian ng kilos?
A. Iba magmahal ang kapamilya
B. Ibang magmahal ang kapamilya

C.Iba ang magmahal ang kapamilya


D. Iba, magmahal ang kapamilya.

Ang wastong sagot ay B.


Dapat gawing madulas ang bigkas sa paggamit ng pang-angkop na ng.
Ang opsyon A, C at D ay may kamalian sa gramatika ngunit karaniwan nang di
pinapansin. Nag- fossilize na ika nga, ang ilang pahayag na mali sa balarila ngunit
namamayani at ginagamit pa rin ng nakakarami.
Aytem 16.Aling pahayag ang nagpapakita ng pamuno sa simuno?
A. Si Pedro ay mangingisda nang dumating ako kahapon.
B. Si Pedro ay nangisda at dumating kahapon.
C. Si Pedrong mangingisda ay dumating kahapon.
D.Si Pedro, ang mangingisda, ay dumating kahapon.

Ang wastong sagot ay D.


Sa opsyon A ay ang pangungusap ay hugnayan, samantalang ang D ay payak na may
pamuno lang sa simuno. Sa opsyon C ang simuno ay may panuring kaya hugnayan din ito.
Ang opsyon B ay payak na pangungusap na may tambalang panaguri.
Aytem 17.Alin sa mga pahayag-pandamdam ang nagpapahayag ng walang katiyakan?
A. Ay, sayang!
C. Bahala na!
B. A, ganoon!?
D. Este..
Ang wastong sagot ay C.
Ang opsyon A ay nagpapahayag ng dismaya.
Ang opsyon B ay nagpapahayag ng disgusto.
Ang opsyon D ay nagpapahayag ng bantulot.

Aytem 18.Ibig ng ina na pumunta ang anak sa lola niya pagkagaling sa eskwela. Aling pangungusap
ang dapat niyang sabihin?
A.Huwag kang dumaan sa lola mo.
B.Huwag na hindi ka pumunta sa lola mo.
C.Huwag kang makalimot sa pagpunta sa lola mo.
D.Huwag kang pumunta sa lola mo kung wala siya roon.
Ang wastong sagot ay B.
Ang huwag na isang negator kapag sinamahan ng isa pang negator na hindi ay nagiging
affirmative o positive.
Aytem 19.Kukuha ako ng bulaklak sa hardin para sa iyo.Aling pahayag ang kasingkahulugan nito?
A.Ipangunguha kita ng bulaklak sa hardin.
B.Kata ay mangunguha ng bulaklak sa hardin.
C.Ikukuha nita ng bulaklak sa hardin.
D.Ang kanitang bulaklak ay kukunin ko sa hardin.
Ang wastong sagot ay A.
Ang kita ay galling sako ikaw. Maaaring sabihin ito nang ipangunguha ko ikaw ng bulaklak sa
hardin na parehong kahulugan ng pahayag sa A. Ang kata ay ikaw at ako; nita=ko at mo,
kanita-akin at iyo.
Aytem 20.Tinitiyak niya sa kausap kung kalian talaga niya nakita ang kaibigan nila. Alin ang angkop
niyang sabihin?
A.Nakita ko talaga si Ruby noong Lunes
B.Nakita ko si Ruby noong Lunes
Ang wastong sagot ay C.

C.Noong Lunes ay nakita ko si Ruby


D.Nakita ko noong Lunes si Ruby

Kompetensi 7: Mabisang nagagamit ang mga matalinghagang pananalita/ tayutay sa


pakikipagtalastasan
Aytem 21.Mahirap talagang kasama sa grupo ang taong higad na higadna ay utakbiya pa.Ano ang
ibig sabihin ng kanyang sawikaing binitawan?
A.Mahirap at bobo
B.Kuripot at mahina ang ulo

C.Ubod ng damot masayahin


D.Masamang tao at palaboy

Ang wastong sagot ay C.


Ang mahirap sa opsyon A. nagdidildil ng asin, ang bobo ay utakbiya.
Sa opsyon C higad na higad ayubod ng damot.
Aytem 22.Talagang iba ka.Yumayanig ang gusali sa iyong mga yabag.Ano ang ginamit niyang
tayutay?
A.Pagpapalit-saklaw (synecdoche)
B.Pagwawangis (metaphor)

C.Pagmamalabis (hyperbole)
D.Pagbibigay-katauhan (personification)

Ang wastong sagot ay C.


