FIL 40 Readings
FIL 40 Readings
FIL 40 Readings
Language, Learning, Identity, Privilege ni James Soriano, Manila Bulletin Agosto 24, 2011
English is the language of learning. Ive known this since before I could go to school. As a toddler, my first study materials
were a set of flash cards that my mother used to teach me the English alphabet.
My mother made home conducive to learning English: all my storybooks and coloring books were in English, and so were
the cartoons I watched and the music I listened to. She required me to speak English at home. She even hired tutors to
help me learn to read and write in English.
In school I learned to think in English. We used English to learn about numbers, equations and variables. With it we
learned about observation and inference, the moon and the stars, monsoons and photosynthesis. With it we learned
about shapes and colors, about meter and rhythm. I learned about God in English, and I prayed to Him in English.
Filipino, on the other hand, was always the other subject almost a special subject like PE or Home Economics, except
that it was graded the same way as Science, Math, Religion and English. My classmates and I used to complain about
Filipino all the time. Filipino was a chore, like washing the dishes; it was not the language of learning. It was the language
we used to speak to the people who washed our dishes.
We used to think learning Filipino was important because it was practical: Filipino was the language of the world outside
the classroom. It was the language of the streets: it was how you spoke to the tindera when you went to the tindahan,
what you used to tell your katulong that you had an utos, and how you texted manong when you needed sundo na.
These skills were required to survive in the outside world, because we are forced to relate with the tinderas and the
manongs and the katulongs of this world. If we wanted to communicate to these people or otherwise avoid being
mugged on the jeepney we needed to learn Filipino.
That being said though, I was proud of my proficiency with the language. Filipino was the language I used to speak with
my cousins and uncles and grandparents in the province, so I never had much trouble reciting.
It was the reading and writing that was tedious and difficult. I spoke Filipino, but only when I was in a different world like
the streets or the province; it did not come naturally to me. English was more natural; I read, wrote and thought in English.
And so, in much of the same way that I learned German later on, I learned Filipino in terms of English. In this way I
survived Filipino in high school, albeit with too many sentences that had the preposition ay.
It was really only in university that I began to grasp Filipino in terms of language and not just dialect. Filipino was not
merely a peculiar variety of language, derived and continuously borrowing from the English and Spanish alphabets; it was
its own system, with its own grammar, semantics, sounds, even symbols.
But more significantly, it was its own way of reading, writing and thinking. There are ideas and concepts unique to Filipino
that can never be translated into another. Try translating bayanihan, tagay, kilig or diskarte.
Only recently have I begun to grasp Filipino as the language of identity: the language of emotion, experience, and even of
learning. And with this comes the realization that I do, in fact, smell worse than a malansang isda. My own language is
foreign to me: I speak, think, read and write primarily in English. To borrow the terminology of Fr. Bulatao, I am a split-level
Filipino.
But perhaps this is not so bad in a society of rotten beef and stinking fish. For while Filipino may be the language of
identity, it is the language of the streets. It might have the capacity to be the language of learning, but it is not the
language of the learned.
It is neither the language of the classroom and the laboratory, nor the language of the boardroom, the court room, or the
operating room. It is not the language of privilege. I may be disconnected from my being Filipino, but with a tongue of
privilege I will always have my connections.
So I have my education to thank for making English my mother language.
(Soriano is a senior BS Management student at Ateneo de Manila University. He has a weekly column, Ithink, in the
Students & Campuses section of Manila Bulletin.)
How my sons lost their Tagalog: Sulat kay JamesSoriano ni Benjamin Pimentel, PDI Setyembre 10, 2011
My wife and I decided early on that Tagalog was going to be our sons first language.
It wasnt easy.
In his first days in pre-school, our first-born was miserable, intimidated by a world in which pretty much everyone spoke
English.
But his pediatrician said not to worry about it. Experts said not to worry about it. They even said that its good for kids to be
exposed to many languages, that they, eventually, will adjust and adapt.
Dear James,
Unang una, maraming salamat.
Mabigat ang dating ng sinulat mo. At alam kong bugbog ka ngayon sa mga puna at batikos.
