Teksto (1) 2

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

Tekstong deskriptibo

Ang Kagandahan ng Pilipinas

Ang Pilipinas ay isang maliit na bansa na matatagpuan sa Asia. Kapag tinignan


mo ang isang mapa, mahihirapan ka sa paghanap ng Pilipinas dahil ito ay
napakaliit. Kaso lang, bilang isang Pilipino, ipagmamalaki ko parin siya. Maski,
kung hindi ako Pilipino, basta ako ay nakapunta sa Pilipinas, agad kong
ipagyayabang ito sa aking mga kaibigan. Iisipin mo siguro na mas puwede pang
ipagyabang ang mga Amerika o Tsina kaysa sa Pilipinas. Sumasang-ayon ako
dito, kaso puwede rin talagang ipagmalaki ang Pilipinas tulad ng mga bansang
iyon; Kailangan lang talaga malaman ang nga kakaibang mga bagay, tao o lugar
na matatagpuan sa Pilipinas. Halina’t lakbayin at pag-usapan natin ang
kagandahan ng Pilipinas.

Tulad ng Amerika, ang Pilipinas may mga sikat na mga tao rin. Sa totoo lang,
pakiramdam ko ay mas sikat pa itong mga tao sa ibang mga artista ng
Amerika. Ang unang taong ipagyayabang ko ay si Manny “Pacman” Pacquiao.
Siguradong kilala niyo na siya dahil siya ay isang “world class” na boxingero.
Siya ay ang pinakamahusay na boxingero sa buong mundo. Isa pang taong
ipagyayabang ko ay si Lea Salonga. Si Lea Salonga ay kilala sa mga dula. Siya
ay naging mang-aawit at aktress ng isang napakasikat na dula tawag na “Miss
Saigon”. Sa mga kabataan ngayon, hindi niyo na siya masyadong kilala dahil
noon pa ginanap ang “ Miss Saigon”. Pero, kung tinanong niyo ang iyong mga
magulang, kilalang kilala nila si Lea Salonga. Ang huling taong ipagyayabang ko
ay si Charice Pempengco. Ngayon, sigurado na ako na kilala ito ng mga
kabataan ngayon. Si Charice ay isang napakahusay na mang-aawit. Sinasabi ng
iba ay siya na ngayon ang pinakamagaling na mang-aawit sa buong mundo. Sa
mga magulang na hindi pa kilala si Charice, tanungin niyo na ang inyong mga
anak. Mamamangha kayo sa mga sasabihin ng anak niyo sa inyo.

Ano ngayon ang iniisip mo tungkol sa kagandahan ng Pilipinas? Kung iniisip niyo
na “tao lang naman pala’. Nagkakamali kayo. Marami rin mga ibang klaseng
hayop ang Pilipinas. Isang halimbawa ay ang Tarsier. Ang Tarsier ay isang
maliit na hayop na may malaking mata. Nakakita na ba kayo ng isang hayop na
ang tawag ay Tarsier? Kung hindi, pumunta na ng Bohol sa Pilipinas.

