9 - Pang-Uri Sa Ibat Ibang Antas Pagsulat NG Paghahambing Sa Tulong NG Grap o Dayagram PDF
9 - Pang-Uri Sa Ibat Ibang Antas Pagsulat NG Paghahambing Sa Tulong NG Grap o Dayagram PDF
9 - Pang-Uri Sa Ibat Ibang Antas Pagsulat NG Paghahambing Sa Tulong NG Grap o Dayagram PDF
Pagbalik-aralan
Sa ating mga natapos na aralin ay nakilala natin ang ibat ibang antas ng
pang-uri. Sumulat ng mga pangungusap na ginagamitan ng lantay, pahambing
at pasukdol na pang-uri tungkol sa larawang nasa kabilang pahina. Isulat ang
iyong mga pangungusap sa sagutang papel. Ganito ang gawin mong pormat.
Lantay
1.
2.
Pahambing 1.
2.
Pasukdol
1.
2.
maaliwalas
kaaya-aya
Basahin
PINAKAMAGANDANG PANAHON ANG TAG-ARAW SA PINOY
Kabilang sa tatak ng lahing Pinoy ang kayumangging balat. Karaniwan ito sa
atin lalo na ang purong Pinoy na lumaki at nanirahan sa Pilipinas na matatagpuan sa
rehiyong tropikal o ang bahagi sa mundo na may mainit na klima.
Ito marahil ang dahilan kaya higit na malakas ang resistensiya ng mga Pinoy sa
sikat ng araw. Malaki kasi ang naitutulong ng kayumangging balat na nagbibigay
proteksiyon sa atin sa ilalim ng sikat ng araw. Ito ay dahil sa mas malaki ang bahagdan
ng melanin o pigment na nagbibigay ng kulay sa balat.
Hindi lamang sa mga naisasagawang pag-aaral, napatunayan ang kakaibang
kakayahan ng mga Pilipino sa tinatawag na outdoor activities dahil kahit sa simpleng
senaryo ng buhay ay mapapansin din ito.
Halimbawa na ang mga Pilipinong nangingibang bansa, hindi iilan ang muling
bumabalik sa ating bansa dahil sa hindi makayanang pagbabago ng temperatura.
Kadalasan, nagiging sanhi ito ng pagiging prone o madaling dapuan ng
karamdaman dulot ng hindi kinasanayang malamig na klima o mababang temperatura.
Kaya sa kabila ng samut saring dahilan ng paglisan sa Pilipinas, gaya ng bahagi
ng kantang pinasikat ni Gary Valenciano, Anumang layo ng marating ay babalik at
babalik pa rin, ang mga kayumanggi sa bayang humubog dito.
Pansinin na lamang natin ang pagdagsa ng maraming balik-bayan sa mga
terminal o airport na animoy sabik na muling mahagkan ang bayang sinilangan para
muling maranasan ang walang katulad na paraiso na maging ang mga dayuhan ay
walang humpay na ring nagpaparoot parito.
Ilan sa pangunahing binabalik-balikan ay ang hinahangaang isla ng Boracay na
matatagpuan sa bahagi ng Visayas. Nasasaklaw ng itinuturing na magical island of
paradise na ito, ang may 7-kilometrong haba at 1-kilometrong lapad na islang dinarayo
dahil sa may tatlumpong pambihirang beach at resort bukod pa sa tampok na nature
sceneries.
Isa lamang sa mga dinarayo sa Boracay, ang tinatawag na White Beach. Ito ay
kabilang sa pangunahing isinasaalang-alang ng maraming Pinoy o maging ng mga
dayuhan na nagpaplanong magbakasyon.
Ang White Beach ay matatagpuan sa kanlurang bahagi ng isla sa pagitan ng
pamayanang Angol at Balabag. Sa kahabaan nito, masisilayan ang walang kupas na
katangian ng isla, ang puting mala-kristal na buhangin na higit na nakapagbibigay para
sa karamihan ng payapa at maginhawang pakiramdam kaya naman nagkalat ang mga
bakasyunistang tila ayaw nang bumangon mula sa paghimlay sa malambot na
buhanging ito.
Ang patuloy na pagtingkad ng araw rito ay nangangahulugan ng higit na
kasiyahan dahil madalas, maraming pangyayari ang mapapanood. Dito kasi kadalasan
isinasagawa ang ibat ibang uri ng sports gaya ng beach volleyball.
Siyempre pa, hindi kumpleto ang tanawin kung hindi mababanggit ang
inaabangang unti-unting pagpapalit ng liwanag sa dilim o ang takipsilim.
Walang katulad para sa marami ang sandaling ito na talaga namang nagdudulot
ng kakaibang kasiyahan hanggang sa tuluyang manaig ang dilim kasunod ang paglitaw
ng maliwanag na buwan.
Ang sandaling ito ay nagsisilbing hudyat din sa panibagong kasiyahan dahil sa
nagtitingkarang mga ilaw buhat sa mga nakapaligid na restaurant, disco bar at ibat
ibang tindahan sa isla na garantisadong magpapaindak ng damdamin.
Sagutin ang mga tanong:
1.
2.
3.
4.
5.
Pagpapahalaga
Pag-aralan Mo
A.
lantay
lantay
pahambing
lantay
lantay
lantay
pasukdol
lantay
lantay
lantay
lantay
lantay
lantay
lantay
lantay
lantay
lantay
lantay
Ilan ang naisulat mo? Pag-aralan ang mga pang-uring hindi mo naisulat.
Isaisip Mo
B.
1.
2.
Tandaan
1.
2.
3.
4.
5.