Pero dahil sa iyo, nagkaroon ng debate. Dahil sa yo, pinag-uusapan, pinag-iisipan ang papel ng wika sa buhay natin, sa
bayan natin, lalo na ng mga kabataang tulad mo.
Ipagtatanggol ko ang karapatan mong sabihin ang sinabi mo. Salubungin mo lang yong mga puna, yong mga ideyang
kontra sa mga pananaw mo. Kung hindi mo tanggap, okay lang. Pero harapin mo pa rin.
Ganyan naman tayo umuunlad at natututo.
Ngayon, tungkol doon sa sinabi mo na Pilipino is not the language of the learned sakit mo namang magsalit pre.
+++
Do you really believe the implied equations in what you wrote?
English = Classy, smart people.
Pilipino = Stupid, lowbrow, very emotional people.
For I can share with you several instances when knowing just English (and Pilipino) really made me feel un-learned.
One was when I was in Cotabato in the late 1980s as a reporter covering the Lumads, the tribal Filipinos struggling
against militarization and social injustice. I dont speak Cebuano. They didnt speak English or Pilipino.
We needed help.
And that help came from an unexpected sourcea kind-hearted Italian priest named Father Peter Geremia, who spoke
Italian, English, and Cebuano. (Im guessing he also speaks Tagalog since he had lived in Manila where he got involved in
the protests against the Marcos dictatorship in the 1970s.)
It was one of the oddest interviews in my career as a journalist.
Here was this white dude from Europe helping me understand and communicate with my own people. He knew their
language. I didnt. My grasp of English couldnt bridge that gap.
Father Peter was the learned one. Not me.
+++
Sabi mo, Filipino is like a chore, like washing the dishes; it was not the language of learning. It was the language we used
to speak to the people who washed our dishes.
Pag nagkita tayo, Tagalugin mo ako. Kasi, bagamat ang hanap buhay ko sa Amerika e nakabatay sa kakayanan kong
umingles, kasama ng buhay ko dito ang paghugas ng pinggan.
Oo, may dishwasher sa bahay namin. Pero, alam mo, pag mga malalaking kaldero ang katapat, puno ng mga latak ng
mantika at tirang ulam, kinukuskos ko nang husto yon, pre.
Obviously, many got upset because of what they felt was your stunningly condescending view of those who speak
Pilipino.
Well, I must confess, I also once had an intense bias against another language: Spanish.
You see, when Filipinos of my generation were in college, we had to learn Spanish, four semesters of it.
We hated it. We thought it was useless. We were offended that we had to learn the language of the conquistador, of the
Padre Damasos and Padre Salvis. Of the conio kids!
Then I moved to California.
Boy, do I regret not taking those Spanish courses seriously.
For Spanish may have been the language of the hoity toity back home. But in California, its the language of middle class
and working class people, of immigrants like me. Many of them may seem like the people you somewhat derisively
referred to in your essay as the tinderos and the katulongs.
As a journalism student, I had to run around the U.S.- Mexico border and came face-to-face with poor Mexicans and
Central Americans in Tijuana and Mexicali.
How I wished I could speak really fluent Spanish then.
As a reporter for the San Francisco Chronicle I was assigned to cover immigration and affirmative action, which took me
to Latino neighborhoods all over the Bay Area.
How I tried to find the Spanish-speaking me.
But there was no such person. There was only English. And English couldnt help me out. Knowing English didnt make
me feel learned.
Binigo rin ako ng Ingles noong unang pagtatangka kong sumulat ng nobela.
Sa Ingles ko unang sinubukang buuin ang Mga Gerilya sa Powell Street. Sa San Francisco ang setting, kaya, siyempre,
inisip kong dapat Ingglisin.
Pero ayaw makisama ng mga tauhan. Iyong mga beteranong nakatambay sa may cable car stop sa San Francisco, ayaw
umingles. Kahit anong gawin ko, hindi umuusad ang kuwento.
Para bagang sinasabi ng mga matatanda, E bakit mo ba kami pinag Iingles Boying, e mga Pilipino kami.
Kaya kumambyo ako. Sinulat ko sa Pilipino. Saka umarangkada ang kuwento. Nabuhay ang mga tauhan.
Sarap ng pakiramdam.