Hayop at tao, iyan lamang ba? Teka lang, marami-rami pa. Ang susunod na
ipagyayabang ko ay ang mga masasarap at malasa na pagkain ng Pilipinas.
Isang halimbawa ng masarap na masarap na pagkain ay ang sisig. Ito ay
nilalaman ng mga laman ng baboy na idinurog at nilagay sa isang “sizzling
plate” upang maging mainit at masarap siya habang kinakain mo. Hindi lamang
sisig ang mayroon ang Pilipinas. Mayroon pang lechon. Ito ay isang buong
baboy na niluto. Napakasarap nito dahil napaka-crispy na balat at napaka-
”juicy” na laman. Pagkatapos naman kumain ng sisig, lechon at kanin, may mga
masasarap na “dessert” tulad ng puto, sapin-sapin, bibingka at marami pa!
Matatamis itong lahat kaya siguradong magugustohan mo. Subukan na ang mga
pagkaing PilipinoHayop at tao, iyan lamang ba? Teka lang, marami-rami pa. Ang
susunod na ipagyayabang ko ay ang mga masasarap at malasa na pagkain ng
Pilipinas. Isang halimbawa ng masarap na masarap na pagkain ay ang sisig. Ito
ay nilalaman ng mga laman ng baboy na idinurog at nilagay sa isang “sizzling
plate” upang maging mainit at masarap siya habang kinakain mo. Hindi lamang
sisig ang mayroon ang Pilipinas. Mayroon pang lechon. Ito ay isang buong
baboy na niluto. Napakasarap nito dahil napaka-crispy na balat at napaka-
”juicy” na laman. Pagkatapos naman kumain ng sisig, lechon at kanin, may mga
masasarap na “dessert” tulad ng puto, sapin-sapin, bibingka at marami pa!
Matatamis itong lahat kaya siguradong magugustohan mo. Subukan na ang mga
pagkaing Pilipino!

Ngayon, ipagyayabang ko naman ang mga magagandang tanawin ng Pilipinas.


Ang ilang halimbawa ng mga tanawin ay ang Mayon Volcano na parang apa ang
hugis dahil napakatulis, Taal Volcano, isang volcano na nasa loob ng dagat at
ang dating kasali sa “7 Wonders of the World”, ang Hagdang Hagdang
Palayan. Bakit maraming mga tanawin? Ito ay dahil archipelago ang Pilipinas.
Puro isla ang Pilipinas kaya siyempre, maraming mga tanawin ito.

Kung kayo ay nasasawa na sa mga tanawin, puwede rin naman kayong


magpahinga at magsaya sa mga malilinis na tabing dagat. Puwede kayong
pumili, sa Boracay ba o sa Palawan. Ang Boracay at ang Palawan ay dalawa sa
pinakamagandang tabing dagat sa buong mundo. Maraming mga tourista ay
gustong pumunta dito. Ang masasabi ko lang sa inyo ay kailangan niyong
dumalaw dito kung pumunta kayo ng Pilipinas.

Siguro sinasabi niyo na mayabang ako, pero iyan talaga ang ilan sa mga
talagang puwedeng ipagyabang. Kaso lang, iyan mga bagay, tao, hayop at mga
tabing dagat ay maaring malikha o magawa sa ibang bansa. Kaya para sa akin,
ang talagang puwedeng ipagyabang ng mga Pilipino sa ibang mga bansa ay ang
kasaysayan ng Pilipinas. Marami pinagdaanan ang Pilipinas noon, mga away,
gera, digmaan at mga iba’t ibang bansa na gusto silang kolonisahan.
Pinagdaanan natin lahat niyan ng katapangan kaya ngayon, marami tayong iba’t
ibang kultura. Ngayon, malaya na tayo. Tayo ay isang bansa, isang kommunidad
at isang pamilya.

Talagang kompleto ang Pilipinas. Marami talagang puwedeng ipagyabang dito.


Pahingi lang po ng tawad sa kayabangan po pero masaya lang ako sa aking
bansa at ipinagmamalaki ko lang. Ngayon, alam niyo na lahat ng mga
kagandahan ng Pilipinas. Dumalaw na at makikilala niyo ang mga mabubuting
tao, malalasahan ang mga masasarap na pagkain, at malaman ang kakaibang
kultura ng Pilipinas. Halina’t pumunta na ng Pilipinas at mamangha sa
kagandahan ng Pilipinas.
Tekstong Deskriptibo