Aytem 23.Siyay parang isang ahas sa kasukulan,gumagapang,ang bukid niyay tulad ng paraiso at
ang pananalita niyay wangis ng kamandag na nakamamatay. Anong matalinghagang pananalita
ang kanyang ginamit?
A.Pagtutulad (simile)
B.Paghahalintulad (analogy)

C.Pagwawangis (metaphor)
D.Pagpapalit-tawag (metonymy)

Ang wastong sagot ay A.


Aytem 24. Magtigil ka na, basa na ang papel mo, buwaya sa katihan. Ano ang matalinghagang
salita ang ginamit sa pahayag?
A. Personification
B. Tayutay (figure of speech)

C. Sawikain (idyoma)
D. Salawikain (proverb)

Ang wastong sagot ay C.


Aytem 25.ibig hingin ni Carlos ang kamay ng dalaga. Anong uri ng tayutay ito?
A. Paghahalintulad
C. Pagpapalit-tawag
B. Pagmamalabis
D. Pagpapalit-saklaw
Ang wastong sagot ay D.
BAHAGI III: PAGPAPAUNLAD SA KASANAYANG PAMPAGSUSULIT

I.Basahing mabuti ang bawat sitwasyon. Piliin ang wastong sagot.


1. Sino ang nagpahayag ng sumusunod: Ang isang baying bumubuo sa isang kabanasan at isang
estado ay dapat magkaroon ng isang wikang sinasalita nauunawaan ng lahat.
A.Pangulong McKinley
B.Pangulong Quezon

C.Pangulong Magsaysay
D.Pangulong Marco

2. Sino ang nagpahayag ng sumusunod: Ang pangarap ko ay makausap ko nang tuwiran ang
pinakaabang mamamayan saan mang sulok ng ating bansa sa pamamagitan ng ating katutubong
wika Ito sa wari ko ay unti-unti nang nagaganap sa pamamagitan ng wikang Filipino.
A.Pangulong Quezon
B.Pangulong Magsaysay

C.Pangulong Diosdado Macapagal


D.Pangulong Marcos

3. Alin nang lagdaan ito bilang isang kautusang pangkagawaran ang nagdulot ng isang napakalaking
hakbang sa pagsulong ng Filipino at sa pagpapalaganap nito sa edukasyon?
A.Saligang Batas 1987
B.Ang Komisyon sa Wikang Filipino

C.Patakarang Bilinggwal
D.Ang Alpabeto at Patnubay sa Ispeling ng
Wikang Filipin

4. Nang itinadhana sa Artikulo XIV,Seksyon 9 ng 1987 na magtatag ang Kongreso ng isang


komisyon
ng wikang pambansa, ano ang bubuo nito?
A.Mga kinatawan ng ibat ibang rehiyon at disiplina
B.Mga opisyal ng pamahalaan at mga edukador
C.Mga kinatawan ng tatlong sangay ng pamahalaan
D.Mga kinatawan mula sa pamahalaan at mga akademikong institusyon
5.Ano ang tawag sa unang tanggapan ng pamahalaan kaugnay sa paglinang ng wikang
pambansa ng Pilipinas at pagpapaunlad nito?
A.Lupon ng Mag-aaral sa Wikang Pambansa
B.Surian ng Wikang Pambansa
C.Linangan ng mga Wika sa Pilipinas
D.Komisyon sa Wikang Pambansa
6.Ayon sa ortograpiyang Filipino ng 1987, ano ang unang dapat pagkunan ng mga panumbas
sa mga salitang hiram buhat sa Ingles?
A.Kunin muna sa Ingles
B.Kunin sa katutubong wika
C.Kunin sa leksyon ng kasalukuyang Filipino
D.Kung mayroon sa Kastila at Ingles, Kunin muna sa Kastila
7.Batay sa patnubay sa ispeling ng Wikang Filipino, alin ang nagpapakita ng wastong
pagpapantig?
A. a-alis
tuk-tok
tok-wa
eks-por-tas-yon
B. to-too
pan-tig
sob-re
eks-klu-si-bo
C. i-a-ak-yat
buk-buk-san kop-ya
eks-pe-ri-men-to
D. ma-a-ga
buk-san
ka-pre
trans-por-tas-yon
8.Ano ang ibig sabihin nitong probisyong pangwika sa Saligang Batas 1987?
Ang wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at, hanggat walang ibang itinatadhana ang
batas, Ingles.
A.Ang wikang gagamitin ng pamahalaan sa opisyal na transaksyon ay Filipino at Ingles
B.May pagkakataong unahin muna ang paggamit ng Filipino bago Ingles sa usapang opisyal
C. Sa opisyal na komunikasyon,Filipino ang gamitin at kung magkakaroon ng hindi
pagkakaunawaan, gamitin ang Ingles.
D. Ang mga wikang gagamitin ng pamahalaan sa opisyal na transaksyon ay Filipino at Ingles,
subalit sa pagkakataong magkaroon ng pagbabago sa batas, maaaring Filipino at Ingles lang
ang maging wikang opisyal.
9.Isa sa nilalayong marating ng wikang Filipino sa kanyang pag-unlad ay ang
intelektwalisasyon nito. Alin ang hindi dapat taglaying katangian ng Filipino upang maging
intelektwalisado ito?
A.Ginagamit sa pag-aaral sa ibat ibang disiplina.
B.Maraming aklat o babasahing nasusulat sa wikang ito.
C.Ginagamit sa buong bansa pati na sa ibat ibang panig ng daigdig
D.Lubusang ginagamit sa tatlong sangay ng pamahalaan pati na sa edukasyon
10.Alin sa sumusunod na mga dahilan ang posibleng makamit agad sa pagnanasa nating
paunlarin ang wikang Filipino?
A.Mapalitan ng Filipino ang Ingles sa ibat ibang larangan
B.Magamit ang Filipino para sa pambansang pagkakaisa