You want to know why I wanted our children to learn Tagalog? Because when I moved to the U.S., I met many young
Filipino Americans who were disappointed, a few were even angry, that their parents didnt teach them Pilipino, didnt
expose them to Filipino culture.
Its really strange, in a way.
Here you are declaring that Pilipino is not the language of the learned not the language of privilege.
But here where I live now, thousands of miles from our homeland, young Filipino Americans yearn for the privilege of
speaking that language, are searching for ways to embrace Pilipino.
They take Tagalog lessons, even learn the Baybayin, the original Tagalog script. They even have Baybayin script tattooed
on their bodies.
Joey Ayala, the folk singer who lived in Berkely for a time, put it best when he told me, Things that are distinctly Filipino
are often more valuable to Filipino Americans. Filipinos in the Philippines look to the American dream. Filipinos in the
United States have the Philippine dream.
You caused quite a stir with what you wrote, James. Im sure youre still reeling from the criticisms.
But like I said, Ill defend your right to express your views, even if I disagree with many of them.
Thats how we learn, after all. Im guessing your views may still evolve, grow wings, take flight.
I actually see the backlash as a good sign. It tells me that young people feel strongly about these issues, about language,
culture and society. (I dont get Jejemon, but hey, thats part of the debate, of the process of finding answers.)
And its important to remember that culture and language are not static. They change.
Consider some of the big changes over the past 20 years.
When I was growing up in Manila, pretty much all the TV newscasts were in English. When I was growing up, we got
fined for speaking in Tagalog on campus. Five centavos a word!
Well, okay, I hear that still happens in some schools. But I also hear theres a congressional bill trying to put an end to that
silly practice. Progress!
Even my eldest sons attitude toward his first language has been changing. He used to tell me that he really didnt want to
speak Tagalog anymore, Because its not cool, Tatay.
Well, when the Black Eyed Peas Apl de Aps Apple Song and Bebot became hits, that changed. Suddenly, Tagalog
was cool.
And during our last visit to Manila, he even realized the value of his Tagalog-speaking self when he witnessed a street
fight in Ermita.
I understood what they were saying, Tatay, he said. One was saying, Thats mine. Akin yan.
I imagine that he could very well have been talking about his Tagalog.
For while its buried within him, its still his. Its still there.
Nandoon pa rin.
Bakit Kailangan ng Filipino ang Filipino? ni Virgilio Almario, Liwayway, OKtubre 22, 2007
Ang unang dapat usisain: Bakit ba ipinasiya ng 1935 Kumbensiyong Konstitusyonal na isang wikang batay sa isa sa mga
katutubong wika ng Filipinas ang ating maging wikang pambansa?
Nakapagtataka ito kapag inisip na ang mga delegado sa naturang kumbensiyon ay pawang mga edukado at kabilang sa
mataas na uri ng lipunang Filipino. Bilang mga edukado, mayorya sa kanila ang mahusay sa Espanyol. Iyon ang dahilan
kaya ang una nating republika, ang Republikang Malolos ay Espanyol ang wikang opisyal sa pamahalaan.
Ang medyo nakababata sa mga delegado ay nagdaan sa edukasyong pinalaganap ng mga Amerikano o naging
pensiyonado kaya't bihasa sa Wikang Ingles. Nasa ilalim pa tayo noong 1935 ng mga Amerikano kaya't siguradong may
malakas na saloobin sa kumbensiyon na Ingles ang hiranging wikang pambansa. Alam ng mga delegado ang realidad ng
politika at ang magandang mga posibilidad para sa paggamit ng wika ng kanilang bagong Mananakop.
Kung pinili lamang nila kahit ang Espanyol ay nagtatamasa sana tayo ng higit na matalik na ugnayan sa Espanya at mga
bansa sa Amerika Latina. Kung pinili lamang nila ang Ingles ay wala tayong pinag-uusapang problema ngayon. Ngunit
hindi nila pinili ang Espanyol at hindi rin nila iginiit man lamang ang Ingles bilang wikang pambansa. Sa halip, pinagtibay
nila ang pagbuo ng isang wikang pambansang nakabatay sa isang katutubong wika ng Filipinas.