Ang Ginto ng ating Kapaligiran

May mga bagay na hindi natin napapansin na mahalaga saating


pamumuhay at sa pang araw-araw. Mga bagay na ating napagkukunan ng
enerhiya, hangin, at pagkain. Mga bagay na matatagpuan natin sa ating
paligid na nagsisilbing ginto saating mga tao. Kapag sinabing ginto, ang
pumapasok sa ating isipan ay maaaring ito ay mahiwaga, mahal, mabigat, at
makinang. Ngunit hindi lahat ng ginto ay makinang, mahal, at mabigat, ang
ilan ay narito lamang sa ating kapaligiran.
Ang mga punong kahoy, na nagbibigay saatin ng napaka sarap na simoy
ng hangin, at bumubuo sa sangkap na kailangan sa paggawa ng ating mga
tahanan. Mga punong kahoy na may mga malalapad at matangkad, na
nagbibigay saatin ng iba’t-ibang kabuhayan at mapagkaki-kitaan.
Isa rin na nag sisilbing ginto sa ating buhay ay ang mga munting gulay na
ating kinakailangan sa pang araw-araw dahil ito ay nagbibigay saatin ng
pagkain. Mga gulay na masustansya, nangungulay berde, ang iba ay kulay
lila, kulay dilaw, at kulay pula. Mga gulay na bilog na bilog na parang hugis
bola, mga gulay na walang kasing sarap dahil ito ay walang katulad at
natural ang pagtubo.
Ang isa rin na ginto na matatagpuan sa ating kapaligiran ay ang tubig na
malayang umaagos. Tubig na nagbibigay inumin kapag tayo ay nauuhaw, ang
tubig ay minsa’y malinaw na kasing linaw ng paningin natin at minsa’y kulay
asul na nag papahiwatig na ito ay malalim.
Ang mga ginto na ito ay napakaganda tingnan dahil sa magagandang
katangian nito, ang mga kulay berde na dahon, ang mga gulay na
nagsisigandahan ang kulay, at ang dagat na nagdadagdag kagandahan sa
paligid.
At ang pinaka-magandang ginto sa ating kapaligiran ay ang ating
nasisilayan sa oras ng pagmulat ng ating mga mata, ang araw – na
nagbibigay saatin ng liwanag, ang araw na bilog na mas malaki pa sa ating
planeta, araw na nagbibigay saatin ng buhay at pag-asa sa araw-araw.
Tekstong Persuweysib

MAHALAGA ANG VAT SA EKONOMIYA NG BANSA

Matatag ang prinsipyong pinanghahawakan ng ating administrasyon.


Dahilan kung bakit buo ang loob na makasumpong ng mga alternativong
mapagkukunan ng salapi para sa lumalaking gastusin ng pamahalaan, para sa
mga proyeektong pangkaunlaran. Kaya’t hindi kataka-takang sa panahon pa
ng dating Pangulong Fidel V. Ramos ay itinulak na siya ng pangangailangan
sa kaunlaran sa pamamagitan ng sunud-sunod na pagbisita sa iba’t ibang
bansa na ipinagpatuloy naman ng Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo upang
makapag-uwi ng mga foreign investments na esensyal na modernisasyon ng
lokal na industriya.
Sinimulan ding palawakin noong 1992 ang “privatization” na nagpasok ng
malaking salapi sa kaban ng bayan. Ibinenta nila sa mga lokal na negosyante
ang Philippine Airlines, PLDT, Meralco, Manila Hotel at Petron.
At ngayon, ang pagpapatupad ng isang mas mahusay na sistema o batas
ng pagbubuwis sa pamamagitan ng EVAT, o EXPANDED VALUE ADDED
TAX LAW.
Ang EVAT ay hindi laban sa nakararaming Pilipino. Higit na magiging
maayos ang takbo ng buhay ng mga Pilipino. Ang tanging sakop nito ay ang
mga luxury services o tertiary commodities na karamihan ang mga
mayayaman lamang ang mayroon tulad ng lodge-inn sa hotel, restawrants,
taxikabs, rent-a-car, advertisement, real estate at iba pa.
Hindi sakop ng EVAT ang mga primary goods na karaniwang binibili ng
mga mamamayan tulad ng bigas, baboy, petrolyo, gulay at pasahe sa bus at
jeepney. Ang EVAT ay ipinatupad upang mapahusay ang “taxation” at
masugpo ang “tax evasion” na naglalabas ng P3 B taun-taon sa kaban ng
bayan.
Tunay na kailangan natin ang VAT. Ang pamahalaan ay hindi kailanman
nagnais ng masama sa bawat batas na kanilang ipinatutupad. Hindi
pagrerelaks ang plano nila sa ating bayan. Tagumpay sa ekonomiya at
maayos na pamumuhay ang hangad nito sa tao. Kung minsan, sa ating mga
Pilipino mas nauuna ang reklamo kaysa pagdinig sa problema. Kung nais
nating mapadali ang industriyalisasyon at kaunlaran, matutuhan sana nating
magsakripisyong pansarili para sa pag-unlad ng Pilipinas.
Tangkilikin natin ang VAT!
Tekstong Persuweysib