C.Gamitin ang Filipino tungo sa pagkakakilanlan


D.Paunlarin ang Filipino upang magkaroon ng kabayanihan at pagkamakabayan
II.Basahing mabuti ang bawat pangungusap. Isulat sa sagutang papel ang titik ng bahagi ng
pangungusap na may mali sa wastong gamit at kayarian. Isulat ang titik Ekung walang mali sa
pangungusap.
Halimbawa:
1. Magsisimula pamaya-maya ang kumbensyon hinggil sa pagpapabahay sa mga
mahihirap.
Sagot 1. A.

Magsimula rito.
A

1.May mga taongmay ibat ibang antasng kahusayan sa wikasa maraming larangan.
A

2.Hindi totoo na sapagkat Filipinoang kasalukuyan na lingua francaay maaari na itong


D
gamitin sa larangan ng mataas na edukasyon.
A

3.Magkaksakit si ateoras na maging di-matapatsa kanyaang mangingibig niya.


A

4.Nang matanda na ang reyna, pambihira na siyangmaglakbay sa kaharian, kaya


D
hinahanap siya ng kanyang nasasakupan.
A

5.Kumain na tayopara makaratingako sa istasyonnang maagang-maaga.


A

6.Madalas silangdumadalaw sa lolakapagka naglalakad silabuhat sa eskwela.


A

7.Kapangunguha pa langng makisig na binatang mga manggang manibalangnang sa


D
darating ang dalaga.
A

8.Pinaghaluanni Rosa ng asukalsa kapeang kapiterang puti.

9.Ipinambili nilang kanilang kasangkapanang kahirapan nilangdina matagalan.


A

10.Ibig nilangmag-alis nang maagaupang sila raway makarating nang maaga.

III.Piliin ang wastong titik ng uri ng tayutay na ginamit sa bawat pahayag.


1.Magandang gabi,Bayan.
A. Personification

C. Metapora

B. Metonomiya

D.Pagtutulad

2.Pinawi ng tsunami ang ilang bansa ng Asya.


A. Paghahalintulad

C. Personifikasyon

B. Sinekdoke

D. Pagmamalabis

3.Para kang asong-ulolna sunud nang sunod sa kanya.


A. Paghahalintulad

C. Pagtutulad

B. Pagwawangis

D. Pagmamalabis

4.Hiningi ng binata ang kamay ng dalaga.


A. Pagpapalit-saklaw

C. Pagbibigay-katauhan

B. Pagpapalit-tawag

D. Pagmamalabis

5.Si Hesus ang aking pastol simula pa noon at hanggang ngayon.


A. Pagtutulad

C. Pagwawangis

B. Paghahalintulad

D. Pagmamalabis

You might also like