Bakit? Dahil higit na nanaig sa kanila ang paniwala na higit tayong magkakaisa bilang isang bansa at makapagsasarili sa
politika at ekonomya kung isang wikang katutubo sa atin ang ating wikang pambansa. Ang paniwalang ito ay bahagi ng
matinding nasyonalismo na dulot ng nakaraang Himagsikang Filipino at maalab na maalab pa noon sa puso ng mga lider
at naging delegado sa kumbensiyong pansaligang-batas. Gayunman, ang paniwalang ito ang namatay na sa ating isip at
ibig nating ilibing ngayon kasama ng mga gunita ng Himagsikang Filipino.
Puwede ka namang maging makabayan kahit nagsasalita ng Ingles. Ito ang malimit ikatwiran ng mga Inglesero ngayon.
Ang ibig sabihin, baka higit pang makabayan ang pagsasalita sa Ingles dahil higit na kailangan ng mamamayan ang
kahusayan sa paggamit ng Ingles para umasenso ang buhay. Sa kabilang dako, pangarap lamang noon ang wikang
Filipino at hindi na ito kailangan ng bayan. Ito ang nasa isip ni GMA sa pag-uutos ngayon sa DepEd na ibalik ang
pagtuturo lamang sa Ingles mula Grade 1. Ito rin ang katwiran ni dating Meyor Lito Atienza sa pagtatagubilin na Ingles
lamang ang gawing medium of instruction sa Maynila.
Sa biglang malas, ang isyu ng pagiging makabayan at ang isyu ng dapat maging midyum ng pagtuturo sa mga paaralan
ay dalawang magkahiwalay na usapin. Gayunman, totoong magkaugnay ang dalawa kapag nilinaw ang problema ng
edukasyon sa Filipinas. Ang ibig kong sabihin, ang problema ng ano ang dapat maging midyum ng pagtuturo ay
nagsisimula at nagwawakas sa kalidad ng nasyonalismo ng mga nagsasabing makabayan sila at kaya nais nilang Ingles
ang maging midyum ng pagtuturo.
Para sa ikalilinaw ng problema, balikan natin ang kasaysayan ng mga pagtutol sa paggamit ng Filipino bilang wikang
pambansa at midyum ng pagtuturo.
Unang pagtutol: Tagalog lamang ang Filipino. Isang bagay itong matagal na sinagot. Sa isang banda, aksidente lamang
ng kasaysayan na Maynila at hindi Cebu ang ginawang sentro ng kolonyang Espanyol sa dakong ito ng daigdig at patuloy
na naging sentro ng politika at ekonomya ng bansa nitong ika-20 siglo. Kung sa Cebu namalagi si Legazpi, Sugbuanon
sana ang batayan ng ating wikang pambansa. Sa kabilang banda, ang pagiging Tagalog ng Tagalog ang bentaha nito
laban sa wikang banygayang gaya ng Ingles. Iisa ang pamilya ng lahat ng katutubong wika ng Filipinas.
Sa diksyonaryo halimbawa ni Panganiban (1972) naglista siya ng mahigit 27000 pangunahing lahok at sa mga ito,
mahigit 11000 ang may kogneyt sa pinili niyang 12 wikang katutubo sa Filipinas bukod pa sa mahigit 12000 homonim
ngunit di-singkahulugan. Kaya nakapakabilis matututo ng Filipino ang isang Ifugaw o Tausug kumpara sa paghihirap
niyang matuto ng Ingles o anumang wikang di-kapamilya ng mga wika natin.
Ikalawang pagtutol: Imperyor ang Filipino sa Ingles. At kaugnay nito, mahirap gamitin ang Filipino sa matataas na
disiplina, lalo na sa agham at matematika. Ito ang naging saligan ng Bilingual Policy sa edukasyon noong 1970. Sa
isang banda, walang imperyor o superyor na wika sapagkat bawat wika ay may sistema, upang tupdin ang
pangangailangan ng gumagamit nito at upang umunlad kung nagbabago rin ang buhay at interes ng gumagamit nito.