PROYEKTONG PANGKABUHAYAN, TANGKILIKIN

Anong uri ng lipunan ang inyong ginagalawan kung walang pamahalaang may
kakayahang magpanatili ng kapayapaan at kaayusan? Kung ang lipunan ay
punung-puno ng kapangyarihang walang iniisip kundi ang pansariling interes.
Mahalaga ang pamahalaan, sila ang nagbibigay ng proteksyon sa mga
karapatan ng tao at nagpapataw ng parusa sa mga lumalabag sa karapatan
ng tao.

Sa kasalukuyan, ang pamahalaang Pilipinas ay patuloy sa pagpapangkat ng


kabuhayan ng mga Pilipino at sa pagpapahalagang moral ng tao maging sino
ka man. Iba’t ibang proyekto ang mabisang naisagawa ng pamahalaan. Isa
rito ang naisagawang pambansang rekonsilasyon ang nagbigay sa mga dating
komunista at humiwalay sa pamahalaan ng tulong sa mga proyektong
pangkabuhayan. Ang layunin ng proyekto ay maiangat ang kalagayan sa
lipunan.
Ang Departamento ng Pamahalaang Panglokal ang pangunahing ahensya ng
pamahalaan ang nagtaguyod sa Pambansang Rehabilitasyon at Programang
Pangkalinangan sa pakikipag-ugnayan sa Departamento ng Kalakal at
Industriya, Departamento ng Agrikulttura, Repormang Pang Sakahan,
“National Housing Authoriy” at iba pang pangunahing ahensya ng
pamahalaan.

Kabilang sa mga proyektong pangkabuhayan ay produksyon ng bigas at


mais, pag-aalaga ng baboy, at sari-sari store, manukan at pag-aalaga ng
kambing at “see weeds farming”. Nais ring matulungan ang mga dating
rebelde na maging produktibo at magkaroon ng mapayapang buhay. Ang
ayaw na manirahan sa dati nilang lugar ay ipadadala sa iba’t ibang sentro ng
bayanihan sa buong kapuluan.

Sa proyektong ito, umasa ang pamahalaan na maraming rebelde ang


susubo at maaaring makaatulong sa paglutas ng problemang “insurgency”
upang matamo ang tunay na kapayapaan sa sariling bansa
.
Mabisa ang proyektong ito, marami pang ginagawa ang pamahalaan para
sa kabutihan ng lahat ng uri ng mamamayan, mahirap man o mayaman,
matalino man o mangmang, bata o matanda, may kapansanan o wala at kahit
saan mang sulok ng Pilipinas ay magpapatuloy ang ating pamahalaan sa
kanyang dakilang layunin.
Halina at makiisa tayo sa ikatatagumpay ng lahing Pilipino!
Tekstong Naratibo

Ang galit ng Alon sa tinig ni Maria

Noong unang panahon,sa isang isla sa gitnang pasipiko ay may isang uri
ng hampas ng alon ang nagbibigay ng takot at pangamba sa mga tao doon,
tinawag nila itong si Haring Alon dahil sa naglalakihang hampas ng alon nito.
Si Maria ay isang anak ng isang mangingisda na namatay sa gitna ng
pasipiko dahil sa hampas ng mga alon, simula noon ay lagi na siyang
pumupunta sa dalampasigan ng mag-isa at kumakanta at sa tuwing siya ay
kumakanta ay tila tumatahimik ang paligid at nawawala ang mga hampas ng
alon, napansin ito ng matandang nakikinig sa kanya. Sinabi ng matanda, na
may kapang yarihan ang ginintuang tinig ni Maria. Nagalit ang Haring Alon
sa kaniyang pagkahinto sa paghampas sa lupain ng isla dahil sa tinig ni
Maria.