Sa kabilang banda, napatunayan na ng mga saliksik at eksperimento na puwedeng-puwedeng gamitin ang Filipino sa
anumang disiplina. Sa U.P., bukod sa totohanang paggamit ng Filipino sa mga klase sa agham at matematika ay
nakapaglathala ng maraming textbuk sa iba't ibang larangang akademiko. At sa totoo lang, Filipino naman ang lihim at
siyempre di-opisyal na ginagamit ng mga titser kapag kinakapos sa Ingles ngunit nais talagang makatulong sa pagkatuto
ng mga estudyante.
Umiikot lamang sa naturang dalawang pagtutol ng mga isyung inihaharap laban sa Filipino magmula nang iutos at
pagtuturo nito sa mga paaralan. Sa kabilang dako, natupad na ng Filipino ang mga gampanin upang kilalanin itong
wikang pambansa at opisyal na wikang panturo. Ito ang totoong lingua franca ng Filipinas.
Sa isang survey ng Ateneo de Manila noong 1989, lumitaw na 92 % ang nakakaintindi ng Tagalog sa buong bansa, 88 %
ang nakakabasa ito, 83 % ang nakakasalita nito at 81 % ang nakasulat dito. Lumitaw din na 51 % lamang nakakaintindi
ng Ingles at 41 % ang nakakaintindi ng Sugbuanon. Tandaan, noong 1989 pa ang estadistikang ito. Tiyak na malapit
nang maging siyento porsiyento ngayon ang nakakaintindi ng Filipino mulang Basco hanggang Bonggao.
Subalit binubuhay ng mga Inglesero ang lumang pagtutol sa pamamagitan ng inibang katwiran. Ginagamit ngayon ang
"globalissasyon" bilang sangkalan upang idiin na kailangan natin ang Ingles upang maging "globally competitive" at
upang mas magkaroon ng opordunidad ang bawat paslit na Filipino na umasenso. Para sa mga Inglesero, pagiging
makabayan ang pagsisikap matuto ng Ingles dahil kailangan ito para sa pagsulong ng kabuhayang bansa at sa pagasenso ng bawat mamamayang Filipino.
Totoo ba ang katwirang ito ng mga Inglesero? Una, ilang Filipino ba talaga ang nagkakaroon ng pagkakataong
magtrabaho sa ibang bansa? Sa istatistiks noong 1984, umaabot sa dalawang milyon ang ating overseas workers.
Siguro, triple na ngayon. Ngunit kahit sabihing 10 milyon, sila ba ang pundasyon upang maisalba ang ating bansa sa
kasalukuyang krisis? Ayon sa istatistiks, umaabot sa 75% ng mga overseas workers ang atsay, drayber, yaya, at piyon
sa mga konstuksyon. Kailangan nga ba nilang magaling sa Ingles? O baka mas kailangan pa nila aaang leksiyon sa
Niponggo, Arabic Mandarin, German o Italian para mas kagiliwan ng kanilang amo?
Ikalawa, ano ang gagawin natin sa milyon-milyong paslit na pumapasok sa paaralan taon-taon at hindi naman maging
overseas workers? Ayon na rin sa pag-aaral ng DepEd, sa bawat sampung batang pumasok ng Grade 1, lima lamang
ang nakakatapos ng Grade VI, dalawa lamang ang natutuloy sa high school, at isa ang nakakatapos para mag-aral sa
kolehiyo. Ang lahat na drop-out sa elementarya ay malamang sa hinding nalilimot ang natutuhan at nagiging mga
illiterate.
Ang ibig sabihin, kailangan ang mabisang paraan ng pagtuturo sa elementrya upang maging literate sa lalong madaling
panahon ang isang bata. Kailanngan mabilis siyang matututong bumasa't sumulat, matuto ng btayang kaalaman at
kasanayan upang kahit umalis siya ng paaralan ay may pag-asa pa ring magamit niya ang natutuhan at maging isang
kapaki-pakinibang na mamamayan.
At alam ng kahit sionong disenteng edukador na hindi ito matututpad sa pamamagitang ng Ingles. Sa halip, kailangan
ang wikang katutubo o ang wikang higit na mabilis maunawaan ng batang Filipino upang higit na mabisang matupad ang
pagtuturo ng batayang kaalaman at kasanayan sa unang mga taon ng pag-aaral. Ang kapakanan ng 90 % paslit ang
dapat ingatan, hindi ang pangarap ng 10 % na malimit ay anak pa ng mayaman at makapangyarihan sa ating lipunan.