Sa katahimikan ng gabi ay nagwasik ng napakalaking hampas ng alon ang


Haring Alon na kumain sa halos kalahating bahagi ng isla, napakaraming
namatay pero hindi pa nakuntento ang Haring Alon muli ay naghampas siya
ng napakalaking alon, nagmadaling tinawag ng isang matanda si Maria sinabi
nitong kailangan ng buong mamamayan ng buong isla ang kanyang
makapangyarihang tinig upang tumigil ang Haring Alon.

Nakipag sagupaan ang tinig ni Maria sa hampas ng malalaking alon hindi


niya ininda ang hampas ng alon na bumubugbog sa kaniyang katawan, nang
naglaon ay huminto rin ang galit ng Haring Alon, at mula noon ay hindi na
muling humampas ang alon sa dalampasigan ng isla at namuhay ang mga tao
ng walang takot at pangamba sa kanilang puso.
Tekstong Naratibo

Biag ni Lam-Ang

Noong unang panahon, may mag-asawang nag ngangalang Juan at Namongan. Ang
mag asawa ay nakatira sa baryo ng Nalbuan. Noong magbuntis si Namongan ay umalis
ang asawang si Juan upang parusahan ang isang grupo ng igorot. Habang wala si Juan
ay isinilang ni Namongan ang kanilang anak na lalake. Lubos na kahanga hanga ang
sanggol sapagkat pagkapanganak pa lamang ay marunong na itong magsalita. Ang
pangalang "Lam-ang" ay sya mismo ang pumili. Maging ang mga ninong at ninang ay
sya ring nagtalaga. Isang araw, nagtanong si Lam-ang kung nasaan ang kanyang
ama."Nasa bundok ito upang parusahan ang mga igorot" na saad naman ng ina.
Nalungkot si Lam-ang sapagkat matagal na nyang di nakikita ang ama buhat ng sya ay
isilang. Isang araw ay nanaginip si Lam-ang na ang kanyang ama ay pinatay ng mga
igorot. Sa galit nito ay nagpunta sya sa kabundukan at pinatay lahat ng igorot doon.
Ang batang si Lam-ang ay syam na taong gulang pa lamang noon.
Sa kanyang paguwi sa kanilang lugar sa Nalbuan ay napadaan si Lam-ang sa ilog ng
Amburayan. Doon ay pinaliguan sya ng mga kabigang babae. Ang mga dumi at dugo sa
katawan ni Lam-ang ay naging tila lason na pumatay sa mga isdang nasa ilog.
Nang nasa wastong gulang na si Lam-ang ay nakilala nya si Ines Kannoyan. Sya ay
umibig dito. Nagpasyang manligaw si Lam-ang sa magandang si Ines. Dala ang
kanyang tandang at paboritong aso. Lubos na nainis si Lam-ang nang makitang
maraming nakapalibot na manliligaw sa bahay ni Ines kaya't inutusan nya ang
kanyang tandang na tumilaok. Sa tinalok ng manok ay agad na nasira ang bahay ni
Ines at namatay ang lahat ng manliligaw.
Agad namang inutusan ni Lam-ang na kumahol ang aso at tumahol nga ito. Sa tahol
naman ng kanyang aso ay tila himalang bumalik sa dati ang gumuhong bahay ni Ines.
Lumabas si Ines at ang magulang nito upang harapin si Lam-ang. Hiningi ni Lam-ang
ang kamay ni Ines upang pakasalan. Hindi naman tumanggi ang mga magulang ni Ines
sa isang kondisyon. Tapatan lamang ang kanilang kayamanan. Hindi naman ito naging
hadlang kay Lam-ang. Umuwi si Lam-ang at bumalik na may dalang bangka na puno ng
ginto. At kalaunay ikinasal din sila ni Ines. Lumipas ang maraming taon ay dumating
ang pagkakataon upang manghuli si Lam-ang ng isdang "Rarang". Isang obligasyon sa
mga lalaking may asawa ang humuli nito. Ngunit may pangitain na si Lam-ang na
mapapatay sya ng isdang "Berkahan". Ito ay isang isda na kalahi ng mga pating. Sa
kabila nito ay di pa rin nagbago ang isip ni Lam-ang na hulihin ang isdang Rarang.
Ngunit nangyari nga ang pangitain ni Lam-ang at sya ay napatay ng Berkahan.
Lubhang nagtangis si Ines at agad na umupa ng mga maninisid upang makuha ang mga
buto ni Lam-ang. Agad namang nakuha ang mga buto ni Lam-ang.
Kasama ni Ines ang tandang at aso ni Lam-ang, kanilang dinasalan gabi-gabi ang mga
buto ng asawa. Hanggang sa isang araw, si Lam-ang ay muling nabuhay. Mula noon ay
namuhay sila ng masaya.
Tekstong Argumentatibo

Droga Masama nga ba?

Naniniwala ako na sobrang sama ng naidudulot ng ilegal na droga sa


kabataan ngayon. Sa katunayan nalilimitahan nito ang lahat ng posibleng
aksyon at ganun din ang pagiging malikhain ng mga tao. Kawalan ng magawa ang
malimit na nagiging dahilan nito at napakasama nito.
Ang droga ay isa sa mga bagay na nagiging dahilan ng pag-usbong ng
napakaraming musika, iba’t ibang “genre”, tono, at iba pa. Maraming awit ang
nagawa dahil sa mga manunulat at awtor na nakatira ng droga. Kung di dahil sa
droga, malamang wala ang ilan sa mga awiting ito.

Maraming paraan, ang mga tao na sumulat ng mga kanta na iyon ay may
katangiang pagkamalikhain para magawa yun. Ang mga awit na ito ay nasa
kanilang isipan. Hindi droga ang gumawa ng kanta. Ito ay dahil sa malikhaing
mga tao, at ang mga awiting ito ay umusbong parito at pariyan. Dinadala ng
illegal na droga ang isang tao sa mundo kung saan nagagawa nila ang mga bagay
na sa tingin nila ay imposible kung hindi sila nasa ilalim ng pinagbabawal na
drogang ito. Bakit hindi nalang limitahan? Mayroon tayong literal na bilyong
bagay na maaaring gawin sa mundong ito, at mayroon lang tayong humigit
kumulang 35 na taon na maranasan yung mga bagay na yun sa ating pagtanda.
Sa sobrang daming pagpipilian sa mga dapat gawin, bakit hindi nalang piliin
yung mga bagay na hindi makakasira ng kalusugan at makakapagpahamak sa
tao. Hindi delikado ang droga. Bawat report tungkol sa droga tulad ng
marijuana na nagsasabi na ito ay hindi nagtatagal at hindi ito nakakaadik. Mga
bagay na sadyang nagpapatunay na ito ay walang masamang epekto. Sa bawat
patunay na ito ay hindi delikado, mas madami ang sumusulpot na nagsasabing
ito ay delikado. Ang mga pag-aaral na lumalabas ay sapat na para patunayang
delikado nga ito. Pero gagamitin mo ba ang illegal na dorga para ma”high” ka
habangbuhay? Bakit hindi mo paniwalaan na ang droga ay wala naman sadyan
masamang epekto. Oo, marahil magulo at may mga positibo at negatibong
ebidensya pero ang totoong dahilan lang naman kung bakit ito nakakaadik at
nakakasira ng buhay ay ang sarap na naidudulot nito sa gumagamit. Lahat ng
masarap ay nakakaadik at kaya sila gumagamit kasi kailangan nila ito.