Ikatlo, ano ba ang layunin ng edukasyon sa Filipinas? Layunin lamang ba natin maging pabrika ng mga atsay,
construction workers, care givers at call center operators? Layunin ba nating idestiyero sa ibang bansa ang lahat ng
magagaling nating abataan et edukado para makapagpadala rito ng dolyar kahit na alilain at abusuhin sila roon? Isa
tayong bansang pulubi. Ngunit mananatili tayong pulubi hangga't hindi natin nailaplano ang edukasyong tungo sa
pagpapalakas ng ating pmbansang kakayahan. Higit nating kailangan dito ang lahat ng mga magagaling nating
mamamayan upang itayo ang ating indusriya, pamunuan ang ating mga negosyo, at gumawa ng mga paraan upang
magdulot ng marangal na ikakabuhay sa sambayanang Filipino.
Isang pinunong mababaw ang isip ang nagpaplano lamang para ipadala sa ibang bansa ang lahat ng puwedeng ipadala
sa hukbo ng kaniyang mamamayan. At isa siyang taksil na pinuno kung isasakripisyo niya ang kapakanan ng
napakarami para mapagbigyan ang kinabukasan ng iilan. Sa ganito dapat sukatin ang ipinangangalandakang "pag-ibig
sa bayan" ng mga Inglesero at nagsisikap biguin ang paglagaganap ng Filipino bilang wikang pambansa. Limitado ang
kanilang "nasyonalismo" dahil nakabatay lamang ito sa hilig at interes ng mga middle class at educated sector.
Ngayon , hindi nangangahulugang dapat patayin ang Ingles. Hinding-hindi. ailangan natin ang Ingles sa mga gamit na
ipinagmamalaki ng mga Inglesero. Kaya't dapat magdulot ng puwang sa paaralan para matuto ng Ingles ang nais matuto
nito. Subalit hindi sa paraang ito ang pamamayanihain sa edukasyong pambansa. Ang totoo, malimit na ang makaIngles ay yaong mayayaman.
May pera sila para pag-aralin ang kanilang anak sa pripadong institusyon na Ingles ang midyum ng pagtuturo. May pera
sila para pag-aralin ang kanilang anak sa Estados Unidos. Bayaan silang gumastos para sa kanilang pangarap. Subalit
huwag ipahamak ang pangarap at hinaharap ng napakaraming anak ng mga magsasaka, mangingisda't manggagawa
sa mga nayon at sa mga pook maralita ng lungsod.
Nais nating lumahok sa kumpetisyuong global? Palakasin natin ang ating sarili. Wika nga ni Dr. Onofre D. Corpuz, na
isang mahusay um-Ingles, sa isai kumperensiya ng mga guro ng U.P. noong Mayo 1997: "We want to go global. But we
can't develop unless we develop a national language." Inuulit lamang niya ang ibig sabihin ng mga delegado sa 1935
Kumbensiyong Konstitusyonal nang ipasiya nilang ibatay sa isang wikang katutubo ang wikang pambansa ng Filipinas.
Si Virgilio S. Almario ay kilala rin sa sagisag-panulat na Rio Alma. Lumaki sa Camias, San Miguel, Bulacan. Nagtapos ng
A.B Political Science at M.A sa Filipino sa UP. Isang makata, kritiko, translator, editor, teacher at cultural manager.
Nagkamit ng mga parangal, gaya ng Palanca, CCP, Makata ng Taon, TOYM, SEA Write award, Dangal ng Lipi,
Gantimpalang Quezon at marami pang iba. Founder ng PBBY (Philippine Board on Books for Young People).
Naging Executive Director at Commissioner ng NCCA, Director ng Institute of Creative Writing bago naging Dean ng
College of Arts and Letters sa UP. Noong Hunyo 25, 2003, iprinoklama siyang Pambansang Alagad ng Sining sa
Panitikan.
Wika ng Naghaharing Uri ni Consuelo J. Paz sa Mga Piling Diskurso sa Wika at Lipunan, UP Press 1996
Paghuhunos ng Kulturang Pilipino ni Glecy C. Atienza, 2012 (pdf)