Gawing legal ang droga at mawawalan ng krimen. Marami ang nakukulong dahil
sa mga bagay na kaugnay ang pinagbabawal na droga. Kahit yung mga taong
nakulong dahil sa pagnanakaw at iba pa ay kaugnay pa din sa paggamit ng
droga. Gawing legal ito at mawawala ang krimen. Hindi kaya sugpuin ng apoy
ang kapwa apoy. Gumawa ng ibang paraan. Ang lohika sa kabila ng legalisasyon
nito ay terible at mahirap isagawa itong ‘reverse psychology’ na ito. Maikli
lang ang buhay ng tao at nais nala abutin ang estado kung saan di nila alam ang
buhay. Bilyun-bilyong bagay ang maaaring gawin, wala naman sigurong gustong
mabuhay na hindi ito nagagawa. Hayaang malaman ng tao ang sarili nilang
pagkakamali.
Tekstong Argumentatibo

Inlove or Not?

Mabigat. Mahirap ngunit kapag alam nating tayo ay tapat at seryoso, masasabi
nating masarap ang magmahal at ang mahalin. May mga pagkakataon sa ating buhay
na naranasan na nating magmahal at masaktan kapag tayo ay “inlove” sa isang tao.
Minsan pa nga’y kapag masyado tayong nasaktan o na-heartbroken ay halos isumpa
na natin ang mismong taong nanakit sa atin. Ngunit lagi nating tandaan na kapag
dumating ang panahong maranasan natin ang bagay na iyon, ito ay para sa ikabubuti
natin, plano ng Diyos dahil alam niya kung sino talaga ang nararapat sa pagmamahal
na ibinibigay natin. Madaling malaman kapag ang isang tao ay “inlove”, andyan ‘yong
tinutubuan ka ng madaming pimples dahil hindi ka matulog tuwing gabi dahil sa
kakaisip o baka naman kasi katext mo siya, ‘yong pakiramdam na nababanggit mo
‘yong pangalan niya kahit di mo naman siya kasama o kausap, napapangiti ka ng
walang dahilan kaya minsan napagkakamalan ka ng baliw o wala sa katinuan, ‘yong
pakiramdam na abot hanggang tainga ang ngiti mo kapag nababasa mo ‘yong pangalan
niya sa inbox mo at syempre ‘yong pakiramdam na nagkakatinginan kayo sa isa’t-isa,
kunwari ka pang lilihis ng tingin pero maya-maya ay sumusulyap ka ulit. Totoong
masarap ang mainlove sa isang tao lalo na kung alam mong may pagtingin din siya
sayo, sabi nga ng iba “Cloud999999” dahil pakiramdam mo daw ay nasa langit ka,
ngunit sa kabilang banda, mabigat ang kapalit nito kapag tayo naman ay nasaktan.
Iba-iba kasi ang pag-uugali ng tao, mayroong mga taong grabe kung magmahal, ‘yong
tipong sa iisang tao lang umiikot ang kanyang mundo, mayroon din namang ginagawa
lang laro ang pagmamahal, at mayroon din namang seryosohan at ginagawa lang
inspirasyon ang pagmamahal. Sabi nila, mas matindi daw mainlove ang mga lalaki
kaysa sa mga babae. Ang mga babae kasi pag nainlove ay halos tumalon na sa
sobrang kilig, hampas ng katabi, at “pabebe-effect” o parang sanggol kung umarte
samantalang ang mga lalaki naman daw ay tahimik lang pero grabe kung mainlove,
tuwang tuwa daw sila kaso ayaw nilang ipahalata baka daw kasi kung anong isipin ng
iba kung magsisitalon din sila. Ang pagkakaroon ng boyfriend/girlfriend ay hindi
naman masama basta’t alam natin ang limitasyon ng isa’t-isa. Sapat na ang isa
hanggang dalawang pagkikita sa isang linggo kung maaari at dapat kayo ay “legal” sa
inyong mga magulang. Lahat ng ito’y nagsisimula sa pagiging inlove natin sa isang tao,
‘yong tipong nagpapapansin tayo sa kanila kahit di man lang nila tayo napapansin
halimbawa na lang diyan iyong dadaan ka sa harap nila pero wala namang nangyayari,
nagpapaimpress kahit di naman sila naiimpress, at minsan, dahil baliktad na ang
mundo ngayon, babae na ang mismong lumalapit sa mga lalaki.

Hindi naman masama ang mainlove, sa katunayan pa nga, kapag tayo ay inlove ay
mas lalo tayong nagiging blooming at naiinspired gumawa ng mga magagandang bagay.
Lagi lang nating tandaan na lahat ng bagay ay may limitasyon. Pagdating sa
pagmamahal, dapat tanggap niyo ang isa’t-isa kung anumang pangit sa kanya ay dapat
tanggap mo kung totoong mahal mo siya .Sa pag-ibig, di mahalaga ang nakaraan kundi
ang kasalukuyan. Mas matimbang ang karanasan kaysa sa sakit na pinagdaanan. Ang
tanging magpapatatag dito ay kapatawaran at hindi ang pagsumbat sa kasalanan.
Tekstong Prosidyural

ANG PAGGAWA NG PAROL

Mga Kailangan:
> 10 patpat ng kawayan
- ¼ pulgada ang lapad at
- 10 pulgada ang haba
> 4 na patpat ng kawayan
- ¼ pulgada ang lapad at
- 3 ½ pulgada ang haba.
> papel de hapon o cellophane
> tali

Paraan ng Paggawa:

Unang Hakbang: Bumuo ng dalawang bituin gamit ang mga patpat ng


kawayan

Ikalawang Hakbang: Pagkabitin ang mga dulo ng kawayan gamit ang mga
inihandang tali.

Ikatlong Hakbang: Ilagay sa gitna ang pinagkabit na kawayan ang apat na


patpat ng kawayan para lumobo ang balangkas ng iyong parol.

Ikaapat na Hakbang: Balutin ng papel de hapon o cellophane ang balangkas


ng parol.Kung nais mong gumamit ng iba’t ibang kulay ay puwede. Maaari
mong gamitin ang pagiging malikhain mo dito.
Tekstong Prosidyural

PARAAN NG PAGLULUTO NG SINIGANG

Mga Sangkap:

Sibuyas
Kamatis
Sili na berde
Petchay
Gabi na malagkit
Karne ng baboy
Asin
Sampalok o Sinigang sa sampalok powder
Magic Sarap o iba pang pampalasa na nais mong ilagay

Depende sa dami ng iyong lulutuin ang mga sangkap:


Hiwain ang sibuyas, kamatis at karne ng baboy .
Balatan ang gabi at hiwain ng maliliit .

Paraan ng Pagluluto:

1. Ilagay ang karne, sibuyas at gabi sa isang kaserola para sa


pagpapalambot ng karne.
2. Lagyan din ng asin at magic sarap upang kumapit ang lasa sa karne ng
baboy.
3. Pakuluin ang karne,sibuyas at gabi hanggang ang karne ay lumambot.
4. Kapag ang gabi ay malambot na ligisin ito o durugin ang gabi upang
maging malapot ang sabaw ng iyong sinigang na baboy at siguraduhing
malambot na ang karne bago ilagay ang kamatis upang magkaroon ng kulay
ng iyong sinigang at asim.
5. Pag naluto na ang kamatis at malambot na ang karne maaari mo nang
ilagay ang petchay at sili na berbe .
6. Lutuin ang petchay nang hindi hilaw at hindi rin naman sobra sa luto
kapag nakuto na lahat ng sangkap ialagay na ang sampalok bilang asim nang
iyong niluluto.
7. Tikman ang iyong niluto upang matantya mo ang tamang lasa at maaari
mo na itong ihanda sa inyong hapag kainan.

You might also like